Thursday, December 31, 2009

Sa Pagtatapos ng Taon

Kawawa naman ang December ko. 3 lang ang posts ko...kaya dapat bongga 'tong post na'to.

Ano nga ba ang 2009 para kay Kikay? Ang 2009 ko ay panahon ng maraming pagbabago at pagpapatunay. Ang taong ito ay (syempre kelangan naka-lista):
  • taon ng pagiging taumbahay hehehehe. Sa bahay lang ako nagwo-work via oDesk. Kahit Talent Shout sa bahay lang namin naka-base.
  • taon ng paglago ng Talent Shout. Sobrang thankful ako sa mga taong todo-suporta pa rin sa Talent Shout, sa mga kliyenteng nagtiwala at sa mga staff na nakiisa
  • taon ng mga panibagong kaibigan na kahit hinde mo madalas nakakausap o nakikita e handang mag-alay ng kanilang pieces of advice (TY Doc Philip) at handang makinig.
  • taon ng panibagong lablayp
  • taon ng masaganang social layp
  • taon ng pagtulong at pagpapakabait

Kaya naman, bago matapos ang taon, nais kong pasalamatan ang mga sumusunod (medyo mahaba kaya kumuha ka na ng tubig at biskwit) na talaga namang nagpasaya ng 2009 ko:

  • Lovely (at nanunguna ka talaga) na unang naging kakulitan ko dito sa blogworld
  • Winkie na madalas kong kakwentuhan pag dating sa lablayp. Isa rin sa mga kokonting tao na una kong tinatakbuhan pag may problema ako.
  • Joycee na kahit na alam kong pagod from work e willing pa rin akong samahan na mag-breakfast at magchikahan kahit na parang pare-pareho lang ang kwento ko hehehehe
  • Azul na madalas kong kakulitan sa text. Salamat sa mga advice at sa pakikinig sa paulit-ulit kong kwento about sa lablayp (na naman?!)
  • Twin sis na kahit na nasa ibang e hinde nagsasawang makipagkulitan sa text. aylabsyu twin sis!
  • si Reesie na kahit na kelan lang kami naging close e palaging willing makipagkwentuhan tungkol sa kung ano-anong bagay.
  • Sandi na nagsisilbing inspirasyon ko na gumawa ng kabutihan hehehehe (napapaghalata ako)
  • Deejay, Jason, Human BS, Mr. Nonsense at Glenn na walang sawa akong pinapatawa sa kanilang mga post kahit na nade-depress ako.
  • ang aking CF na si Mon na kahit na hinde pa kami nagkikita e handang makipag-away para sa'kin (aym so tats!)
  • si AC na kasing baliw ko rin at kasing ingay ko pag dating sa usapang pag-ibig. Amishu! Sama ka ulit sa susunod na seminar :)
  • si Ax na walang sawa akong pinag-iisip sa mga blog post nya (mental calisthenics ba)
  • ang mga writers ko na sina John, Jacque, Mai, Lio, Binchee at Kang na sobra-sobrang napakalalaking tulong sa Talent Shout.
  • si Karl, si Doc Philip at ang mga iba ko pang officemates from Plasti na friend ko pa rin hanggang ngayon.
  • mga dati kong boss tulad nila Sir Mario, Sir Chito, Sir Butchie and the Silvoza clan, and Atty. Joan.
  • mga officemates ko sa Teleperformance na hinde nakakalimot hanggang ngayon tulad nila Maine, Erwin, Jackie, Grace, Reg, William, Buen, Celine, Kaye, Kiks, Marco, and Mel. Amishu all!
  • Syempre kaka-miss din mga techie boys ng Hyundai kahit na hinde ko sila masyado nakasalamuha nitong taon na 'to.

Panibagong taon, panibagong buhay. Nawa'y maging masaya ang bagong taon nyo. Kung wala man kayo sa list e pasenysa na, medyo may Alzheimer's ako (lusot ba?). Nawa'y magka-lablayp na ako ng matinong matino ngayong 2010 nyahahahaha

Thursday, December 24, 2009

God Jul!


Meri Krismas mga ka-blogkada! Here's wishing that your Christmas is filled with joy, laughter and love! Birthday ni Bro, ano ang regalo mo sa Kanya?

Tuesday, December 8, 2009

Bagong Buhay

Naawa naman ako sa blog ko. Hinde na naman updated. Wala tuloy mabasa yung (1...2...3...4...5... sabay bilang sa fingerlings) 2 kong readers. Kaya eto, naisipan kong mag-update. Sa totoo lang, masyado akong busy kaya hinde ako makapag-update ng blog. 'Lam mo na, lapit na Pasko. So ano ba nangyayari na sa mundo ni Kikay?

Well, ganun pa din. Pula pa rin ang hasang. Bwisit pa rin sa mga feeling close pero hinde naman talaga ako kilala (bago ka tamaan, unahan na kita. Hinde blogger). Masaya pa rin kahit tabinge ang lablayp at kulang pa rin sa dugo.

Consuelo de bobo ko na lang ay meron akong bagong "baby" hehehehe. Kaya lang 'tong bago kong baby e inuubos ang oras ko sa pagaayos...

so anong punto ng blog na'to?

Wala...gusto ko lang mag-update...

Bakit walang sense?

Sige, ikaw nga ang magtrabaho ng madaling araw pag hinde ka naman dalawin ng antok.

Monday, November 30, 2009

Words

Alam mo ang nakakainis pag masyado kang na-iisip? Naiisip mo pati mga bagay-bagay na nakaraan na tapos maiisip mo rin yung naramdaman mo dati. Tapos makikiayon pa sa'yo ang panahon at pag-bloghop mo, may mga kahindik-hindik kang bagay na makikita. At dahil sa hinde mo masabi nang matino at may kung anong pwersang pumipigil sa'yo, dadaanin ko na lang sa tula:

The words that you say today
Will spell your future's path
And any letter that you've put forward
Will make another soul react
And whatever hate you spill today
Will resonate even tomorrow
For the spite you have for another person
Ends not when both your tongues' have worn
And what you've written cannot be changed
Nor what you have said can be erased
For no man can ever forget
That hate that you have engaged

Hinde mo na-gets? Send ANO DAW to 2366 for Globe subscribers and 233 for Smart and Talk N' Text.

Saturday, November 28, 2009

I Believe...

I believe that:

  1. There is a God for it would take a Supreme Being to save me from that fatal accident in 2004
  2. There is magic during Christmas time because even the grouchiest person I know is all smiles during this time and, believe it or not, it has nothing to do with the receiving of gifts but with the GIVING.
  3. There are ghosts. Nakakakita ako e.
  4. There are angels for no wind can carry me nor my nephew safely to the ground tuwing mahuhulog kami sa kama.
  5. Man is essentially good except when you take away his most precious and most revered possession.
  6. True financial freedom defined as being free from any worries about what you have to pay and where you have to get your next pamasahe or pangkain is a hoax. You only stop worrying about money when you are dead. However, proper financial management is something that everyone should do.
  7. Hinde lahat ng may business ay mayaman. Minsan, palagi kang breakeven lang lalo na't nagsisimula ka lang.
  8. Lack of jobs is not our country's most pressing problem. We have lots of jobs. The problem lies in finding people qualified. Ergo, what we need is quality education.
  9. You should not use poverty as an excuse para magbenta ng laman. There are other ways to earn money without losing your dignity.
  10. The things you do today would have an impact on your tomorrow so make sure that you plan and live your life well.
  11. When all else fail, a prayer uttered from the heart can save your day.
  12. What you have, you hone it and you share it. Remember the parable of the talents? God did not give you a strong mind to keep to yourself. E di sana ginawa ka na lang nyang halaman?!
  13. Everything...EVERYTHING...happens for a reason. It might not be apparent now but soon you would realize what the reason is.
  14. The people that make up the Church are sinners since they are also human (Read: priests, popes, ministers, etc.) but that doesn't mean that the Church is based on lies. Analogy: Just because a teacher raped a student doesn't mean that all teachers are rapists and that the whole concept of education is all about sex and violence.
  15. You CANNOT please everybody. If you want to please everybody and be friends with everybody, you have to do some thinking. Uhm, baka nawawalan ka na ng sarili mong uniqueness at nakiki-ride ka na lang sa lahat ng tao. Soon, you'd find yourself being pushed aside.
  16. You CANNOT have someone forgive AND forget what you've done. God gave us the ability to hold memories so that we could learn from our mistakes - both your and the person you have offended. Whether that learning is about letting go of someone or accepting the other's shortcomings is something that you have to figure out.

Rhona po para sa pagka-Pangulo So bakit ako naglista nyan? At banal-banalan pa?! Baliw kasi 'tong si Father Anthony at si Bro at si Santino. Paiyakin daw ba ako?! Akala ko patay na si Father Anthony....sakit tuloy ng mata ko ngayon.

Thursday, November 26, 2009

The Maguindanao Massacre - Update


I was supposed to make a post about ten movies I keep watching over and over and what I have learned from them. Unfortunately, I can't because right now, I am so seething with anger after what happened in Maguindanao.
Call me crazy but yeah, I take things like these very seriously to the point that I dream about it/ them whenever I go to sleep.
The pictures that came with the news shouldn't shock me as I am used to seeing dead, decapitated, lasug-lasog bodies courtesy of Documenting Reality, but it did. The brutality by which the killings were done was something that I thought could never happen here in the Philippines. One of the victims had her private parts slashed a number of times and then a bullet was fired through it. The breasts were shot, the feet cut off. They also shot her through the mouth. This victim was Vice Mayor Mangudadatu's wife.
There were also reports that some of the women were raped. Aside from that, a convoy of NGOs that happened to pass by that area (and had no links to the Mangudadatu's) were also killed.
What happened in Maguindanao and how fast they could deal with it will definitely have an impact on the present administration's image (including Gibo's image since he if the admin's standard bearer). Yun nga lang, I'm afraid that they would just seek for a fall guy just so they could show to the world that they were doing something.
57 dead bodies, a backhoe bearing Ampatuan's name, suspicious characters asking the front desk of a hotel the names of the journalists, Mangudadatu's wife last call specifically pointing to Ampatuan's involvement...I am not sure what else to think but these circumstantial evidences may already be enough to at least invite the Ampatuan's for questioning.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
...and will someone please tell Inquirer.net that the Globe pop-up advertisement in their site sucks? It is very irritating! I'm reading an article and then suddenly you have those Globe ads blocking the news article for 10 seconds. It might seem to be a short time but 10 seconds is still 10 seconds. Don't these guys know that the fastest way to lose a reader online is to have pop-up ads?
Update:
  1. Ampatuan blames the MILF for the massacre. Unfortunately, it was Mangadadatu's wife who positively identified him as the perpetrator during a phone call to her husband before she got killed.
  2. I saw a blog that somehow corrected some misconceptions about the killing. However, I do believe that this massacre is considered to be horrendous not because of the number of journalists that got killed but because of the number of INNOCENT PEOPLE who got killed, regardless whether they are journalists or women or drivers, over a short period of time. This massacre has NOTHING to do with religion.

Sunday, November 22, 2009

Last

Last emo/rant post na...

...sa-shut up muna ako para mag-isip pano ang tamang paraan sa pagkatay ng tao

....mahirap ipaliwanag...sabihin na lang natin na bumabalik na naman pagiging man-hater ko. Oo, dati na akong man-hater. Hinde lang halata, pero yung iilang ka-close ko talaga, alam nila yun. Wak mag-alala, hinde naman ako nangangagat. Sa mga sandaling ito gusto kong ipa-kulam ang sambayanang kalalakihan. Mahabang istorya.

Bakit nga ba?

Bakit nga ba may mga lalaking malalantod? May gf na maghahanap pa ng iba? Wala raw gusto pero nanghaharot? Bakit nga ba may mga lalakeng sinungaling? Buking mo na, lulusot pa. Ano naman akala nyo sa mga babae, tanga? E kung sa nanay nyo nga hinde kayo makalusot e. Bakit nga ba may mga lalakeng wala nang inatupag kundi ipahiya yung mga babae sa paligid nila? Close ba tayo at kilala mo ba akong maige para ipahiya mo ako? Hinde dahil minsan akong nagka-crush sa'yo, alam mo na ang takbo ng buhay ko. Bakit nga ba may mga lalakeng ang utak e nasa pagitan ng binti nila? Bakit may mga lalakeng hinde marunong magpahalaga? Yung nahihirapan dahil sa kanila, hinde nila pinapansin. Pero pag naipit naman sila, pag nangangailangan, dun sila unang tumatakbo. Kumusta naman yun?!

...grrrr...o tigilan mo ako sa "Let go" at "intindihin" portion. Sa sobrang pagintindi ko sa ibang tao pwede ko nang kalabanin si Mother Theresa. Panay na lang intindi pero pag ako naman, hinde maintindihan. And don't tell to let go. Hinde mo alam ang puno't dulo, okay?

Hayyyy.....high blood, kumukulot ang na-rebond na buhok...naniningkit ang mata...nagsasalubong ang kilay

PS

Magtino sa pagco-comment at nasa WWIII mode ako

Saturday, November 21, 2009

FaceBook Status Updates

If you want to see the original post, go to: http://www.collegehumor.com/article:1794521


Hinde mo na-gets? Andyan si Pareng Google. Basta ako, natawa ako.

Wednesday, November 18, 2009

Kikay Goes...Errr....Highblood?

Kung madalas ka dito, alam mong nagdo-double post lang ako pag mainit ang ulo ko.

Pacquiao won. I know. I wasn't interested actually in watching it but, what can I do? Facebook was filled with updates that watching it would seem ridiculous (for me, at least). I swore I would not write about Pacquiao anymore. Yeah, he's one of the best boxers (I still stand by what I believe in, he's not the only one and he's not a great athlete. There's a difference.) but the last time I wrote about him, his rabid fans never got past the title and started commenting about how they pity me because I'm not Filipino enough to appreciate what Pacquiao has done for the country.

Me? Not Filipino enough? If you only knew what my middle name and my lolo's middle name signify!

I'm not a Pacquiao fan, so sue me but that doesn't mean I don't acknowledge the passion in him and the brains that he and his coach has got for coming up with a good fight plan that has enabled him to win 7 titles in 7 different divisions.

Just a while ago I read something about what we will do when Pacquiao retires. I personally believe that somewhere along the way, someone will rise to the challenge and be more than what Pacquiao could be. The problem lies in whether the Philippine government would show support. As it is, I'm not entirely sure if Pacquiao's rise to fame was brought about by government support. What I do know is that Pacquiao and his manager, his coach, the people who handle his fights are not really from the government; which makes me wonder if Onyok Velasco or some other boxer would have reached the same heights as Pacquiao did if Freddie Roach was their coach.

Back to the topic:

The article was quite well-written. It even ended with a line about how the Pacquiao-Cotto fight and Pacquiao's success in winning 7 titles were stuff that you could pass down to your grandchildren with much pride. What I find appalling was how some people reacted to what was a seemingly innocent comment:


TM said that the Pacquiao-Cotto fight was a no-brainer since (as I understand it) Cotto was already sluggish from all of the dieting he has to do just to go down to Pacquiao's weight.

Now, I don't know about you but since when is voicing your opinion a basis for calling someone "stupid" and "ulol"? Since when is voicing an opinion tantamount to being an over-rated Filipino? Why the need to gang up on him? Why the need to call him a cry baby? Why the need to say that he has no brains? It might be a no-brainer fight for him because, in truth, Cotto, just like Morales, was actually slowed down by weight lost. Now, if you're going to counter that, at least give an objective answer and not resort to just calling someone stupid.

Okay?

Tuesday, November 17, 2009

Rhona-isms # 5

There is no such thing in this world that is pure evil or pure goodness. All things are created with dual nature. There is light, there is darkness. There is sweetness, there is bitterness. There is pain, there is joy. Oftentimes, what gives something a definition is your own perception of it. The glass maybe half-empty for you but for me, it is full.
what do you think?
...errr....buhay pa ako

Thursday, November 12, 2009

Busy Bee

Maaaring nagtataka ka bakit napakadalang ko nang mag-post. Pasensya naman, medyo marami akong kinakatuwaan ngayon (bukod kay Iffy the iPhone and Tres the Treo). Una sa lahat ay ang pag-aayos ng mga web site:




Ehem! Bago mo pa maisip na ako ang nag-design nyan from scratch, inuunahan na kita. Templates lang ang ginamit ko tapos binutingting (at binubutingting) ko na lang yan para magkaron ng sariling identity. Mahirap din yun ha?! Kelangan may background ka sa HTML, PHP at ABC (ay slow, hinde na-gets! bwahahahahaha)

Bukod dyan, uhm, busy din po kasi ako kay pareng oDesk at kay parent Talent Shout Clients kaya naman yung natitira kong RBC e nag-walk out na. Try mo akong i-text ng ala-3 ng madaling araw, sasagot pa rin ako kasi dilat na dilat pa ako ng mga sandaling yun.

Busy din pala ako sa aking mga ka-weirduhan. Kung dati-rati sa The Thanatos lang ako naglalagi, ngayon may mas weird pa akong pinupuntahan - Documenting Reality: Faces of Death. Ooopppsss...walang link. Bakit? Masyado syang gross na baka sampahan nyo ako ng demanda pag nilagay ko link. I-Google nyo na lang if nais nyo pa rin syang marating. Gano ka-gross kamo? Pictures yan ng mga nasagasaan, napatay, na-rape, nasabugan ng bomba, etc. ACTUAL PICTURES. Nasa ka-weirduhan na rin naman ako, uhm, sinong gustong sumama sa'kin na mang-hunting ng libingan (preferably male, tall, dark and handsome nyahahahaha)? Hinde na kasi updated yung isa kong blog at yung aking kinakaladkad para sa mga ganong eksena e uber busy din kaya hinde ako masamahan. On sekontot, busy din nga pala ako. Nyemas!

Segue: Dapat pala nung undas ko pinost ito

At syempre, busy din ako sa pagpapataas ng level sa Mafia Wars. Sa mga neighbors ko sa Farmville, I'm back (with vengeance)! Naka-level up na ulit ako kagabi at natanggal ko na ang aking mga withered pananim. Sa mga kasosyo ko sa Cafe World, next time ko na aayusin yan (pati na rin sa Barn Buddy).

Weno ngayon sa'yo kung ito pinagkakaabalahan ko? Wala lang, gusto ko lang updated ka. Wapakels ka? O e ba't ka andito? (Ay nagtataray!) Jokeness! Wala lang talaga akong mai-blog hehehehehe

Monday, November 9, 2009

Malamig Ang Simoy Ng Hangin

Yep, it's definitely beginning to look a lot like Christmas. Nagkalat na ang Christmas lights sa Quiapo at malapit na rin magliyab sa tindi ng ilaw ang ilan sa mga kapitbahay namin, yung tipo bang hinde mo na kelangang pumunta ng Star City kasi sa kanila pa lang, mabubulag ka na sa dami ng ilaw.

Masayang malungkot na naman ang Paskong 'to. Masaya kasi may reason na naman ako para gumastos (kaya pakabait kayo nyahahahahaha). Malungkot kasi pangalawang Pasko namin ito na wala na ang pinakamamahal kong lolo. Ang masaklap pa, hinde ko na kasi sya napapanaginipan. Hayyyy.....tahimik na nga sya talaga.

Kung nung huling Pasko e marami akong sama ng loob, ngayon panay saya. Hinde ko akalaing sa pagbo-blog ko pala mahahanap yung peace of mind at trustworthy friends na matagal ko nang hinahanap. Sino bang magaakala na yung mga simpleng batuhan pala namin ng comments e magiging daan para sa isang kakatuwang pagkakaibigan? Alam kong alam nyo kung sino kayo, salamat. Shekisprens, EB prens, prenli pren - aylabshuol!

So bakit ako nagda-drama?

Nope, hinde pa ako mamatay bukas. Nagpaparamdam lang ako para saka-sakaling nagpe-prepare na kayo ng Christmas gifts e hinde nyo ako makalimutan bwahahahahaahahah

Friday, November 6, 2009

1 Year Na Ako

Tingnan mo nga naman yan! Ambilis ng panahon. Hinde ko akalaing naka-isang taon na rin pala ako sa aking sideline. Oo, bukod sa Talent Shout, ako po ay isang dakilang international julalay ng mga puti. Ako ang kanilang taga-blog, taga-gawa ng articles, taga-comment sa ibang blog, taga-encode, taga-edit, taga-rewrite, taga-sagot ng email, taga-ayos ng site, taga-research, at kung ano pang marangal na "taga" na maiisip nyo. Lahat ng ito ay dahil sa oDesk (i-click mo ang link kung nais moring kumita ng malaki).

Nang magsimula ako sa oDesk, tatanga-tanga pa ako hinde ko naisip na magiging pangmatagalan ito. Medyo lost ang utak ko kasi noon e. Hinde ko malaman kung maghahara-kiri na ba ako, pupunta ng Oman, magbi-business o papakasalan si John Lloyd. Jokeness!



Eshuli kaya lang naman ako napa-oDesk kasi namatay ang lolo ko. Hinde naman kami naghihirap noon kaya lang wala kasi akong mapaglibangan habang nagbabantay sa kanya (baka kasi tumayo sya bigla at layasan kami...joke lang 'Tay! Wag mo kong mumultuhin). Kakasearch ko ng kuna ano-ano (walang kasamang porn), napadpad ako sa oDesk. Syempre hinde agad ako kumagat. Mahirap na noh?! Baka magpagod ako para sa wala. Akalain mong sangkatutak na Pinoy na pala ang naka-sign up doon?! E di syempre go na rin ang lola nyo.

And the rest, as they say, is history.

Ngayon, hinde na ako masyadong pagod, hawak ko ang oras ko at pwede akong maglakwatsa anytime eto ang dahilan kung bakit hinde ako maka-blog madalas at pati ang niluluto ko sa Cafe World at mga pananim ko sa FarmVille e wala na. Nyemas! Ahek! Joke lang! Enjoy pa rin naman. Madami akong nakilalang clients na ngayon e kliyente na rin ng Talent Shout.

Haaayyyy...tingnan mo nga yan, ambilis talaga ng panahon.

Monday, November 2, 2009

Lost

Hinde ko maintindihan bakit:
  1. Sunod-sunod ang bagyo sa Pilipinas? Signos na ba ito? Kelangan ko na ba talaga mag-asawa?
  2. Mahilig ang mga lalake sa malalaki ang boobs? Magkano ba palaki ng boobs kay Calayan?
  3. Lahat ng nagte-text sa'kin para mag-inquire sa Talent Shout e "Sir" ang bungad?
  4. Hinde naga-update ang blogroll ko? E lahat pa man din yun updated?
Alam mo ba ang sagot?

PS:

Dahil nga hinde naga-update ang nyemas na blogroll, nais ko sana kayong imbitahan sa aking alternate world:

http://blog.talent-shout.com/
http://mijasinc.blogspot.com/
http://flauntonfashion.wordpress.com/
http://www.essentialfeelgoodsblog.com/

Friday, October 30, 2009

Rhona-isms #4

If today is the last day of your life, how would you spend it? Would you do things differently?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ako, hinde

Monday, October 26, 2009

My Soliloquy

Alam mo yung kantang "On The Side of Me"?

Minsan may mga katangahan tayong ginagawa na, during the time na ginawa natin yun e, hinde sya mukhang katangahan. As the song says, "the skeletons in my closets are too big to hide". Pero wala naman yun sa dami ng sikreto mo sa buhay e. Nandun yun sa kung pano ka natututo sa mga pagkakamali mo. Lahat naman tayo may sikreto e.

Mahirap lang pag wala kang mahahawakan, pag wala kang kakampi.

Sa buhay ko, madalas sabihin sa'kin ng mga lablayp ko na kakampi ko sila. Pero, sa totoo lang, konti lang sa kanila ang talagang kakampi ko. Karamihan sa kanila, pag nagkaipitan na, ako ang sinisisi. Kesyo masyado akong demanding, kesyo masyado akong dependent, kesyo masyado akong madrama.

Kahit sa mga kaibigan ko, konti lang talaga ang masasabi kong kakampi at alam kong hinde ako iiwan sa ere.

Importante sa'kin ang malamang may kakampi ako kaso sanay ako na mag-isa lang ako. Sa totoo lang, wala akong tiwala sa ibang tao, except pag pinakita mo talaga na mapapagkatiwalaan ka. Weird na kung weird. Ganun ako. Pero hinde naman ako nangangagat hehehehe

So anong punto ko?

Sa sobrang kakatingin ko sa mga taong akala ko mapapagkatiwalaan ko, hinde ko napansin yung isang tao na noon pa man e uber suporta na sa'kin - mula nang pumasok ako sa Plastilens hanggang sa ngayon na meron na akong sariling business.

Hinde sya special, hinde mataas ang posisyon nya, hinde sya mayaman. Pero sa lahat ng kawalan nyang yun, isa sya sa mga iilang taong nakilala ko na hinde kiss-and-tell. Tinago nya lahat ng sikreto ko. Pinakinggan nya ako kahit na minsan paulit-ulit lang ako. Sinabihan nya ako kung ano ang tama at kung ano ang mali pero hinde nya ako pinilit na sundin sya. Hinde sya nakinig sa mga tsismis tungkol sa'kin at hinde rin sya nag-ambag ng sarili nyang version sa mga chismis.

Noon pa man nagpaparinig na sya. Pero hanggang pahaging lang, na type nya ako, na gusto nya ako, na mahal nya ako. Pero hinde ko yun pinapansin. Kasi naman, sa binait-bait nya e babaero ang tingin ng nakararami sa kanya. At babaero sya talaga kahit na torpe sya. Naka-ilang gf din sya.

...at ngayon ko lang naaappreciate ang pagiging isang tunay nyang kaibigan....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
mukhang may papalit na kay Wolverine, Jr at Acorn..
..tsk... tsk... you never learn!

Friday, October 23, 2009

Besame Mucho

Sabi nya ako lang daw ang mahal nya...
Sabi nya ako daw ang gusto nyang makasama habang buhay...
Sabi nya after five years daw may sarili na kaming pamilya...
Sabi nya stick to one lang daw sya at ako daw yung stick "one"...
Sabi nya ako daw ang nagpapasaya sa kanya...
Sabi nya ako daw ang gusto nyang pakasalan...
Sabi nya mahal daw nya ako...
Sabi nya kakampi ko daw sya kahit anong mangyari...




Sabi lang pala nya yun...at ang maniwala sa sabi-sabi e walang tiwala sa sarili...kaya ngayon, aalis na ako...paalam....nawa'y maging masaya ka na...nawa'y wag mong pagdaanan ang lahat ng ginawa mo sa'kin






- Drama ng nagiinarteng Nokia E65 dahil pinalitan na ng iPhone
For sale na sya, Php 7,500 kasama pati box at lahat ng kalandian nya
Kala mo emo na naman no?!
Wala na...patay na kaya si Acorn

Wednesday, October 21, 2009

Happiness!

Mababaw lang kasiyahan ko...'sing babaw ng luha ni Judy Ann Santos. Sa totoo lang, sa sobrang saya ko, hinde ko malaman pa'no ako magba-blog. Hinde ko kasi alam kung ano ang right words para i-express ang nararamdaman ko kaya ganito na lang:



Sunday, October 18, 2009

Sorry, I'm Late

Tsk! Oo na, tinangay ako...tinangay ako ng sangkatutak na articles.


Pwede ko bang sabunutan ni Lauren T. Dyogi? Kasi naman, kung hinda dahil sa PBB e di sana lahat ng writers ko maximum eyport....kaso nanood sila ng PBB. Resulta? Ako ang tumatapos ngayon ng articles...Oo, hinde pa ako tapos huhuhu


Dumaan lang ako dito ngayon upang ipaalam na:


  • buhay pa ako
  • busy lang
  • nababasa ko comments nyo pero maya na ako comment
  • kelangan ko na ng red blood cells
  • walang nanalo sa kontes

Ang orginal ko kasing tanong para sa kontes ay:

  • Mabilis ba ang mga mata nyo?
  • Malakas ba ang loob nyo?

Dahil, ang mananalo ng kontes dapay ay yung makakapagsabi sa'kin na, "Oy loka! May 'r' yung 'heto' mo dun sa naunang post!"

Pero clap clap clap pa rin kayo...gegeleng ng mga naisip nyo hehehehe

Thursday, October 15, 2009

Da Eksperimenteyshun Kontes

Nitong nagdaang araw ay may ginawa akong kalokohan. Nag-eksperiment ako. Gusto ko kasing malaman kung:
  1. Mabilis ba ?
  2. Malakas ba ?

At dahil kelangan ng informed consent palagi, gagawin ko na lang syang pa-contest. $5.00 thru PayPal sa taong makakahula ng kung ano yung experiment ko.

Hint: Backread ka

Tuesday, October 13, 2009

Herto Na....Heto Na....Heto Na....Waaaaaahhhhhh

Inggitera ako. Dahil sa madami nang naglalabasang Christmas wishlist, may I gaya na ako. Bakit? Para makapag-ipon kayo hehehehe. Jokeness, baka may mag-seryoso. Pwede rin naman kay mag-"regalo" sa'kin ng US$1 per day. Hayaan nyo, sa bawat US$1 na ibibigay nyo, US$.25 ang para sa biktima ni Ondoy at ni Pepeng (na hinde ko pa rin maintindihan kung bakit "Pepeng". Hinde ba't mas magandang pakinggang ang "Peping"?). Promise yan...Papadalan ko pa kayo ng pekshurs as evidence. Syempre yung US$ 0.75 e para sa kape ko at sa pagme-maintain ng...ng...ng....uhm....pambili ko ng okay sa alright na camera na pangkuha ng picture nung ebidens hehehehehe

Here it goes:
  1. iPhone 3GS. Please mga bathala ng Globe. I-approve nyo na ang renewal ng line ko under sa iPhone plan nyo. Promise, magdededicate ako ng 3 blog posts (2 back links each) para sa'nyo pag in-approve nyo.
  2. External Hard Drive. Tutal lahat ng kalalakihang kilala ko e ayaw bilin ang leffteff ko dahil hot fenk ang kulur nya kaya makikiusap na lang akong regaluhan nyo ako ng external hard drive. Yung mga prenli prens dyan, pwede kayo maghati-hati na para sa regalo ko hehehehehe
  3. Dinner sa Grappa's. (Sushal!)
  4. Skinny Jeans...dahil tamad akong bumili hehehehe...size 27 po ako :)
  5. iPod Classic para naman pag naghihintay ako sa mga ka-meet ko e hinde ako maburyong.
  6. Bonggang bonggang opisina para sa Talent Shout (seryoso,kung may alam kayo na within 8k to 10k ang rent, pakisabihan ako sa lalong madaling panahon. Preferably within Las Piñas or Makati area...pwede ring Manila)
  7. Tumatanggap din po ako ng second hand laptops and computers na pwedeng hulugan. Kelangan lang para sa Talent Shout. Op chors, kelangan mauna muna yung opis bago yung lefftevs and desktops
  8. Matitinong writers. Yung tipo bang hinde na ako mage-edit :)
  9. Matitinong online training facilitators para sa bagong service na io-offer ng Talent Shout
  10. Isang linggong pahinga kasi uber pula na ng mata ko. Para na akong may permanent sore eyes
  11. World Peace...ang taray di ba?!

Ikaw, ano ang nasa Christmas wishlist mo?

PS:

Bisita naman kayo dito at mag-iwan ng bakas:

http://blog.talent-shout.com

http://flauntonfashion.wordpress.com

http://essentalskincare.wordpress.com

http://essentialfeelgoods.wordpress.com

http://mijasinc.blogspot.com

Friday, October 9, 2009

Moving On...Moving Forward....Moving Mountains

Ma-react akong tao, I swear, so isang nakaka-high blood na gawain para sa'kin ang mag-blog hop at surf ng web kasi pag may nakikita akong nakakainis, naha-high blood agad ako.

Don't tell me to move on
I am still hurting
Whatever I am carrying
It's a burden you haven't seen

Don't tell me to forgive
Your daughter's life was not the one taken
My precious memories with her would never be enough
So stop telling me to just surrender

Don't ask me to forget
You haven't walked my way
Whatever I had gone through
Was only mine to suffer

You are not me
I am definitely not you
So don't ask me to see
The same hues as you do

Your experience is yours alone
As my life is mine alone
I may be witness to the same rising of the sun
But you are not me and I am not you

I believe there is a God
But such does not change the fact
That I lost a person I love
And you haven't walked that path

Grrrr.....

Wednesday, October 7, 2009

Pepeng Lumalaki Habang Pumapasok ng Maynila at ang Blogger's Choice Award

Linggo noon at naghahabol ako ng articles. Loko kasi itong si Ondoy, inilubog sa baha ang kagamitan ng 3 kong writers. Oo, kasama pati ang kanilang freyshus leffteff. So, no choice si ako, ako ang gagawa ng articles.

Eto na, nagsimula na namang dumilim...tsk, nagbabadya na si Pepeng. Sa totoo lang, abot-abot ang kaba ko. Pa'no ba naman, sabi ni Michael Fajatin, lumalaki na daw si Pepeng habang pumapasok ng Pinas.

....nang biglang, mula sa kapitbahay namin may humirit ng "And now the end is near and so I face the final curtain"

....kumidlat! Kala ko tatamaan na sya. Di ba lahat ng kumakanta noon namamatay? Siguro malakas syang manalangin sa bathala ng mga bagyo kaya hinde sya tinamaan ng kidlat. Tsk, sayang!

Alam mo yung Fujiwara effect, ayun, kapitbahay namin ang dahilan kung bakit naghihilahan ngayon si Pepeng at si Melor. Tsk! Kung bakit naman kasi naisipan pa nilang mag-videoke kung kelan nabagyo e. Kung susugurin sya ng mga nasalanta ng bagyo sa Northern Philippines, hinde ko sila pipigilan. Sakit sa tenga e!

Hay! Kaya bilang pampakalma, punta na lang tayo sa Philippine Blog Awards. Wahehehehe talo ako! Hinde nyo makikita ang aking shining, shimmering splendor. Jusme naman kasi, kabibigat ng mga kalaban ko (at talagang umasa ako!). In any case, Iwill vote for my friendly friend. Sino pa nga ba e di syempre si Diego at si Jose ng Good Times Manila (uhm, si Jose ang kaibigan ko, hinde si Diego). Nawa'y manalo nga sya....o sya sama na rin natin si Jose...Siamese naman sila e.

O di ba, hanep ako sa segue? Kasi naman wala pa ako sa matinong pag-iisip, bukod sa namimingi pa ako dahil sa kapitbahay namin. Tapos nakatanggap pa ako ng balita na namantay si Lauren Smith sa CSI. FTW (Fwet Talaga Wo!)!

Saturday, October 3, 2009

An Open Letter To Mr. Nasalanta

Dear Mr. Nasalanta,

Kami ay nakikiramay sa iyong dinaranas ngayon. Sa totoo lang, kung pwede lang namin ibigay pati ang damit na suot-suot namin, ginawa na namin. Syempre hinde pwede dahil baka maging bato ka pag nakita mo ako nakahubad.

(Wan mor taym!) Sa totoo lang, abot-abot din ang kaba namin dahil sa isa ang pamilya ng tito ko ang hanggang ngayon ay nasa evacuation center pa. Lahat ng naipundar nya ay nawala sa isang iglap kaya napakasakit din para sa'min ang nangyari sa'nyo. Mas masakit pa everytime na may nababalitaan kaming namatay - tao man o hayop (animal lover kasi ang sister ko).

Pero...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Jusme naman! Kelangan ba talagang butasan pa ang gulong ng mga nag-volunteer naming kaibigan dahil lang sa hinde kayo binigyan ng isa pang bag ng relief goods?!

Thursday, October 1, 2009

Kwentong Ondoy Ni Kikay

Oo, buhay pa ako. Sa mga kaaway ko, sorry na lang kayo hehehehe. Kay "Jacque Bermejo", sorry naman, makasalanan ako pero mukhang mali yung theory mo na bumaha dahil sa mga makasalanan.

Kumusta naman, kinabahan ako ng todo-todo nung kasagsagan ni Ondoy. Bakit kamo? In a span of 5 minutes, water rose to more than a foot in our place. Buti na lang hinde pumasok sa bahay namin. Unfortunately, the same cannot be said for our neighbors as well as for the establishments near Zapote Junction as well as those near Tuazon Subdivision (J. Rizal St.). Sa may Zapote Junction, water rose to about 7 feet according to one tambay. Sa may J. Rizal naman, water rose to more than 4 feet. My sister-in-law almost drowned sa area na yun kasi pauwi na sila nung pamangkin nya. Hinde nya inakalang ganun na kataas ng tubig at ganun kalakas yung current. Fortunately, tsinelas lang ang nawala nya (masama nga lang ang loob nya kasi Havaianas tapos hinde pa sa kanya hehehehehe). Basag ang pinto ng Mercury pati window nung isang barber shop sa sobrang lakas ng current. Nakakatakot talaga. Partida, kinakabahan na ako e wala naman ako sa Marikina or Rizal.

Maswerte kami dahil kuryente lang ang nawala sa'min. Maswerte din kami na madaling bumaba yung baha. By 3 am ng linggo, wala ni katiting na tubig sa subdivision namin (Bro, salamat po). Kapalit naman nun, para sa'kin, ay ang libo-libong kaba para sa mga kaibigan ko at kamag-anak na hinde sumasagot sa text ko.

Pero alam mo kung ano ang nakakatuwa? First time kasi makakita ng pamangkin ko nga ganoon kataas na baha. Tuwang tuwa sya, gusto nya aw mag-"twimming". Alam mo kung ano pa mas nakakatuwa?
  1. Muelmer Magallanes. Parang hinde sapat ang kahit na anumang salita para ipahiwatig kung gano ako ka-bow sa kanya. Hinde biro ang suungin ang rumaragasang baha gayong mas madaling i-save mo na lang ang sarili mo. Kung nasaan ka man ngayon, salamat!
  2. Gerlad Anderson - okay, lab na kita kahit na parang palagi kang galit sa Tayong Tatlo este Tayong Dalawa. Artista ka, pwede kang mag-inarte at manghablot na lang ng naval boat para i-save ang sarili mo at pamilya mo pero mas naisip mong i-check if kelangan ng mga kapitbahay mo ng tulong.
  3. Manuel Quezon III - Kung hinde sa walang patumangga mong updates via twitter, FB at kung anik-anik pang social sites, malamang hinde makakarating sa mas maraming tao ang kalagayan ng mga nasa Marikina, Cainta, etc.
  4. Definitely Filipino - isa pa kayo, tulad nang nasa taas, salamat sa every minute na feedback.
  5. Mga Facebookers na tumigil sandali sa pagha-harvest at pakikipag-away sa ibang Mafia Family upang mag-retwit, re-post at kung anik-anik pa, ng mga pangyayari.
  6. Mga indibidwal at grupo ng indibidwal na hinde na nag-antay ng "go" signal at kusa nang nag-volunteer ng kanilang serbisyo para makatulong.
  7. Mga libo-libong Filipino na hinde man mapangalanan pero isinakripisyo ang kung anumang meron sila para lang sa mga taong nangangailangan (oo, kasama dyan pati yung mga nagdasal)
  8. Sa mga kumpanya na talaga naman pong nag-extend hinde lang ng tulong kundi pati na rin pang-unawa sa mga nasalanta (mahirap mawalan ng bahay).
  9. AylabyuoDesk! Dahil alam nyong mahihirapan kaming magemail kaya kayo na ang nakipag-usap sa mga buyers para sa'min. Tenjewberrymud!

Pero syempre, pag may good...may bad. Naiinis ako sa mga:

  1. Looters! Pwede ba?! E kung lunurin ko kaya kayo?!
  2. Mga walang puso. Pwede ba, malamang hinde makakapasok kalahati ng work force nyo pero wag nyo naman silang parusahan pa lalo. Hinde naman po nila ginusto na malubog sa putik ang lahat ng kanilang gamit.
  3. Wan more taym! Mga walang puso! Mag-ambag ka naman kahit prayers lang...kahit simpleng twit or plurk nga lang pwede na e.
  4. Mga reklamo ng reklamo. Yun bang tipong binigyan na nga ng relief goods e nagrereklamo pa na hinde raw sila kumakain ng sardinas or noodles. Jusme?! E kung palitan ko kaya ng putik yan?!

Ikaw, ano ang kwentong Ondoy mo?

Monday, September 28, 2009

The Perfect Storm - Lending A Helping Hand

The term "perfect storm" has come to denote an event "where a rare combination of circumstances will aggravate a situation drastically" as well as " hypothetical hurricane that happens to hit at a region’s most vulnerable area, resulting in the worst possible damage by a hurricane of its magnitude" (Wikipedia).

Ondoy is all that.

Various reasons have been offered for the sudden floods - from the simplistic the-water-has-nowhere-to-go to the complicated global warming and greenhouse effect. But one thing I'm certain about is that Ondoy has brought out the best in Pinoy.

For those who would like to offer help, here are some drop-off points as well as tips on what you could do:

1. Kapuso Foundation - GMA Network Center, Quezon City. Call 932777

2. ABS -CBN Foundation - Call 924-4101 loc 3765 for details. Goods can be accepted in #13 Examiner St. center. Or call 4110846, 371071, 4132667

3. La Salle Greenhills- Gate 3, Just register at the front door. You > can park inside the school compound.

4. Assumption College San Lorenzo- Call Aimee Zenith at 817 0757 or 8943603

5. Vincentian Social Ministry Development Foundation. Call Fr. Sarabia at 09177007821 or contact Grmbulan at 0922807824 or 456-3015

6. Jesus Loves the Children Foundation, 19A Esguerra cor Caruncho St. Pinagbuhatan Pasig City. Call 6403405. Pastor Rachel Sanchez

7. Red Cross: To donate text RED (space) AND SEND TO 2899 for Globe and 4483 for Smart Users.

8. Noynoy - Mar relief operation c/o Gaita Fores, Louie Locsin, Monique Villonco. Pick up point ( starts 6AM Sept 29, Tuesday until midnight of Thursday) is at WHITESPACE, 2314 Pasong Tamo Extn., Makati. They accept water, usable clothes, sturdy sando bags or medium-size trash bags, biscuits, groceries.

9. Some volunteers need your help also. If you can spare some time and money to buy them packed food, they can be found at Ever Gotesco Mall along F. Ortigas Ave., Ext. going to Cainta. You may get in touch with Col. Roland Rodil at 0917-5264797 or 0920 9031511 or Jhun del Ponso at 0917 8035699.

10. Tweet or plurk or re-blog this post. Let it reach as much people as possible.

Thursday, September 24, 2009

Blank Wall

Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga
Masakit...
...hinde ako makahinga

Tuesday, September 22, 2009

Alam Mo Ba?

Alam mo ba na:
  1. Ang seks ay isa sa mga basic needs ng tao?
  2. Ang pagkuyakoy ay isang form ng pagsasariling sikap?
  3. May mga taong naniniwala na nakamamatay ang dihydrogen oxide?
  4. Walang kinalaman sa bubonic plague ang nursery rhyme na Ring A Ring Of Roses?
  5. sa suntok sa tyan namatay si Houdini?
  6. the "mobile" in mobile homes pertain to a place and not to whether the house can be moved or not?
  7. "Luis" is not Pres. Manuel Quezon's middle name? It's "Molina"
  8. si Marcelo Fernan ang tanging Filipino na namuno both sa judicial at sa legislative branch ng ating gobyerno?
  9. hinde totoong nakakatunaw ng ipin ang Coca-Cola?
  10. ang pinaka-maiksing schweng-schweng na erect ay 1 cm?

...pwes ngayon alam mo na.

Sunday, September 20, 2009

A Hundred Faces

Look at me...
..i smile, i laugh
..i drink the sun
..i sing and i dance

Look at me...
..i cry, i sigh
..i memorize the rain
..i paint rainbows pale

Look at me...
..i'm numb and i'm strong
..i'm weak and i'm daring
..i'm cool and i'm hurting

Look at me..
..i fight, i fought
..i fly, i flew
..i sit, i sat

Look at me..
....just look at me

...eyng?! ano daw?! $2.50 via PayPal sa makakahula

Wednesday, September 16, 2009

Bi-yu-ti-pool

Segue muna bago post:

Naiirita ako kanina (kanina lang) kasi may mga tao na..hmm....for lack of a better term (or phrase) e ginagago ako. Nameyn! Hinde ko alam lahat ng bagay pero marunong naman akong tumuklas.

On to the post:

Okay, alam kong sawa ka na sa page-emo ko at alam kong tinatabangan ka nang magbasa dito. Okay lang, wapakels nyahehehehe. Achuali, hinde na ako masyadong emo. Alam mo kung bakit? Meron kasing isang nilalang na nag-emo din sa harapan ko. Pano naman ako makakatulong sa iba kung emo din ako, devah? So, ayun, biglang nawala ang emo-ness ko at instant eternal sunshine of the spotless mind ako (hinde ko pa yun napapanood pero maganda daw). Ang siste, bago pa ako makahirit ng malalimang advice, meron pumasok na email galing sa isa sa aking mga iniidolo sa larangan ng HR, si Mr. Danilo Pancho na ilang beses ko nang nabanggit sa blog na ito (backread ka).

Ano ang kanyang payo?

Bago ko pa man mabasa ang kanyang payo, nag-assume ako na ang ia-advice nya ay katulad din ng mga advice na ng iba pa naming ka-grupo - Pray, don't dwell on it, think happy thoughts, eat chocolate (okeipayntree, ako ang nag-advice nito), etc. Subalit, ngunit,datapwa,hoemdyi! Hinde ganun ang kanyang adbays! Ang kanyang adbays ay:

Don't fight it. Just ride the feeling, cry it out, and enjoy the trip.
Minsan, mas okay pa yung ini-iyak mo instead of trying to divert your attention.
You are just fooling yourself if you do. Once the diversion is gone, that sadness will still be there.

Ask yourself, "What's the worse that can possibly happen? Can I cope with
it?"

You'll find out that knowing the worst thing that can happen
and knowing that you can live through it will take the sting out of the situation.

Don't try to drown your sadness by drinking.
Sadness is such a good swimmer it will not drown. Instead, grab it by the
neck and wring the life out of it. He, he he!

Haymsyakd (okeypayntree, hinde talaga ako na-shock kasi alam kong mga ganitong linya ang bibitiwan ni Ka Danny. Haller! Mas marami syang pinaghuhugutan na karanasan)! Malamang para sa ibang tao, dasalatanansens! Pero para sa'kin, itmeksalatasens!

Bakit?

...dahil tama sya
...dahil minsan kelangan natin malungkot
...dahil minsan kelangan nating harapin ang kalungkutan at ipakitang mas matibay tayo kesa kay Emo
...dahil mas lalakas ka kung haharapin mo at malalagpasan ang kalungkutan mo ng hinde pinagpipilitan sa sarili mo na hinde ka malungkot

Oo, minsan. it's all in the mind. Pero minsan, ang mga bagay na hinde mo napo-process at nae-express ng tama ang, sooner or later, titibag sa'yo, pasusukuin ang mentalidad mo.

O...emo post na naman ba?

Op chors not!

...dahil ito ay isang TY post (segue: iba't ibang uri ng post ni kikay - TY post, list post, emo post, rant post, photo album, serious post, one-liner, contest post):
  1. Sa mga nag-comment, nag-text at nagpakita ng concern kahit na nth emoness ko na 'to salamat sa pag-intindi at pagtanggap sa'kin.

  2. Sa mga nag-add sa'kin sa Farmville, aylabyuol! Add nyo naman ako sa Mafia Wars at busy yung mga writers ko para tumulong magapi ang mga naglagay sa'kin sa hit list.

  3. Sa mga nag-fan sa Talent Shout (yes, may peyds na kami sa Facebook), salamat sa suporta. Mahirap maging one-woman team a!

  4. Kay Deejay at Kevin at Dick, salamat sa kaguluhan hehehehe...at least, kahit pano, nabawasan ang depreyshen.

  5. Kay Mr. Nonsense sa walang sawang pambobola. Salamat. Feeling ko ang ganda-ganda ko. (Oo, may pagka-insecure ako sa area na yan...mahabang, mahabang story)

Nagpapasalamat na rin lang ako, ia-announce ko na rin ang bagong bebes (madami e) ng Talent Shout: logo design, web hosting, and affiliate marketing. Kung interested, email lang ako sa kikayness@kofistains.com or abangan ang official announcement sa http://blog.talent-shout.com/.

Realizations?



  1. I may not be uberly sexy but I know I am beautiful in my own right. Kelangan ko lang isipin ang mga techie boyz ko sa Hyundai para malimutan ko ang feeling -panget moments ko. (uy, nagwa-wonder na yan kung sino ang techie boyz...at talagang naglagay ako ng pic e noh?!)
  2. Hinde nawawalan ng pag-asa ang mundo kahit patay na si Patrick Swayze dahil may mga tao pa rin na iniisip muna nila ang mararamdaman ng iba bago sila gumawa ng hakbang and por dat, aylabmayshekisprens! (O, nagwo-wonder ka na rin kung sino ang shekis prens? Hulaan mo!)
  3. Hinde lahat ng gusto mo e gusto ka rin pero hinde ibig sabihin nun na walang magkakagusto sa'yo. Hweyt ka lang, darating din yan.
  4. Minsan, kelangan mo lang enjoyin ang moment kasi darating ang time na mami-miss mo rin yan - ang mag-isa, ang umiyak, ang tumawa, ang magpaka-ogag.

Eto na yata ang pinaka-mahaba kong post. Naks naman!

Ikaw, ano ang angking kagandahan mo?

Saturday, September 12, 2009

Oh Crap!

This is an emo post. If you're gonna tell me to move on and forget about this or stop thinking about this, please close your browser or go to another blog. I'm not asking for an advice. I just need to let this out. Intiendes?

The funny thing about being emo is that just when you think you see the light at the end of the tunnel, something goes wrong and everything comes crashing down.

Yes, I'm in one of those crappy moods again. How does it feel? Like you exist and yet nobody knows about your existence. It's like people and things just pass you by. Nakakainis.

I cannot make heads turn. I am not the type of girl that guys dream about in their sleep. Sure naman ako na hinde ako panget. I just don't stand out in the Beauty Department. I don't have the x factor, whatever that is.

I can't get the guy that I want. I always have to settle for whoever comes along my way. And it sucks.

I know, I know.Maybe I should stop making emotional posts and maybe, just maybe, there would be someone who would see me as a happy and fun-to-be-with person. But whadaheck! This s me at my worst! If you can't accept this side of me, why should I change?

Or maybe I should do that. Maybe I should try to fool myself sometimes and be the person other people want me to be. Maybe then someone would fall for me.

...but then again, I'd still end up feeling like crap.

I hate myself.

I need affirmation :(

Update:

Okay, masyadong emo ang last post. Buti na lang maganda ang advice ni Tsi at buti na rin lang napadaan ako sa blog ni little sister ko.

Matagal na mula ng mag-post ako ng...uhm...nakakatawa (keypayn, alam kong corny ako madalas. Sori nameyn!). Matagal na rin mula nung mag-post ako ng aking Thank You posts. Hinde ko pa talaga magpakasaya (okay, Deejay, panalo ka. Emo pa nga talaga ako). Bakit nga ba? Bakit ba parang ang lungkot-lungkot ko lately?

  1. Ulan kasi ng ulan. Madali akong ma-depress pag hinde ako nasisilayan ng araw.
  2. May mga tao lang talaga na, sa hinde ko maipaliwanag na dahilan, e mabigat ang dugo ko. Wag mo na tanungin kung sino dahil hinde ko rin sasabihin.
  3. May mga tao lang na sadyang nakakainis ang kanilang ugali. Wag mo na rin itanong kung sino dahil di ko rin naman sasabihin (at oo, maka-Eraserheads ako)
  4. May pinagdadaanan ang buhay ko ngayon (post-quarterlife crisis, isdachu?!). Hinde ko pa kayang ikwento sa lahat. Isang blogger pa lang ang nakakaalam so hayaan natin na sya lang muna ang nakakaalam nun. Itago natin sya sa code name (sorry Azul, mahilig talaga ako sa code name) na "Bespren". Hinde naman kabigatan pero, konti na lang at magtatago na ako sa kumbento hehehehe
  5. Slightly heartbroken pa rin ako. Slightly lang kasi napagsabihan naman ako ni Azul atsaka ni Joycee na maghinay-hinay. Buti na lang, hinde ko pinaandar ang tigas ng ulo ko.

Pag mga ganitong panahon, nami-miss ko childhood days ko, yun tipo bang wapakels ka sa buong mundo? Basta may laruan ka, may candy ka, okay ka na. Pag naiisip ko yan, nadadagdagan pa lungkot ko kasi nami-miss ko ang:

  1. The World Tonight. Oo, naaliw ako sa boses ni Angelo Castro at Tina Monzon-Palma.
  2. Nami-miss ko ang late night tambay namin ng mga Hyundai officemates ko sa sidewalk ng Glorietta (yung sa may tapat ng Gerry's Grill dati). Okay, 6 years ago lang sya kung tutuusin, pero nami-miss ko pa rin sya.
  3. Nami-miss ko ang pakiramdam ng walang pasok. Oo, hinde ko naeenjoy ang long weekend huhuhuhu
  4. Nami-miss ko ang lunch na may iba kang kausap bukod sa pamilya mo. Heck! Nami-miss ko ang lunch sa office. Period.
  5. Nami-miss ko ang pagiging HR Manager/Specialist/Staff/Etc. Posible pala yun.
  6. Nami-miss ko ang noodles at C2 break namin ni Doc Philip.

...at higit sa lahat, nami-miss ko si Dale. Nami-miss ko ang feeling na special ako (hinde special child). Nami-miss ko ang feeling ng may nagmamahal sa'kin. Nami-miss ko ang feeling ng may kakampi ako, na may napagsasabihan ako ng problema ko. Nami-miss ko ang feeling ng may nakahawak sa kamay ko. Nami-miss ko yung may nag-aalala sa'kin. Nami-miss kong lahat yun. At nasasaktan ako kasi para bang sa ibang tao, madali lang sya at mabababaw lang sya na bagay...pero sa'kin, kelangan ko syang paghirapan...tulad ng iba ring bagay sa buhay ko.

Sad...

Buy Me A Cup Of Coffee

Wednesday, September 9, 2009

Random Ramblings: Busyness Is Next To Ugliness

Yep, si AC ang madalas magsabi sa'kin nyan.

Saka-sakaling madalas ka dito, malamang nagwo-worry ka na kung anong isu-suot mo sa coffee party ko. Sorry ka na lang kasi alayb, alayb pa ako.

Sobrang busy ko lang lately kaya hinde nyo maramdaman ang presensya ko masyado. Isama mo na dyan ang nandito kasi ang mama ko kaya kelangan QT (quality time). So wag magtaka kung bakit walang post at bakit ang tagal bago ako mag-reply.

...bukod sa may bago akong kinaka-adikan.

Pasensya ngunit hinde sya makikita pesbuk. Makikita sya dito (o, ang mahina ang puso, baga, atay, balun-balunan, wag mag-click sa link).

Ewan ko ba, umandar na naman pagiging weirdo ko kaya ayan, dyan na naman ako nagagawi. I'm actually after the historical value rather than the gore factor or the scream factor. Walang nakakatakot sa site na yan. Para ka lang nagba-browse ng pictures ng mga tulog na tao.

Hinde mo type? Keypayn....walang basagan ng trip.

Trip...

Lately, napapansin ko, may mga taong lubos na walang pakialam sa ibang tao. Na para bang sila ang hari ng mundo. O, bago ka bunmwelo sa comment portion, papangunahan na kita. In general ang patukoy ko, hinde ito tungkol sa iisang tao lamang.

Napapansin ko lang na lately, may mga tao, mga bloggers, na nakakalimutan nila na ang mga tao sa paligid nila ay may puso at pag-iisip din. Hinde lahat ng nakakatawa sa'yo ay nakakatawa rin para sa iba. Hinde lahat ng cool sa mundo mo ay cool para sa iba.

Your rights end where my rights begin. Tulad nga ng sabi ng namayapang kong lolo sa lola ko na pagkatagal-tagal lumabas ng banyo, "Hinde lang ikaw ang anak ng Diyos." Hinde dahil sa blogger ka e pwede mo nang gawin at sabihin ang LAHAT ng gusto mong sabihin o gawin. Hinde mo pupwedeng gawing rason na "isara mo ang tab kung ayaw mo ng nababasa mo". Okay lang ang may kumontra, okay lang ang umayon. Okay lang magpaka-emo, mag-rant, magpaka-corny or magblog tungkol sa pabago-bagong ihip ng hangin sa iyong isipan.

PERO...
  1. hinde tama ang magbigay ng maling impormasyon kahit na blogger ka lamang at hinde journalist. Hinde ba't nakakainis maka-receive ng email tungkol sa isang batang may sakit na hinde naman pala talaga nage-exist?
  2. hinde tama ang mangulit sa mga ibang bloggers na basahin nila ang blog mo o na mag-comment sila o na bumoto sila lalo na't hinde kayo close. Kasama na rin dito ang hinde nakatutuwang mangulit ng link exchange. Gusto mo ng traffic? Matuto kang magbasa ng posts at mag-iwan ng sensible na comment.
  3. hinde tama na mang-away ka ng isang tao na wala namang ginagawa sa'yo. Aning-aning lang ang gumagawa nyan.
  4. hinde tama na maliitin mo sa harap ng maraming readers ang isang tao dahil lamang sa kanyang kulay, relihiyon, galing sa pagi-ingles o pagpi-Pilipino, edad, o social status. What you see is just the tip of the iceberg. Malay mo, ang inaalipusta mo pala ay mas marami pang alam kesa sa'yo.
...dahil hinde lahat ng trip mo ay tama at kung hahayaan ka lang ng ibang tao sa trip mo, pwes ako hinde. Kung lahat ng tao e pwedeng gawin LAHAT ng gusto nya, napakagulong mundo ang magiging resulta.

Intiendes?

Buy Me A Cup Of Coffee

Saturday, September 5, 2009

Anong Bago? - The Updated Version

Uunahan na kita, walang bago. Nagwalk-out ata ang diyosang gumagabay sa aking malikhaing pagsusulat (ang kokontra magkaka-roon ng PE o kaya naman e vaginismus, sige!). Hinde ko naman sinasadya. Nagkataon lang na napuno ang utak ko ng wig, ACCPAC, urban shirt, hip hop clothing, at wholesale laptop. Ke babait kasi nung iba kong writers, tulog ata pag gumagawa ng article. Wala tuloy ka-sense sense yung kanilang pinagsusulat. Pati tuloy white blood cells ko nag-walk out. Hinde na kinaya ang dere-deretsong pagtatrabaho. Amfness.

Panay bloghop lang tuloy ang nagawa ko.

....pero dahil wala akong oras, konti lang ang napuntahan ko

....at yung mga napuntahan ko pa ay either emo or in-lab, so hinde ako masyadong maka-comment kasi a) mukha akong bitter, b) mukha akong hinde nag-basa or c) hinde ako maka-relate bwahahahahaha....okey payn! Naiinggit ako kasi wala akong lablayp.

Mukhang maraming natuwa, namangha, napa-react dun sa huli kong post kaya naman sa susunod, maggagawa ulit ako ng ganun. Tulad nga ng sabi ni PromKing, malay mo, magawa nga itong reference ng ibang mga estudyante (asa pa ako!)

Ekshuli, gusto kong magsulat about prenships. Walang specific na tao. Tungkol lang sa kung pano at ano ang maging kaibigan. Madalas kasi, insiisip natin na, dahil madalas nating makausap, makabiruan, makakwentuhan ang isang tao, prenli prens na agad. Sa totoo lang, ang pagiging isang kaibigan ay higit pa dyaan.

Sa mundo ko, para maituring kita tunay na kaibigan, dapat:

  • nag-away na tayo ng matinding-matindi at nagkabati
  • kaya mong sakyan ang pagiging weird at corny ko
  • kaya mong sabihin sa'kin na may tinga ako sa ipin
  • kaya mong itago ang mga sikreto ko (as in tago talaga kahit gano pa kababaw yan at kahit na hinde ko naman sinabing itago mo)
  • nakasama na kita at natanggap mo ako sa lowest and ugliest point of my life (tulo-uhog, laslas-pulso moments)
Kahit kelan hinde ako namilit na kaibiganin ako ng isang tao in the same way na ayoko ring pinipilit ako na maging magkaibigan. Naniniwala ako na, tulad ng pakikipag-boyplen, ang pagiging magkaibigan ay kusang tumutubo. May mga tao na matagal mo nang kakilala pero kahit anong gawin mo, hinde mo sya matawag na kaibigan. Siguro mabigat ang loob mo sa kanya, sigur may ugali syang asiwang-asiwa ka, siguro hinde mo lang sya talaga mapagkatiwalaan.

Oo, mas choosy ako pag dating sa kaibigan. Kasi alam kong, bilang kaibigan, gagawin ko lahat ng kaya kong gawin para lang maipagtanggol sya, maalo sya sa oras ng kanyang kalungkutan at mabatukan sya pag sumosobra na sya.

So bakit ko sinasabi ito?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
add nyo naman ako as neighbor sa Farmville o? Friends naman tayo di ba? Ahehehehehehe

Update:

Dito ko na ipo-post ang winner ng aking mabilisan at mini-contest....

.

.

.

.

.

.

.

It's none other than Archie Remo of www.tsiremo.com at 53 clicks. Mars of www.orphicpixel.com got 20 clicks while Mon of www.monzavenue.com got 14 clicks. Tsi, email mo na lang ako sa kikayness@kofistains.com.

Congrats! Salamat sa pagsali!



Buy Me A Cup Of Coffee

Sunday, August 30, 2009

Ambilis Ng Problema Nya

Seryosong post 'to kaya basahing maige (R-18 kaya neng/ totoy below 18 kasama na na mga kapatid ko at magulang ko, i-close mo ang tab)

Hinde ko alam kung mali ba yung mga last posts ko pero napansin kong dumarami ang naglalanding dito gamit ang keywords na "kelan ka na-devirginize" at "matrona na sugar mommy" at "premature ejaculation". Napakababait naman ng mga words ko dito, napaka-wholesome ng dating ko. Naramdaman siguro nila na ako si Asia Agcaoili..ahek! Bakit ba, libre lang naman mangarap?!

At dahil naawa na ako dun sa nagtatanong e tutulungan na kita.

Premature ejaculation. Ayon dito, ang Premature Ejaculation or PE ay isa sa mga pinaka-common na disorder ng mga kalalakihan. It usually affects men as young as 18 years old and as old as 59 years old (oh yes, may mga..uhm...mature na lalake na naapektuhan pa rin ng PE). Isa sa mga dahilan nito ay ang masyadong pagka-concern ni pogi sa agarang pagsa-satisfy sa kanyang kalukadidang. Pwede rin namang bergen pa si pogi kaya hinde nya ma-control ang kanyang "nararamdaman". Maari din na nasanay na si pogi sa mabilisang pangyayari kaya ayun, si pogi jr e na-train na maging mabilis. May maliit na porsyento rin ng mga kalalakihan na nagsa-suffer from PE dahil sa takot sa sex or sa vagina (segue: napanood mo ba yung Teeth?). May mas maliit na porsyento na sadyang na-miss lang nila ang kanilang kalukadidang at ang mga intimate moments nila kaya nasa pinto pa lang e..schwinnggggg!

Para sa ikapagpapalubag ng iyong loob, you are suffering from PE if you meet the following ayon kay DSM-IV:
  • Persistent or recurrent ejaculation with minimal sexual stimulation before, on, or shortly after penetration and before the person wishes it.
  • Disturbance causes marked stress or interpersona difficulty
  • Not due exclusively to direct effects of substance
Kung hinde mo nami-meet yang 3 yan, wag ka nang mamroblema. Sadyang tigang ka lang ahehehehe.

Pano nga ba ito sinosolusyunan?

Una sa lahat, you need to be able to talk about this with your kalukadidang. Mas itinatago mo, mas mahihirapan kang solusyunan yan.

May tinatawag na squeeze technique kung saan tine-train si pogi at si pogi jr na itaas ang kanilang threshold for excitability (thank you Kaplan and Sadock sa phras na'to). Pwede mong gawin itong mag-isa or pwede namang isama mo ang iyong lablayp...mas makakabuti kung ang isasamo mo ay yung hinde mo pinagpapantasyahan dahil baka mawalang-saysay ang exercise na 'to at mas lalo ka pang matuwa talipandas ka!

inhel-ekshel

What you need to do is to stimulate your penis. Pwedeng ikaw o ang iyong pakner. Pag na-reach mo na ang point na parang lalabasan ka na, you or your pakner need to squeeze the coronal ridge of your glans. Matitigil ang erection at mapipigilan ang ejaculation. Pakisabihan lang ang kalukadidang mo na wag lapirutin.

Ang isa pang paraan ay tinatawag na stop-start technique by James Semans (o di ba, bagay na bagay sa trabaho nya ang surname nya?). Sa technique na ito, walang squeeze na mangyayari. Titigil lang si kalukadidang mo sa harutan nyo pag nararamdaman mo na na malapit ka nang labasan. Para ka na ring nag-withdrawal method hehehehe. Sabayan mo ang pagtigil nya ng pag-iisip ng mga asexual na bagay. I-compute mo ang 235+364759*340938/238970 raised to the 27th power - manually.

Kung hinde pa naman ganun kalala ang iyong PE, pwede namang habang nagsu-shweng-shweng kayo ng kalukadidang mo e mag-isip ka paminsan-minsan ng mga asexual na bagay tulad ng color ng kisame, ulam nyo mamaya, pamasahe mo bukas, galit ng jowa/ asawa mo pag nalaman nyang may kalikadidang ka hehehehehe

Ngayon, get wan port sheet of paper
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Sino ang may lakas ng loob na mag-comment dito? hehehehehe

Buy Me A Cup Of Coffee

Saturday, August 29, 2009

So What?!

Teneneng-Teneng!

Tapos na ang emo-ness ko. Maraming salamat sa mga tumodo-todo ng suporta. Di ko na kayo iisa-isahin dahil alam nyo naman kung sino-sino kayo.

Haymbakmaydirsanamabits! Ay mali! Sori nameyn, hinde ko napigilan sarili ko. May mga kinaiinisan pa rin kasi ako ahehehehe...mga taong:

  1. Lintian sa kakulitan (mahina talaga ako sa makukulit, iksi pasensya ko)
  2. Mga taong react ng react ng hinde nagbabasa (o, walang kinalaman 'to sa EIB na ha?!)
  3. Mga taong mapagpanggap
  4. Mga taong, wala lang, mabigat lang talaga dugo ko

Commercial muna:

Dun sa twice nang nagse-search ng "hinde mo na pala ako mahal hinde mo man lang sinabi," pasensya ka na ngunit sinabi ko naman, hinde mo nga lang narinig hehehehe...ate/kuya/kung ano ka man, pasensya ka na ngunit anobayangpinagsasasabimoehindenamankitakilala?!

Pagpasensyahan nyo na ang segue na'to, 3 beses na kasi nyang sine-search yan e at tatlong beses rin na more than 5 minutes ang tinatagal nya dito sa blog. Secret message ata nya talaga yan for moi! hehehehehe

Yun na nga...

Pero okay-okay na ako. Medyo back to my old shining, shimmering self again. Mga konting panahon pa, makulit na naman ako. Kaso baka sa mga darating na araw, bumalik ako sa sosyalerang english na blog. Nakikita mo yang nasa kanan na "Alter Ego"? Nandyan ang dahilan.

Paano ba ako naging okay e kahapon lang kulang na lang laklakin ko yung muriatic acid sa banyo namin? Simple...sinunod ko ang mga payo ng mga prenli prens ko:

  1. Inhale-Exhale. Pero hinde ito simpleng exhale. May kasamang poot dapat yung exhale. Mala-CAT/ROTC na sigaw ang pagpapalabas mo ng hangin mula sa iyong katawan. Kailangan malakas para maibuhos mo lahat ng galit mo.
  2. Kain ng saging (scrub-in natin ang utak mo kung iba ang naisip mo). Actually, hinde lang saging ang kinain ko. Tinodo-todo ko ang pagkain. Tsalap! Dahil busog ako, mas madali akong nakakatulog so walang time para magpaka-emo.
  3. Nanood ng sangkaterbang cartoons, The Nanny at Rush Hour re-run. Masayang pelikula=magaang pakiramdam. Hinde ko kasi mapalitan sounds ko. Peborit ko kasi yung mga kanta.
  4. Nagpakalunod sa trabaho (segue: Kelangan ko ng writers at virtual assistants! Maraming maraming writers at virtual assistants. Interesado ka? Email mo ko)
  5. Dinelete sya sa phonebook, sent items, inbox, log, peysbuk at prenster. Ang maganda, hinde ko memorize ang number nya so wala na talaga akong way para ma-contact sya. Sino ba sya? Si fill-in-the-blanks-by-Winkie. Ibang usapan na si Acorn. Mas mahirap yun kasi alam ko bahay nila at memorized ko lahat ng number nya.
  6. Nagpagupit na rin ako ng buhok. Maiksi na ang buhok ko ngayon at medyo gusto kong kitlan ng buhay yung bading na gumupit. Tumatama kasi sa batok ko so nagsimula na namang maglabasan ang aking batok pimples. Nasobrahan naman kasi ng iksi yung gupit na ginawa nya. Upside= mukha na talaga akong 29, downside= mukha akong 29.

Okaypayn, hinde ko pa nagagawa ang sadjestment ni Jesse at ni Mon pero one of this days, one of this very ordinary days, you're gonna call my name and I won't be there magbabakasyon ako ng isang buong bwan...hiatus ek-ek na rin yun from blogworld.

Hinde pa ako ganap na okay. Medyo may lungkot factor pa rin pero hinde na ganun katindi. Sira-ulo kasi 'tong si Maldito e, ganda-ganda na ng page-emo ko bigla na lang nag-post na naman ng nakakatawa...ayun, hinde ako tuloy makaporma ng page-emo.

Segue ulit:

Sa mga sandaling 'to ay may nakapasak na tissue sa ilong ko. Nope, hinde ko balak magpakamatay (anuber?! Sagwa naman ng cause of death: asphyxiated by a tissue paper). Sinisipon ako. Ilong ko naman ang nagpapaka-emo. Tulad nga ng sabi ni Donald Duck, "Oh, boy! Oh, boy!" (kala mo malalim noh?!)...ang hirap mag-type ng may runny nose.

Back to regular programming:

Actually, during my emo moments, may mga bagay-bagay akong naisip at napagtanto. Siguro dala na rin ng post ni Winkie:

  1. Mahirap hanapan ng tagalized version ang "orange" at ang "brown". Tagalized, hinde spanishized.
  2. Ang isang acquaintance nakikiramay pag may problema ka pero ang tunay na kaibigan alam kung ano ang dapat gawin pag may problema ka...at hinde kelangan naka-face-to-face mo na ang isang tao para maituring na kaibigan (di ba CF?)
  3. Kung kelan yung down ka tsaka ka bibigyan ni Papa Jesaz ng reason para magsaya. Isang patunay na ayaw nya ng may nalulungkot.
  4. 'Pag nagkamali ka ng pasaload, malamang hinde mo na 'to mabawi kahit pa sa pinakamalapit na tao sa puso mo naipasa yung load. Also, hinde dahil nagpasaload ka e sa'yo gagamitin ng tao na yun yung buong load. Ite-text din nya pati mga kalukadidang nya.
  5. May mga bagay na mas magandang sinisikreto na lang. Period.

Oo, kahit sa page-emo e nakakapag-observe pa rin ako. Innate na yun sa graduate ng Psych - ang humanap ng patterns at mag-obserba sa gawain ng ibang tao...at magpaka-sophist.

Buy Me A Cup Of Coffee

Thursday, August 27, 2009

Bakit Nga Ba?

Pasasaan ba at matatapos din ang pagda-drama ko.

Daming bagay ang nagpapalungkot at nagpapainis sa'kin ngayon. Eto na ata ang pinakamahaba kong emo session simula nang maging active ako sa pagba-blog...pero hinde ito ang pinakamahabang emo-ness ko sa buong buhay ko. Oo, pinanganak akong emo. Iyakin ako sa lahing iyakin, madali akong ma-depress. Dumagdag pa dyan ang pagiging freak ko.

Mahabang segue muna:

Alam mo yung post ko tungkol sa mga multo? Hinde totoo yung sinasabi ng iba na pag nakakakita ka e pwede mo rin silang kausapin at nakikita mo kung pano sila namatay at kung nasan na sila. Matinding third eye ang meron yung taong yun. Ang totoo, hinde lahat e makukuha mo. Pwedeng naririnig mo lang sila, pwedeng nararamdaman, pwedeng nakikita mo kung pano sila namatay. Sa sitwasyon ko, nakikita ko sila kung ano itsura nila nung buhay pa sila. Minsan naririnig ko sila. May dalawang beses na naramdaman ko talaga sila. Hinawakan ako sa braso tsaka sa balikat. Katakot!

Back to regular programming:

Ayun nga, madali akong ma-depress lalo na pag wala nang araw. Maaring nagtataka ka bakit ang emo ko nitong mga nakaraang araw at ang dalas kong mag-rant. Nagkapatong-patong na problema lang tapos nadagdagan pa ng mga nakaraang nagbabalik tapos sinabayan pa ng tambak na trabaho. Kung mapapansin nyo, minsan one-line lang ang mga comments ko.

Nakaraang Nagbabalik:

Nakakainis pag merong isang tao na akala mo nakalimutan mo na yun pala hinde pa. Siguro dahil na rin sa sya ang first boyfriend ko. Pero sa isang banda, kung iisipin mo, hinde sya ang nami-miss ko kundi yung kung ano kami noon. Makwento kasi sya e. Mahilig sa mga cheap na bagay - lakad sa intramuros, ikot sa SM Manila, tambay sa bahay...mga bagay na hinde ko makita kay Acorn. Hinde kasi mahilig si Acorn na mag-gala. Gusto nya bahay lang. Kung lalabas man kami, dapat may dahilan. Alam kasi ni Acorn na bulagsak ako sa pera kaya iniiwas nya na maglalabas ako.

Sa totoo lang, sobrang miss na miss ko na si Acorn...at medyo miss ko rin si fill-in-the-blanks. Si Acorn dahil tanggap nya ako, si fill-in-the-blanks dahil pareho kami ng mga hilig. Si Acorn dahil hinde sya showy, si fill-in-the-blanks dahil sya ay showy (gulo noh?!)

Nalulungkot pa rin ako dito...kasi yung taong willing gawin halos lahat magkabalikan lang kami e hinde na free para makipabalikan...at yun namang taong pwedeng makipagbalikan e magulong kausap.

Tama nga siguro yung kaibigan ko, "If everybody deserves a second chance, would it mean we also have the freedom to waste the first one?"

Kaso, madali mang sabihin na kalimutan na lang sila pareho, mahirap gawin. Bakit? May guilt factor e. May kasalanan kasi ako kay Acorn, isang malaking-malaking kasalanan. Kung anuman yun, hayaan nyong itago ko na lang. Konti lang ang nakakaalam ng sikretong yun at ayaw ko nang dagdagan pa. Alam kong may epekto yun sa sitwasyon namin ni Acorn ngayon. Pero, sa isang banda, humingi na ako ng tawad e. Besides, hinde lang naman ako ang may kasalanan. May ginawa din syang kalokohan.

Bottomline? Tina-try ko ngayon na kalimutan sila pareho. Ang hirap to the nth degree! Bawat ikot ko, isa sa kanila naaalala ko. Bawat kanta, may memory na susulpot...kaya sana, pagbigyan nyo na mga rants ko.

Alam mo ba kung ano paulit-ulit na tugtog ko ngayon?

  1. Doors
  2. Never Let Her Go by Bread
  3. You Never Told Me You Love Me by Gabriel
  4. Love by Jim Photoglo (100x...kung may lyrics ka nito, send mo naman sa'kin)
  5. She's My Girl by Morris Gilbert
  6. You
  7. Certain Sadness (100x na rin)
  8. Trying To Get That Feeling
  9. It's Got To Be Love by Buck Fizz
  10. Should We Carry On by Airplay
  11. It Takes A Man and A Woman
  12. Sweet Baby
  13. Lost Without Your Love by Bread
  14. Hardcore Poetry by Tavares
  15. If I Keep My Heart Out Of Sight by James Taylor
  16. Part-Time Love by David Gates
  17. Words And Music by Andy Gibbs
  18. Goodbye Girl by Andy Gibbs
  19. Jennifer by Bobby Goldsboro
  20. I'll Take Care Of You by Ronnie Mislap (1,000x)

Ang epekto? Naalala ko ang mga sumusunod:

  1. Early morning jog at CCP nung 5 to 7 years old pa lang ako
  2. Early morning breakfast at TIM kasabay si fill-in-the-blanks
  3. Lunch Time singing contest with my boss at TIM
  4. Late night kwentuhan with fill-in-the-blanks
  5. Acorn's eyes
  6. Late night McDo/Chowking date with Acorn
  7. Lunch time with Acorn
  8. "Andyan na ba asawa ko?" lines

Hayyyy.....o naniniwala ka nang magulo utak ko? Hinde bale, pauwi na naman si Mama...baka saka-sakaling maliwanagan ako.

...nakalimutan kong idagdag...pag nakikita ko sila pareho, mas lalo ko rin palang nami-miss lolo ko. Imaginin mo yun, 1 taong na palang wala si Tatay sa a-dos. Nakakalungkot...hanggang ngayon naririnig ko pa rin boses ng lolo ko...miss ko na talaga sya...pero at least tahimik na sya ngayon...kalungkot lang kasi wala nang cool na makulit sa bahay...wala nang magkukwento tungkol kay Quezon...wala na...hinde ko pa rin tanggap na wala na lolo ko...

Buy Me A Cup Of Coffee

Tuesday, August 25, 2009

The Art of Letting Go

Sabi nila, isa sa mga pinakamahirap na gawin sa buhay ay ang mag-let go. Siguro kasi mahirap alisin sa sistema ang isang bagay na nakagawian mo na. O bago ka humirit nga madaling mag-let go, ngayon pa lang kokontrahin na kita. Kung talagang madaling mag-let go, bakit marami pa ring sugarol at kung anik-anik? Kasi nga, mahirap iwasan ang isang bagay na ayaw mo naman talaga iwasan. Mahirap i-let go ang isang bagay na ayaw mo naman talaga pakawalan.

Pero hinde ibig sabihin nito na hinde pwedeng mag-let go. Pwede naman....mahirap nga lang. Kelangan mo ng suporta ng mga taong nagmamahal sa'yo. Kelangan mo ng matinding pag-uunawa mula sa kanila. Kasi sa panahong guso mong mag-let go, para ka na ring sira-ulo. May mga panahong kaya mong isigaw na wala ka nang pakialam, may mga panahon naman na gusto mo na lang magmukmok sa isang sulok ng kwarto mo at umiyak ng umiyak. May mga panahon naman na sobrang pakiramdam mo hinde mo na kaya at gusto mo nang maglaslas, yung tipong sa leeg na para tatamaan agad ang iyong jugular vein.

Alam mo kung ano pa mas nakakabaliw sa pagle-let go? Yung akala mo okay ka na pero hinde pa pala. Akala mo nakalimutan mo na pero hinde pa pala. At magfo-fall ka na naman. Aasa na, this time, magiging maayos na lahat. Kaso, akala mo lang pala na magiging maayos na ngayon. Kalokohan lang pala. May kailangan lang pala sa'yo....at masasaktan ka na naman ulit...at iisipin mo na naman pa'no kalimutan yung nararamdaman mo.

Naalala ko sa CSI NY. Sabi ni Lindsey nung mag-away sila ni Danny, "I'm mad at myself because I've fallen in love with you and I have to figure out how to let that go." I don't know if I'm mad at myself. All I know is if I don't make a stand, I would forever be caught between letting go and loving him more. Hinde ko na rin kaya na maghintay sa mga bagay-bagay na walang kasiguraduhan. Kung talagang mahal nya ako, dapat gumawa na sya ng way. Dapat nag-effort na sya kahit papano. Kung talagang mahal nya ako, sana noon pa sya bumalik. Sana hinde ganito kagulo ang sitwasyon. Sana hinde ganito kagulo ngayon ang isip ko. Hinde yung ganito, hinde yung nasa dulung-dulo ako ng priorities nya. Hinde yung kelangan kong hintayin na umayon lahat ng mga bituin at mag-align ang mga planeta.

It's the truth that I've always dreaded to hear - hinde nya talaga ako mahal. Siguro noon, pero ngayon hinde na. Sawang-sawa na ako na mag-sorry, na intindihin ang sitwasyon.

Mooncake,

Kung talagang mahal mo ako, sana noon ka pa gumawa ng way. Akala mo lang mahal mo pa rin ako pero ang totoo, nanghihinayang ka lang dahil hinde sana ganito kagulo ang buhay mo kung hinde ka nagpakasal agad.

Please, wag mo na guluhin ang puso ko at ang utak ko. Tapos na tayo.

Acorn/ Mangga,

Marami ka naman kaibigan e. Maraming tutulong sa'yo. Hinde ako kawalan. Maraming babae dyan na papatol sa'yo. Sila na lang. Ayaw ko na. Tama na yung chances na binigay ko sa'yo. Kung isusumbat mo na naman yung mga pagkakamaling nagawa ko, ngayon pa lang inuunahan na kita - gawin mo yan kung sigurado ka sa sarili mo na wala kang kasalanan. Pagod na ako ng kaka-explain ng sarili ko. Kahit kelan naman hinde ka naniwala.

So....goodbye, love...

Back to square one...

PS

Mabigat na bagay sa'kin 'to ngayon. Kung wala kayong masasabing maganda at kokontrahin nyo lang ako, please pakisara na lang ang tab at sa ibang blog ka na lang pumunta. Mukha kayong sira kung kukwestyunin nyo nararamdaman ko kasi hinde naman kayo si Rhona. When you've walked a mile in my shoes, that's the only time you would understand.

Buy Me A Cup Of Coffee

Monday, August 24, 2009

A Certain Sadness: Random Ramblings From A Confused Mind

Kanina pa ako antok na antok. Kundi lang dahil sa trabaho ko, kanina pa ako natulog. Kaya eto, pantanggal antok, isang wa wents na blog post.

Ekshuli senti-sentihan ako ngayon, emo ba...Kulang na lang e patayin ko ang ilaw at dumungaw ako sa bintana habang bumubuhos ang ulan. Kaso nameyn, napaka-init!

(Background music: A Certain Sadness by Astrud Gilberto...malamang hinde mo sya kilala...at kung kilala mo sya, malamang..uhm..mas matanda ka sa'kin nyahehehehehe)

Ayoko talaga nung background music. May naalala ako, 3 tao na sadyang matindi naging impact sa lablayp ko.
Darling tell me now
Have I done wrong somehow
That you won't look at me

O, kung wala kang pakialam sa kung anong nararamdaman ko sa mga sandaling ito, isara mo na 'tong tab na'to.

Nakakainis yung ganitong pakiramdam. Malamang sabihin mo mag-move on na ako. 'lam mo, tama si Azul e. Minsan talaga darating sa'yo yung time na bigla mo na lang maiisip ex mo. Sa kaso ko, 3 silang sabay-sabay kong naiisip ngayon. Hinde naman sa nagmamaganda ako.In denial actually ang lola mo. May nami-miss ako na hinde ko maamin na nami-miss ko. Tulad nga ng sabi ni Manong Friendster, it's complicated. Hinde ko naman talaga sya dapat ma-miss...kaso nyemas! Mapagbiro ang tadhana. Kanina ko pa pilit sinasaksak sa isip ko si Acorn pero hinde ko magawa, siguro dahil na rin sa naiirita pa ako sa kanya.

(Background Music: You by Karen Carpenter. Nyemas! Theme song namin ni Acorn!)

Haayyyy....mahal ko naman si Acorn e (sira ulo lang talaga yung iba nyang mga kaibigan) kaso lang sa mga sandaling ito naiisip ko, pano kaya kung...(Winkie, paki-fill in the blanks)? Ano na kaya ang buhay ko ngayon? Malamang may pamilya na ako...malamang walang Talent Shout...malamang hinde ako nagba-blog ngayon.Sa totoo lang, nami-miss ko yung mga dati naming kalokohan ni ... (again, fill in the blanks) Nakaka-miss yung text to sawa, yung call to sawa (partida, hinde pa uso noon ang unlicall at unlitext). Nakakamiss yung buong araw kayong nagkukwentuhan ng kung ano-ano lang. Compare na kung compare pero hinde kasi kami nakakapag-usap ng ganun ni Acorn. Sa mata ni Acorn, lahat ng gawin ko kaya nyang intindihin o kaya naman hinde dapat seryosohin. Hinde tulad ni fill-in-the-blanks.

Pero mas pipiliin ko pa rin si Acorn. Payapa ako pag sya ang kasama ko e. Dati nararamdaman ko yun kay fill-in-the-blanks. Ngayon hinde na. Ngayon nakukulitan na ako sa kanya e. Siguro masaya lang sya na nakikita nya ako kaso ang kulit nya talaga e. Ayaw ko pa naman ng makulit. Mas sanay ako na seryoso sya at hinde makulit.

(Background Music: It Takes A Man and A Woman by Teri De Sario)

Waaaahhhhhh...ang gulo ng utak ko. Naiinis talaga ako sa ganitong pakiramdam. Nalilito ka na ba? Okay lang yan, pareho lang tayo. Hinde ako dapat maguluhan kasi wala naman talaga sa kanilang pormal na bumabalik...okay payn, si fill-in-the-blanks e atat na atat na bumalik. Ang problema kasi, hinde na sya yung taong minahal ko e. Iba na sya...bukod sa...it's complicated

(Background Music: Doors by Michael Johnson)
Buy Me A Cup Of Coffee

Saturday, August 22, 2009

The Thankless Job

Break muna sa mga emo at rant posts.

Last August 20, our HR egroup had its very first EB. Actually, yung iba magkakakilala na since some of us were also members of other HR egroups. It was a fun night, one that totally allows us to forget na HR kami. Masaya kasi naglabasan lahat ng mga tinatagong kalokohan especially nung mga seasoned HR professionals na. It was also a time for giving due recognition to some of the "forces" to be reckoned with when it comes to our profession - Mr. Ernie Espinosa, Mr. Danilo Pancho, Mr. James Estrada, Mr. Bong Tamayao, and Mr. Nato Lao.




During the EB, we had HR managers and executives from companies such as Edward Keller, Fujitsu, Han Kyu, Transitions, ePerformax, California Pizza Kitchen, Melaware, and Lamco. Hinde ko na maalala pa yung ibang companies.

Isa ang HR profession sa mga thankless jobs. HR bridges the gap between the upper management and the rank and file. HR people are often seen as pro-management. In reality (although this might not hold true for all HR), more often than not, pag nakasara na ang pinto at meeting na ng mga executives, it's the HR people who defend the employees. Pero syempre, pag mali ang empleyado, the most that we could do is to ensure that there is due process.

Mahirap maging HR especially if you're after fame or fortune. Wala nun sa HR. You must have the heart for helping others and you must have the conviction to do what is right kahit na hinde yun ang gusto ng karamihan. Yun ang pinakamasakit na parte lalo na if it involves someone close to your heart. Naalala ko tuloy biruan noon nung nasa Hyundai pa ako. Bawal daw ako ligawan kasi mate-terminate yung manliligaw. May jinx ba.

HR is more than recruitment. HR is about growing people, helping them to realize their potentials. From what you wear to how you do things, HR would most probably have a hand in that. When you are in HR, expect mo na na mas mauuna pang a-promote yung na-hire mo. In HR, you have to assume a number of personalities para lang maintindihan mo ang mga employees. You need to be a mother, a friend, an enemy, a disciplinarian. Stressful na trabaho sya - you get death threats, your private life is put under microscope, your every move is being watched. Any mistake could be blown out of proportion.

Ang mga nasa HR ay tao rin, no less than the people in the operations, in Accounting, in Customer Service. Whatever hurts you, could hurt us too. Hinde rin sa lahat ng panahon tama kami at hinde sa lahat ng panahon, mature kami mag-isip. May emo moments din kami. May mga times din na our emotions get the better of us. After all, tao rin lang kami.


Buy Me A Cup Of Coffee