Friday, November 6, 2009

1 Year Na Ako

Tingnan mo nga naman yan! Ambilis ng panahon. Hinde ko akalaing naka-isang taon na rin pala ako sa aking sideline. Oo, bukod sa Talent Shout, ako po ay isang dakilang international julalay ng mga puti. Ako ang kanilang taga-blog, taga-gawa ng articles, taga-comment sa ibang blog, taga-encode, taga-edit, taga-rewrite, taga-sagot ng email, taga-ayos ng site, taga-research, at kung ano pang marangal na "taga" na maiisip nyo. Lahat ng ito ay dahil sa oDesk (i-click mo ang link kung nais moring kumita ng malaki).

Nang magsimula ako sa oDesk, tatanga-tanga pa ako hinde ko naisip na magiging pangmatagalan ito. Medyo lost ang utak ko kasi noon e. Hinde ko malaman kung maghahara-kiri na ba ako, pupunta ng Oman, magbi-business o papakasalan si John Lloyd. Jokeness!



Eshuli kaya lang naman ako napa-oDesk kasi namatay ang lolo ko. Hinde naman kami naghihirap noon kaya lang wala kasi akong mapaglibangan habang nagbabantay sa kanya (baka kasi tumayo sya bigla at layasan kami...joke lang 'Tay! Wag mo kong mumultuhin). Kakasearch ko ng kuna ano-ano (walang kasamang porn), napadpad ako sa oDesk. Syempre hinde agad ako kumagat. Mahirap na noh?! Baka magpagod ako para sa wala. Akalain mong sangkatutak na Pinoy na pala ang naka-sign up doon?! E di syempre go na rin ang lola nyo.

And the rest, as they say, is history.

Ngayon, hinde na ako masyadong pagod, hawak ko ang oras ko at pwede akong maglakwatsa anytime eto ang dahilan kung bakit hinde ako maka-blog madalas at pati ang niluluto ko sa Cafe World at mga pananim ko sa FarmVille e wala na. Nyemas! Ahek! Joke lang! Enjoy pa rin naman. Madami akong nakilalang clients na ngayon e kliyente na rin ng Talent Shout.

Haaayyyy...tingnan mo nga yan, ambilis talaga ng panahon.