Kumusta naman, kinabahan ako ng todo-todo nung kasagsagan ni Ondoy. Bakit kamo? In a span of 5 minutes, water rose to more than a foot in our place. Buti na lang hinde pumasok sa bahay namin. Unfortunately, the same cannot be said for our neighbors as well as for the establishments near Zapote Junction as well as those near Tuazon Subdivision (J. Rizal St.). Sa may Zapote Junction, water rose to about 7 feet according to one tambay. Sa may J. Rizal naman, water rose to more than 4 feet. My sister-in-law almost drowned sa area na yun kasi pauwi na sila nung pamangkin nya. Hinde nya inakalang ganun na kataas ng tubig at ganun kalakas yung current. Fortunately, tsinelas lang ang nawala nya (masama nga lang ang loob nya kasi Havaianas tapos hinde pa sa kanya hehehehehe). Basag ang pinto ng Mercury pati window nung isang barber shop sa sobrang lakas ng current. Nakakatakot talaga. Partida, kinakabahan na ako e wala naman ako sa Marikina or Rizal.
Maswerte kami dahil kuryente lang ang nawala sa'min. Maswerte din kami na madaling bumaba yung baha. By 3 am ng linggo, wala ni katiting na tubig sa subdivision namin (Bro, salamat po). Kapalit naman nun, para sa'kin, ay ang libo-libong kaba para sa mga kaibigan ko at kamag-anak na hinde sumasagot sa text ko.
Pero alam mo kung ano ang nakakatuwa? First time kasi makakita ng pamangkin ko nga ganoon kataas na baha. Tuwang tuwa sya, gusto nya aw mag-"twimming". Alam mo kung ano pa mas nakakatuwa?
- Muelmer Magallanes. Parang hinde sapat ang kahit na anumang salita para ipahiwatig kung gano ako ka-bow sa kanya. Hinde biro ang suungin ang rumaragasang baha gayong mas madaling i-save mo na lang ang sarili mo. Kung nasaan ka man ngayon, salamat!
- Gerlad Anderson - okay, lab na kita kahit na parang palagi kang galit sa Tayong Tatlo este Tayong Dalawa. Artista ka, pwede kang mag-inarte at manghablot na lang ng naval boat para i-save ang sarili mo at pamilya mo pero mas naisip mong i-check if kelangan ng mga kapitbahay mo ng tulong.
- Manuel Quezon III - Kung hinde sa walang patumangga mong updates via twitter, FB at kung anik-anik pang social sites, malamang hinde makakarating sa mas maraming tao ang kalagayan ng mga nasa Marikina, Cainta, etc.
- Definitely Filipino - isa pa kayo, tulad nang nasa taas, salamat sa every minute na feedback.
- Mga Facebookers na tumigil sandali sa pagha-harvest at pakikipag-away sa ibang Mafia Family upang mag-retwit, re-post at kung anik-anik pa, ng mga pangyayari.
- Mga indibidwal at grupo ng indibidwal na hinde na nag-antay ng "go" signal at kusa nang nag-volunteer ng kanilang serbisyo para makatulong.
- Mga libo-libong Filipino na hinde man mapangalanan pero isinakripisyo ang kung anumang meron sila para lang sa mga taong nangangailangan (oo, kasama dyan pati yung mga nagdasal)
- Sa mga kumpanya na talaga naman pong nag-extend hinde lang ng tulong kundi pati na rin pang-unawa sa mga nasalanta (mahirap mawalan ng bahay).
- AylabyuoDesk! Dahil alam nyong mahihirapan kaming magemail kaya kayo na ang nakipag-usap sa mga buyers para sa'min. Tenjewberrymud!
Pero syempre, pag may good...may bad. Naiinis ako sa mga:
- Looters! Pwede ba?! E kung lunurin ko kaya kayo?!
- Mga walang puso. Pwede ba, malamang hinde makakapasok kalahati ng work force nyo pero wag nyo naman silang parusahan pa lalo. Hinde naman po nila ginusto na malubog sa putik ang lahat ng kanilang gamit.
- Wan more taym! Mga walang puso! Mag-ambag ka naman kahit prayers lang...kahit simpleng twit or plurk nga lang pwede na e.
- Mga reklamo ng reklamo. Yun bang tipong binigyan na nga ng relief goods e nagrereklamo pa na hinde raw sila kumakain ng sardinas or noodles. Jusme?! E kung palitan ko kaya ng putik yan?!
Ikaw, ano ang kwentong Ondoy mo?