Monday, October 26, 2009

My Soliloquy

Alam mo yung kantang "On The Side of Me"?

Minsan may mga katangahan tayong ginagawa na, during the time na ginawa natin yun e, hinde sya mukhang katangahan. As the song says, "the skeletons in my closets are too big to hide". Pero wala naman yun sa dami ng sikreto mo sa buhay e. Nandun yun sa kung pano ka natututo sa mga pagkakamali mo. Lahat naman tayo may sikreto e.

Mahirap lang pag wala kang mahahawakan, pag wala kang kakampi.

Sa buhay ko, madalas sabihin sa'kin ng mga lablayp ko na kakampi ko sila. Pero, sa totoo lang, konti lang sa kanila ang talagang kakampi ko. Karamihan sa kanila, pag nagkaipitan na, ako ang sinisisi. Kesyo masyado akong demanding, kesyo masyado akong dependent, kesyo masyado akong madrama.

Kahit sa mga kaibigan ko, konti lang talaga ang masasabi kong kakampi at alam kong hinde ako iiwan sa ere.

Importante sa'kin ang malamang may kakampi ako kaso sanay ako na mag-isa lang ako. Sa totoo lang, wala akong tiwala sa ibang tao, except pag pinakita mo talaga na mapapagkatiwalaan ka. Weird na kung weird. Ganun ako. Pero hinde naman ako nangangagat hehehehe

So anong punto ko?

Sa sobrang kakatingin ko sa mga taong akala ko mapapagkatiwalaan ko, hinde ko napansin yung isang tao na noon pa man e uber suporta na sa'kin - mula nang pumasok ako sa Plastilens hanggang sa ngayon na meron na akong sariling business.

Hinde sya special, hinde mataas ang posisyon nya, hinde sya mayaman. Pero sa lahat ng kawalan nyang yun, isa sya sa mga iilang taong nakilala ko na hinde kiss-and-tell. Tinago nya lahat ng sikreto ko. Pinakinggan nya ako kahit na minsan paulit-ulit lang ako. Sinabihan nya ako kung ano ang tama at kung ano ang mali pero hinde nya ako pinilit na sundin sya. Hinde sya nakinig sa mga tsismis tungkol sa'kin at hinde rin sya nag-ambag ng sarili nyang version sa mga chismis.

Noon pa man nagpaparinig na sya. Pero hanggang pahaging lang, na type nya ako, na gusto nya ako, na mahal nya ako. Pero hinde ko yun pinapansin. Kasi naman, sa binait-bait nya e babaero ang tingin ng nakararami sa kanya. At babaero sya talaga kahit na torpe sya. Naka-ilang gf din sya.

...at ngayon ko lang naaappreciate ang pagiging isang tunay nyang kaibigan....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
mukhang may papalit na kay Wolverine, Jr at Acorn..
..tsk... tsk... you never learn!