Tapos na ang emo-ness ko. Maraming salamat sa mga tumodo-todo ng suporta. Di ko na kayo iisa-isahin dahil alam nyo naman kung sino-sino kayo.
Haymbakmaydirsanamabits! Ay mali! Sori nameyn, hinde ko napigilan sarili ko. May mga kinaiinisan pa rin kasi ako ahehehehe...mga taong:
- Lintian sa kakulitan (mahina talaga ako sa makukulit, iksi pasensya ko)
- Mga taong react ng react ng hinde nagbabasa (o, walang kinalaman 'to sa EIB na ha?!)
- Mga taong mapagpanggap
- Mga taong, wala lang, mabigat lang talaga dugo ko
Commercial muna:
Dun sa twice nang nagse-search ng "hinde mo na pala ako mahal hinde mo man lang sinabi," pasensya ka na ngunit sinabi ko naman, hinde mo nga lang narinig hehehehe...ate/kuya/kung ano ka man, pasensya ka na ngunit anobayangpinagsasasabimoehindenamankitakilala?!
Pagpasensyahan nyo na ang segue na'to, 3 beses na kasi nyang sine-search yan e at tatlong beses rin na more than 5 minutes ang tinatagal nya dito sa blog. Secret message ata nya talaga yan for moi! hehehehehe
Yun na nga...
Pero okay-okay na ako. Medyo back to my old shining, shimmering self again. Mga konting panahon pa, makulit na naman ako. Kaso baka sa mga darating na araw, bumalik ako sa sosyalerang english na blog. Nakikita mo yang nasa kanan na "Alter Ego"? Nandyan ang dahilan.
Paano ba ako naging okay e kahapon lang kulang na lang laklakin ko yung muriatic acid sa banyo namin? Simple...sinunod ko ang mga payo ng mga prenli prens ko:
- Inhale-Exhale. Pero hinde ito simpleng exhale. May kasamang poot dapat yung exhale. Mala-CAT/ROTC na sigaw ang pagpapalabas mo ng hangin mula sa iyong katawan. Kailangan malakas para maibuhos mo lahat ng galit mo.
- Kain ng saging (scrub-in natin ang utak mo kung iba ang naisip mo). Actually, hinde lang saging ang kinain ko. Tinodo-todo ko ang pagkain. Tsalap! Dahil busog ako, mas madali akong nakakatulog so walang time para magpaka-emo.
- Nanood ng sangkaterbang cartoons, The Nanny at Rush Hour re-run. Masayang pelikula=magaang pakiramdam. Hinde ko kasi mapalitan sounds ko. Peborit ko kasi yung mga kanta.
- Nagpakalunod sa trabaho (segue: Kelangan ko ng writers at virtual assistants! Maraming maraming writers at virtual assistants. Interesado ka? Email mo ko)
- Dinelete sya sa phonebook, sent items, inbox, log, peysbuk at prenster. Ang maganda, hinde ko memorize ang number nya so wala na talaga akong way para ma-contact sya. Sino ba sya? Si fill-in-the-blanks-by-Winkie. Ibang usapan na si Acorn. Mas mahirap yun kasi alam ko bahay nila at memorized ko lahat ng number nya.
- Nagpagupit na rin ako ng buhok. Maiksi na ang buhok ko ngayon at medyo gusto kong kitlan ng buhay yung bading na gumupit. Tumatama kasi sa batok ko so nagsimula na namang maglabasan ang aking batok pimples. Nasobrahan naman kasi ng iksi yung gupit na ginawa nya. Upside= mukha na talaga akong 29, downside= mukha akong 29.
Okaypayn, hinde ko pa nagagawa ang sadjestment ni Jesse at ni Mon pero one of this days, one of this very ordinary days, you're gonna call my name and I won't be there magbabakasyon ako ng isang buong bwan...hiatus ek-ek na rin yun from blogworld.
Hinde pa ako ganap na okay. Medyo may lungkot factor pa rin pero hinde na ganun katindi. Sira-ulo kasi 'tong si Maldito e, ganda-ganda na ng page-emo ko bigla na lang nag-post na naman ng nakakatawa...ayun, hinde ako tuloy makaporma ng page-emo.
Segue ulit:Sa mga sandaling 'to ay may nakapasak na tissue sa ilong ko. Nope, hinde ko balak magpakamatay (anuber?! Sagwa naman ng cause of death: asphyxiated by a tissue paper). Sinisipon ako. Ilong ko naman ang nagpapaka-emo. Tulad nga ng sabi ni Donald Duck, "Oh, boy! Oh, boy!" (kala mo malalim noh?!)...ang hirap mag-type ng may runny nose.
Back to regular programming:
Actually, during my emo moments, may mga bagay-bagay akong naisip at napagtanto. Siguro dala na rin ng post ni Winkie:
- Mahirap hanapan ng tagalized version ang "orange" at ang "brown". Tagalized, hinde spanishized.
- Ang isang acquaintance nakikiramay pag may problema ka pero ang tunay na kaibigan alam kung ano ang dapat gawin pag may problema ka...at hinde kelangan naka-face-to-face mo na ang isang tao para maituring na kaibigan (di ba CF?)
- Kung kelan yung down ka tsaka ka bibigyan ni Papa Jesaz ng reason para magsaya. Isang patunay na ayaw nya ng may nalulungkot.
- 'Pag nagkamali ka ng pasaload, malamang hinde mo na 'to mabawi kahit pa sa pinakamalapit na tao sa puso mo naipasa yung load. Also, hinde dahil nagpasaload ka e sa'yo gagamitin ng tao na yun yung buong load. Ite-text din nya pati mga kalukadidang nya.
- May mga bagay na mas magandang sinisikreto na lang. Period.
Oo, kahit sa page-emo e nakakapag-observe pa rin ako. Innate na yun sa graduate ng Psych - ang humanap ng patterns at mag-obserba sa gawain ng ibang tao...at magpaka-sophist.