Wednesday, September 16, 2009

Bi-yu-ti-pool

Segue muna bago post:

Naiirita ako kanina (kanina lang) kasi may mga tao na..hmm....for lack of a better term (or phrase) e ginagago ako. Nameyn! Hinde ko alam lahat ng bagay pero marunong naman akong tumuklas.

On to the post:

Okay, alam kong sawa ka na sa page-emo ko at alam kong tinatabangan ka nang magbasa dito. Okay lang, wapakels nyahehehehe. Achuali, hinde na ako masyadong emo. Alam mo kung bakit? Meron kasing isang nilalang na nag-emo din sa harapan ko. Pano naman ako makakatulong sa iba kung emo din ako, devah? So, ayun, biglang nawala ang emo-ness ko at instant eternal sunshine of the spotless mind ako (hinde ko pa yun napapanood pero maganda daw). Ang siste, bago pa ako makahirit ng malalimang advice, meron pumasok na email galing sa isa sa aking mga iniidolo sa larangan ng HR, si Mr. Danilo Pancho na ilang beses ko nang nabanggit sa blog na ito (backread ka).

Ano ang kanyang payo?

Bago ko pa man mabasa ang kanyang payo, nag-assume ako na ang ia-advice nya ay katulad din ng mga advice na ng iba pa naming ka-grupo - Pray, don't dwell on it, think happy thoughts, eat chocolate (okeipayntree, ako ang nag-advice nito), etc. Subalit, ngunit,datapwa,hoemdyi! Hinde ganun ang kanyang adbays! Ang kanyang adbays ay:

Don't fight it. Just ride the feeling, cry it out, and enjoy the trip.
Minsan, mas okay pa yung ini-iyak mo instead of trying to divert your attention.
You are just fooling yourself if you do. Once the diversion is gone, that sadness will still be there.

Ask yourself, "What's the worse that can possibly happen? Can I cope with
it?"

You'll find out that knowing the worst thing that can happen
and knowing that you can live through it will take the sting out of the situation.

Don't try to drown your sadness by drinking.
Sadness is such a good swimmer it will not drown. Instead, grab it by the
neck and wring the life out of it. He, he he!

Haymsyakd (okeypayntree, hinde talaga ako na-shock kasi alam kong mga ganitong linya ang bibitiwan ni Ka Danny. Haller! Mas marami syang pinaghuhugutan na karanasan)! Malamang para sa ibang tao, dasalatanansens! Pero para sa'kin, itmeksalatasens!

Bakit?

...dahil tama sya
...dahil minsan kelangan natin malungkot
...dahil minsan kelangan nating harapin ang kalungkutan at ipakitang mas matibay tayo kesa kay Emo
...dahil mas lalakas ka kung haharapin mo at malalagpasan ang kalungkutan mo ng hinde pinagpipilitan sa sarili mo na hinde ka malungkot

Oo, minsan. it's all in the mind. Pero minsan, ang mga bagay na hinde mo napo-process at nae-express ng tama ang, sooner or later, titibag sa'yo, pasusukuin ang mentalidad mo.

O...emo post na naman ba?

Op chors not!

...dahil ito ay isang TY post (segue: iba't ibang uri ng post ni kikay - TY post, list post, emo post, rant post, photo album, serious post, one-liner, contest post):
  1. Sa mga nag-comment, nag-text at nagpakita ng concern kahit na nth emoness ko na 'to salamat sa pag-intindi at pagtanggap sa'kin.

  2. Sa mga nag-add sa'kin sa Farmville, aylabyuol! Add nyo naman ako sa Mafia Wars at busy yung mga writers ko para tumulong magapi ang mga naglagay sa'kin sa hit list.

  3. Sa mga nag-fan sa Talent Shout (yes, may peyds na kami sa Facebook), salamat sa suporta. Mahirap maging one-woman team a!

  4. Kay Deejay at Kevin at Dick, salamat sa kaguluhan hehehehe...at least, kahit pano, nabawasan ang depreyshen.

  5. Kay Mr. Nonsense sa walang sawang pambobola. Salamat. Feeling ko ang ganda-ganda ko. (Oo, may pagka-insecure ako sa area na yan...mahabang, mahabang story)

Nagpapasalamat na rin lang ako, ia-announce ko na rin ang bagong bebes (madami e) ng Talent Shout: logo design, web hosting, and affiliate marketing. Kung interested, email lang ako sa kikayness@kofistains.com or abangan ang official announcement sa http://blog.talent-shout.com/.

Realizations?



  1. I may not be uberly sexy but I know I am beautiful in my own right. Kelangan ko lang isipin ang mga techie boyz ko sa Hyundai para malimutan ko ang feeling -panget moments ko. (uy, nagwa-wonder na yan kung sino ang techie boyz...at talagang naglagay ako ng pic e noh?!)
  2. Hinde nawawalan ng pag-asa ang mundo kahit patay na si Patrick Swayze dahil may mga tao pa rin na iniisip muna nila ang mararamdaman ng iba bago sila gumawa ng hakbang and por dat, aylabmayshekisprens! (O, nagwo-wonder ka na rin kung sino ang shekis prens? Hulaan mo!)
  3. Hinde lahat ng gusto mo e gusto ka rin pero hinde ibig sabihin nun na walang magkakagusto sa'yo. Hweyt ka lang, darating din yan.
  4. Minsan, kelangan mo lang enjoyin ang moment kasi darating ang time na mami-miss mo rin yan - ang mag-isa, ang umiyak, ang tumawa, ang magpaka-ogag.

Eto na yata ang pinaka-mahaba kong post. Naks naman!

Ikaw, ano ang angking kagandahan mo?