The funny thing about being emo is that just when you think you see the light at the end of the tunnel, something goes wrong and everything comes crashing down.
Yes, I'm in one of those crappy moods again. How does it feel? Like you exist and yet nobody knows about your existence. It's like people and things just pass you by. Nakakainis.
I cannot make heads turn. I am not the type of girl that guys dream about in their sleep. Sure naman ako na hinde ako panget. I just don't stand out in the Beauty Department. I don't have the x factor, whatever that is.
I can't get the guy that I want. I always have to settle for whoever comes along my way. And it sucks.
I know, I know.Maybe I should stop making emotional posts and maybe, just maybe, there would be someone who would see me as a happy and fun-to-be-with person. But whadaheck! This s me at my worst! If you can't accept this side of me, why should I change?
Or maybe I should do that. Maybe I should try to fool myself sometimes and be the person other people want me to be. Maybe then someone would fall for me.
...but then again, I'd still end up feeling like crap.
I hate myself.
I need affirmation :(
Update:
Okay, masyadong emo ang last post. Buti na lang maganda ang advice ni Tsi at buti na rin lang napadaan ako sa blog ni little sister ko.
Matagal na mula ng mag-post ako ng...uhm...nakakatawa (keypayn, alam kong corny ako madalas. Sori nameyn!). Matagal na rin mula nung mag-post ako ng aking Thank You posts. Hinde ko pa talaga magpakasaya (okay, Deejay, panalo ka. Emo pa nga talaga ako). Bakit nga ba? Bakit ba parang ang lungkot-lungkot ko lately?
- Ulan kasi ng ulan. Madali akong ma-depress pag hinde ako nasisilayan ng araw.
- May mga tao lang talaga na, sa hinde ko maipaliwanag na dahilan, e mabigat ang dugo ko. Wag mo na tanungin kung sino dahil hinde ko rin sasabihin.
- May mga tao lang na sadyang nakakainis ang kanilang ugali. Wag mo na rin itanong kung sino dahil di ko rin naman sasabihin (at oo, maka-Eraserheads ako)
- May pinagdadaanan ang buhay ko ngayon (post-quarterlife crisis, isdachu?!). Hinde ko pa kayang ikwento sa lahat. Isang blogger pa lang ang nakakaalam so hayaan natin na sya lang muna ang nakakaalam nun. Itago natin sya sa code name (sorry Azul, mahilig talaga ako sa code name) na "Bespren". Hinde naman kabigatan pero, konti na lang at magtatago na ako sa kumbento hehehehe
- Slightly heartbroken pa rin ako. Slightly lang kasi napagsabihan naman ako ni Azul atsaka ni Joycee na maghinay-hinay. Buti na lang, hinde ko pinaandar ang tigas ng ulo ko.
Pag mga ganitong panahon, nami-miss ko childhood days ko, yun tipo bang wapakels ka sa buong mundo? Basta may laruan ka, may candy ka, okay ka na. Pag naiisip ko yan, nadadagdagan pa lungkot ko kasi nami-miss ko ang:
- The World Tonight. Oo, naaliw ako sa boses ni Angelo Castro at Tina Monzon-Palma.
- Nami-miss ko ang late night tambay namin ng mga Hyundai officemates ko sa sidewalk ng Glorietta (yung sa may tapat ng Gerry's Grill dati). Okay, 6 years ago lang sya kung tutuusin, pero nami-miss ko pa rin sya.
- Nami-miss ko ang pakiramdam ng walang pasok. Oo, hinde ko naeenjoy ang long weekend huhuhuhu
- Nami-miss ko ang lunch na may iba kang kausap bukod sa pamilya mo. Heck! Nami-miss ko ang lunch sa office. Period.
- Nami-miss ko ang pagiging HR Manager/Specialist/Staff/Etc. Posible pala yun.
- Nami-miss ko ang noodles at C2 break namin ni Doc Philip.
...at higit sa lahat, nami-miss ko si Dale. Nami-miss ko ang feeling na special ako (hinde special child). Nami-miss ko ang feeling ng may nagmamahal sa'kin. Nami-miss ko ang feeling ng may kakampi ako, na may napagsasabihan ako ng problema ko. Nami-miss ko ang feeling ng may nakahawak sa kamay ko. Nami-miss ko yung may nag-aalala sa'kin. Nami-miss kong lahat yun. At nasasaktan ako kasi para bang sa ibang tao, madali lang sya at mabababaw lang sya na bagay...pero sa'kin, kelangan ko syang paghirapan...tulad ng iba ring bagay sa buhay ko.
Sad...
Buy Me A Cup Of Coffee