Linggo noon at naghahabol ako ng articles. Loko kasi itong si Ondoy, inilubog sa baha ang kagamitan ng 3 kong writers. Oo, kasama pati ang kanilang freyshus leffteff. So, no choice si ako, ako ang gagawa ng articles.
Eto na, nagsimula na namang dumilim...tsk, nagbabadya na si Pepeng. Sa totoo lang, abot-abot ang kaba ko. Pa'no ba naman, sabi ni Michael Fajatin, lumalaki na daw si Pepeng habang pumapasok ng Pinas.
....nang biglang, mula sa kapitbahay namin may humirit ng "And now the end is near and so I face the final curtain"
....kumidlat! Kala ko tatamaan na sya. Di ba lahat ng kumakanta noon namamatay? Siguro malakas syang manalangin sa bathala ng mga bagyo kaya hinde sya tinamaan ng kidlat. Tsk, sayang!
Alam mo yung Fujiwara effect, ayun, kapitbahay namin ang dahilan kung bakit naghihilahan ngayon si Pepeng at si Melor. Tsk! Kung bakit naman kasi naisipan pa nilang mag-videoke kung kelan nabagyo e. Kung susugurin sya ng mga nasalanta ng bagyo sa Northern Philippines, hinde ko sila pipigilan. Sakit sa tenga e!
Hay! Kaya bilang pampakalma, punta na lang tayo sa Philippine Blog Awards. Wahehehehe talo ako! Hinde nyo makikita ang aking shining, shimmering splendor. Jusme naman kasi, kabibigat ng mga kalaban ko (at talagang umasa ako!). In any case, Iwill vote for my friendly friend. Sino pa nga ba e di syempre si Diego at si Jose ng Good Times Manila (uhm, si Jose ang kaibigan ko, hinde si Diego). Nawa'y manalo nga sya....o sya sama na rin natin si Jose...Siamese naman sila e.
O di ba, hanep ako sa segue? Kasi naman wala pa ako sa matinong pag-iisip, bukod sa namimingi pa ako dahil sa kapitbahay namin. Tapos nakatanggap pa ako ng balita na namantay si Lauren Smith sa CSI. FTW (Fwet Talaga Wo!)!