Wednesday, September 9, 2009

Random Ramblings: Busyness Is Next To Ugliness

Yep, si AC ang madalas magsabi sa'kin nyan.

Saka-sakaling madalas ka dito, malamang nagwo-worry ka na kung anong isu-suot mo sa coffee party ko. Sorry ka na lang kasi alayb, alayb pa ako.

Sobrang busy ko lang lately kaya hinde nyo maramdaman ang presensya ko masyado. Isama mo na dyan ang nandito kasi ang mama ko kaya kelangan QT (quality time). So wag magtaka kung bakit walang post at bakit ang tagal bago ako mag-reply.

...bukod sa may bago akong kinaka-adikan.

Pasensya ngunit hinde sya makikita pesbuk. Makikita sya dito (o, ang mahina ang puso, baga, atay, balun-balunan, wag mag-click sa link).

Ewan ko ba, umandar na naman pagiging weirdo ko kaya ayan, dyan na naman ako nagagawi. I'm actually after the historical value rather than the gore factor or the scream factor. Walang nakakatakot sa site na yan. Para ka lang nagba-browse ng pictures ng mga tulog na tao.

Hinde mo type? Keypayn....walang basagan ng trip.

Trip...

Lately, napapansin ko, may mga taong lubos na walang pakialam sa ibang tao. Na para bang sila ang hari ng mundo. O, bago ka bunmwelo sa comment portion, papangunahan na kita. In general ang patukoy ko, hinde ito tungkol sa iisang tao lamang.

Napapansin ko lang na lately, may mga tao, mga bloggers, na nakakalimutan nila na ang mga tao sa paligid nila ay may puso at pag-iisip din. Hinde lahat ng nakakatawa sa'yo ay nakakatawa rin para sa iba. Hinde lahat ng cool sa mundo mo ay cool para sa iba.

Your rights end where my rights begin. Tulad nga ng sabi ng namayapang kong lolo sa lola ko na pagkatagal-tagal lumabas ng banyo, "Hinde lang ikaw ang anak ng Diyos." Hinde dahil sa blogger ka e pwede mo nang gawin at sabihin ang LAHAT ng gusto mong sabihin o gawin. Hinde mo pupwedeng gawing rason na "isara mo ang tab kung ayaw mo ng nababasa mo". Okay lang ang may kumontra, okay lang ang umayon. Okay lang magpaka-emo, mag-rant, magpaka-corny or magblog tungkol sa pabago-bagong ihip ng hangin sa iyong isipan.

PERO...
  1. hinde tama ang magbigay ng maling impormasyon kahit na blogger ka lamang at hinde journalist. Hinde ba't nakakainis maka-receive ng email tungkol sa isang batang may sakit na hinde naman pala talaga nage-exist?
  2. hinde tama ang mangulit sa mga ibang bloggers na basahin nila ang blog mo o na mag-comment sila o na bumoto sila lalo na't hinde kayo close. Kasama na rin dito ang hinde nakatutuwang mangulit ng link exchange. Gusto mo ng traffic? Matuto kang magbasa ng posts at mag-iwan ng sensible na comment.
  3. hinde tama na mang-away ka ng isang tao na wala namang ginagawa sa'yo. Aning-aning lang ang gumagawa nyan.
  4. hinde tama na maliitin mo sa harap ng maraming readers ang isang tao dahil lamang sa kanyang kulay, relihiyon, galing sa pagi-ingles o pagpi-Pilipino, edad, o social status. What you see is just the tip of the iceberg. Malay mo, ang inaalipusta mo pala ay mas marami pang alam kesa sa'yo.
...dahil hinde lahat ng trip mo ay tama at kung hahayaan ka lang ng ibang tao sa trip mo, pwes ako hinde. Kung lahat ng tao e pwedeng gawin LAHAT ng gusto nya, napakagulong mundo ang magiging resulta.

Intiendes?

Buy Me A Cup Of Coffee