Yep, it's definitely beginning to look a lot like Christmas. Nagkalat na ang Christmas lights sa Quiapo at malapit na rin magliyab sa tindi ng ilaw ang ilan sa mga kapitbahay namin, yung tipo bang hinde mo na kelangang pumunta ng Star City kasi sa kanila pa lang, mabubulag ka na sa dami ng ilaw.
Masayang malungkot na naman ang Paskong 'to. Masaya kasi may reason na naman ako para gumastos (kaya pakabait kayo nyahahahahaha). Malungkot kasi pangalawang Pasko namin ito na wala na ang pinakamamahal kong lolo. Ang masaklap pa, hinde ko na kasi sya napapanaginipan. Hayyyy.....tahimik na nga sya talaga.
Kung nung huling Pasko e marami akong sama ng loob, ngayon panay saya. Hinde ko akalaing sa pagbo-blog ko pala mahahanap yung peace of mind at trustworthy friends na matagal ko nang hinahanap. Sino bang magaakala na yung mga simpleng batuhan pala namin ng comments e magiging daan para sa isang kakatuwang pagkakaibigan? Alam kong alam nyo kung sino kayo, salamat. Shekisprens, EB prens, prenli pren - aylabshuol!
So bakit ako nagda-drama?
Nope, hinde pa ako mamatay bukas. Nagpaparamdam lang ako para saka-sakaling nagpe-prepare na kayo ng Christmas gifts e hinde nyo ako makalimutan bwahahahahaahahah