Daming bagay ang nagpapalungkot at nagpapainis sa'kin ngayon. Eto na ata ang pinakamahaba kong emo session simula nang maging active ako sa pagba-blog...pero hinde ito ang pinakamahabang emo-ness ko sa buong buhay ko. Oo, pinanganak akong emo. Iyakin ako sa lahing iyakin, madali akong ma-depress. Dumagdag pa dyan ang pagiging freak ko.
Mahabang segue muna:
Alam mo yung post ko tungkol sa mga multo? Hinde totoo yung sinasabi ng iba na pag nakakakita ka e pwede mo rin silang kausapin at nakikita mo kung pano sila namatay at kung nasan na sila. Matinding third eye ang meron yung taong yun. Ang totoo, hinde lahat e makukuha mo. Pwedeng naririnig mo lang sila, pwedeng nararamdaman, pwedeng nakikita mo kung pano sila namatay. Sa sitwasyon ko, nakikita ko sila kung ano itsura nila nung buhay pa sila. Minsan naririnig ko sila. May dalawang beses na naramdaman ko talaga sila. Hinawakan ako sa braso tsaka sa balikat. Katakot!
Back to regular programming:
Ayun nga, madali akong ma-depress lalo na pag wala nang araw. Maaring nagtataka ka bakit ang emo ko nitong mga nakaraang araw at ang dalas kong mag-rant. Nagkapatong-patong na problema lang tapos nadagdagan pa ng mga nakaraang nagbabalik tapos sinabayan pa ng tambak na trabaho. Kung mapapansin nyo, minsan one-line lang ang mga comments ko.
Nakaraang Nagbabalik:
Nakakainis pag merong isang tao na akala mo nakalimutan mo na yun pala hinde pa. Siguro dahil na rin sa sya ang first boyfriend ko. Pero sa isang banda, kung iisipin mo, hinde sya ang nami-miss ko kundi yung kung ano kami noon. Makwento kasi sya e. Mahilig sa mga cheap na bagay - lakad sa intramuros, ikot sa SM Manila, tambay sa bahay...mga bagay na hinde ko makita kay Acorn. Hinde kasi mahilig si Acorn na mag-gala. Gusto nya bahay lang. Kung lalabas man kami, dapat may dahilan. Alam kasi ni Acorn na bulagsak ako sa pera kaya iniiwas nya na maglalabas ako.
Sa totoo lang, sobrang miss na miss ko na si Acorn...at medyo miss ko rin si fill-in-the-blanks. Si Acorn dahil tanggap nya ako, si fill-in-the-blanks dahil pareho kami ng mga hilig. Si Acorn dahil hinde sya showy, si fill-in-the-blanks dahil sya ay showy (gulo noh?!)
Nalulungkot pa rin ako dito...kasi yung taong willing gawin halos lahat magkabalikan lang kami e hinde na free para makipabalikan...at yun namang taong pwedeng makipagbalikan e magulong kausap.
Tama nga siguro yung kaibigan ko, "If everybody deserves a second chance, would it mean we also have the freedom to waste the first one?"
Kaso, madali mang sabihin na kalimutan na lang sila pareho, mahirap gawin. Bakit? May guilt factor e. May kasalanan kasi ako kay Acorn, isang malaking-malaking kasalanan. Kung anuman yun, hayaan nyong itago ko na lang. Konti lang ang nakakaalam ng sikretong yun at ayaw ko nang dagdagan pa. Alam kong may epekto yun sa sitwasyon namin ni Acorn ngayon. Pero, sa isang banda, humingi na ako ng tawad e. Besides, hinde lang naman ako ang may kasalanan. May ginawa din syang kalokohan.
Bottomline? Tina-try ko ngayon na kalimutan sila pareho. Ang hirap to the nth degree! Bawat ikot ko, isa sa kanila naaalala ko. Bawat kanta, may memory na susulpot...kaya sana, pagbigyan nyo na mga rants ko.
Alam mo ba kung ano paulit-ulit na tugtog ko ngayon?
- Doors
- Never Let Her Go by Bread
- You Never Told Me You Love Me by Gabriel
- Love by Jim Photoglo (100x...kung may lyrics ka nito, send mo naman sa'kin)
- She's My Girl by Morris Gilbert
- You
- Certain Sadness (100x na rin)
- Trying To Get That Feeling
- It's Got To Be Love by Buck Fizz
- Should We Carry On by Airplay
- It Takes A Man and A Woman
- Sweet Baby
- Lost Without Your Love by Bread
- Hardcore Poetry by Tavares
- If I Keep My Heart Out Of Sight by James Taylor
- Part-Time Love by David Gates
- Words And Music by Andy Gibbs
- Goodbye Girl by Andy Gibbs
- Jennifer by Bobby Goldsboro
- I'll Take Care Of You by Ronnie Mislap (1,000x)
Ang epekto? Naalala ko ang mga sumusunod:
- Early morning jog at CCP nung 5 to 7 years old pa lang ako
- Early morning breakfast at TIM kasabay si fill-in-the-blanks
- Lunch Time singing contest with my boss at TIM
- Late night kwentuhan with fill-in-the-blanks
- Acorn's eyes
- Late night McDo/Chowking date with Acorn
- Lunch time with Acorn
- "Andyan na ba asawa ko?" lines
Hayyyy.....o naniniwala ka nang magulo utak ko? Hinde bale, pauwi na naman si Mama...baka saka-sakaling maliwanagan ako.
...nakalimutan kong idagdag...pag nakikita ko sila pareho, mas lalo ko rin palang nami-miss lolo ko. Imaginin mo yun, 1 taong na palang wala si Tatay sa a-dos. Nakakalungkot...hanggang ngayon naririnig ko pa rin boses ng lolo ko...miss ko na talaga sya...pero at least tahimik na sya ngayon...kalungkot lang kasi wala nang cool na makulit sa bahay...wala nang magkukwento tungkol kay Quezon...wala na...hinde ko pa rin tanggap na wala na lolo ko...