Panay bloghop lang tuloy ang nagawa ko.
....pero dahil wala akong oras, konti lang ang napuntahan ko
....at yung mga napuntahan ko pa ay either emo or in-lab, so hinde ako masyadong maka-comment kasi a) mukha akong bitter, b) mukha akong hinde nag-basa or c) hinde ako maka-relate bwahahahahaha....okey payn! Naiinggit ako kasi wala akong lablayp.
Mukhang maraming natuwa, namangha, napa-react dun sa huli kong post kaya naman sa susunod, maggagawa ulit ako ng ganun. Tulad nga ng sabi ni PromKing, malay mo, magawa nga itong reference ng ibang mga estudyante (asa pa ako!)
Ekshuli, gusto kong magsulat about prenships. Walang specific na tao. Tungkol lang sa kung pano at ano ang maging kaibigan. Madalas kasi, insiisip natin na, dahil madalas nating makausap, makabiruan, makakwentuhan ang isang tao, prenli prens na agad. Sa totoo lang, ang pagiging isang kaibigan ay higit pa dyaan.
Sa mundo ko, para maituring kita tunay na kaibigan, dapat:
- nag-away na tayo ng matinding-matindi at nagkabati
- kaya mong sakyan ang pagiging weird at corny ko
- kaya mong sabihin sa'kin na may tinga ako sa ipin
- kaya mong itago ang mga sikreto ko (as in tago talaga kahit gano pa kababaw yan at kahit na hinde ko naman sinabing itago mo)
- nakasama na kita at natanggap mo ako sa lowest and ugliest point of my life (tulo-uhog, laslas-pulso moments)
Oo, mas choosy ako pag dating sa kaibigan. Kasi alam kong, bilang kaibigan, gagawin ko lahat ng kaya kong gawin para lang maipagtanggol sya, maalo sya sa oras ng kanyang kalungkutan at mabatukan sya pag sumosobra na sya.
So bakit ko sinasabi ito?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
add nyo naman ako as neighbor sa Farmville o? Friends naman tayo di ba? Ahehehehehehe
Update:
Dito ko na ipo-post ang winner ng aking mabilisan at mini-contest....
.
.
.
.
.
.
.
It's none other than Archie Remo of www.tsiremo.com at 53 clicks. Mars of www.orphicpixel.com got 20 clicks while Mon of www.monzavenue.com got 14 clicks. Tsi, email mo na lang ako sa kikayness@kofistains.com.
Congrats! Salamat sa pagsali!
Buy Me A Cup Of Coffee