Ano nga ba ang 2009 para kay Kikay? Ang 2009 ko ay panahon ng maraming pagbabago at pagpapatunay. Ang taong ito ay (syempre kelangan naka-lista):
- taon ng pagiging taumbahay hehehehe. Sa bahay lang ako nagwo-work via oDesk. Kahit Talent Shout sa bahay lang namin naka-base.
- taon ng paglago ng Talent Shout. Sobrang thankful ako sa mga taong todo-suporta pa rin sa Talent Shout, sa mga kliyenteng nagtiwala at sa mga staff na nakiisa
- taon ng mga panibagong kaibigan na kahit hinde mo madalas nakakausap o nakikita e handang mag-alay ng kanilang pieces of advice (TY Doc Philip) at handang makinig.
- taon ng panibagong lablayp
- taon ng masaganang social layp
- taon ng pagtulong at pagpapakabait
Kaya naman, bago matapos ang taon, nais kong pasalamatan ang mga sumusunod (medyo mahaba kaya kumuha ka na ng tubig at biskwit) na talaga namang nagpasaya ng 2009 ko:
- Lovely (at nanunguna ka talaga) na unang naging kakulitan ko dito sa blogworld
- Winkie na madalas kong kakwentuhan pag dating sa lablayp. Isa rin sa mga kokonting tao na una kong tinatakbuhan pag may problema ako.
- Joycee na kahit na alam kong pagod from work e willing pa rin akong samahan na mag-breakfast at magchikahan kahit na parang pare-pareho lang ang kwento ko hehehehe
- Azul na madalas kong kakulitan sa text. Salamat sa mga advice at sa pakikinig sa paulit-ulit kong kwento about sa lablayp (na naman?!)
- Twin sis na kahit na nasa ibang e hinde nagsasawang makipagkulitan sa text. aylabsyu twin sis!
- si Reesie na kahit na kelan lang kami naging close e palaging willing makipagkwentuhan tungkol sa kung ano-anong bagay.
- Sandi na nagsisilbing inspirasyon ko na gumawa ng kabutihan hehehehe (napapaghalata ako)
- Deejay, Jason, Human BS, Mr. Nonsense at Glenn na walang sawa akong pinapatawa sa kanilang mga post kahit na nade-depress ako.
- ang aking CF na si Mon na kahit na hinde pa kami nagkikita e handang makipag-away para sa'kin (aym so tats!)
- si AC na kasing baliw ko rin at kasing ingay ko pag dating sa usapang pag-ibig. Amishu! Sama ka ulit sa susunod na seminar :)
- si Ax na walang sawa akong pinag-iisip sa mga blog post nya (mental calisthenics ba)
- ang mga writers ko na sina John, Jacque, Mai, Lio, Binchee at Kang na sobra-sobrang napakalalaking tulong sa Talent Shout.
- si Karl, si Doc Philip at ang mga iba ko pang officemates from Plasti na friend ko pa rin hanggang ngayon.
- mga dati kong boss tulad nila Sir Mario, Sir Chito, Sir Butchie and the Silvoza clan, and Atty. Joan.
- mga officemates ko sa Teleperformance na hinde nakakalimot hanggang ngayon tulad nila Maine, Erwin, Jackie, Grace, Reg, William, Buen, Celine, Kaye, Kiks, Marco, and Mel. Amishu all!
- Syempre kaka-miss din mga techie boys ng Hyundai kahit na hinde ko sila masyado nakasalamuha nitong taon na 'to.
Panibagong taon, panibagong buhay. Nawa'y maging masaya ang bagong taon nyo. Kung wala man kayo sa list e pasenysa na, medyo may Alzheimer's ako (lusot ba?). Nawa'y magka-lablayp na ako ng matinong matino ngayong 2010 nyahahahaha