Wednesday, July 1, 2009

Letter To God

Dear God,

July 1 na po (lagpas na sa deadline ang mga articles....lagot ako). Wala pa akong matinong tulog mula nung Lunes. Ibig sabihin ilang araw na lang, happy birthday ko na. Papa God, ngayon pa lang po nagpapasalamat na ko kasi kahit na wa wents ako, lab mo pa rin ako. Kahit na alam mo lahat ng secret ko, hinde mo pa rin ako pinapabayaan. Papa God, thank you. Tina-try ko naman po magpakabait kaso mahirap lalo na pag ganitong 3 araw na akong dilat. Papa God, thank you sa talino, sa lakas ng loob at sa pambihirang kagandahan na ibinigay mo sa'kin (bawal kumontra! Gumawa ka ng sarili mong post)

Maliit pa lang ako, isa lang ang dinadasal ko - Tulungan nyo ako. Tulungan nyo akong maging maunawain, maging mapagmahal at maging masunurin. Ayun, walang natupad hehehehe. Jowkness.

Papa God, pwede po bang mag-request? Pwede po bang lagi nyong i-inspire yung mga writers ko para naman hinde ako dilat bente kwatro oras? Ang hirap po kasing mag-edit ng articles na walang direksyon. Nakakamatay ng neurons. Konti na nga lang neurons ko, mababawasan pa.

Tsaka Papa God, since 29 na po ako sa 22, pwede po bang medyo dagdagan nyo naman ako ng taba? Hinde rin sasama ang loob ko kung medyo papatangkarin nyo ako ng konti para naman hinde ako tinatawag na nene nung kundoktor. Kamtutinkopit, okay din pala yun kahit pano kasi tipid sa pamasahe. Sige, kahit hinde na ako tumangkad maging kamukha ko lang si Megan Fox (Wops, sabi mo ask and you shall receive?)

Papa God, pakisabi nga pala kay Tatay, pautang muna 500, sa sweldo ko ibabalik. Jowk lang 'Tay. Pakisabi po kay Tatay, miss ko na sya wala talaga akong mautangan. Sayang, hinde ko na sya makukwentuhan ng non-existent lablayp ko. Pakisabi kay Tatay hinde na nya kelangang multuhin si Mangga hehehehe. Pakisabi nga pala kay Tatay pagsabihan si Nanay. Isang streyt na linggo, panay kulay orange yung ulam namin e.

Pakisabi rin po pala kay Papa Pau, hinde natuloy yung kasal kaya oks lang kahit nagmadali syang makipagkita Sa'yo. Naku Papa God, wag kang masyadong tatabi kay Papa Pau, makwento yan. Hinde ka makakapag-trabaho hehehehe

Papa God, ngayong birthday month ko, pwede bang humiling ng world peace? Kukulit nung mga tao sa Iran e. Sarap pagbabatukan. Tsaka since 29 na ako, pwede rin bang humiling ng matinong lablayp? Hinde naman po ako choosy Jesus. Kahit si Jensen Ackles lang okay na. Hinde ko rin naman hihindian si John Lloyd. Seryoso, Papa God, sana po ipakilala mo na sa'kin kung sino man yung iniisip mo nung ginawa mo ako (hinde naman siguro si Dagul yan no?). Hinde naman po sa nagmamadali ako pero, Papa God, gusto ko lang pong maramdaman na importante din ako. Nakakapagod din po pala kasi pag palaging ibang tao ang inaalala mo tapos wala naman pakialam sa'yo. Gusto ko rin naman po na may mag-alala for me. Gusto ko rin po maramdaman na may isang taong takot na mawala ako. Yun bang tipong bukal sa loob niya, hinde yung dahil may hawak akong blade.

Papa God, alam nyo naman po na kahit kelan hinde ako naghangad na maging uber milyonarya. Yung tama lang, basta makatulong ako sa iba, okay na ako. Kaya Papa God, pwede bang ako na lang yung next Lotto winner? Ehehehehe, baka lang naman pwede.

Papa God, ingatan mo palagi si Papa tsaka si Mama ha? Tsaka si Nanay, tsaka si McB, tsaka yung dalawang ampon namin este kapatid ko tsaka yung ibang mainstays ng Eat Bulaga myembro ng aming super extended family. Papa God, wag na po sana magtuloy-tuloy sa diabetes yung katakawan ni Papa ha? Tsaka yung kay Mama, sana wag nang bumalik (alam mo na yun...lab ko si Mama ko, wag mo muna sya kukunin ha? Hinde ko pa kaya e. Kahit si Papa ko. Pag time out na sila, pwede bang ako na lang papalit sa kanila? Alam mo naman Papa God na pag dating sa kanila, mahina ako)

Papa God, wala naman talaga akong matinong hiling para sa birthday ko e. Basta maalala lang ako nung mga taong mahalaga sa'kin, solb na ako (altho, kung magpapadala si Papa ng pera e hinde ko rin mamasamain. Pa, alam kong binabasa mo 'to. Wag kang tumalikod...woist, betdei gip ko!).

Isa pa pala Papa God, pwede po bang pabaitin nyo 'tong linsyak na pamangkin ko? Wala nang ibang ginawa kundi awayin ako e. Pinagalitan pa ako dahil mali ang pagkakasabi ko nung title nung pinapanood nyang cartoons. Sigurado po ba kayong 4 years old lang 'to? May kompidens-kompidens nang nalalalaman e.

Papa God, pwede bang sa birthday ko, surprise me? Pwede mo bang pagbigyan mo yung isa pang bagay na matagal ko nang hinihingi? Yung palagi kong hinihingi pag nagmomoment ako?

Yun lang po, Papa God. Ay lab yu

Amen!

PS (seryosohang usapan)

Papa God, never kong naging forte ang lamig ng ulo. Madali akong magalit at mainis. Bigyan mo po ako ng lakas na pigilan ang galit ko ngayon. Habaan mo po ang pasensya ko...please...


Digg!

Buy Me A Mocca Frappucino