Syempre, adik e...Hinde sana ako gagawa pa ng post e kaso nauubusan na ako ng magandang topic para sa teeth whitening at na-touch ako sa JobsDb kasi advance sila kung maka-greet ng HBD. Yes, close kami hehehehe.
In a few days, 29 na ako (awts!) which means graduate na ako sa buwan ng February pag hinde leap year. Konting hakbang pa at graduate na ako sa buong kalendaryo. Wan mor taym, awts!
Ano ba ang mga pagbabagong nangyari sa'kin mula nung 19 ako?
Well, for one, medyo hinde na ako madaling magalit. Malaking change yun kasi mainitin ang ulo ko. Isang side ko is Leo, remember? (Segue: oo na, 'lam ko na ang mga psychologists ay hinde naniniwala sa horoscope at multo...e gusto kng magtayo ng sariling school of thought e, bakit ba?!) Mabait na ako sa lagay na'to. Dati kasi, hinde ako titigil hanggat hinde ko napapatunayan na AKO ang tama. Pero lately, na-realize ko, e kahit anong gawin kong paliwanag, kung ang kausap ko e makitid ang pang-unawa, wa-wents. Sabi nga nila, wag kang makikipagtalo sa galit, makitid ang pang-unawa nyan dahil ang nakikita lang nila is yung side nila. Galit kasi e.
Kasama na din pala dyan ang pagkakaroon ng mahabang pasensya...okay, kelangan ko pa talaga ayusin 'to dahil maiksi pa rin ang pasensya ko. Madali pa rin akong mainis sa mga taong makukulit. Sa mga tunay na nakakakilala sa'kin, alam nyong sa lahat ng ayaw ko ay ang nag-iintay...op chors! Ayoko kasi nang walang ginagawa. Mapapag-antay mo lang ako kung ako ay:
a) good mood (maganda gising)
b) may kaharap na pagkain
c) may librong mababasa
Otherwise, magsasalubong na kilay ko at maaring iwan na lang kita pag pinag-antay mo ako ng more than 30 minutes. Mahina pa rin pala ang pasensya ko sa text. Pag tinext kita ng 10x na at hinde ka pa rin sumasagot, asahan mong salubong na kilay ko
Hinde na rin pala ako masyadong dominante at mayabang. Woot! Aminado akong sagad sa buto kayabangan ko dati. Tipo bang pag nagpa-explain ka sa'kin kung pano nakuha yung isang formula e sasagutin kita ng, "bakit absent ka ba nung tinuro yan?". Ekshuli, front ko kasi dati yun. Medyo hurt kasi ako nun dahil hinde ako pinayagan ng aking peyrents na mag-UP Diliman. Masyado daw malayo bukod sa baka makita na lang daw nila ako sa TV kasama ang mga NPA at binabati sila. Buti na lang naging maayos ang ekspiriyens ko sa PLM kaya natutunan ko na ring mahalin sya (parang lablayp lang e noh?!). May yabang factor pa rin ako ngayon, aminado ako, pero hinde na singlala noon. Lahat naman tayo may kanya-kanyang yabang e...kelangan din natin yun. Hinde pwedeng sa lahat ng pagkakataon e bait-baitan tayo kasi ibu-bully lang tayo ng ibang tao, korek?
Isang bagay lang ang hanggang ngayon ay hinde pa nagbabago sa'kin - TIGAS NG ULO. Yebah! Minsan maganda 'to. Minsan hinde. Wala naman talagang bagay dito sa mundong ibabaw na sagad sa kagandahan at wala rin namang bagay na sagad sa kasamaan. Yung mga offline friends ko (parang ATM lang noh?), alam nila na hinde ako madaling pabaguhin ng isip lalo na pag gusto ko. Malamang yung iba sa'nyo ay nakita na yun sa tulong ng mga previous posts.
(Sa mga sandaling ito, 10x na akong namamaatay sa "300" na laro sa PSP ni sister dear. Ang sakit na nang hinta-thumb ko...okay make that 11x nyemas!)
Ano nga bang masasabi ko ngayong magtu-29 na ako?
Isang malaking thank you. Hinde ko inaasahang maraming makikibasa ng kalokohan ko at mata-tats (okay payn, pagtatawanan ang katangahan ko)! May nagsabi pa nga na para daw si Bob Ong. Kaso lalake si Bob Ong, so pano naman ako? Bob Ang? Boba Ong? (Aba'y loko pala yun a!)Jowkness. Hinde po si Bob Ong ang idol ko. Magaling syang magsulat pero, sa mundo ko, may nauna na sa kanya pag dating sa style ng pagsusulat. Si Angelo Salcedo, kaklase ko nung high school. Pamatay sa hirit yug batang yun. Idol ko si Pol Medina Jr. Promise!
Nung una akong mag-blog, wala sa hinagap ko na may matutuwa sa'kin. Ang nais ko lamang po ay mailabas ang nararamdaman ko. Kaya sa lahat ng mga tambay, lahat ng mga natuwa at lahat ng natawa, maraming salamat po. Kayo ang dahilan kung bakit buhay pa rin ang blog na'to (bukod sa sayang ang shining, shimmering dot com) at kung bakit wala pang coffee party sa bahay. (Syet! Parang speech lang sa FAMAS a)
Sa mga nainis sa mga posts ko, salamat sa pagpapataas ng hits ko. Hinde ko po habol ang mataas na pagerank o malawak na fanbase pero dahil sa'nyo, tumaas ang pagerank ko (asa pa 'ko, hinde naman umabot sa PR4 nyahahahaha). Salamat pa rin.
Dalawang tulog na lang at announcement na ng winners sa birthday kontes ko.Yihee! Excitement!
(Note: Kung sinoman po ang nakakaalam kung pano patayin yung Executioner sa "300" sa PSP, paki-text lang po ako or mag-iwan ng comment. 35x na po akong nade-deads at malamang pagtawanan na naman ako ng aking byutipul sister. Yung 3 kumag e hinde sapat para mapuno ko yung Wrath so hinde ako makapag-blood drunk...Tya Dely, anong gagawin ko?)
Buy Me A Cup Of Coffee