Etong linggong 'to e sobra sa pagiging hell week. Mas masahol pa sya dun sa time na kelangan kong magpuyat ng bonggang bongga para sa company outing namin sa Plastilens. Mas masahol pa sya dun sa time na kinailangan kong magdere-deretso ng bonggang bongga dahil may training kinabukasan at wala pang mga training kits.
Hayz! There's always a light at the end of the tunnel. Problema mo lang kung ano yung light na 'yun - sunlight, moonlight, headlight. (sunlight=bonggang good news, moonlight=medyo good news, headlight=nagpapanggap na good news) Okay payn! Corny! Pag-pasensyahan nyo na. Uber random 'tong post na'to at lutang pa ang utak ko.
Bakit ba parang bangag lang ang nagsulat nito? Hell week! Mula Sunday ng madaling araw, ngayon lang ulit ako nakatulog ng mahaba-haba - 6 hours. Correction, ngayon lang ulit ako nakatulog. (Kaya paumanhin sa mga nasusungitan ko at sa mga hinde ko masagot ng matino) Wala naman akong death wish. Sadyang kelangan ko lang tapusin ang mga articles na naiwan ng mga writers ko. Buti na lang willing din magpaka-bangag yung head writer ko at sinamahan nya ako sa pagme-mega rush ng mga articles (Side story: Unfortunately, hinde pa rin kami tapos. Fotunately, sa kagalingan ni head writer, hinde ko na kelangan i-edit ang artic nya. Basahin nyo dito past artics nya. Akshuli, natatawa ako sa'min 2. Dati kasi, sya nage-edit ng articles ko nung hinde ko pa finu-full time ang Talent Shout. Ngayon baliktad na hehehehe. Sya din ang madalas na taga-salo ng galit at inis ko sa mga wa wents na kliyente at wa wents na writer. Higit sa lahat, sya ang taga-paalala ko na - a. may karapatan akong magpahinga at matulog, b. dapat ko nang sisantihin ang mga non-functioning na writers kasi sakit lang sa ulo).
Hinde pa yan dyan natatapos. Wala pa akong nagagawang work for oDesk (patay!), may training pa ako sa Sabardey, deadline na ng newsletter nung isa kong client, deadline na ng newsletter ng Talent Shout, AT deadline nung susunod na batch ng articles sa Sabado. Oha! San ka pa? Hinde pa kasama dyan yung iba ko pang kelangang tapusin tulad ng online shop ng Talent Shout, one-on-one tutorial with one of my college friends, blog post sa Talent Shout, at pagbabayad ng bills. Kung pwede ko lang hatiin sa maliit na piraso ang katawan ko para matapos ko 'tong lahat, ginawa ko na.
Pero tulad nga ng sabi ko, there's a light at the end of the tunnel (o naghahallucinate lang ako?). At eto nga, kagabi, habang hilong-hilo na ako sa kakagawa ng articles tungkol sa ACCPAC at light panels at mga bubong na wala naman akong kaalam-alam, may naligaw sa shoutbox na nagsasabing winner ako
At dahil dyan, gusto ko rin bigyan ng award ang mga sumusunod:
The Rules:
1) Accept the award, post it on your blog together with the name of the person who has granted the award and his or her blog link.
2) Pass the award to 15 other blogs that you’ve discovered. Remember to contact the bloggers to let them know they have been chosen for this
Pagpasensyahan na kung hinde ko magagawa yung last part tutal madalas naman yang mga yan dito. Kelangan ko na kasi bumalik sa mga bubong at light panels.
Ang Pagpapatuloy
Kung hexcited ka rin tulad ni Lovely sa pag-comment, malamang e hinde mo ito nabasa (kaya mahalaga ang mag-backread, upread, side-read at re-read <----pa-uso namin ni Reesie).
Dahil sa mga nangyari sa'kin nitong mga nakaraang araw, napaisip ako habang naliligo (yep, masarap magnilay-nilay habang naliligo--->sasabunutan ko makaisip ng green! Madulas ka sana!)
- Isipin mo na lang, ano kayang nangyari kung, sa kalagitnaan ng pagbirit ni Regine Velasquez, e biglang may pumasok na lamok sa lalamunan nya, ano kayang gagawin nya?
- Hinde mo mae-enjoy ang buhay kung masyado mong seseryosohin. Matutong magpaka-lukaret. Sundin ang puso para maging masaya, sundin ang utak para wag masaktan.
- You can have everything. Yun nga lang, minsan hinde sya naaayon sa expectations mo kundi sa kung ano ang kelangan mo. Mas matalino si Papa God sa'yo kaya wag mo na Sya kontrahin.
- There is such thing as destiny but you till have to get up and go to the train station ---> sabi yan sa My Sassy Girl (well, yan yung natatandaan ko). In short, hinde ka pupwedeng maupo lang sa isang tabi at antayin si Destiny.
- Sometimes, it's just a matter of perspective. The glass may be half-empty but it is also half-full.
- Marami kang maaring gawin kung hinde ka lang takot. At ang pinakamalaking takot ng kahit na sinuman ay 2 lang - fear of rejection and fear of the unknown.
- Hinde lahat ng nakangiti ay masaya, hinde lahat ng mabango ay bagong ligo, at hinde lahat ng nakikita mo ay totoo (nyemas! may naligaw na naman na "tao" sa bahay namin kagabi)...at hinde rin lahat nakukuha sa Holy Water.
- Hinde lahat ng nakangiti sa'yo ay kaibigan at hinde lahat ng nagagalit sa'yo ay kaaway. Hinde rin lahat ng naga-aylabyu sa'yo ay tunay na mahal ka sa parehong paraan na hinde lahat ng tatahi-tahimik lang ay hinde ka mahal. Meron talagang pinanganak na torpe at may pinanganak din na malantod nyahaha
- Wag kang OA. Merong point sa buhay mo na naging plastik ka sa ibang tao. Ang tawag dyan "being civil" (naks! sosyal!)
- Kung fez value ang pag-uusapan, napakalaki ng posibilidad na ang makatuluyan mo ay ang taong kabaligtaran ng pinangarap mo. Bakit? Mapagbiro si Bro. Pag kasi binigay nya lahat, baka palitan mo Sya.
- Hinde totoong "the grass is always greener on the other side" kaya wala ring "greener pastures". Pare-pareho lang yang grass hehehehe. Lahat ng bagay ay may pros and cons at lahat ng bagay ay may kapalit. Remember - to every action there is always an equal and opposite reaction
PS:
Wala ka bang napapansin sa mga previous posts? Hmm...buti naman hehehehe
(Ang katttttteeeeeee ng ilong ko! Note to self - tantanan na ang calamares sa kanto)
Isa pa:
Yun pong mga sasali sa kontes ko, hanggang July 20, 5:00 pm ang submission ng entries at botohan. Hinde na ika-count ang lahat ng comments/ entries made after 5 pm.
Tatlo na po ang entries natin for my betdei kontes - Ax's, Joycee's and Mon's. Bigyan sila ng kalaban! Sumali ka na! Nahihiya ka? O sige, bumoto ka na lang.
At sa mga interested na um-attend ng Hiring Smart: Behavioral Interviewing Methods Workshop at How To Be A Freelance Writer Workshop, email nyo lang ako.
Sa mga bloggers na taga-HR din na gusto mag-instant EB on saturday, sama na sa Hiring Smart!
Pasalamatan natin ang mga sponsors:
- Joyce of http://joyceish.com/
- Vhincent of http://www.chizmosalounge.com/
- Nika Catbagan of http://www.bloggingpinay.com/
- Jerick Mack of http://www.rickspot.com/
AT kelangan ko ng part-time writers. Kung interesado, i-email lang ako
Buy Me A Mocca Frappucino
ayoko ng sabihin kung ano yung napapansin ko haha..baka mag init ka ulit eh ehhe jokeness...
ReplyDeletehmmm yan din ang bumungad ng umaga ko blog award di ba ang saya..yebah..
pahinga ka before na berdey celeb ha..ayokong makita kang haggard na haggard lalayasan kita ate hehe..(parang kaya ko lalo na kung may pagkin hehe)
kaya mo yan yang mga pag ppupuyat mo ibibigay ni papa bro ang mga wish list mo..gagantimpalaan kaya..
p.s pinaparinggan na ko ni ate sa contest nya hehe..
@ Lovely
ReplyDeleteambilis mo naman...hinde pa nga ako tapos dyan e...balit ka ulit maya, may karugtong pa yan
...yehey! na-gets nya na pinaparinggan ko sya...woist hexcited na ako sa entry mo! Mukhang bonggang bonggang bong! (weh, corny!)
hmmmm...ngaragan blues ka din pala parang ako lang..sakit na ng mata ko kakaharap sa computer..pagdating kasi sa bahay website ng pinsan ko naman inaatupag ko..lam mu naman kailangan ko din ng sideline na ciempwe hindi ganun kahirap gawin.hekhek
ReplyDeletesalamat sa award ate..mwuaah mwuaah..
ako wala akong gustong pansinin..ahaha etchos lang
huwaw, hm! hum hum. dapat kayo nila muffishannen ang kumontrol sa mundo, baka sakaling yumaman lahat ng tao!
ReplyDelete(uhm, bangag ako..!)
hehe. salamat! salamat! salamat! ng marami!
Azul
ReplyDelete- mwahugz to you too....woist! ang entry sa kontes ko?!?
Ax
- bangag ka rin? welkam to the klab!
eto na po...tatapusin na mga artikols mo. huhlolz! wag maxadong magpakasubsob sa trabaho. aanhin ang damo kung patay na ang kabayo? huhlolz!
ReplyDeleteLio
ReplyDeletee di gagamitin ng ibang kabayo...
Congrashuleyshuns at nakatulog ka na ng 6 hours pero nyemas biten pa din oo! Bumawi ka pagtapos ng seminar wokeyyyy.
ReplyDeleteNatawa ako sa being civil, may naalala lang kase nyahahaa.
Sorry di ako nakareply sa text mo kagabe, medyo busy sa office. text ka lang *mwahugggs*
Awwww. Thank you, kikay for that recognition. Even though na kahit simple eh narerecognize pa din.
ReplyDeleteKikay! I need your psychological guidance. HUHUHU!
"Kung pwede ko lang hatiin sa maliit na piraso ang katawan ko para matapos ko 'tong lahat, ginawa ko na."
ReplyDelete-- ate, masyado na maliit ang katawan mo para hatiin mo pa. baka pag nagkataon maging microscopic ka na lang sa liit. hehe. just kidding. smile naman jan. :)
thank you sa award. :)
see you tomorrow! :)
@ Joycee
ReplyDeleteamportyuneytly, after seminar, patayan naman ng kaluluwa sa oDesk :(
may suplays ako sau maya...bulong ko na lang sa blog mo pag okay na
@ Doc Mike
Text mo ko, cool ka lang, ayt? :)
@ AC
wak mo ko pagtatawanan tomm ha? uber bangag ako so malamang waw sabaw utak ko
ngeks. baket naman ako tatawa. siryus mode ako. hihi
ReplyDeleteokies...kasi dama ko, bukas, lilipad na naman utak ko sa antok
ReplyDeleteCF, again Congrats sa bagong domain!
ReplyDeletei like that half-full attitude..