Alam mo ba kung bakit 3 am palaging gising ako? Nope, hinde sya dahil sa trip ko lang na magtrabaho ng madaling araw. Pwede naman ako mag-work ng normal hours e. Nyemas lang kasi, pag atulog ako ng normal hours, syento por syento, magigising ako ng 3:00 am.
Warning: Kung takot ka sa multo o hinde naniniwala sa multo, i-close mo na'to.
Sakto kasing 3:00 am, may nagpaparamdam sa'min. Kagandahang asal, minsan, ang nagpaparamdam e matandang babae na matindi ang galit. Galit ata sya sa mga nagsasalita 'pag tulog hehehehe (kilala mo si Badoodles ng kwentongbarbero.com? Pwes, hinde lang sya ang pwede mong kausapin 'pag tulog. Pwede rin tayong mag-chikahan kahit himbing na himbing ako sa pagtulog. Sumasagot ako kahit tulog kaya nga madalas akong mautangan ng kapatid ko. Kamalas-malasan, hinde ko yun naaalala pag gising na ako hehehe)
Kagabi merong paikot-ikot na "entity". Hinde ko sya kilala pero alam kong lalake sya. Mararamdaman mo kasi bigla na lang iinit sa tabi mo. Nakita na sya nung iba naming mga kasama dito sa bahay. Natakot nga din sila (napaisip tuloy ako, hinde kaya sya ang destiny ko? Papa Jesaz, wag naman po. Gusto ko po yung normal na nilalang. May mass at volume at weight at lahat-lahat na ng natutunan namin sa Physics).
Nung isang beses may batang nakasilip sa kwarto ko. Normal na bata sya, mga 7 to 9 years old. Nawala naman sa isip na wala naman sa'ming ganung bata. Nag-hello pa ako. Bigla syang umatras...mabilis na atras na makikita mo lamang sa "The Eye". Ayun, napa-iling na lang ako.
Ilang beses na kaming nagpa-bless ng bahay pero nandito pa rin sila. Sabi ko sa Mama ko, walang epekto ang bendisyon kasi hinde naman masasamang "tao" yung nandito. Lost lang sila talaga. Ramdam lang nila talaga na dito, may nakakakita sa kanila. Mababait sila. Pag natutulog ako at nahuhulog unan ko, binabato nila pabalik sa'kin. Nung gabing may-i-laslas ang drama ko, ilang beses nahulog yung flash disk ko kahit na nasa gitna naman sya ng table ko. Mukhang pinipigilan nila akong makipag-EB sa kanila.
Alam mo kung san sobrang nakakita at nakaramdam talaga ako ng multo? Dito:
- Office ng HMI. Lahat kami pinagparamdaman nung multo doon. May nag-aabot ng tabo, amoy kandila, photocopier na nago-on ng kusa, mga batang naglalaro, mga taong lumulusot sa pader, mga nanggagaya ng itsura, mga umiiyak at tumatawa ng malakas
- Office ng TP. Yun sobrang nakakatakot kasi bayolente sila. Naninipa, namamatid, nananakal, nambubulong tapos pagtatawanan ka. May isa naman na tatayo lang sa tabi mo, hinde ko alam kung bakit.
- Bahay namin sa Singalong. Palibhasa dead-end, pati 'ata mga kaluluwa e doon tumatambay. Galit din sila at mapanglaro (in a bad sense). Sila yung tipong hinde ka tatantanan. Hanggang ngayon hinahabol pa rin kaming magkakapatid sa panaginip. Madami na kasing namatay doon e.
- Sa MaSci. Alam mo na, karamihan ng building sa Maynila e nawala sa mapa nung WWII. Kasama yung kinatatayuan ng MaSci ngayon. Minsan nagkaklase kami, biglang sumara-bukas yung pinto e wala namang hangin. (Oo, sumara muna tapos tsaka bumukas ulit)
- Sa PLM. May isang time na inabot kami ng 9:00 pm sa PLM. Nung pababa na kami sa hagdan sa may Voltes V, napansin namin na lagpas 1 oras na kaming naglalakad pababa e kung tutuusin 4th floor lang kami galing. Ayun, pati yung kaklase kong may bibliya ng mga Satanista, napadasal kay Papa Jesaz ng wala sa oras.
Ikaw, anong pinakanakakatakot mong experience?
Commercial muna:
Kung ikaw ay na-inspire sa aking kagandahan at natural wit (sa presinto magreklamo ang ayaw um-agree!), sumali na sa aking contest at bigyan ng kalaban si Mon, Joycee, Ax, Lovely, Mars at Sandi. Hanggang July 20 pa 'to!
Hiya ka? Bisitahin ang kanilang works of art at bumoto (spammers allowed)!
Pasalamatan din natin ang mga magigiting kong sponsors:
- Joyce of http://joyceish.com/
- Vhincent of http://www.chizmosalounge.com/
- Nika Catbagan of http://www.bloggingpinay.com/
- Jerick Mack of http://www.rickspot.com/
Kung natuwa ka naman dahil dotkomista na ako, bumili na ng sariling dot com sa halagang Php 400.00 lamang or US$ 8.70 per year. Tulungan na rin kitang mag-ayos ng iyong blog :)
At kung talagang aliw na aliw ka sa'kin, bili mo ko ng kape...click ka dun sa ibaba..
Job Opening:
Kelangan ko ng homebased, part-time writers...maraming-maraming writers. Yung kayang sumulat ng 5 350-word article per day o kaya 3 500-word article per day. Email nyo ko if interested kayo.
Contest Update as of 12:06 PM, July 16, 2009:
Paramihan ng Comments:
Ax -202 commentarizations
Lovely - 132 commentarizations
Mon - 109 commentarizations
Joycee - 60 commentarizations
Sandi - 21 comments
Mars - 10 comments
Buy Me A Cup Of Coffee