Monday, June 29, 2009

Ang Tunay Na Kaibigan

Kung madalas ka sa blog ko, alam mo rin na bukod kay Mangga, yung ex-bestfried ko ang madalas kong mabanggit. Oo, masama pa rin ang loob ko sa kanya. Iba kasi ang pagpapahalaga ko sa pagkakaibigan.


Kaya naman sa iilang kaibigan na meron ako, palaging thankful ako. Alam ko kasing hinde ako ang pinakamadaling maging kaibigan. Medyo may katigasan ang ulo ko at masarap akong batukan pag umandar na ang topak ko.

Isa sa mga sobrang mahal na mahal kong kaibigan ay magbebetdei na bukas. Ito ang regalo ko sa kanya (Pasenya na Felipe, tag-hirap. Treat na lang kita sa birthday ko). Sino ba si Felipe?





Si Felipe ay si Dr. Philip Richard B. Budiongan. Madalas ko sya mabanggit din dito. Isa syang optometrist at the same time e Flight Steward. Sabay kaming nangarap noon nung pareho pa kaming nasa Plastilens. Siya, maging isang steward...ako, maging isang writer.




Bakit sya special sa'kin? Nameyn! Nakita na nya akong lasing, bangenge, masaya, mukhang dugyot, hampaslupa, maganda, panget...lahat na! Wala akong tinatago sa kanya (except yung mga bagay-bagay na kelangang itago). Alam nya halos lahat ng sikreto ko - kung ano nakakapagpasaya sa'kin, kung ano ang pwedeng magpaiyak sa'kin, kung hanggang saan ang kaya ko.


Pareho kami ng hilig sa halos lahat ng bagay. Pareho kaming mahilig kumanta, kumain, mag-trip. Feel na feel naming bumirit sa kanta ni Rachel Ann Go at Christian Bautista na You and Me (We Had It All). Feel na feel ko rin syang ka-duet sa The Prayer although gusto nya ako batukan kasi nagpa-flat ako pag dating dun sa mataas na part hehehehe. Suki din kami ng mga videoke bars kasi ayaw namin paawat pagdating sa kantahan.


Mahilig kaming mag-food trip (halata naman sa picture di ba?) kaya naman kilala na kami ng halos lahat ng kainan sa Quiapo at SM Manila (well, bukod sa gwaping kasi sya so ang mga kababaihan ay naglalaway sa kanya).

Nakakatawa kasi kahit kelan hinde ko sya naging crush. Simula pa lang, friend na talaga ang dating nya sa'kin. Pero kilala nya lahat ng crush ko at boylets ko.


Mahal ko sya dahil kahit kelan hinde na pinaramdam sa'kin na hinde kami magka-level. Pag mali ako, pinapagalitan nya ako, pag tama ako, nire-reinforce nya ang paniniwala ko. Pag malungkot ako, hinahayaan nya akong magsumiksik sa kili kili nya para umiyak (sorry Doc). At patay na patay ako sa amoy ng kili-kili nya..sarap singhutin (saglit, parang addict ang dating ko dito a) ahehehehe...Hinde kami pareho ng opinyon sa lahat ng pagkakataon pero hinde namin pinag-aawayan yun. Respeto.


Alam din nya pag may ginagawa akong kababalaghan (kung anuman yun, sa'min na lang). Kaya nyang i-predict kung ano magiging reaction ko kaya naman todo tiwala ako sa kanya. Gano kami ka-close? Tinginan lang sa mata alam na namin ang iniisip ng isa't isa.


Hinde perpekto ang prenship namin. May mga times na nagkakainisan din kami. Pero sa 2 1/2 years na magkaibigan kami, never pa kaming umabot sa point na nagkalimutan na, hinde na nagpansinan.


Siguro pareho kasi kaming Cancer. Siguro sya yung lalakeng version ko. Siguro sadyang kelangan ko lang ng makakaintindi sa topak ko. Siguro alam ni Papa Jesus na hinde ko kaya lahat at minsan kelangan ko nang matinong masasandalan.

To Doc Philip - alam mo kung gano ako ka-thankful sa prenship natin. Alam mo kung gano ka kaimportante sa'kin pero uulitin ko pa rin:


Thank you for helping me during those times na gusto ko nang maglaslas ng pulso at tumungga ng banig-banig na Mefenamic!
Happy Birthday, bro!!!

Commercial:

Dalawa na po ang entries natin for my betdei kontes - Ax's and Joycee's. Bigyan sila ng kalaban! Sumali ka na! Nahihiya ka? O sige, bumoto ka na lang.

At sa mga interested na um-attend ng Hiring Smart: Behavioral Interviewing Methods Workshop at How To Be A Freelance Writer Workshop, email nyo lang ako. Kung tambay ka sa blog ko, pwede kang um-attend for free sa Hiring Smart!

Pasalamatan natin ang mga sponsors sa aking kontes:

- Joyce of http://joyceish.com/
- Vhincent of http://www.chizmosalounge.com/
- Nika Catbagan of http://www.bloggingpinay.com/
- Jerick Mack of http://www.rickspot.com/

AT kelangan ko ng part-time writers. Kung interesado, i-email lang ako

ISA PA:Sa mga sa sasali sa kontes, paki-post na po ang link kasi may botohan session pa sa senado so baka mahirapan kayo kumuha ng maraming votes kung last minute nyo sya ipo-post


Digg!



Buy Me A Mocca Frappucino

47 comments:

  1. wow ang sweet! may girl BFF din ako kaso, medyo nagkaroon na kami ng gap.. was there a point na naging theme song nyo ang "Lucky" by Jason Mraz and Colbie Caillait? hehe

    ReplyDelete
  2. @ Mon -

    wala ...ang theme song namin ay Chicken Noodle Soup at Salamay Musika nyahahaha

    mahabang kwento kung bakit yan ang theme song namin

    ReplyDelete
  3. happy birthday felipe!! (naks FC) haha.

    sana naman magkatuluyan na kayo :) tama si Mon! Lucky ang bagay sa inyo

    ReplyDelete
  4. Awww sweet! Happy betdei kay Doc. At talagang magkalapit din kayo ng betdei..

    Talagang hinde mo sya naging kras?? Wala pa sya gelpren??

    ReplyDelete
  5. e baket kase hindi na lang kayo... hehehheeee...

    ReplyDelete
  6. cruxie -

    mhanap nga ang kantang yan...ang lucky lang na alam ko e yung kay Kylie Minogue e nyahahahaha (napaghahalata)

    naku, hinde talaga magiging kami...masyado kaming maraming alam na kalokohan nang isa't isa

    ReplyDelete
  7. @ joycee aka little sister

    nakupo! hinde ko sya talaga naging crush....at meron na po syang gi-ep na ka-close ko rin...kaganda ng gi ep ng mokong na yan

    ReplyDelete
  8. @AC-

    cannot be, borrow from three...masyado na naming kilala ang isa't isa...bukod sa, walang spark...tipo bang kahit kami na lang ang 2 huling tao sa mundo e malamang mas mauna pa naming maisip ang kumain kesa ma-in lab

    ReplyDelete
  9. twin sis I agree with AC,oo nga nman bakit hindi...pero ang sabi mo wlang spark...pero ano nmang malay mo di ba, baka lang kc hindi lng kyo aware na may posibility na ma-in lab kyo sa isa't-isa..ahihi ^_^

    pero sister look mo yung mga pix nyo bagay na bagay...achuchu!! ...nyahaha!

    ReplyDelete
  10. @ twin sis ikay

    natanong na rin namin ang mga sarili namin kung posible bang maging kami....at pareho kaming nasuka nyahahaha

    wala talaga e...pag kausap ko kasi sya parang kausap ko lang sarili ko nyahahahaha

    basta, ang hirap i-explain...wala talagang spark...kahit maghubad ako sa harap nya e walang mangyayari...

    ReplyDelete
  11. hmmmmm.... baka kase inuunahan nyo lang ng ewwwiness factor kaya ayaw nyo ientertain ang thought na yan. hehe. ang kulet ko. :P

    ReplyDelete
  12. @AC, OO nga siguro noh AC...

    baka lang nahihiya lng kyong aminin ang totoo...nyahaha!
    oist twin sis madalas mangyari sa mga mg close friend yung ganyan noh!..washishi!! ^_^

    ReplyDelete
  13. @ AC-

    okay lang ang makukulet dito :P

    akshuli, kahit simula pa lang wala na....andami na kayang nanukso sa'min dati...bagay daw kami...wala, wala talaga.masyado namin kilala ang isa't isa para magkagustuhn kami on a more-than-friends level

    ReplyDelete
  14. @ ikay -

    wala e, hinde ako ang type nya, hinde rin sya ang type ko...tao ang type nya, alien ang type ko wahehehehehe

    ReplyDelete
  15. ah kya pla type na type mo si wolverine..nyahaha! ang kuleet! :)

    ReplyDelete
  16. @ ikay -

    ay oo naman...wolverine aka wolverine jr=alien

    i lurve it nyahahahaha

    ReplyDelete
  17. hanglandii!! nyahaha....^_^

    ReplyDelete
  18. @ twin sis ikay -

    tenchu tenchu

    wala e...ide-deny ko pa e madalas naman nya akong hiritan...

    o e di ngaun hinde na sya makahirit nang bonggang bongga wahahahaha

    *sabay iyak*

    ReplyDelete
  19. haayzz! pag -ibig nga nman...hehehe!

    ReplyDelete
  20. @twin sis ikay-

    (at ginawa talaga nating YM 'to e no? nyahahah

    well, maraming tao ang nagiging sintu-sinto pag dating sa pag-ibig....pag hnde ko talaga sya nakuha sa santong dasalan, dadaanin ko sya sa santong paspasan mwahahahahaah (yikes!)

    ReplyDelete
  21. owwsss... yung Luck my J Mraz at Cobie, di mo alam?

    I'm Lucky i'm inove with my bestfriend...
    ....
    heheh

    ReplyDelete
  22. Luky by Jason Mraz and Colbie C.

    Do you hear me,
    Im talkin to you..
    across the water..
    across the deep blue ocean,
    under the open sky, oh my
    baby i' tryin...

    hehe

    ReplyDelete
  23. anobeh! sira sira naman ang keyboard ko. para akong ngungu. LOL

    ReplyDelete
  24. @mon -

    oki lang yan, tanggap ka pa rin namin hehehehe

    nakupo! hinde nga pwede sa'min yang kantang yan....I'm lucky I'm in love with my bestfriend...hahanap na lang ako ng ibang bespren..kamtutinkopit, bespren minsan ang tawag ko dati kay wolverine nyahahahaha

    ReplyDelete
  25. yay! hehe. ayos naman ng bonding niyo!

    single ka ba talaga?

    ReplyDelete
  26. @Ax

    haykentbilbabol! pinagdududahan mo ako?! huhuhuhuhu

    singol na singol aketch...ahuhuhuhu

    ReplyDelete
  27. teka teka, singol ba si doc?

    ReplyDelete
  28. @ Winkie -

    yep...very much singol BUT unavailable...may jowaers na sya

    ReplyDelete
  29. Wow, kakaibang trip ito, ang pagbugaw, este pagpapakilala sa friendship sa buong madla. hehe

    Spark ba ang nawawala? Try mong humiram kay Optimus Prime.

    ReplyDelete
  30. let the love bigin, let the light come shining in.
    whbo knows wher the love will leave us now
    look at what weve found
    make this moment turn our hearts around

    ReplyDelete
  31. @ shattershards -

    nyahahaha....hinde naman (baka sakalin ako nun)

    ...maganda yang idea mo...san ko ba mahahagilap si Optimus Prime?

    ReplyDelete
  32. @jason -

    asus! cgurado ka bang dito mo gustong kantahin yan? nyahahahaha

    ReplyDelete
  33. haha huli man ako cute pa din ako haha..jokeness..

    huwaw ha sya pala si doc inpernes..mahilig sya sa fuds haha...madami na nag sabi na gwapo sya eh hehe,,tumango na lang ako hehe..pero cute ..sayang naman may gi-ef na sya..o sige na nag paliwanag na ikaw sa iba na hindi mo sya naging krasness hehe,..

    hmmm/..salamat ate sa pag guest sa blog...
    i love it pramis..
    babalik ka sa susunod ..hehe..
    mwah..

    ReplyDelete
  34. aw!gwaping ..so bff mo pala cia at cancer din tulad ko...wala lang.ahehe

    bakit di kayo gumawa ng bond na pagdating sa ganitong age pag pareho kayong walang commitment edi kayo na lang pakasal di ba..ahehe

    ReplyDelete
  35. @ lovely -

    yan! that's the spirit nyahahah

    sure ka gusto mo pa akong gawing guest blogger? hinde ka ba natatakot na mawala ang mga giliw mong mambabasa?!

    ReplyDelete
  36. @ azul

    ayihi! ay saglit, baka sapakin ako ni Pau

    may bond na kami na pag dating nang 95 years old at wala pa rin akong lablayp, pag-iisipan na nya kung worth ba na magsakripisyo sya nyahahahah

    ReplyDelete
  37. Ang sweet naman. :) Ginawan ko rin ng dedicated post ang bff ko rin (di ko sure kung bff ko pa rin siya kasi di ko na siya gaanong nakikita). In fairview... BAGAY KAYO. Hahahahahaahahahaha!!!!

    ReplyDelete
  38. @ Neil

    anukebs, BFF nga e...que magkita kau or hinde, BFF pa rin kau noh!

    nyemas! isa ka pa...wala ngang spark....walang wala...iba ang itinitibok ng puso ko (ay! may ganun!?)

    ReplyDelete
  39. hi there! found your blog through Mon's site :)

    reading this post made me miss my female bestfriend more. i haven't seen her for 3 months already..hays..

    mukhang bagay kayo. hehe! a doctor and a writer. what a deadly combination! hehe!

    i linked you up, miss rhona :)

    ReplyDelete
  40. @lucas:

    isa ka pa! naku mga naliligaw talaga dito, ke kukulit...nyahahahaha

    balik balik (sampaloc)<----sows! ka-corny!

    ReplyDelete
  41. oh ok... sayang naman, sana kayo na lang! hehehe!

    ReplyDelete
  42. Rhonsky (gumagawa-gawa ng nickname), ang galing naman ng kaibigan mo- optemitrist pa - flight steward pa -- hehe. ang sipag!!

    Haiz, namimiss ko tuloy ang mga kaibigan kong mga makukulit.

    Sabi nga nila, Friendship is better than love. Kasi ang love daw, puede kang iwanan. Ang friendship, hindi kasi kahit malayo kayo..friends pa rin kayo. Mahirap tibagin (tama ba ang word? ) ang pagkakaibigan.

    ReplyDelete
  43. wrong sfelling ang optometrist. bwehehe.

    ReplyDelete
  44. agree ako kay winkie! hihihih

    ReplyDelete
  45. @ winkie-

    naku, cannot be talaga...walang spark...kinuha ni Optimus Prime...

    ReplyDelete
  46. @ Reesie

    akshuli yan tawag sakin ng mga prenli prens ko...Rhonsky....

    magaling talaga yan....magaling sa kalokohan nyahaha *peace doc*

    wala talaga e, wala talagang spark...

    ReplyDelete
  47. uy! humahabol pala to sa longgest commentarization

    ReplyDelete