Tuesday, July 7, 2009

I Write The Song...

Wops! Tama na...

Tapos na ang mga emo-ng posts about love. Hinde tayo matatapos ng diskusyon pag dating sa bagay na yan.

O ano iniisip mo? Hinde si Maldito yung pinag-alayan ko nung letter. Kung sino man sya, alam na nya yun hehehehe

Kontes Update Muna (as of 3:23 am 7/7/9...oo, gising pa ako):

Paramihan ng Comments:

Ax -158 commentarizations
Lovely - 94 commentarizations
Mon - 79 commentarizations
Joycee - 60 commentarizations
Mars - 7 comments

Hinde ko muna ipo-post kung sino ang nangunguna sa ibang award kasi konti pa lang yung bumoboto (lahat panay spam nyemas!). Yung bilang sa taas, comment ko lang ang hinde ko binilang para naman hinde masayang ang boto ng mga spammers.

Sa mga gustong sumali, pwede pa kayong humabol. Hanggang July 20 pa naman yan.

Balik sa post:

Kanina pa masakit ang ulo ko. Bakit kamo? Hala ka! Nagno-nosebleed na ako sa page-edit ng artikols. Bakit ba may mga writers na matitigas nag ulo? :(

Ang siste, habang nage-edit ako, napakaganda ng background music ko (at naka-segue na ako sa topic ko):
  1. Brown Eyes by Destiny's Child - anuber?! May nag-isip ba nung ginawa yung lyrics nito?! E sobrang literal e...kainis! Sabagay, baka naman story telling ang gusto nilang gawin.
  2. Talk About Us by Jennifer Lopez - I saw you and fell in love/You saw me and fell in love, too/You and me we fell in love with each other last night - Nameyn! Wala na bang mas oobyus pang lyrics? A=B, B=C therefore A=C...okay, magaling lang talaga sa logic yung sumulat nung kanta
  3. Lost Without You by Robin Thicke Tell me how you love me more/And how you think I'm sexy baby/But you don't want nobody else/You don't want this guy/You don't want that guy/You wanna touch yourself when you see me/Tell me how you love my body/And how I make you feel baby - Jusme! Ano ka, God's gift to women?! E sa high pitch ng boses mo malamang bading ka...grrrrrr!
  4. Invisible by Clay Aiken - If I was invisible, I could just watch you in your room, If I was invisible, i'll make you mine tonight - Manyak! Manyak! Manyak! Isa pa....manyak ka talaga!
  5. Yakapin Mo Ako by Joey Albert - Minsan pa, yakapin mo ako/Nang mahigpit, 'tong huling sandali/Kailanman, ang nasa isip ko'y/Ang labi mo'y mahalikang muli/Ngayon unawain, puso ko'y umaamin/Na ika'y hahanapin irog ko/Kailangan sabihin masakit sa damdamin/Mawala ka sa buhay ko/Minsan pa, yakapin mo ako/Masdan ang puso kong lumuluha/Tandaan, mapalayo ka man/Kahit saan, mamahalin kita- wala na, tulog na yung nakikinig. Palagay ko pati yung nagsulat nakatulog e. Paulit-ulit lang yung kanta e. Sori naman, round song pala sya.
  6. Every Breath You Take by Police - Every breath you take/Every move you make/Every bond you break/Every step you take/Ill be watching you- Ay sows! Mabuhay ang mga stalker! Yebah! Woist, love ko si Sting.
  7. Pangarap Ko by Regine Velasquez - Pangarap ko ang ibigin ka/At sa habang panahon, ikaw ay makasama/Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito/Pangarap ko ang ibigin ka- Neng, wag mo nang pangarapin. Ibigin mo na lang. Sayang ang energy.
  8. I Say A Little Prayer by Diana King- The moment me wake up/ Before me put on me make up/ Me say a little prayer for you - anakngtatlumpungpitungputingpating! Nagpapa-cute ka ba?! Mas maiksi ang "I" i-type kesa sa "me" di ba?! At bakit naman hanggang sa pagme-make up e ipinagdarasal mo sya? Ganun ba sya ka-shunga at kelangan mo sya ipagdasal minu-minuto?! Sabagay, baka nga naman babaero. Mabuti na yung ipinagdarasal. Hala! Ipag-nobena mo na rin!
Oha! Di ba ang gandang pambungad sa umaga? Ngayon, isipin mo na lang yung kapitbahay mo paulit-ulit na kinakanta yan....ng sintunado...ano sa palagay mo, pakamatay na ako?


Buy Me A Cup Of Coffee