Sori nameyn, nasa kalagitnaan kasi ako ng hell week bukod sa...uhm....wala na akong reason para magsulat.
O, bago ka mag-rejoice kasi bawas isang blog na na kelangan mong daanan, hinde ako magha-hiatus ek ek dahil heartbroken ako or something. Wala lang akong maisulat kasi halos nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin.
Okay payn, may mga bagay pa akong gustong sabihin kaso hinde pa ito yung right time. May mga ibang bagay din na hinde ang blog ang tamang avenue para ipangalandakan ko sila.
Etong mga nagdaang linggo, parang ambilis dumaan. Hinde ko namalayan, tapos na pala ang berdey ko at papasok na pala ang August. Ano bang kahindik-hindik at katuwa-tuwang aral ang napulot ko nitong mga nagdaang linggo (may ganown?!)?
- Malihim ang mga kababaihan. Hehehehehe. Alam mo yung kantang "She's Always A Woman"? That's a perfet description of what a woman is all about. She only reveals what she wants you to see...and she never gives out and she never gives in, she just changes her mind..and she'll carelessly cut you and laugh while you're bleeding
- May mga taong sadyang mabigat ang dugo mo kahit hinde mo pa sila kilalang maige. Basta lang mabigat ang dugo mo. May mga tao naman na first time mo palang nakikita pero magaan na agad ang dugo mo at pati lablayp ng mga ninuno mo ay kaya mong ikwento.
- Ma-pride ang mga lalake. Hay, naku! Period. Hehehehehe
- Mas madaling gumawa ng blog pag depress ka kesa pag uber joyful ka. Pag masaya ka kasi parang ang hirap i-express hehehehe (halatang emo e no?!)
- Tongerks akong mag-pronounce ng "emo". Karamihan kasi, pag pinronounce yun, "i'-mow". Pag ako ang nag-pronounce, as is - emo'.
- Wala pa ring tatalo sa
Alaskaangel cake bilang pampaalis ng depresyon. - Minsan, time lang ang kasagutan sa mga katanungan mo....okay, idagdag mo na rin ang sangkaterbang novena hehehehehe.
- Maiksi talaga ang pasensya ko at wala talaga akong pag-asang pumasa sa marshmallow test huhuhuhu
- May mga taong sadyang pinanganak na walang brake fluid.
Amportyuneytli, hinde pa ganon kaayos ang lablayp ko. Nakakatakot. Masyadong kumplikado. Kaya yung mga prenli prens ko, wag muna masyadong mag-rejoice. Tulungan nyo muna akong magkabalikan na nga kami ng todo ahehehehe. Basta ang mahalaga, okay na kami. Sana nga lang tuloy-tuloy na.
PS
Mahirap palang mag-blog habang iniinterview ka para sa isang project hehehehehe
Update:
Bigla lang ako na-inspire. Since 29 na ako, ano nga ba ang mga gusto kong ma-accomplish bago ako mag-30 (awts!)?
- Write a book about the most haunted places in the Philippines (nananawagan po ako sa mga gustong maging sponsors or tumulong)
- Write a book about Organization Development or something that would leave a mark in the field of HR and Marketing.
- Write a paper on "letter weight". Mahabang explanation pero kung nais mong makigulo sa experiment, email mo ako.
- Magkaron na nang matinong opisina ang Talent Shout (okay, malamang e 31 na ako bago ko ito magawa...awts agen!)
- Matutong mag-drive.
- Makabalik sa Oman bago ako mag-31 (kasi iti-treat ko pa si Mars)
Oha! Hinde halatang heksayted sa pagiging 29. Tama si Doc Philip, malamang talaga hinde na ako makapag-asawa...unless...