Friday, July 31, 2009

I. Don't. Date - The Picturized Version

Paunawa: Mahabang-mahabang post ito. Siguraduhing may dalang 6-course meal habang nagbabasa. Kasing haba ng pila sa CD-R King sa may SM Manila ang post na'to (anong konek? Punta ka CD-R King para malaman mo) at magulo din ito...kasing gulo ng...ng...uhm...sige, buhok na lang ng mais. Baka ma-MTRCB ako e nyahehehehe

Weeeee....hinde ko pa rin napapanood ang Harry Potter 6 (sad) ngunit, subalit, datapwa, nakapag-date na kami nila Joycee, Netot, Dale (aba, ayaw tawaging Mangga!), Rudy, Sid, Manny, Ellie, Buck, Peaches, at Diego (hinde si Deejay ng GTM). Kasama rin namin sa aming group date ang mga chikiting na sila Shelly, Yolky and Eggbert. Gets mo na kung ano pinanood namin? Hinde pa? *hitit ng hangin* Naimbento na ang Google.

Supposed to be "The Proposal" ang papanoorin namin...kaso mag-aantay pa kami ng matagal. Ang pinakamalapit na slot was an hour away pa tapos Php 350.00 per tao kasi sa Producer's Club kami manonood (may popcorn, drinks, etc....pero hinde na kami makakauwi hehehehe). So, ang ending, Ice Age 3 ang pinanood namin. Bakit hinde HP6? Dahil naka-schedule kaming manood ng sisterette ko noon hehehehehe

*Spoiler Alert*

  1. Dahil natuto na ako sa panonood ng Transformers, hinde na ako tumabi sa mga magsing-irog (tingin sa kisame, kunwari hinde si Joycee at Netot ang tinutukoy ko...kaso wa-wents din pala kasi hinde naman sila yung tipong magka-akap habang nanonood). Sa kanan ko ay isang bakanteng upuan, sa kaliwa ko ay si JLC...ay sori, sa kaliwa ko ay si Dale pala hehehehehe. Hinde ako nainggit this time kasi walang ka-akap yung nasa kanan ko, wala rin ka-akap yung nasa kaliwa ko mwahahahahaha...at wala pa rin akong lablayp.
  2. Minsan, ibang tao ang kakain ng inorder mo hehehehe (naku, pasensya na, na-kerid awey sa white pizza at sa iced tea)
  3. Ang kaputian ng isang tao ay makikita sa braso, batok at likod ng tenga.
  4. Hinde lahat ng malaki ang tyan ay buntis. Hinde lahat ng may mahabang buhok ay babae.
  5. Cute manood ng 3D pero hinde cute ang 3D glasses over eyeglasses. Deym, bigat sa ilong!
  6. Malamang kamag-anak ko si Buck...mahilig din sya sa mga listahan.
  7. Pag mahal mo ang isang tao, ilalaban mo sya talaga ng patayan...minsan kahit hinde ka naman nya mahal.
  8. T-rex ako sa past life ko. Ayaw ko kasi ng gulay hehehehe.
  9. Pag kami ni Dale ang kasama mo, hinde ka lalanggamin...promise!
  10. ...at pinakahuli sa lahat, hinde lamang saging ang may puso. May damdamin din ang mga acorn...marunong din silang masaktan, marunong din silang magmahal...at marunong din silang mag-hintay. Buti pa ang acorn may lablayp, ako wala pa rin (Lord, bigyan mo ako ng sapat na pasensya para matutong mag-antay sa mokong na 'to na matupad nya ang kanyang mga pangarap)

Naisip ko tuloy, sa sobrang dami nang heartaches and joys ko, pwede na akong pumalit kay Dr. Love hehehehe. Hayyy...sa mga sandaling ito, wala akong ibang magagawa kundi ang mag-antay at mag-hope (not expect). At para sa isang control freak na tulad ko na below sea level ang emotional IQ, napakahirap na bagay ang mag-antay at mag-hope. Ekshuli, kung hinde man sya bumalik, hinde na ako masasaktan o malulungkot. Kasi alam ko na dumating yung time na lahat gagawin nya para sa'kin.

Ikaw, ano na nagawa mo sa ngalan ng pag-ibig?

Picturized Version:







Grrr....mali ang anggulo ko...halata ang bungi ko waaaahhhhh...At pansinin ang second picture, nanlalaki ang mata ni Rhona! At bakit kaya? ($2.50 sa makakahula ng tamang sagot)

Update:

Kanina pa ako nabuburyong kaya hihingi na ako ng friendly umbrella (uhm, di mo gets? "Payong Kaibigan"). Ayaw ko kasi talaga nang walang pinanghahawakan. Tsk! Control Freak!!!

Eto ang tanong, kung ang isang ex ay pumayag na magkita kayo every now and then, text every now and then, punta ka sa bahay nila every now and then, punta sya sa bahay nyo every now and then (take note, si Ex ay hinde mo mapipilit pag ayaw nya. So pag sinabi nyang hinde sya sasama, hinde sya talaga sasama lalo na kung labas ng Cavite ang gala)...


.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

pwede na ba naming theme song ang "Every Now & Then"?

Buy Me A Cup Of Coffee

Wednesday, July 29, 2009

Ako'y Likod - The Updated Version

Okay, payn! Corny ang title...ay hinde mo na-gets? Ako'y Likod = I'm back...duh! slow! Hehehehehe

Sori nameyn, nasa kalagitnaan kasi ako ng hell week bukod sa...uhm....wala na akong reason para magsulat.

O, bago ka mag-rejoice kasi bawas isang blog na na kelangan mong daanan, hinde ako magha-hiatus ek ek dahil heartbroken ako or something. Wala lang akong maisulat kasi halos nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin.

Okay payn, may mga bagay pa akong gustong sabihin kaso hinde pa ito yung right time. May mga ibang bagay din na hinde ang blog ang tamang avenue para ipangalandakan ko sila.

Etong mga nagdaang linggo, parang ambilis dumaan. Hinde ko namalayan, tapos na pala ang berdey ko at papasok na pala ang August. Ano bang kahindik-hindik at katuwa-tuwang aral ang napulot ko nitong mga nagdaang linggo (may ganown?!)?

  1. Malihim ang mga kababaihan. Hehehehehe. Alam mo yung kantang "She's Always A Woman"? That's a perfet description of what a woman is all about. She only reveals what she wants you to see...and she never gives out and she never gives in, she just changes her mind..and she'll carelessly cut you and laugh while you're bleeding
  2. May mga taong sadyang mabigat ang dugo mo kahit hinde mo pa sila kilalang maige. Basta lang mabigat ang dugo mo. May mga tao naman na first time mo palang nakikita pero magaan na agad ang dugo mo at pati lablayp ng mga ninuno mo ay kaya mong ikwento.
  3. Ma-pride ang mga lalake. Hay, naku! Period. Hehehehehe
  4. Mas madaling gumawa ng blog pag depress ka kesa pag uber joyful ka. Pag masaya ka kasi parang ang hirap i-express hehehehe (halatang emo e no?!)
  5. Tongerks akong mag-pronounce ng "emo". Karamihan kasi, pag pinronounce yun, "i'-mow". Pag ako ang nag-pronounce, as is - emo'.
  6. Wala pa ring tatalo sa Alaska angel cake bilang pampaalis ng depresyon.
  7. Minsan, time lang ang kasagutan sa mga katanungan mo....okay, idagdag mo na rin ang sangkaterbang novena hehehehehe.
  8. Maiksi talaga ang pasensya ko at wala talaga akong pag-asang pumasa sa marshmallow test huhuhuhu
  9. May mga taong sadyang pinanganak na walang brake fluid.

Amportyuneytli, hinde pa ganon kaayos ang lablayp ko. Nakakatakot. Masyadong kumplikado. Kaya yung mga prenli prens ko, wag muna masyadong mag-rejoice. Tulungan nyo muna akong magkabalikan na nga kami ng todo ahehehehe. Basta ang mahalaga, okay na kami. Sana nga lang tuloy-tuloy na.

PS

Mahirap palang mag-blog habang iniinterview ka para sa isang project hehehehehe

Update:

Bigla lang ako na-inspire. Since 29 na ako, ano nga ba ang mga gusto kong ma-accomplish bago ako mag-30 (awts!)?

  1. Write a book about the most haunted places in the Philippines (nananawagan po ako sa mga gustong maging sponsors or tumulong)
  2. Write a book about Organization Development or something that would leave a mark in the field of HR and Marketing.
  3. Write a paper on "letter weight". Mahabang explanation pero kung nais mong makigulo sa experiment, email mo ako.
  4. Magkaron na nang matinong opisina ang Talent Shout (okay, malamang e 31 na ako bago ko ito magawa...awts agen!)
  5. Matutong mag-drive.
  6. Makabalik sa Oman bago ako mag-31 (kasi iti-treat ko pa si Mars)

Oha! Hinde halatang heksayted sa pagiging 29. Tama si Doc Philip, malamang talaga hinde na ako makapag-asawa...unless...

Buy Me A Cup Of Coffee

Sunday, July 26, 2009

Please Don't Let It Be Too Late

Emo week....betdei week kasi

Alam mo yung sinasabi nila na you know it's love when you feel a chill running down your spine? Hinde totoo yun. Meron lang multo pag ganun. Alam mo kung bakit? Kasi ang totoo, pag true love, walang masyadong kilig, walang nagtataasang balahibo. Alam mo kung anong meron? A sense of peace that you can't describe. Biglang humuhupa lahat ng kaba, lungkot at pagod. There's this sense of security, a feeling of being loved, protected and understood...kahit wala pa kayong sinasabi sa isa't isa. Hinde ba't sabi ko dati, "I would give everything to see that smile again"? Hinde pala ngiti ang kailangan ko. Ang gusto pala talaga ng puso ko ay yung pakiramdam ng serenity.

Mahirap dayain ang puso. Kahit na gano karami maging crush mo or mahalin mo, may isa at may isang magi-stand out. Isang tao na kahit na anong gawin mong galit, mare-realize mong mahal mo pa rin. Bakit mo sya mahal? Kasi sya yung tanging tao na tanggap ka kung ano ka - moody, baliw, mahirap ispilengin, stubborn. Sya yung tanging tao na isinantabi ang pride at talagang ginawa halos lahat para lang maparamdam sa'yo na mahalaga ka sa kanya - mula sa pagaantay sa'yo ng halos 7 hours para may kasabay ka pauwi hanggang sa pagbabantay sa'yo habang natutulog ka para lang makasigurong hinde ka makikipag-meeting kay Papa Jesaz.

Siya...

Hinde sya gwapo, hinde sya ma-appeal. Napakamahiyain nya at tahimik kung tutuusin. Pero...
Siya yung isang tao na kayang papalubagin ang loob mo kahit na gano pa nagpupuyos ang iyong damdammin. Siya yung tanging tao isang tingin palang sa'yo, alam mong kaya mong harapin lahat ng problema sa mundo. Siya yung isang tao na kaya kang pasayahin nang wala syang sinasabi. Siya yung isang tao na ipaglalaban ka kasehodang mapahamak sya, wag ka lang mawala sa kanya.

Siya...

Yun nga lang, sa sobrang taas ng pride mo, sa ilang pagkakamali niya, mas pinili mo pang gantihan sya kesa unawain sya. Mas ginusto mong alalahanin ang mga nagawa nyang mali kesa sa mga sakripisyo nya. Harap-harapan mong pinakita sa kanya na iba na ang mahal mo. Ilang beses mong sinabi sa kanya na hinde mo na sya mahal. Ilang beses mong pinaramdam sa kanya na wala syang kwenta, na hinde kayo magka-level. Niyurakan mo ang pagkatao nya. Pero sa lahat ng iyon, hinde sya bumitaw. Hinayaan ka nya, pero minahal ka pa rin nya from a distance.
Kaso lahat ng bagay may hangganan.

At nang hinde na sya gumagawa ng paraan para bumalik ka, ikaw naman ngayon ang nakikiusap sa Diyos na ibalik sya sa'yo. Kulang na lang mag-novena ka kay St. Jude bumalik lang sya. Hinde mo maipaliwanag yung takot na nararamdaman mo na baka may iba na syang mahal. Kung dati selosa ka lang, ngayon selosa ka na x100 dahil alam mong pwedeng iba na ang laman ng puso nya, at kung sino man yun, napakaswerte nyang babae (malas na rin dahil malamang ipakulam mo sya)

Haaayyyyy.....


Kuha yan nung Friday. Isa sa mga mangilan-ngilang masayang betdei celebration ko. Hinde ko inakalang magiging memorable ang betdei ko this year. Unang dumayo sa bahay si Joycee at ang kanyang labidabs. Sa hinde nakakaalam, halos magkapitbahay lang kami ni Joycee. Mga tatlong tumbling lang. Dinala nya sa bahay ang kanyang betdei gip sa'kin, isang pocketbook by RL Stine. Syempre entertain to the max naman ako with matching may-I-open the videoke. Saktong dumaan din si Dale para bumati (kilig! kilig!). Dumaan din si BFF dahil naka-schedule syang mag-lunch sa'min.

Kung kelan nakaalis na si Joycee, tsaka dumating ang isa pang suplays! Si Azul at ang kanyang labidabs! Eto pala yung suplays na sinasabi nya. Kele ke nemen e maggagawa sya ng betdei post for me. Aba, live pala syang babati. Syempre, hinde nagpapigil ang lolo mo. Oo, lolo...si SioPau ni Azul ay isa palang nagtatagong Concert King! Aykentbilbabol!
Dahil na rin sa sunud-sunod ang coincidences and suplays, tinext namin si Lovely at si Winkie para sumunod. At dahil short notice, malamang hinde sila nakasunod. Sayang! Instant EB sana...
In any case, sobrang saya ko nung Friday. Panay surprises! Sumabay pa na Friday dumating yung padala nila Mama na bagahe.
Pero mas masaya sana kung...



Pass my way again please and I swear I will do my best to make you stay

Friday, July 24, 2009

Simon Says

Okay, emo day ko ngayon. Bawal kumontra (oo, martial law dito palagi).

You say I'm aggressive...
...I say I'm free-spirited

You say I'm emotional...
...I say I'm in touch with myself

You say I'm stubborn...
...I say I'm strong-willed

You say I have no credibility
...I say I know the value of owning my mistakes

You say I only see myself
...I say I have to love myself first before I could love others

You say I'm selfish
...I say I also need to protect myself at times

You say I'm dense
...I say I don't have to flaunt what I know all the time.

You say I don't know how to love
...I say I have my own way of showing love

You say I cry a lot
...I say I just know how to show emotions

You say I'm moody
...I say why hold on to an emotion longer than you should?

You say I don't understand people
...I say I can only deduce from what you show

You say I'm hard to understand
...I say I'm not aksing you to understand me

You say I'm so predictable
...I say what in this world is not predictable? People die, plants will grow, the sun would set, the moon would shine, birds would fly

You say I'm just like the others
...I say I never wished for the limelight

You say I can't be successful
...I say success is relative

You say I'm not like you
...I say I never wished to be like you because I am ME.

Oha?! Halata bang WB na naman?

Buy Me A Cup Of Coffee

Thursday, July 23, 2009

Post-Pibetdei Brouhaha

Eto na 'ata ang pinaka-nakakapagod kong birthday. Paltos-paltos paa ko dahil maling sapatos ang sinuot ko papuntang simbahan. Bukod dun, antok na antok pa ako (fatigue na ito, meyn!) at masakit pa lahat na ata ng parte ng katawan ko dahil sa...uhm...dahil sa red flag day.

Wala naman masyadong happenings kahapon. Pinaka-unang bumati sa'kin na pibetdei is Tita ko na kapatid ni Mama, followed by Joycee, Doc Philip, Winkie, sina Mama, and Mangga. Sila ang mga uber early na bumati sa'kin. Syempre, hinde rin ako nakaligtas sa pang-aasar ng aking mga kapatid and sister-in-law (darating din kayo sa 29, mga talipandas!). Highlight ng araw ko e yung birthday greetings ni Mangga at syempre ang pibetdei greetings ni George.

Napunta na rin lang tayo sa usapang George, kinalantari ko kahapon ang mga search results na dinadamay ang site ko.

Mabenta si George Ongkeko base sa mga lumalabas na keywords!

Uunahan ko na yung taong search ng search ng picture ni George Ongkeko, mahihirapan kang mag-hanap. Hinde po sya mahilig mag-post ng pix. Tinanong ko na sya if pwede ko syang i-feature dito pero mahiyain ang lolo nyo. Ayaw nya, baka daw mamatay pa 'tong blog na 'to. So, if talagang nais mong masilayan ang kagwapuhan nya o nais mong may malaman tungkol sa kanya, I....am....sorry....wala dito ang hinahanap mong pektyur. Pero dahil mabait ako, ilang info tungkol sa kanya (syet! ta-artits na ang kabigan ko!). George Ongkeko, Jr. ang buo nyang name. Isa syang Aries (hulaan nyo na lang date ng pibetdei nya). JR ang nickname nya (3 silang JR noon sa section namin, lahat may itsura). Mahilig sya sa basketball (at magaling sya, in ferness). Magaling sya sa Math...okay rephrase...naglalakad syang scientific calculator. Magaling din sya sa English. Sa halos lahat ng subject actually, magaling sya. May pagkamataray ang lolo nyo pero hinde sya nakakalimot ng kaibigan. Laging may dalang panyo..hinde ko sure if hanggang ngayon. Mahilig syang mang-asar at malaki na tyan nya ngayon wahehehehe *peace George*

At tanong ko lang, sino ba talaga ang hinahanap mo si George Ongkeko, Jr o George Ongkeko Sr?


Hinde ko rin po alam ang brand ng coffee ni James Bond. Alam ko lang mahilig sya sa martini...shaken not stirred...Hayaan mo, ire-research ko yan para sa'yo.

...at, nameyn! Wala ditong mahabang kwento na nakakatawa kasi yung may-ari ng blog na ito ay iyakin at palaging emo.

....at...at....at kung break kayo dahil may iba na sya, eto lang ang masasabi ko - Pareho lang tayo huhuhuhu...jowkness! Mag-usap kayong dalawa nang masinsinan okay? If ayaw ka na nya kausapin, hayaan mo na sya. Pakasaya ka na lang sa buhay mo. Mag-blog.

Sa nagtatanong kung talaga bang napa-tae si Santino, uhm...daan kayo sa Good Times Manila tapos hanapin nyo yung About Page. Makikita nyo doon ang kasagutan (Deejay, ang tindi mo!)

Wala po ditong leakage ng exam sa TP. Hinde ka rin naman makakakuha ng leakage kasi Psychological test yun. Mahirap naman kumuha ng leakage for the phone interview kasi iba-iba ang pwede nilang ibatong tanong sa inyo.

HOY! Kung sino ka mang naghahanap ng info tungkol kay Dale, humanda ka sa'kin...jowkness! Alam kong ibang Randale Ong ang hinahanap mo. Hinde po sya dito makikita pero meron syang FaceBook and Friendster account.

Tsk! Panay talaga sawi at heartbroken ang mga naliligaw dito. Kung incompatible ang sign, humiga ng nakaharap sa araw at magsuot ng kulay hot pink na t-shirt. Tatlong unan ang gamitin at umikot ng 5 beses bago humiga...jowkness! Yung nagtatanong kung pano maka-move on, uhm...pag nahanap mo po yung sagot, paki-share naman sa'kin kasi hinde ko rin alam e huhuhuhu

...at yung kukuha ng 3 paragraphs sa encyclopedia, uhm..manong, na-lost ka 'ata. Hinde ito ang encyclopedia.

...uhm, no comment ako dun sa "hinde sapat ang love"...hinde ko kasi sure kung san ka nanggagaling hehehehe...pero naniniwala ako na mahirap nga sa lalake ang walang gf kasi basted sya. Awts! Masakit yun...PERO wala akong pakialam kung may iPod Touch ka hehehehe

Nakakaaliw naman yung mga naliligaw dito, mas baliw sa'kin!

PS:

Ilalagay ko sana snapshots nung searches mismo kaso baka may madiskubrihan kayong karimarimarim kaya wag na lang hehehehehe

Buy Me A Cup Of Coffee

Tuesday, July 21, 2009

The True Confessions by Ikay

Dahil sa ito ang araw na special para sa aking nag-iisang kakambal d2 sa mundo ng blogosphere eh hindi ko nakayanang hindian ang kabaliwan ng kakambal kong ito na si kikayness....ba namang kahapon lang ng gabi nya sinabi na gusto nya raw akong maging guest blogger d2 sa kanyang kapehan...at eto nga naimpromtu ang lola mo...pero dahil nga sa MAHAL ko sya pagbibigyan ko na BIRTHDAY eh..hehehe!
(Kikayness: Ay sori nameyn! nainggit ako sa drama nyo ni heleyna e nyahahahaha)

Pero syempre hindi ito tungkol sa akin, gumawa ako ng mga katanungan na maaring makakapagpabuko sa mga natatagong sekreto ng ating bitdey girl.

Sagutin lang ng deretso ang mga tanong, walang TAMA o MALI sa bawat sagot mo. Twin Sister Game Ka Na Ba???
Kikayness: Game na! (Ay, hinde ba kasama 'to?)

1) Ilang taon ka nung una kang ngka CRUSH??
Kikayness: ahihihi! 10 years old...si Ovaltine Boy!
Ikay: ang bata mong lumandi...nyahaha
2) Noong bata ka pa, naniniwala ka ba kay Santa Claus?
Kikayness: Oo naman...akshuli hanggang ngaun...sorry, pusong bata pa rin

3)Ano ang mas prefer mo... Dinner Date?? or Movie Date??
Kikayness: A syempre..date! Jowkness! napaghahalatang alang lablayp....dinner date...pag movie kasi hinde kayo makakapag-usap maige...e nilalagnat ako pag hinde ako nakakadaldal e nyahehehehe...yun nga lang parang interview porsyen

4) Ano ang mas gusto mo...Kumain o Matulog?
Kikayness: Kumain! Kumain! Kumain!
Ikay:
ang siba!..nyahaha

5)Anong song ang hindi mo nakakalimutang kantahin kapag nasa videoke bar ka?
Kikayness: Through The Fire (yung birit part) tsaka You tsaka Afraid For Love To Fade tsaka No Ordinary Love tsaka...ay isa lang ba?
Ikay: adik ka nga sa videoke..ahihi

6) Naniniwala ka ba sa Soulmate??
Kikayness: Oo naman! Soulmate ko si BFF Doc Philip e
Ikay: so
pede kayong maging LOVERS?
Kikayness: Ay hinde! Prenli prens lang talaga kami

7) Eh sa kasabihang "LOVE is sweeter the second time around"?
Kikayness: Awts! Kambal talaga tayo...yan ang iniisip ko ngayon...oo naman, naniniwala ako jan Ikay: hmmm..parang alam ko na kung bakit mo naiisip..hehehe

8) Anong ginagawa mo kapag nalalasing ka??
Kikayness: Nyahahaha...once pa lang ako nalasing ekshuli kasi hinde talaga ako umiinom...at ako'y umiiyak....ng bonggang bongga..yun tipong iyak ako ng iyak pero hinde ko alam bakit
Ikay:nyahaha...baliktad tyo ako tawa ako ng tawa
Kikayness: e kasi pag pareho pa daw tayo, ang tindi na nang pagiging kambal natin

9) Saang Hospital ka pinanganak?
Kikayness: FEU
Ikay: uyy skul ko yan
Kikayness: Talaga? Dyan graduate si Mangga e

Ang dali ng mga tanong anoh!? O heto...

10)Sinong attending Dr. nung ipinanganak ka?
Kikayness: Dra. Luna, o ha!
Ikay: wow galing talaga
Kikayness: a syempre! kaharap ko yung birth certificate ko e

11) Sa mga naging relationship mo pang ilang beip mo ang nakapagbigay sayo ng matinding sakit sa puso mo?
Kikayness:bi-ep lang? uhm...2 lang...out of 2 este out of 4
Ikay: so nkaka 4 boylet ka na pala?
Kikayness: Ahehehehe...landi noh?!


12) Nakikiliti ka ba kapag hinihipan ang batok mo?
Kikayness: hinde...pero tumatayo balahibo ko tapos giniginaw ako...yung tipong nginangatal talaga ako at nagkukulay-blue na yung labi ko...sori nameyn...payat e

13) Sa tingin mo makakayanan mo bang hindi magsalita sa loob ng 3 oras?
Kikayness: hinde...hinding-hinde...lalagnatin ako...patayin mo na lang ako mwahehehehe Ikay: hmmm..pansin ko nga

14) Kung merong time machine na makakabalik ka sa nakaraan, anong pangyayari sa buhay mo na sana hindi mo na lang ginawa?
Kikayness: uhm...si Joycee nakaka-alam nito e...basta gusto kong balikan yung birthday ko last year at itama yung ginawa kong kalokohan...kundi ko ginawa yun, malamang may lablayp pa ako ngayun...pero mabuti na rin na nangyarin yun...gulo ko noh?!
Ikay: yeah ryt

15) And lastly, Anong greatest wish mo ngayong Birtday mo???
Kikayness: lablayp! more work for my writers hehehe

Kikayness: Yun na yun? ang onti naman nyaahahaha...jokeness nameyn! Nag-enjoy ako!

Ikay: Maraming salamat at naenjoy mo ang pagsagot sa mga (walang kwentang) tanong ko...At thank you rin at binigyan mo ako ng pagkakataon na maging isa sa listahan ng mga kaibigan mo.
May mga kanya-kanyang dahilan ang bawat bagay na nangyayri sa ating buhay...maganda man ito o panget kadalasan ito parin ang nagsisilbing aral sa atin para magpatuloy tayo sa pagtahak sa hamon ng buhay...Walang permanente sa mundong ito, kung sakali mang nasaktan ka dahil sa nagmahal ka, wag mong hayaan na patuloy na masaktan ang sarili mo instead tulungan mong maghilom ang sakit na nararamdaman mo.

May mga dahilan na kung bakit sa lawak ng mundo ay ngkatagpo-tagpo tayo d2 sa mundo ng internet, may mga iba sa atin na hanggang sa harap na lang ng kumpyuter nila ang pagkakakilala nila..at kung hanggang saan tatagal yun walang nakakaalam.

At gaya nga ng sabi ng isang KAIBIGAN "May mga taong sadyang dadaan lang sa buhay mo. Maaaring may matutunan ka sa bawat pagkilala, maari kang masaktan. Pero wala kang ibang pwedeng panghawakan kundi ang pananalig na sa bawat pagtatapos…ay may bagong pagsisimula."


HAPPY BIRTHDAY KIKAYNESS!!!



ikay0708.wordpress.com

First Aid Sessions

O, excited ka na? Basa ka muna para hinde ka atakihin sa puso.

Back in 2005, I attended a First Aid training program from Red Cross (yebah! certified first aider ako! Yun nga lang hinde pa ako nagre-renew). Masaya sya kasi, bukod sa lecture, meron talagang sagip-sagipan porsyen (with matching dugo and kunwa-kunwariang victims...at dahil hinde pa ako nakaka-recover completely mula sa aking aksidente, syempre, victim ako. Hinde ako pwede magbuhat e)

Eto ang aking share para sa siguradong pagkalma ng kung sinuman ang sasagipin ko. Eto rin ang dahilang kung bakit nag-dalawang isip silang i-certifiy ako hehehe:

Red Cross Way: You're gonna be fine...hinde masyadong malaki yung sugat mo.
Rhona style: Ate! Ang ganda-ganda mo ngayon. Bagay sa'yo ang color red gushing forth from your open wound!

Red Cross Way: Hey! Hey! Are you okay?
Rhona Style: Hey! Hey! Heypi betdei! (Uy, nagpaparinig!)

Red Cross Way: I am (insert name), a certified first aider. Can I help?
Rhona Style: I am (insert name), a certified first aider. Waaaahhhh! I need help! Nasagasaan ako huhuhuhu

Red Cross Way: If a patient shows sign of fatigue, weakness, collapse, moist and clammy skin, and dilated pupils as a response to heat, victim might be having heat exhaustion.
Rhona Style: If a patient shows sign of fatigue, weakness, collapse, moist and clammy skin, and dilated pupils as a response to heat, victim might be having LBM hehehehehe.

Red Cross Way: Don'ts in ECC (External Chest Compression) - Jerker, Bouncer, Bender, Rocker, Massager, Double Crosser
Rhona Style: Bastos naman nitong Red Cross! E kahit naman ako ayaw ko ng double crosser noh?!

Red Cross Way: If the patient suffering from shock is red in color, elevate upper body
Rhona Way: Red? Uyyy...bakit ka nagba-blush? Crush mo ko noh?!

Pasensya, maloko lang talaga ako. Napasa ko naman ang Basic Life Support and Standard First Aid ng bonggang-bongga (after two tries na iresuscitate yung mananaggal na manyika na pinagpapraktisan namin. Lumipad kasi isip ko habang nagbibilang, sobra na pala sa standard yung ginawa ko)

PS: Hinde ko maalala kung san ko nabasa pero may nagsabi na ang tao ay bivalve ang heart. Nakupo! 4 po ang valves naming mga tao - tricuspid, bicuspid, pulmonic, and aortic. Iba rin nga pala ang valves sa chamber...at 4 rin ang chambers ng human heart (naks! pwede pala ang usapang puso na hinde emo)

O sya, winners na!

Effort Kung Effort Award
- Prize: $20 c/o Joycee + one-year domain name + ad spot at http://www.bloggingpinay.com/ c/o Nika Catbagan + ad spot at http://www.sandokatpalayok.com/

The Winner: Lovely of http://anakngpating.wordpress.com

The Researcher Award
- Prize: book c/o Joyce (I forgot the title hehehe) + ad spot at http://nikacatbagan.com/ c/o Nika Catbagan + ad spot at http://thingsiloveaboutme.com/ + Php 300 cellphone load (smart/ globe/ sun)

The Winner: Ax of http://axrealm.com

Tisyu Post Award
- Prize: movie date sa Harry Potter 6 + dinner at Sbarro's + Php 100 cellphone load + one month link ad c/o Jerick Mack at http://www.rickspot.com

The Winner: Joycee of http://joyceish.com

Pala Award
- Prize: $25 c/o moi + one-year domain name + 125x125 ad spot at http://www.chizmosalounge.com/ c/o Vhincent

The Winner: Mon of http://monzavenue.blogpost.com

THE SURPRISE: Yung mga hinde po pinalad ay meron pong Php 50.00 na load. Paki-email na lang po sa'kin ang inyong selpown number.

Sa mga winners, konratuleyshionment! Yung mga nanalo ng domain name, paki-send po sa'kin ang inyong preferred domain name. Prepare na rin po kayo ng pic for the ad spots. Kelangan ko rin po ang inyong PayPal account.

Buy Me A Cup Of Coffee

Monday, July 20, 2009

Make Me Smile

(Nyemas na hiatus! Pa'no ba ginagawa yun? Tsk..tsk...wala talaga akong EQ)

Napakasaya ng start ng week ko. Kagandahang asal, nilalagnat ako! Kelangan ko na talaga mamahinga magpahinga. Kaya heto, habang ako ay nakahiga kay Haring Kama, napamuni-muni ako at napaisip sa mga bagay-bagay na nakakapagpasaya sa'kin (CF, lam ko, dapat dati ko pa 'to pinost):

  1. Tulog. Syempre numero uno sa listahan. Kasi naman, palaging kulang. Kelangan ko talagang makabuo ng otso oras na dere-deretsong tulog. Yun tipong di ako mapapabalikwas kasi naalala ko yung kelangan ng isang kliyente?
  2. Angel cake ng 7-11! Oo, specific. Kelangan yung galing sa 7-11 hehehehe. Kakatapos ko nga lang kumain kanina e...yum! (Unless na lang masarap ka ring mag-bake ng angel cake)
  3. CSI (all three), kahit pa re-run yan, papanoorin ko pa rin yan. Yup, adiktus to the highest level! Sobrang iniyakan ko opismeyt ko dati ibili lang nya ako sa isteyts ng cap na may CSI o kaya jacket na may CSI. (Ganun ako ka-adik dyan)
  4. Syempre pamangkin ko. 4 years old pa lang sya pero kung magsalita e akala mo matanda. Hinde pwede sa kanya ang baby talk at simpleng eksplaneyshun! Kelangan, pag nag-ekplain ka, covered lahat kasi, syento por syento, tatanungin ka nya ng walang kamatayang, "E bakit?" At hinde mo sya pwedeng sagutin ng "Ganun talaga yun"
  5. Pocketbook! Que Tagalog yan or English, papatusin ko yan. Pero syempre mas trip ko si Agatha Cristie, RL Stine, Christopher Pike, at Pol Medina, Jr.
  6. Food trip with friends. Never fails to make me happy! Sori nameyn, matakaw talaga ako. Ang aim ko sa buhay ay makahanap ng perpek restawran! Yun tipong lahat ng food e okay ang pagkakagawa. (Nyemas, bigla kong naalala ang Hap Chan!)
  7. Eto, kahit galit ako sa kanya, hinde ko maide-deny na pag nakikita ko sya, tanggal lahat ng galit sa katawan ko - si Mangga. E kese nemen, kayang kaya nyang sakyan lahat ng mood ko at kaaningan ko.(Ang hinde lang nya ma-gets e yung sementeryo porsyon)
  8. Si Haring Araw! May pagka-baliw kasi ako e (sasakalin ko ng bonggang bonggang bong ang humirit ng "hinde lang may pagka, baliw ka talaga"), pag hinde ako naaarawan, nade-depress ako kaya kelangan palaging may araw.
  9. Kape...halata namang adik ako sa kape di ba? Pangalan pa lang nitong bloghaus na ito obyus na.
  10. Peyrents ko at mga kapatid ko. Pero mas masaya sana kung andito pa rin si Tatay (at bigla naman daw akong nalungkot!). Well, at least masaya na syang nakikipag-inuman ng emperador sa mga anghel sa langit. Pero mas masaya pa rin kung andito sya para utangan ko
  11. Eto, instant heaven - ginisang sardinas, calamares sa kanto, pares-pares sa kanto, steamed na talbos ng kamote, kamatis, at...at....at, nyema! Naglalaway na ako!

happy?

...

happy

...

happy!

Hayyy....makatulog nga muna. Mamaya bibili ako ng sardinas! (Nyemas! Ang init ng pakiramdam ko--> sasabunin ko utak ng makaisip ng green)

Sa mga sponsors, kelangan ko na po ang boto nyo. Sa mga nag-aabang ng winners, abang abang lang hehehehe

Sa mga gustong magkaron ng shining, shimmering dot com, email nyo ako. Mura lang, Php 400.00 per year. (Mas maganda pag blogspot ka, mas madali syang mai-up. Bilang ka lang ng ilang oras, wala pang mapping fee hehehehe)


Buy Me A Cup Of Coffee

Sunday, July 19, 2009

Teneneng Tenent!

Oha! Hiatus daw pero may post...

Syempre, adik e...Hinde sana ako gagawa pa ng post e kaso nauubusan na ako ng magandang topic para sa teeth whitening at na-touch ako sa JobsDb kasi advance sila kung maka-greet ng HBD. Yes, close kami hehehehe.

In a few days, 29 na ako (awts!) which means graduate na ako sa buwan ng February pag hinde leap year. Konting hakbang pa at graduate na ako sa buong kalendaryo. Wan mor taym, awts!

Ano ba ang mga pagbabagong nangyari sa'kin mula nung 19 ako?

Well, for one, medyo hinde na ako madaling magalit. Malaking change yun kasi mainitin ang ulo ko. Isang side ko is Leo, remember? (Segue: oo na, 'lam ko na ang mga psychologists ay hinde naniniwala sa horoscope at multo...e gusto kng magtayo ng sariling school of thought e, bakit ba?!) Mabait na ako sa lagay na'to. Dati kasi, hinde ako titigil hanggat hinde ko napapatunayan na AKO ang tama. Pero lately, na-realize ko, e kahit anong gawin kong paliwanag, kung ang kausap ko e makitid ang pang-unawa, wa-wents. Sabi nga nila, wag kang makikipagtalo sa galit, makitid ang pang-unawa nyan dahil ang nakikita lang nila is yung side nila. Galit kasi e.

Kasama na din pala dyan ang pagkakaroon ng mahabang pasensya...okay, kelangan ko pa talaga ayusin 'to dahil maiksi pa rin ang pasensya ko. Madali pa rin akong mainis sa mga taong makukulit. Sa mga tunay na nakakakilala sa'kin, alam nyong sa lahat ng ayaw ko ay ang nag-iintay...op chors! Ayoko kasi nang walang ginagawa. Mapapag-antay mo lang ako kung ako ay:

a) good mood (maganda gising)
b) may kaharap na pagkain
c) may librong mababasa

Otherwise, magsasalubong na kilay ko at maaring iwan na lang kita pag pinag-antay mo ako ng more than 30 minutes. Mahina pa rin pala ang pasensya ko sa text. Pag tinext kita ng 10x na at hinde ka pa rin sumasagot, asahan mong salubong na kilay ko at nangangagat na ako.

Hinde na rin pala ako masyadong dominante at mayabang. Woot! Aminado akong sagad sa buto kayabangan ko dati. Tipo bang pag nagpa-explain ka sa'kin kung pano nakuha yung isang formula e sasagutin kita ng, "bakit absent ka ba nung tinuro yan?". Ekshuli, front ko kasi dati yun. Medyo hurt kasi ako nun dahil hinde ako pinayagan ng aking peyrents na mag-UP Diliman. Masyado daw malayo bukod sa baka makita na lang daw nila ako sa TV kasama ang mga NPA at binabati sila. Buti na lang naging maayos ang ekspiriyens ko sa PLM kaya natutunan ko na ring mahalin sya (parang lablayp lang e noh?!). May yabang factor pa rin ako ngayon, aminado ako, pero hinde na singlala noon. Lahat naman tayo may kanya-kanyang yabang e...kelangan din natin yun. Hinde pwedeng sa lahat ng pagkakataon e bait-baitan tayo kasi ibu-bully lang tayo ng ibang tao, korek?

Isang bagay lang ang hanggang ngayon ay hinde pa nagbabago sa'kin - TIGAS NG ULO. Yebah! Minsan maganda 'to. Minsan hinde. Wala naman talagang bagay dito sa mundong ibabaw na sagad sa kagandahan at wala rin namang bagay na sagad sa kasamaan. Yung mga offline friends ko (parang ATM lang noh?), alam nila na hinde ako madaling pabaguhin ng isip lalo na pag gusto ko. Malamang yung iba sa'nyo ay nakita na yun sa tulong ng mga previous posts.

(Sa mga sandaling ito, 10x na akong namamaatay sa "300" na laro sa PSP ni sister dear. Ang sakit na nang hinta-thumb ko...okay make that 11x nyemas!)

Ano nga bang masasabi ko ngayong magtu-29 na ako?

Isang malaking thank you. Hinde ko inaasahang maraming makikibasa ng kalokohan ko at mata-tats (okay payn, pagtatawanan ang katangahan ko)! May nagsabi pa nga na para daw si Bob Ong. Kaso lalake si Bob Ong, so pano naman ako? Bob Ang? Boba Ong? (Aba'y loko pala yun a!)Jowkness. Hinde po si Bob Ong ang idol ko. Magaling syang magsulat pero, sa mundo ko, may nauna na sa kanya pag dating sa style ng pagsusulat. Si Angelo Salcedo, kaklase ko nung high school. Pamatay sa hirit yug batang yun. Idol ko si Pol Medina Jr. Promise!

Nung una akong mag-blog, wala sa hinagap ko na may matutuwa sa'kin. Ang nais ko lamang po ay mailabas ang nararamdaman ko. Kaya sa lahat ng mga tambay, lahat ng mga natuwa at lahat ng natawa, maraming salamat po. Kayo ang dahilan kung bakit buhay pa rin ang blog na'to (bukod sa sayang ang shining, shimmering dot com) at kung bakit wala pang coffee party sa bahay. (Syet! Parang speech lang sa FAMAS a)

Sa mga nainis sa mga posts ko, salamat sa pagpapataas ng hits ko. Hinde ko po habol ang mataas na pagerank o malawak na fanbase pero dahil sa'nyo, tumaas ang pagerank ko (asa pa 'ko, hinde naman umabot sa PR4 nyahahahaha). Salamat pa rin.

Dalawang tulog na lang at announcement na ng winners sa birthday kontes ko.Yihee! Excitement!

(Note: Kung sinoman po ang nakakaalam kung pano patayin yung Executioner sa "300" sa PSP, paki-text lang po ako or mag-iwan ng comment. 35x na po akong nade-deads at malamang pagtawanan na naman ako ng aking byutipul sister. Yung 3 kumag e hinde sapat para mapuno ko yung Wrath so hinde ako makapag-blood drunk...Tya Dely, anong gagawin ko?)

Buy Me A Cup Of Coffee

Friday, July 17, 2009

Hiatus Ek Ek

Sa mga sandaling ito, hayaan nyong pagpahingahin ko muna 'tong blog na'to. Masyado na ako naaadik e....Sa Monday na lang ang bagong post about the kontes winners (KKK=Kikayness Kofistains' Kontes, o ha?!)

After nun, baka July 25 na ako makabalik...busy-ness ang lola..pasensya na :)

....pero ita-try ko pa ring sumagot sa mga commentarizations, plamis!

Breaking News:

Ikinalulungkot ko ngunit hinde tayo matutuloy sa July 24...nyemas! tambak ang labada :(



Buy Me A Cup Of Coffee

Wrong Timing Ka

Dear Papa God,

Mabuhay! (Isang buong araw na naman ang sinayang ko sa pagtulog, pagpe-peysbuk, pagba-blog at pagkain..tsk..tsk..)

Bago mo ako batukan, unahan na Kita. Hinde po para sa Inyo yung taytol. Para yan sa isang tao sa paligid-ligid ay mayron pang tinga este linga na tinuring kong isa sa mga bespren ko kaso...hmmm...

Love mo nga ako talaga. Ambilis mo naman magbigay ng panibagong...uhm...opportunity to love. Magha-hiatus ek ek pa naman sana ang puso ko matapos ang mapait na pangyayari sa nilalang na itago na lang natin sa pangalang..."Tinkerbell" (walang kelamanan sa code name, hayaan mong ikwento ko na lang sa birthday EB ko).

Sobrang nagulat ako ng bonggang bongga sa text na pinadala nya. Alam ko namang matagal na syang may pagnanasa pagtingin sa'kin (nyahehehehe...feeling!) pero bakit naman ngayon pa nya naisipang mag-text ng ganun? Bakit ngayon pa sya umamin ng bonggang bongga tungkol sa nararamdaman nya? At wala pa ba syang natututunan sa paulit-ulit kong pagsabi na ang panliligaw ay ginagawa, hinde na ipinapagpapaalam? (Bakit nga ba ang hilig ng mga lalakeng magtanong? Bakit hinde na lang manligaw kung manliligaw? Pag sinagot namin na pwede kayong manligaw e di parang sinabi na rin namin na type namin kayo?! Anuber?!)

Grabe! Ang haba-haba tuloy ng hurr ko nyahahahaha

Okay sana ang timing nya kaso...may problema nga lang Papa God.

Iba ang laman ng puso ko (o, hinde si Tinkerbell ha?).

Alam mo naman na ang gusto kong gawin ngayon ay paglingkuran Ka (o, ang ayaw maniwala kelangang magdala ng keyk sa 24). Isa ba itong pagsubok? Isa ba itong test kung gano ko Kayo kamahal? Isa ba itong...

Okay fine, hinde bagay...umuusok ang kapaligiran ko...

Papa God, thank you sa bagong opportunity. Bigyan Mo ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya (in a nice way) na hinde talaga pwede. Na hanggang prenli prens lang kami. At bigyan Mo po sya ng sapat na pang-unawa para ma-gets yun. Sana rin ipakilala Mo na sa kanya kung sinuman yung babaeng para sa kanya. Bespren ko po sya, masasaktan ako pag nakita ko syang nahihirapan at malungkot.

Love,

Ang pinakamaganda mong anak sa Las Piñas hehehehe (again, ang kumontra magdadala ng keyk sa 24)

PS:

Pwede po bang papuntahin nyo sa birthday ko yung taong nasaktan ko (hinde nga si Tinkerbell!)? Yung pinagkukwentuhan namin ni Joycee.

~Ako ulit

Nyemas naman kasi e! Minsan-minsan na nga lang ako magmahal, sa maling tao pa. Hinde pa sumakto dun sa taong mahal din ako. Hay, buhay!

Commercial muna:

Kung ikaw ay na-inspire sa aking kagandahan at natural wit (sa presinto magreklamo ang ayaw um-agree!), sumali na sa aking contest at bigyan ng kalaban si Mon, Joycee, Ax, Lovely, Mars at Sandi. Hanggang July 20 pa 'to!

Hiya ka? Bisitahin ang kanilang works of art at bumoto (spammers allowed)!

Pasalamatan din natin ang mga magigiting kong sponsors:

- Joyce of http://joyceish.com/
- Vhincent of http://www.chizmosalounge.com/
- Nika Catbagan of http://www.bloggingpinay.com/
- Jerick Mack of http://www.rickspot.com/

Kung natuwa ka naman dahil dotkomista na ako, bumili na ng sariling dot com sa halagang Php 400.00 lamang or US$ 8.70 per year. Tulungan na rin kitang mag-ayos ng iyong blog :)
At kung talagang aliw na aliw ka sa'kin, bili mo ko ng kape...click ka dun sa ibaba..

Job Opening:

Kelangan ko ng homebased, part-time writers...maraming-maraming writers. Yung kayang sumulat ng 5 350-word article per day o kaya 3 500-word article per day. Email nyo ko if interested kayo.

Buy Me A Cup Of Coffee

Thursday, July 16, 2009

Awoooooo!!!!!!!!

Maulan na naman. Malamang sa hinde, mapapa-emo na naman ako maya-maya kaya ngayon pa lang, iiwas na ako. (Segue: Syet! Napanaginipan ko sya kagabi. Nag-post daw ng bago...tsk...tsk...napaghahalata ang mga iniisip ko)

Alam mo ba kung bakit 3 am palaging gising ako? Nope, hinde sya dahil sa trip ko lang na magtrabaho ng madaling araw. Pwede naman ako mag-work ng normal hours e. Nyemas lang kasi, pag atulog ako ng normal hours, syento por syento, magigising ako ng 3:00 am.

Warning: Kung takot ka sa multo o hinde naniniwala sa multo, i-close mo na'to.

Sakto kasing 3:00 am, may nagpaparamdam sa'min. Kagandahang asal, minsan, ang nagpaparamdam e matandang babae na matindi ang galit. Galit ata sya sa mga nagsasalita 'pag tulog hehehehe (kilala mo si Badoodles ng kwentongbarbero.com? Pwes, hinde lang sya ang pwede mong kausapin 'pag tulog. Pwede rin tayong mag-chikahan kahit himbing na himbing ako sa pagtulog. Sumasagot ako kahit tulog kaya nga madalas akong mautangan ng kapatid ko. Kamalas-malasan, hinde ko yun naaalala pag gising na ako hehehe)

Kagabi merong paikot-ikot na "entity". Hinde ko sya kilala pero alam kong lalake sya. Mararamdaman mo kasi bigla na lang iinit sa tabi mo. Nakita na sya nung iba naming mga kasama dito sa bahay. Natakot nga din sila (napaisip tuloy ako, hinde kaya sya ang destiny ko? Papa Jesaz, wag naman po. Gusto ko po yung normal na nilalang. May mass at volume at weight at lahat-lahat na ng natutunan namin sa Physics).

Nung isang beses may batang nakasilip sa kwarto ko. Normal na bata sya, mga 7 to 9 years old. Nawala naman sa isip na wala naman sa'ming ganung bata. Nag-hello pa ako. Bigla syang umatras...mabilis na atras na makikita mo lamang sa "The Eye". Ayun, napa-iling na lang ako.

Ilang beses na kaming nagpa-bless ng bahay pero nandito pa rin sila. Sabi ko sa Mama ko, walang epekto ang bendisyon kasi hinde naman masasamang "tao" yung nandito. Lost lang sila talaga. Ramdam lang nila talaga na dito, may nakakakita sa kanila. Mababait sila. Pag natutulog ako at nahuhulog unan ko, binabato nila pabalik sa'kin. Nung gabing may-i-laslas ang drama ko, ilang beses nahulog yung flash disk ko kahit na nasa gitna naman sya ng table ko. Mukhang pinipigilan nila akong makipag-EB sa kanila.

Alam mo kung san sobrang nakakita at nakaramdam talaga ako ng multo? Dito:

  1. Office ng HMI. Lahat kami pinagparamdaman nung multo doon. May nag-aabot ng tabo, amoy kandila, photocopier na nago-on ng kusa, mga batang naglalaro, mga taong lumulusot sa pader, mga nanggagaya ng itsura, mga umiiyak at tumatawa ng malakas
  2. Office ng TP. Yun sobrang nakakatakot kasi bayolente sila. Naninipa, namamatid, nananakal, nambubulong tapos pagtatawanan ka. May isa naman na tatayo lang sa tabi mo, hinde ko alam kung bakit.
  3. Bahay namin sa Singalong. Palibhasa dead-end, pati 'ata mga kaluluwa e doon tumatambay. Galit din sila at mapanglaro (in a bad sense). Sila yung tipong hinde ka tatantanan. Hanggang ngayon hinahabol pa rin kaming magkakapatid sa panaginip. Madami na kasing namatay doon e.
  4. Sa MaSci. Alam mo na, karamihan ng building sa Maynila e nawala sa mapa nung WWII. Kasama yung kinatatayuan ng MaSci ngayon. Minsan nagkaklase kami, biglang sumara-bukas yung pinto e wala namang hangin. (Oo, sumara muna tapos tsaka bumukas ulit)
  5. Sa PLM. May isang time na inabot kami ng 9:00 pm sa PLM. Nung pababa na kami sa hagdan sa may Voltes V, napansin namin na lagpas 1 oras na kaming naglalakad pababa e kung tutuusin 4th floor lang kami galing. Ayun, pati yung kaklase kong may bibliya ng mga Satanista, napadasal kay Papa Jesaz ng wala sa oras.

Ikaw, anong pinakanakakatakot mong experience?

Commercial muna:

Kung ikaw ay na-inspire sa aking kagandahan at natural wit (sa presinto magreklamo ang ayaw um-agree!), sumali na sa aking contest at bigyan ng kalaban si Mon, Joycee, Ax, Lovely, Mars at Sandi. Hanggang July 20 pa 'to!

Hiya ka? Bisitahin ang kanilang works of art at bumoto (spammers allowed)!

Pasalamatan din natin ang mga magigiting kong sponsors:

- Joyce of http://joyceish.com/
- Vhincent of http://www.chizmosalounge.com/
- Nika Catbagan of http://www.bloggingpinay.com/
- Jerick Mack of http://www.rickspot.com/

Kung natuwa ka naman dahil dotkomista na ako, bumili na ng sariling dot com sa halagang Php 400.00 lamang or US$ 8.70 per year. Tulungan na rin kitang mag-ayos ng iyong blog :)

At kung talagang aliw na aliw ka sa'kin, bili mo ko ng kape...click ka dun sa ibaba..

Job Opening:

Kelangan ko ng homebased, part-time writers...maraming-maraming writers. Yung kayang sumulat ng 5 350-word article per day o kaya 3 500-word article per day. Email nyo ko if interested kayo.

Contest Update as of 12:06 PM, July 16, 2009:

Paramihan ng Comments:

Ax -202 commentarizations
Lovely - 132 commentarizations
Mon - 109 commentarizations
Joycee - 60 commentarizations
Sandi - 21 comments
Mars - 10 comments

Meron pa kayo hanggang July 20 para humakot ng comments.

Buy Me A Cup Of Coffee

Wednesday, July 15, 2009

Nyemas Na Pag-Ibig

(Click mo yung picture sa taas..ang galing!)

Alam mo kung anong isang topic na lahat ng tao kayang maka-relate? LOVE!

Lahat kasi ng tao, sa isang point sa kanyang buhay, ay nagmahal, nasaktan, o minahal. Hinde ako pwedeng mag-post ng tungkol sa love nang hinde naungkat ang mga pangyayari ng nakaraang araw.

Unrequited love...(insert expletives here)...muntik na akong mawalan ng gana sa pag-ibig at sa buhay ng dahil sa mga pangyayari nitong mga nagdaang araw. Natakot akong muli na maging open sa ibang tao. At hinde ako nagpapa-cute lang o naghahanap ng hits o nagpapa-awa. Nasaktan talaga ako - sa ikinilos nya, sa mga binitiwan nyang salita. At nasaktan din ako sa mga taong react ng react nang hinde man lang inaalam ang buong istorya. At napipikon din ako sa mga taong akala mo kung sino magsalita na para bang alam na alam nila ang buong istorya dahil kung tutuusin, dalawang tao lang naman talaga ang nakaka-alam ng buong pangyayari - siya at ako.

Mabuti na lamang at may mga taong matuturing ko talagang tunay na kaibigan. Yung alam mong andyan dahil kaibigan sila at hinde dahil sa gusto lang makasagap ng latest.

Dahil sa kanila, hinde pa ako bumibitiw sa pag-ibig. Dahil sa kanila, nakakabangon na ako ulit.

Naniniwala pa rin ako na kung hinde mo ibibigay ng todo ang puso mo, hinde mo talaga mararamdaman ang saya na dulot ng pag-ibig. Naniniwala pa rin ako na kung sino man ang kaharap mo ngayon ay ang taong nararapat para sa'yo. O, bago ka kumontra, intindihin mo muna. Yang nasa harap mo ay may misyon kung bakit sya nasa buhay mo ngayon. Everything happens for a reason. Maaaring nandyan yan para mahalin ka, maaaring nandyan yan para may matutunan kang leksyon. Naniniwala ako na maaring magmahal ka ng tao na hinde ka naman mahal. Hinde naman requirement na mahal ka muna bago mo mahalin e. On the other hand, hinde rin lahat ng lalapit sa'yo ay maari mong mahalin. Ngayon, kung hinde mo kayang mahalin, wag mong saktan. Para ka naman kasing sira nun. Hinde mo na nga pinasaya, tinadyakan mo pa. Kung mahal mo, mahal mo. Kung hinde mo mahal, wag mong pagpilitang mahalin. Mai-stress ka lang at masasaktan lang sya. Pero wag ka ring matakot maka-sakit. Dahil pag nagmahal ka o minahal ka, makakasakit at makakasakit ka. Hinde lang naman kayo ang tao sa mundo e at may iba pang pwedeng magmahal sa'yo.

Sa totoo lang, maraming nakaka-relate sa LOVE pero walang taong kayang sagutin ang lahat tungkol sa love...kahit pa si Dr. Love. Masyado syang simple para ipaliwanag sa kumplikadong paraan. Kailangan mo syang maranasan para maintindihan at kailangan mong masaktan at makasakit para ma-appreciate.

Sa mga sandaling ito magmumukhang mahal ko pa rin sya. Oo naman. Hinde naman nawawala yun sa isang iglap e. Oo, nasaktan ako at hinde naman nya talaga ako minahal pero hinde naman yun ang batayan ko e. Si Jesus nga na hinde mahal ng lahat ng tao e nakukuha pa rig mahalin lahat, ako pa kaya. Pero masaya na ako ngayon. Mas masaya kesa mga nagdaang araw. At unti-unti ko na syang inaalis sa sistema ko. If I so wanted to be with the wrong one, how happy it would be when the right one comes! Alam kong kung sinuman yung para sa'kin e andyan lang sa tabi-tabi, nag-aantay ng tamang panahon.

Wag kang maingay, pero pagdating sa pag-ibig, lahat ng tao nagiging ewan (read: nagiging tanga ako). Sa totoo lang, umaasa ako na tama ang sign na binigay ni Papa Jesaz...sana tama ang intindi ko :)

This is an entry to CF Mon's contest. Wag ka nang mangarap, hinde ako talaga ganyan ka-seryoso mag-blog kaya sa susunod e balik tayo dun sa mga wa wents na post ko. Kelangan ko lang talagang gawing makabagbag-damdamin para hinde magmukhang buti-na-lang-tanga yung post ko hehehehe:

* Chad of Coolbutsmokin.wordpress.com who offers cash through Paypal
* Rhona of Kofistains.com who offers cash through Paypal
* Reesie of Reesie.net who offers cash through Paypal
* Jehzeel of Jehzlau-Concepts.com who offers cash through Paypal
* Jerick of Rickspot.com who offers ad space at his site
* TechnoChase.com who offers cash through Paypal
* Mars of OrphicPixel.com who offers cash through Paypal
* Monz Avenue
* Winkie of winkiesworld.wordpress.com
* Cris of crisiboy.com
*Ghie of Confessions who offers cash through Paypal

Spammers, attack!

PS:

Alam mo yung madalas kong sabihin na biglain mo ang sarili mo at gumawa ng isang kalokohan sa isang araw? May dalawang kalokohan akong ginawa kahapon - natulog ng buong araw AT sumali sa Philippine Blog Awards. Malay mo devah?!

Commercial ko naman:

Kung ikaw ay na-inspire sa aking kagandahan at natural wit (sa presinto magreklamo ang ayaw um-agree!), sumali na sa aking contest at bigyan ng kalaban si Mon, Joycee, Ax, Lovely, Mars at Sandi. Hanggang July 20 pa 'to!

Hiya ka? Bisitahin ang kanilang works of art at bumoto (spammers allowed)!Pasalamatan din natin ang mga magigiting kong sponsors:

- Joyce of http://joyceish.com/
- Vhincent of http://www.chizmosalounge.com/
- Nika Catbagan of http://www.bloggingpinay.com/
- Jerick Mack of http://www.rickspot.com/

Kung natuwa ka naman dahil dotkomista na ako, bumili na ng sariling dot com sa halagang Php 400.00 lamang or US$ 8.70 per year. Tulungan na rin kitang mag-ayos ng iyong blog :)

At kung talagang aliw na aliw ka sa'kin, bili mo ko ng kape...click ka dun sa ibaba..

Job Opening:

Kelangan ko ng homebased, part-time writers...maraming-maraming writers. Yung kayang sumulat ng 5 350-word article per day o kaya 3 500-word article per day. Email nyo ko or mag-comment sa baba if interested kayo.

Buy Me A Cup Of Coffee

Tuesday, July 14, 2009

Happy!

Hinde ako mage-emo! Hinde ako mage-emo! Hinde ako mage-emo! Repeat 100x til fade

Sa mga nagtatanong kung okay na ba ako, syempre ang isasagot ko sa'nyo, okay na okay! Pero sa totoo lang, gustung-gusto ko nang makipag-meeting kay Papa Jesaz at gustung-gusto ko nang sumama sa aking Lolo.

O bago mo ko awayin, baby steps nga di ba? Hinde ko naman kaya ng overnight. Ang bongga ko naman nun! Pero...we'll get there...in due time...all in His time (sandali, papahangin lang ako, biglang umusok yung katawan ko e)

Okay...hinde na ako umuusok nyahahaha (ay hinde mo na-gets yung joke? buti naman!). Habang nag-iisp ako kanina kung panong baby steps ang gagawin ko, bigla akong napatingin sa pechur ni Papa Jesaz at naalala ko ang mga madalas kong dasal sa Kanya tulad ng:

  • Jesus, sana naman po dumating na yung lalakeng mamahalin ko (dahil hinde ko nabanggit kay Papa God na sana mahal din ako, ayun, nagkandaloko-loko ang linggo ko wahehehehe)
  • Jesus, kung hinde po sya para sa'kin, ilayo Nyo na po sya (dahil hinde na naman ako specific sa kung panong paglayo ang gusto ko, ayun [fill in the blanks])
  • Jesus, help me to heal (gumaling naman....yung naipit kong ugat sa balikat)

O sa mga makakaisip, hinde po ako galit kay Papa God dahil kundi dahil sa Kanya, matagal na akong nagkakape sa tabi ni Taning (yung Lolo ko, hinde si Satanas...kaw naman o!). At naniniwala akong lahat ng nangyayari sa'kin ngayon ay may dahilan...All For His Greater Glory, Not Mine. Pwede akong maglupasay ngayon at mag-iiyak na parang batang inagawan ng candy. Pero, if I so wanted to be with the wrong one, ka-swerte naman ng Right One! And there were two people who almost became the Right One....ang maganda, friends pa rin kami ngayon. Ang pangalan nila? Frater Randy Sison at Randale Ong at para sa kanila 'to (at kay Papa Jesus na rin):

On The Side of Me By Corine May

I’m not the easiest person to love
I’m often the one who lets things go unresolved
Yet you choose to be
On the side of me
On the side of me
Yet you choose to be on the side of me
On the side of me
I’m not too proud of some things
I’ve done in my life
The skeletons in my closet
Are too big for me to hide
Yet you choose to be
On the side of me
On the side of me
Blessed Charity
You’re on the side of me
On the side of me
‘Cause everyone needs a friend to hold
When it’s cold outside
And there’s no place to go
Everyone needs a friend to hold
All alone I cried
There was no place to go
I remember when nobody cared
But you
I’m not the easiest person to love
But you, you’ve opened your
heart to show me what I’m worth
‘Cause you choose to be
On the side of me
On the side of me
What a mystery
You’re on the side of me
On the side of me
‘Cause everyone needs a friend to hold
When it’s cold outside
And there’s no place to go
Everyone needs a friend to hold
All alone I cried
There was no place to go
I remember when nobody cared
I remember when nobody cared
Nobody cared
But you…
Yeah you choose to be
On the side of me
On the side of me

Commercial:

Kung ikaw ay na-inspire sa aking kagandahan at natural wit (sa presinto magreklamo ang ayaw um-agree!), sumali na sa aking contest at bigyan ng kalaban si Mon, Joycee, Ax, Lovely, Mars at Sandi. Hanggang July 20 pa 'to! Hiya ka? Bisitahin ang kanilang works of art at bumoto (spammers allowed)!

Pasalamatan din natin ang mga magigiting kong sponsors:
- Joyce of http://joyceish.com/
- Vhincent of http://www.chizmosalounge.com/
- Nika Catbagan of http://www.bloggingpinay.com/
- Jerick Mack of http://www.rickspot.com/

Kung natuwa ka naman dahil dotkomista na ako, bumili na ng sariling dot com sa halagang Php 400.00 lamang or US$ 8.70 per year. Tulungan na rin kitang mag-ayos ng iyong blog :)

At kung talagang aliw na aliw ka sa'kin, bili mo ko ng kape...click ka dun sa ibaba..

Job Opening:

Kelangan ko ng homebased, part-time writers...maraming-maraming writers. Yung kayang sumulat ng 5 350-word article per day o kaya 3 500-word article per day. Email nyo ko or mag-comment sa baba if interested kayo.

Buy Me A Cup Of Coffee

Monday, July 13, 2009

Sit...Stand...Baby Steps

Mabuhay! (turo yan sa PLM)

Ayoko na paka-emo kaya ganyan ang bati ko. Siguro next week na lang ulit ang emo posts hehehe (syempre hinde mawawala yun)

Akshuli bangag na naman ako (what's new?!). Hinde pa ako nakaka-recover sa hell week. Yung katawan ko kanina pa gustong matulog pero gusto ko na kasing tabunan yung huling emo post ko. Ang korni naman kung panay delete ng posts ang gagawin ko.

Kung madalas ka dito at kilalang kilala mo ako, alam mo na everytime na may pinapasalamatan ako, yun ang mga panahon na muntik na akong makipag-meeting sa mga anghel at pagdiskusyunan kung sa baba ba ako maninirahan o sa purgatoryo. Lab lang talaga ako ni Bro kaya everytime na may problema ako, may mga tao o pangyayari na biglang bumabatok sa'kin.

Sa totoo lang, higit pa sa hell week ang dinaanan ko nitong ma nakaraang linggo. Kung may mas malala pa dun, yun na yun. When it rains, it pours...at sobrang pour sya talaga ha?! Mapagbiro talaga si Bro. Ekshuli, minsan talagang susubukan ka lang ng tadhana kung hanggang saan ang kaya mo...at magugulat ka kasi madami ka palang kayang gawin.

Ekshuli, gusto kong pasalamatan yung anghel na nagbigay sa'kin nung story about the silver and the silversmith. Na-tats ako dun sobra. Dahil sa email na yun medyo kinakaya ko ang mga pangyayari (oo, hinde pa tapos ang mga problema ko...hayyyy...sana totoong silver na lang binigay nya para may pera ako hehehehe...jowkness!)

Syempre tenjewberrymud din sa lahat ng mga taong todo-todo suporta sa'kin kahit na gustung gusto na nila akong batukan (owkies, I learned my lesson. Tama nga kayo ahehehehe)

Maraming maraming salamat din dun sa kliyente kong uber maintindihin sa deadline (nakupow! hinde mo nga pala naiintindihan 'to, buti naman! nyahahahaha) dahil kundi nya in-extend ng konti ang deadline, baka sa mga sandaling ito e nagpapakape at biskwit na ang mga kapatid ko dito sa bahay.

Inhale...Exhale...malapit na nga pala pibetdei ko...aasahan ko kayo (pasensya na pero KFC lang ang drama ng pibetdei ko...masyadong maraming gastusin..haaayyyy!!! x100)...may suplays ako sa mga pupunta sa pibetdei ko...(may suplays din si Papa God sa pibetdei ko...solar eclipse!)

Alam mo kung anong parte ng paggising sa umaga ang mahirap? Yung pagtayo...pero unti-unti makakabangon ka rin. Hinde ka pwedeng bumangon ng mabilis, mahihilo ka lang at babagsak ulit sa pinanggalingan mo. Dapat unti-unti. At dapat may makakapitan ka dahil kung hinde, pwedeng pwede ka pa rin tawagin ni Haring Kama.

Baby steps starting in 3...2...1...

Commercial:

Kung ikaw ay na-inspire sa aking kagandahan at natural wit (sa presinto magreklamo ang ayaw um-agree!), sumali na sa aking contest at bigyan ng kalaban si Mon, Joycee, Ax, Lovely, Mars at Sandi. Hanggang July 20 pa 'to! Hiya ka? Bisitahin ang kanilang works of art at bumoto (spammers allowed)!

Pasalamatan din natin ang mga magigiting kong sponsors:
- Joyce of http://joyceish.com/
- Vhincent of http://www.chizmosalounge.com/
- Nika Catbagan of http://www.bloggingpinay.com/
- Jerick Mack of http://www.rickspot.com/

Kung natuwa ka naman dahil dotkomista na ako, bumili na ng sariling dot com sa halagang Php 400.00 lamang or US$ 8.70 per year. Tulungan na rin kitang mag-ayos ng iyong blog :)

At kung talagang aliw na aliw ka sa'kin, bili mo ko ng kape...click ka dun sa baba..

Job Opening:

Kelangan ko ng homebased, part-time writers...maraming-maraming writers. Yung kayang sumulat ng 5 350-word article per day o kaya 3 500-word article per day. Email nyo ko or mag-comment sa baba if interested kayo.

Buy Me A Cup Of Coffee

Saturday, July 11, 2009

My Last Post

If you had been here earlier, you would have known that this was supposed to be my last post.

Matigas ang ulo ko. I don't usually follow what other people say.

When I started blogging, I wasn't after the readers. I don't care if the only reader I had was miles away sitting in Bangladesh writing/ rewriting some article (Hi Minhaz!). For me, he was more than enough. All I wanted was to write what I feel. It's my break from all the hustle and bustle of oDesk work. That freedom to write what I feel was the same freedom that got me into this "mess".

If you are looking for the open letter, it's no longer there. I deleted it yesterday because I don't want trouble. I wrote that in order to express how I felt. For those who haven't read it, it's basically an expression of how disappointed I was that he posted his answer to the question "May spark ba o wala?" with full explanation in the comment portion of the Wow Sabaw entry for the whole blogosphere to read.

I was never the war freak kind. If you had seen Anger Management, you would know that I am Adam Sandler. I do have my share of war freak moments but what had happened these past few weeks is something that did not exactly call for one.

Ladies and gentemen, if you had passed by Lio's blog (thessddboy) and have read "Maling Akala", let me tell you this- I AM THAT GIRL. I was the girl who misread his actions. I was the girl who assumed the feeling is mutual. Of course I don't have to say these things because most of you knew about it from my oh-so-many posts about unrequited love, but let me just say that for the sake of those who were wondering. It's true that I asked him to give me some time to sort things out. If you are familiar with the way Lio puts his thoughts into words, then you'd know that most of what he said is true.

Was I angry with what he wrote? You bet I was! That was why I had all the intention of ending this blog a while ago just so I could stop the pain and the anger. But five things happened that smacked me right back to reality:
  1. Ikay frantically looked for me and tried to find a way to talk to me. She then spent a good three hours talking to me and trying to convince me not to close down this blog for that reason.
  2. One of my former trainees/ MC in Hyundai (Eisey) went online to talk to me and remind me about how we used to do things and why this particular incident is not something I should lose sleep over
  3. Cruxie posted a simple comment (the comment you see right now was already an edited version). The original comment almost tore my heart (okay, I'm really a crybaby)
  4. AC posted a comment that not only tore my heart but made me cry for a few minutes
  5. Ax sent me an email with a very moving advice (which reminded me again of how I like how he plays around with words in order to make you think):

do not abort a child because you were raped

Take note that I used the word "WAS" which means that it's all now part of the past. Because, I realized that that's his blog. He can write whatever he wants in the same manner that I can write here whatever I want. Because I realized that I don't have to prove him wrong just to make people see that I am right. Because it doesn't matter what other people say. What matters is how much I trust myself. Because, after all, he used to be my friend. Because I can choose to not get hurt - with what he said, what he will say, what other people will say. Because I should know better.

Seen from a different perspective, the anger went away. The pain? Well, I'm still working on that one. After all, it's hard to lose a friend just like that.

I still stand firm with my belief that, in any situation, it would always take two to tango. But that's just me.

I won't be erasing the comments. They are much too precious for me.

Buy Me A Cup Of Coffee

Hell Week Part Deux

Nyemas!

Pasensya na sa intro. Akala ko tapos na ang hell week ko last week. Hell week pa rin pala 'tng linggong 'to. Yun nga lang, sa sobrang pagod ko last week, etong week na 'to e hinde ko na kinayang mag-straight 5 days na walang tulog. Kaso, sirang sira pa rin ang sleep pattern ko kaya...wan mor taym!

Nyemas!

Hayyy...parang sunod-sunod problema ko this week. San ba nakakahanap ng mayamang lalakeng generous at madaling mamatay? Hirap talaga pag problemang pera ang usapan. Nakakaburyong :(

Nyemas!

Hinde naman akshuli ako high blood. May maganda rin namang naidulot 'tong linggong 'to. Hinde ko akalain na sa loob ng ilang araw, may mga bagong aral akong mapupulot (syempre nakalista na naman...dapat pala pangalan ng blog ko, "Coffee Stains and Lists"):
  1. Hinde man sa'yo nangyayari pero kikiligin ka pa rin pag nalaman mong ang mga kaibigan mo ay in lab. Pansamantala mong makakalimutan ang iyong non-existent lablayp.
  2. Hinde pwedeng 3 araw-araw dere-deretso ang internet mo. Nade-detect ata ng Smart at bigla na lang akong inaalisan ng connection (pwede rin namang iba ang reason nila pero ayaw kong pag-usapan. Alam na ng mga EB gels kung bakit hehehehe)
  3. Mapagbiro si Bro. Kung kelang yung feeling mo hinde mo na kaya, tsaka ka Nya dadagdagan ng exam. Tapos pag namro-mroblema ka na sa dagdag na exam at susong-susong na ang dasal mo, bigla Nyang ipapakita sa'yo ang sagot.
  4. May mga taong kahit hinde mo pa nakikita e maaasahan at may mga kaibigang kahit matagal mo nang hinde nakikita e makikinig pa rin sa'yo.
  5. Kung kelan yung uber nagmamadali ka, tsaka naman magha-hang ang laptop mo. Patibayan kayo. Kasi pag nagkamali ka ng pindot, mage-error at mawawala lahat ng pinaghirapan mo.
  6. After the 5th cup, hinde na effective ang kape na pampagising kaya kelangan mo ng mag-exercise o kaya naman mag-blog hop hehehehe
  7. Kahit gano pa kawalang kwenta ang topic ng article na isinusulat mo, pag malapit na deadline, biglang dere-deretso ang pagta-type mo (ibang usapan na nga lang kung may sense sya o wala nyahahahaha)
  8. Walang kama-kamag-anak sa Barn Buddy (nyemas! ninakaw na naman ng kapatid ko ang mga tanim ko)
  9. Minsan akala mo wala na pero meron! meron! meron! Meron ka pang ibubuga. Minsan akala mo pagod ka na, sobra na, palitan na said na, dead end na, pero hinde pa pala. Kaya pa pala.
  10. Nakaka-miss ng mag-Daytona :(
  11. Hinde ako weird! Ay mali...hinde lang ako ang weird na kumakanta ng mga kantang di galing sa planetang earth ang lyrics! Go pseudopolyglots! Go Larusso! Go Son by Four! Woot!

Yahu! Por da pers taym, maaga akong makakatulog...hayyy...breathe in...breathe out...masaya na ako. Hulaan mo kung bakit...

Papa God, thank you!

Commercial:

Kung ikaw ay na-inspire sa aking kagandahan at natural wit (sa presinto magreklamo ang ayaw um-agree!), sumali na sa aking contest at bigyan ng kalaban si Mon, Joycee, Ax, Lovely, Mars at Sandi. Hanggang July 20 pa 'to! Hiya ka? Bisitahin ang kanilang works of art at bumoto (spammers allowed)!

Pasalamatan din natin ang mga magigiting kong sponsors:
- Joyce of http://joyceish.com/
- Vhincent of http://www.chizmosalounge.com/
- Nika Catbagan of http://www.bloggingpinay.com/
- Jerick Mack of http://www.rickspot.com/

Kung natuwa ka naman dahil dotkomista na ako, bumili na ng sariling dot com sa halagang Php 400.00 lamang or US$ 8.70 per year. Tulungan na rin kitang mag-ayos ng iyong blog :)

Job Opening:

Kelangan ko ng homebased, part-time writers...maraming-maraming writers. Yung kayang sumulat ng 5 350-word article per day o kaya 3 500-word article per day. Email nyo ko if interested kayo.


Buy Me A Cup Of Coffee

Thursday, July 9, 2009

Live. Laugh. Love.

Pagkakakitaan Muna:

Kung ikaw ay na-inspire sa aking kagandahan at natural wit (sa presinto magreklamo ang ayaw um-agree!), sumali na sa aking contest at bigyan ng kalaban si Mon, Joycee, Ax, Lovely, Mars at Sandi. Hiya ka? Bisitahin ang kanilang works of art at bumoto (spammers allowed)!

Pasalamatan din natin ang mga magigiting kong sponsors:

- Joyce of http://joyceish.com/
- Vhincent of http://www.chizmosalounge.com/
- Nika Catbagan of http://www.bloggingpinay.com/
- Jerick Mack of http://www.rickspot.com/

Kung natuwa ka naman dahil dotkomista na ako, bumili na ng sariling dot com sa halagang Php 400.00 lamang or US$ 8.70. Tulungan na rin kitang mag-ayos ng iyong blog :)

On To The Post

Unahin ko muna yung talagang post ngayong araw na'to (yep, naka-schedule ang mga topics) bago ang eksplaneyshun sa results ng mini-kontes.

Kahapon, na-inspire ako sa post ni Chico. Gusto ko sanang gumawa ng sarili kong list kaso konti lang ang award-winning hirit na alam ko kadalasan kay Azul at Winkie pa galing so malamang alam nyo na kaya ililista ko na lang ang mga simpleng bagay na natutunan ko sa aking mga kaibigan na, sa maniwala ka o sa hinde, e nakaka-aliw gawin (at nagawa ko na):
  1. Sumayaw sa gitna ng kalsada. Mas maganda kung may partner. Higit na maganda kung hinde ka masasagasaan.
  2. Magpanggap na bulag habang tumatawid ng kalsada. Kelangan kumpleto ng props (shades, tungkod at alalay). Lahat ng tao ay siguradong maaawa sa'yo.
  3. Maghingi ng pamasahe pauwi (wag ita-try sa Quiapo at Robinson's Manila. Mapapagkamalan kang holdaper). Syempre kelangan believable. Sabihin mo galing kang Pampanga at nahiwalay sa kasama mo.
  4. Lapitan ang isang lalake (ung babae ka) or babae (kung lalake ka) at sabihing: Miss/ Boss, pahawak naman ng itlog/ mani ko. Sabay labas ng itlog or mani (yung pagkain! bastos!). Ihanda ang sarili na mahipuan o kaya ay layuan. Malalalaman mo kung sino ang bastos.
  5. Tumitig sa isang madilim na lugar at biglang palakihin ang mata sabay takbo. Siguradong matatakot pati boss mo lalo na kung takot sila sa mumu hehehehe (Variation: tumingala sa building at hintaying dumami ag mga uzi sabay biglang alis...pwede rin namang tumayo sa bridge at ituro sa kasama mo ang nakikita mong kalansay. Pag marami nang uzi, alis ka na)
  6. Sabihin mo sa taong mahal mo na mahal mo sya (harapan ha?) at i-kiss mo sabay sabing, "Dahan-dahanin mo ang paglayo kasi sensitive ako" (awts!)
  7. Kumanta ng buong-puso habang naglalakad sa kahabaan ng Taft Avenue.
  8. Magpatapon sa swimming pool kahit hinde marunong lumangoy. Siguraduhing merong marunong lumangoy.
  9. Bumili ng isang buong meal sa McDo. I-upsize. Ibigay sa unang taong grasa na masasalubong mo. (O, isama mo na yang french fries. Kaw naman o!)
  10. Bumalik sa pagkabata - mag-swing, mag-slide at tumawa ng malakas.

Ikaw, anong pinakabaliw mong nagawa?

Kontes Results:

  1. Totoo 'to. Masyado kasi akong nagandahan dun sa song na pinasa sa'kin ni Joycee.
  2. Totots din 'to.This is the reason why, hinde ako pwedeng basta-basta bunutan ng ipin. Hinde kasi ako pwede nakanganga ng matagal (R-18 ang susunod...biruan namin ni BFF Philip dati, pag nag-asawa ako, dehado asawa ko. Kung bakit, isipin nyo na lang)
  3. Totots! Twice pa lang talaga. Hinde nga kasi ako sakitin.
  4. Eto ang unang kasinungalingan. Ang tamang sagot is 2 hours. Every two hours po ako kung kumain kasi sumasakit sikmura ko. Bukod sa sobrang magulo kasi ako kaya kelangan ng gasolina every now and then hehehehe
  5. Totots 'to. Hinde ko pa naeexperience mahimatay. Nangyayari lang sa'kin is mamutla tapos magdilim ang paningin (literal na dilim ng paningin) tapos maya-maya lang, okay na ulit ako. Walang himatay portion.
  6. Totots! Except for "Onang", lahat yan ay tawag sakin ng friends ko. Yung "Onang" si Tito Ronald lang ang tumatawag sa'kin nyan. Murder-an ng pangalan kasi pag andun ako sa Sampaloc hehehe
  7. Eto yung isa pang kalokohan. Hinde naman kasi ako talaga tambay to the max sa FB. Ang sukatan ng busy-ness ko ay ang CSI pag Tuesday, Wednesday at Sunday. 'Pag lahat yan ay hinde ko napanood, ibig sabihin sobrang busy na ako at hinde mo na dapat ako kinakausap.
  8. Totoo 'to. Minsan may nalanghap akong ganito nung nasa Hyundai ako. Ayun, kinailangan akong sunduin ng boyplen ko at ihatid ng naka-taxi sa bahay namin dahil suka ako ng suka ng bonggang bongga. Sobrang sakit din ng ulo ko at hilong-hilo ako.
  9. Totots! Mall tour kasi nila sa SM Southmall. E ang Rhona todo-fan, nakipagsiksikan makapunta lang sa harap. Tapos sabay kanta. Sa sobrang kagandahan ko, nakita ako nung isa sa mga lalakeng lead singer (akshuli, wala na sya sa The Company ngayon), ayun inabot nya sa'kin yung mic. Kinanta ko ng buong buo yung Afraid For Love To Fade (tapos syempre nagpa-autograph pa ako afterwards).
  10. Oo, iba ang kulay ng hurr ko. Brown sya na mas kita mo pagka-brown pag tinamaan ng araw. Kaya nung nagpa-straight ako ng hurr, naka-100x na tanong si ate kung nagpakulay daw ba ako ng buhok (sinabi ng hinde e!)
  11. Third kalokohan! Vahloo ang peyborit kong color, sunod ang brown, last ang fenk! Pinagpipilitan lang ng mga friends ko and peyrents ko na mag-pink ako para daw magmukha akong babae.
  12. Trulili. Web site ng Hyundai Makati ginawa ko. Amportuneytly, sarado na ang Hyundai Makati at hinde ko rin naman natapos yung ibang pages ng site. Pina-practice ko na lang 'to sa web site ng Talent Shout.
  13. Trulili. Kaya hinde ako pwede magpigil ng nararamdaman ko. Literal na masakit sa puso.
  14. Eto ang isa pang kalokohan. Although arami kaming aso sa bahay, hinde ko sila type. Lahat sila ay sa sister ko. Sya ang mahilig sa aso. Hermit crab ang type ko (at bigla kong na-miss si Kerrie)
  15. Huling kalokohan. Although hexcited na ako sa Diablo III at talagang naglalaro ako ng Diablo II Expansion, hinde ko pa sya tapos. I got stuck at Level IV kung saan ang kalaban ko na ay si Diablo mismo :(

Ergo, wala na naman nanalo...tsk! tsk! Okay, pondo ulit ang $2.50.

Sa mga nagtatanong, okay-okay na ako. Pero please give me time to fix myself and find my smile (aba! at naligaw dito si Martin Nievera!). Pag pasensyahan na kung hinde ako sumasagot sa YM. Uber busy lang talaga at sobrang sirang sira ang sleeping pattern ko ngayon bukod sa ang dami kong iniisip ngayon.

Buy Me A Cup Of Coffee

Wednesday, July 8, 2009

Mga Impact-o Ng Buhay Ko (Plus Mini-Kontes)

Oo, balak ko talagang mag-blog once a day. Subukan mo rin, pantanggal stress.

Kagabi, something wonderful happened (naks!). Natapos ko ang 12 articles sa isang upuan nyahahahaha (kung ganito ako gumawa ng articles dati, mayaman na sana ako). At dahil nga sa masaya ako kagabi, napa-isip ako. Meron pa nga pala akong naka-pondong US$2.50 para sa mini-kontes ko dahil walang nakatama last time. Sa mga nalilito, iba pa 'to sa aking HBD contest.

Pero syempre, bago ko kayo pahirapan, konting kwento muna.

Sa buhay natin makaka-meet tayo ng mga tao na uber halaga sa'tin - dahil nabago nila tayo, dahil isa syang pag-ibig na naunsyame, dahil naniwala sila sa'tin. Eto ang mga taong may impact sa aking buhay at nakakapag-pasaya sa'kin kahit hinde ko sila nakikita or nakakausap:

1. George Ongkeko, Jr.

- Sa totoo lang, hinde kami ganun ka-close pero friends naman kami. Naalala ko lang sya kagabi at naisipan kong i-google ang name nya. Powtek! 1,500 results! Tsk! Tsk! Mabangis talaga! Okay so anong naging impact nya sa buhay ko? Naaaliw lang po ako sa kanya kasi hearthrob sya ng batch namin. Isang napakalaking privilege para sa'kin ang makatabi sya sa upuan sa isang subject namin nung high school (awww! Akshuli panay kami kalokohan noon...pero hinde ko pa sya napapatawad sa pambababoy ng notebook ko...hmp!) Privilege rin para sa'kin ang tawagan nya ako sa bahay namin nung 1st year pa lang kami at ang hiram nya ng notebook nung 4th year na kami. Bakit? Sa sobrang talino nya sa'kin pa sya nanghihiram. Kung meron mang Mr. Right, sya na yun - matalino, mabait, mayaman, maloko, makulit...lahat na! Kung graduate ka ng UPD, malamang kilala mo sya. Pagkakatanda ko ay Magna cum Laude sya sa kursong BS Math (o devah! pure walking utak!). Nakakatawa sya kasi pag sinasabihan sya ng mga nanay ng mga classmates ko na magmano sa mama ko, sumusunod ang loko.

Sa sobrang dami ng may krasness sa kanya, ilang beses na akong na-tempt na ibenta yung picture nya sa'kin. Gusto ko rin ibenta number nila sa bahay nyahahaha Gano sya ka-gwapo? Patinuin mo pa ng 10x ang itsura ni Mark Anthony Fernandez.

Ngayon, pag nagkikita kami, binubwiset pa rin nya ako at inaalipusta sa pagigng payat (sows! laki naman ng tyan mo!) nyahahaha

Dahil sa kanya, natuto akong mag-aral na maige. Natuto akong magconcentrate sa Math (inggit ako e). Nakuha nya sa'kin - natuto syang mag-gupit ng kuko nyahahahaha *wag po sana nya ito mabasa mwahahahaha*

2. Bernard Ofalia

- Kung taga-PLM ka, malaki ang tsansang kilala mo sya. Isa syang matangkad na prof na napakalapad ng balikat na maangas maglakad. Wops, saglit! Hinde po sya maangas. Sya ang unang taon nakilala ko na talagang kumakatawan sa non-conformist (sunod si Sir Michael na, nyemas! hinde ko maalala apelyido...basta yung prof sa Fil Psych). Hinde matatawaran ang prinsipyo sa buhay pati na rin ang takbo ng utak. Hinde sya spoon-feeding pag nagturo. Mapapaisip ka talaga kaya useless ang pagmememorize sa klase nya.

Wish ko sir, ikaw na lang adviser ko sa thesis...malapit ko na syang matapos (nyemas! refresher na ako! waaaaahhhhhhh)

3. Mrs. Seguerra

- isa sa mga terror teachers ng MaSci (and she's proud of it) pero isa rin sa mga may puso. Hinde nga lang nya pinapakita masyado. Isa sa mga dahilan kung bakit tumino ang English ko. Mahilig sa salitang "stupid"nyahahaha

Bakit ako tumatawa? Sa wakas, nakaganti din ako kay Original Wolverine! Kampi kasi sya sa'kin everytime na may boys vs. girls na diagramming ng sentences. Isa sya sa sobrang natuwa noong bumalik ako sa MaSci para sabihing graduate na ako with flying colors. Isa ako sa mga umiyak nung mag-retire sya. Isa sa mga magagaling na teacher sa English (sunod si Mrs. Pineda tsaka si Ms. Bugante)

4. Mrs. Mallillin

- ang ikalawa kong nanay sa St. Anthony. Isa sa mga unang tao na nakakita sa kakayahan ko (at naniwala). Mataray, mabagsik lalo na kung shung-shunga ka nyahahaha

Kumusta na kaya sya ngayon? Ma'am, nasa akin pa po yung letter nyo nung gumraduate ako. Binabasa ko palai pag feeling ko down na down ako.

5. Dr. Philip Richard Budiongan

- hinde na kelangan i-explain. Sya ang dahilan kung bakit ako naka-survive sa work ko last year. Ano natutunan nya sa'kin? Na pwede palang magmulti-task ng todo-todo ng hinde nawawala ang konsentrasyon sa main line of income nyahahaha

6. Renan Tec

- bestfriend ko mula pa nung nasa Hyundai ako. Isa sa mga bolerong lalakeng nakilala ko. Every 6 months kung magpalit ng jowaers. Malalim mag-isip. Tanging bolerong kilala ko na pinadugo ang utak ko pagdating sa diskusyong "free will" at "pre-destination". Maginoong bolero. Maaasahang bolero...kelangan nakakabit lagi ang salitang bolero nyahahaha

Seriously, isa sa mga hinde matatawaran na kaibigan ko. Kahit magkanda-ipit ipit sya, hinde ka nya ilalaglag. Madaming beses na kami nag-away pero hinde pa rin nasisira friendship namin (at ngayon ko lang naalala, nakalimutan ko pala syang batiin nung birthday nya...patay!) Taga-lakad sya dati ni Mahal #10. Sya din ang tagapag-bati...sya rin ang taga-pigil sa'kin pag nami-miss ko si Mahal#10.

Breathe in....breathe out...okay na ako...masaya na naman ang kaluluwa ko...

Mini-kontes taym!

The usual pa rin - 15 items, 5 kalokohan. Sino ang kalokohan? Sa Thursday afternoon ang tamang sagot

  1. Ang original plan ko, pag kinasal ako, ang tugtog sa first dance ay That's All by Michael Buble. Akshuli, ngayon, nagda-dalawag isip na ako kung ikakasal pa ako kung yun ba or When God Made You.
  2. May TMJ disorder ako, yung nagki-click na panga. Kaya hinde ko pwede ngumangang maige kasi pwede syang ma-stuck at mahihirapan akong isara (besides, masakit!)
  3. Twice pa lang akong nao-ospital - nung pinanganak ako tsaka nung ma-aksidente ako (Lord, wag na po sana madagdagan hehehe)
  4. Every 4 hours ako kumakain kasi may ulcer ako nyahahahaha
  5. Bukod sa mamaos, isa pa sa mga pangarap ko ay ang mahimatay. Hinde ko pa kasi sya nae-experience e.
  6. Mga nicknames ko - Rhona, Dak, Rhon, Rhonzkie, Onang, Kulotus, Payat
  7. Super busy na ako pag pati Facebook ay hinde ko na nahaharap (ang Mafia Wars at mga gulay ko huhuhuhu pati na rin ang standing ko sa Poker waaaaaahhhhhhh)
  8. Nagkaka-migraine ako sa putok...as in yung mabahong putok. Matinding migraine.
  9. Nakasabayan ko na sa pagkanta ang The Company.
  10. Iba kulay ng hurr ko, hinde black
  11. Pinaka-peyborit kong kulor ay fenk! Sunod ang brown tapos vahloo
  12. I have tried designing a website using notepad only (walang wysiwyg editor). Syempre HTML ang gamit.
  13. Meron ako sakit sa puso (sasakalin ko maka-isip ng "heartbroken")
  14. Mahilig ako sa aso. Sa bahay namin, meron kaming 7 aso, 2 ampon, 1 tyanak at 1 kakawate nyahahaha
  15. Sobrang excited na ako sa release ng Diablo III dahil matagal ko nang tapos ang Diablo II: Expansion. Nakakaburyong na maglaro ng paulit-ulit.

O pa'no, 5 ang kalokohan. Thursday, 2 pm ang winners.

Buy Me A Cup Of Coffee