Wednesday, June 10, 2009

The Death Of Love

(Uy! 2 posts agad!)

Gusto kong ilabas 'to bago pa man ako tamarin. Alam kong kahapon lang ay nagbabasa ka nung post ko tungkol kay Polaris at Wolverine.

Minsan nakakatawa ang mga taong nagmamahal. Ang tindi ng kapit kahit sa kakarampot na pag-asa. Yung iba tumitingin pa sa signs (Jesus, pag nakapula sya ngayon, ibig sabihin sya na nga ang aking destiny!), yung iba naman, hinde na nga pinapansin ng mahal nila, pinagtatabuyan na nga, ayun, ayaw pa ring tumigil. Harap-harapan na ngang sinabihan na friends lang, umaasa pa rin (malay mo nga naman, mauntog at magbago-isip).

Guilty ako sa ganyan. Sa dinami-dami nang pwede kong magustuhan, yun pang pinaka-hinde pwede ang nagustuhan ko at minahal. Kung tutuusin, compatible daw kami - Virgo sya, Cancer/ Leo ako (cusp sign e), may utak sya, may utak din naman ako. Pati nga mga hilig nya halos hilig ko rin e. Mga ginagawa nya, malamang e gagawin ko din (hinde dahil sa ginagaya ko sya, kundi dahil ganoon din ako). Kung pano sya mag-react, malamang sa hinde e ganoon din ako magre-react. Sa lahat ng angas na pinapakita nya, tanggap ko sya. LAHAT.

Pero hinde pala sapat yun. Hinde pwedeng basta compatible kayo. Hinde pwedeng basta tanggap mo sya. Yan ang complexities ng pag-ibig. Hinde dahil magkahawig kayo or compatible kayo ng zodiac sign e pwede nang maging kayo. Hinde rin dahil sa dinaanan na nya ang pinagdaraanan mo ngayong sakit e matututunan ka na nyang mahalin.

Hinde.

Sa dulo, wala ka ring magagawa. Babae ka. Sa society na may double standard, hinde ka pwedeng manligaw, hinde ka pwedeng magpakita ng motibo, at agresibo ka pag sinabi mo ang nararamdaman mo. Matatakot sa'yo ang mga lalake pag ganoon ka kasi, madalas sa hinde, mas gusto nila ang babaeng mahinhin at pwede nilang pasunuri sa kanila. Hinde ako ganun. Hinde ako pwedeng pasunurin sa ayaw kong gawin. Hinde ako pwedeng magmahinhin dahil pinalaki akong palaban.

Oo, nasasaktan ako ngayon. Paano mo ba patutunayan sa isang tao na mahal mo sya kung ayaw ka nyang bigyan ng pagkakataon? Paano mo papatunayan ang sarili mo kung wala syang pakialam sa'yo?

Madaling sabihin na kalimutan mo na sya. Pero sa totoo lang, sino nga ba talaga ang marunong lumimot? Hinde ba't ang ala-ala ay isa sa mga bagay na ibinigay sa'tin ng Diyos para matuto tayo? Paglimot nga ba talaga ang kasagutan o pagtanggap? Pagtanggap na kahit kailan hinde pwedeng maging kayo?

Pero pa'no mo tatanggapin ang isang bagay kung hanggang ngayon umaasa ka? Kung hanggang nayon mahal mo sya kahit ilang beses ka na nyang tinawag na "kaibigan" at "bossing"?

Kahit ilang beses akong umiyak ng dahil sa kanya, wala yung epekto sa kanya. Hinde naman nya nakikita e. Hinde naman nya nararamdaman yung sakit na nararamdaman ko. Hinde nya nakikita kung ano ang kinakaya ko pansinin nya lang ako. Hinde nya nakikita yung selos, sakit at tuwa. Para sa kanya, lahat ng ito ay bunga lamang ng infatuation.

Infatuation...I beg to disagree.

Infatuation is based on physical attributes. It is usually sexually charged and lacks devotion and commitment. Kung minahal kita dahil sa kabuuan mo, sa kung ano ka at kung anong pwedeng maging ikaw, infatuation mo bang matatawag yun?

Kahit kelan hinde ko nilagay ang kasiyahan ko sa kamay ng ibang tao. Masaya ako dahil gusto kong maging masaya. Pero minsan, hinde maiiwasang maging malungkot ka dahil yung isang bagay na lalog nagpapasaya sa'yo ay sya ring bagay na nagpapaiyak sa'yo.

Hinde ko kailangang sabihin mo sa'kin na mag-move on. Wala ka sa aking sapatos. Gusto ko lang talaga ilabas 'to dahil ito na ang huling araw na isisipin ko sya. Hinde na ako magiging bahagi ng buhay mo kahit kailan at sa kahit na anong paraan.

Digg!

Buy Me A Mocca Frappucino

17 comments:

  1. dont worry be happy..
    basta love kita kahit hindi kasali si wolverine...

    ReplyDelete
  2. salamat :)

    ...kaya ko 'to
    ...kaya ko 'to
    ...kaya ko 'to

    ReplyDelete
  3. woah!i know exactly how you feel kasi nagyari na din sa akin yan.and i must admit kahit ngayon na may bf na ko may mga time na naiisip ko pa din si anu.....

    ReplyDelete
  4. aba azul!

    cno yan?! hinde naman siguro tayo pareho ng taong tinutukoy no?

    *takip-tenga saka-sakaling pareho*

    ReplyDelete
  5. nope don't wori ex ko yung naiisip ko..ndi si anu..hehehe

    ReplyDelete
  6. hehe..natawa naman ako dun hehe..

    ReplyDelete
  7. sus!

    yan lang ang comment ko! hahaha!

    ReplyDelete
  8. @winkie - napaka-profound...nadarama kong bonggang bonggang batok ang aabutin ko hehehehe

    ReplyDelete
  9. hehe! sorry, dito lang talaga ako sa bahay makakapag comment kase block ang google accounts sa office!

    may tanong lang ako. if the scenario happens in a different manner. ikaw ang gusto pero ayaw mo?

    pero sino si mr. soriano! yay!

    ReplyDelete
  10. @Ax -actually, strightforward kasi akong tao. Nagsasabi agad ako if wala ka talagang aasahan. AT pag sinabi kong wala, hinde ka na makakaramdam ng kahit anong effot galing sa'kin dahil ayokong mabgyan ng kulay yung ginagawa ko....may sense ba?

    ...secret na un...sama ka sa Friday para malaman mo

    ReplyDelete
  11. Ay RHonz, now I know kung bakit ganon na lng ang comment mo sa recent post ko. :D

    Mahirap talga ang ganitong sitwasyon. Tama ka, tanggapin mo nlang. Hindi madali, pero puedeng dahan-dahanin hanggat sa magising ka nlng isang araw na tinanggap mo na.

    Pero sabi nga nila, ang solusyon sa pag-ibig ay isa ding pag-ibig. Subokan mong wag ituon ang lahat ng attention mo sa kanya. Subokan mong tumingin sa iba. Mahirap seguro pero kailangan mong subokan.

    Sabi din nila, time will heal all wounds. Kailangan mo lang ng TIME, don't worry.

    Payong kaibigan.. :D

    ReplyDelete
  12. Hi Reesie!

    Yup...time talaga....kailangan kong libangin ng sobra sarili ko para hinde ko sya maalala...kaso pag masaya naman ako, nangyayarin, xa pa rin bukambibig ko...hayyyzzzz....


    Pero thanks sa payo! deeply appreciated xa :)

    ReplyDelete
  13. Hi! gandang morning! maya na ko comment.. hilamos muna ako ;)

    ReplyDelete
  14. Naku ambigat ng mga linya!
    Sino kaya si Mr. Soriano ng masapak naman. Friend wag mo na isipin yun. bili ka na lang ng toblerone at banana split ice cream. hehe

    ReplyDelete
  15. At talagang may pangalan na!

    Ay Ate Rhona, kung pwede lang hilahin ang oras para ngayon ay mapuntahan na kita at i-hug kahit pipilay-pilay ako, magsama-sama ang mga sawimpalad!

    Linsyak na society kase! Bat kase ang panget ng tingin sa babae kapag ikaw ang nagtapat sa lalake and all, sobrang lugi tayo dahil lage tayo nag-aantay. Ang nangyayari tuloy, guys would think na andyan lang tauo forever, hihintayin sila kung kelan tayo mamahalin.

    But NO!!!

    I've waited enough, and I'm sooo not gonna wait for him for forever..

    Siguradong may emo moments bukas! At sasamaa ko sure na yan!

    ReplyDelete
  16. @sandi - tapos ka na hilamos??

    @Mon - wag na Mon, baka akalain nya e nagtayo pa ako ng union para lang sa kanya...antay ko na lang danggit and dried mangoes mo hehehehe

    @Joycee - puso mo! puso mo! Waaahhhhh....uber excited na ako...naka-pack na yung dadalhin ko weehehehehe

    ReplyDelete
  17. i agree with mon, bili ka na lang ng toblerone at banana split. :) hope you're doing better by now. :) http://www.toblerone.com.ph

    ReplyDelete