Talent Shout Business Consultancy is holding a seminar entitled, "How To Be A Freelance Writer," on July 25, 2009 at ProAccess in Makati. The fee is Php 1,500.00. Those who are interested can email trainings@talent-shout.com.
Also, we have updated the guidelines for my blog contest. You can click here to view the updated guidelines (nandyan na rin pati mga prizes). Nais ko nga palang pasalamatan ang mga mababait kong sponsors na sina Joycee, Nika, Vhincent and Jerick Mac. Sa mga gusto pang mag-sponsor ng prizes, send lang kayo ng email. Joycee has already submitted her entry. You can check it here.
Sa mga nasa HR or Recruitment, Talent Shout would be having its 4th run of the Hiring Smart: Behavioral Interviewing Methods on July 4, 2009 at ProAccess. Those who are interested can email trainings@talent-shout.com
Okay, on to the post (dapat 'ata ang title nito e, Commercialism hehehehe):
Pagpasensyahan na, uber busy this past few weeks
Actually, marami akong bagay na nami-miss sa MaSci:
- Sabayang Bigkas at Choric Interpretation - ay! kinakarir namin 'to. The gory-er (?!), the better. Andyang sampalan to the max with matching sabunutan. Andyang naka-paa habang nagpe-present kahit na ang init ng lupa (tuloy, sobrang makatotohanan ang luha)
- Carolfest - isang patunay na lahat ng Filipino ay marunong kumanta (kahit na Dum-dum-dum lang na background). Personal favorite ko ang Kumukuti-kutitap at Carols of The Bells (oo, yung nakakapanindig-balahibo na Christmas Song)
- Kit-Kat at Jungle Juice - mga pamatid-uhaw at pang-alis ng antok sa mga boring na guro. Isa ring reason para masulyapan mo ang crush mo o kaya naman ay magpapansin sa crush mo.
- Oven-hot na notebook - although hinde ako nage-express notebook, malamang sa hinde e nasa hiraman ang notebook ko. Madalas syang mahiram ng mga nage-express notebook. Dito ko napatunayan na kahit ang pinakamatalino sa Math e pwede ring mag-hiram ng notebook sa isang gaya ko (pwede ring krasness lang nya ako nyahahahaha) (at syempre, hinde Math notebook ang hinihiram nya dahil malamang magno-nosebleed sya)
- Mga Krasness at Lablayp - hinde ko alam kung may mali sa pagpapalaki sa'kin pero karamihan ng crush ko ay isinusuka ng mga kabarkada ko. Sa MaSci una kong natutunan ang masakit na katotohanan - Men are visual creatures. Mas magandang "hinaharap", mas type nila. Sa 2 nagkalakas ng loob na nanligaw sa'kin, pareho silang nahumaling sa isang "kapus-palad" (Sorry, R-18 ang topic)
- There is such thing as multiple intelligence. Imaginin mo, galing na nga sa Math, ang galing pa sa English! At marunong pang kumanta! Alien ang mga kaklase ko, pramis!
- Mga kalokohan - sa MaSci ako natuto nang iba't ibang style ng kalokohan. Kung anuman yun, secret muna. Baka gayahin ng mga bata :P
- Pagpapalit ng PE uniform kahit na nasa gitna ka ng hallway (may technique yan!)
- No Mercy! - sa CAT yan! yan ang pinaka-masayang sandali ng buhay namin heheheeh. Bakit? Dahil sasalubungin namin yung squad ng kabilang section. Kahit magkabanggaan kailangan, walang pakialam. At syempre pa, saktong makakasalubong ko si ultimate krasness...Ayun, kulang na lang ay yakapin ko sya mwahahahahaah


Pinakamasaya kong year sa MaSci ay 3rd year. Dun ko naramdaman ang ibig sabihin ng tunay na kaibigan at ng "walang iwanan" (minsan na kaming napagalitan dahil sa leakage. Hanggang ngayon, hinde alam ng teacher namin kung sino ang may pakana ng leakage dahil nung tanungin nya kami kung sino ang promotor, buong klase ang tumayo). Noon ko na-realize na kaya ko palang magtimpi 'pag galit. Doon ko na-realize ang value ng hardwork. Doon ko na-realize na basta ma-grasp mo ang konsepto ng isang bagay, kahit hinde mo memorized ang formula, at kahit pagbali-baliktarin ang tanong, kaya mong sagutin. At doon ko na-realize na minsan, face value lang yan nyahahahaha.
Bakit?
There was a time na nagtest kami sa Physics. Dahil sa hinde ako nakapag-aral, nagtanong ako ng formula sa bespren ko (required kami na memorize-in ang mga formula). Nahuli kami ng teacher namin na nag-uusap. Ayun, dahil kilalang bully ang bespren ko, sya ang napagalitan nyahahahaha.