Friday, June 12, 2009

A Case For Agatha Christie and Sherlock Holmes

Minsan masarap ang nakatunganga. Eto lang kasi yung time mo para makapag-isip at mangarap. Kagabi, habang iniisip ko kung pano ko papatayin yung kinaiinisan ko ano magandang post, naglakbay ang aking isipan sa ibang topic.

Get wan eyt sheet of peyper and answer da palowing (paalala: wag seryosohin):
  1. Bakit pag sinasabi nang PAGASA na bukas ay uulan e biglang umaaraw? (Ang aking sagot: mapagbiro si Papa Jesus)
  2. Bakit kung kelan heart broken ka tsaka naman sangkatutak ang malulungkot na kanta sa radyo? (Ang aking sagot: kakuntsaba ni Papa Jesus ng DJ. Mapagbiro talaga Sya)
  3. Bakit kung kelan nakapag-review ka tsaka sasabihin ng prof na hinde tuloy ang exam? (Ang aking sagot: kasi alam nyang may nag-review. Mahilig ang mga prof sa suplays!)
  4. Bakit kung kelan nagmamadali ka tsaka naman uber traffic at kung kelan ka naman hinde nagmamadali, tsaka nman dere-deretso ang biyahe?
  5. Bakit kung kelan yung male-late ka na tsaka pa hinde mo mahanap yung suklay o kaya yung sapatos mo?
  6. Bakit kung kelan bad trip tsaka naman ang daming nangungulit sa'yo?
  7. Bakit pag naaksidente ka, ambagal nang ambulansya? (Plamis! simpleng sasakyan lang tuloy ng pulis ang ginamit para dalhin ako dati sa ospital)
  8. Bakit napakahirap sabihin ng "I Love You", "I am sorry" at "Thank you sa pag-aappreciate mo sa kagandahan ko"?
  9. Talaga bang nagdarasal ang praying mantis?
  10. Bakit nakakaantok ang ulan kahit na kakagising mo pa lang?
  11. Bakit pag malapit na deadline tsaka nagloloko computer mo?
  12. Bakit madaming sinungaling sa mundo?
  13. Bakit ang daming guhit ng palad ko?
  14. Bakit ka nagtatago e nakikita naman kita kahit pa nagtatago ka?
  15. Bakit mo ko hinahanap e tinataguan nga kita? Perv!
  16. Bakit ang dami kong tanong?
  17. Halata bang wala akong mai-post?

Talent Shout Business Consultancy is holding a seminar entitled, "How To Be A Freelance Writer," on July 25, 2009 at ProAccess in Makati. The fee is Php 1,500.00. Those who are interested can email trainings@talent-shout.com.

Also, we have updated the guidelines for my blog contest. You can click here to view the updated guidelines (nandyan na rin pati mga prizes). Nais ko nga palang pasalamatan ang mga mababait kong sponsors na sina Joycee, Nika, Vhincent and Jerick Mac.Sa mga gusto pang mag-sponsor ng prizes, send lang kayo ng email (wala na pong open for the ad spots).

Joycee has already submitted her entry. You can check it here.

Sa mga nasa HR or Recruitment, Talent Shout would be having its 4th run of the Hiring Smart: Behavioral Interviewing Methods on July 4, 2009 at ProAccess. Those who are interested can email trainings@talent-shout.com

Naghahanap nga rin po pala ako ng virtual assistant. Homebased and part-time po ito. If interested kayo, email lang ng voice clip sa talent.shout1@gmail.com.

At number 10 po ako sa Most Influential Emerging Blogs...Iboto nyo ako para makapagpa-berjer ako nyahahahaah!


Digg!
Buy Me A Mocca Frappucino

6 comments:

  1. "# Talaga bang nagdarasal ang praying mantis?"

    natawa ko dito.ahehehe

    ahmmm ate promis wala akong alam jan sa mga tanong mo na yan..

    "Bakit kung kelan nakapag-review ka tsaka sasabihin ng prof na hinde tuloy ang exam? (Ang aking sagot: kasi alam nyang may nag-review. Mahilig ang mga prof sa suplays!)"

    ahaha nagturo ako dati ng social studies.mga one week lang sa 3rd yr hiskul..tas 4th yr hiskul ako nun..at ganyan ang ginagawa ko.pag may nakatunog na magpapaquiz ako di ko na tinutuloy..ahaha

    ReplyDelete
  2. @azul - kalurkey mga tanong no?! wala kasi akong maisip na matinong post e....nyahahahahaha
    .
    .
    .
    .
    .
    ano kaya ang dinarasal ng praying mantis?

    ReplyDelete
  3. akala ko naman detective story ;) nung hayskul ako (di ko na banggitin kung kelan 'yon ha?) madalas yang ang hinihiram ko sa library ang libro ni Agatha Christie, sherlock holmes, hardy boys at ang pinaka paborito ko si Nancy Drew... shhhh.. may utang pa nga ako sa library na libro..hindi ko na kasi naibalik ;) Exciting kasing basahin ang bawat pahina..

    ReplyDelete
  4. @sandi - uy may agatha christie ka pa ba? eram naman

    ReplyDelete
  5. Wahahaha natawa ako sa mga tanong! At talagang nagbackread ako nyahahahah!

    Uy pano ba yang virtual assistant na yan, im interested wahahaha!

    ReplyDelete
  6. @joycee aka little sister- okay lang yan kasi ako naman ay nag-backanswer nyahahahaha (ipapa-copyright ko na yang term na yan)..

    yung sa VA akshuli may pagka-appointment setter sya. May mga tatawagan kang tao tapos ico-convince mo sila to have an appointment with the client

    ReplyDelete