Monday, June 22, 2009

Even The Best Fall Down Sometimes

A month from now, I'd be celebrating my 29th birthday. Konti na lang graduate na ako sa kalendaryo. Lotto naman, yung 6/42. Yehey!

Sure ako na marami na naman magtatanong when I'd be getting married. Sa October 10 po ang kasal, imbayted kayong lahat. Ay saglit, hinde na pala matutuloy yun.

I know I owe this post to many people. Dapat isa 'to sa topic nung EB kaso, dahil dun sa pusang pagala-gala, hinde na namin ito napag-usapan...apart from I rarely talk about this.

Hinde ako uber ganda. Hinde ako head turner. Hinde ako ang tipong pagnanasaan mo pag nakita kasi pinanganak akong payat. Pero maganda akong ngumite at mahilig akong tumawa. Tanggap ko na pang-friend lang ang tingin sa'kin ng halos lahat ng lalake pero masaya naman ako na iyong iilan na nag-try na mahalin ako e hinde nagsisi. Halos lahat sila kaibigan ko pa rin hanggang ngayon (hinde naman sila ganun kadami, mga 4 out of 7 friends ko pa din) at lahat sila sasabihin sa'yo na masarap ako magmahal ehehehe

In all the relationships that I had, the last one was the most painful. Aside from the wedding not pushing through, dun lang ata ako naka-receive nang sobrang masasakit na salita (note to future suitors: because of this, you have to work doubly hard). Dun ko lang naranasan na hinde pagkatiwalaan (kahit wala naman talaa ako ginagawa). Dun ko lang naranasan na super pinagtataguan ako, hinde sumasagot sa text, at back-out ng last minute sa mga lakad. Dun ko naranasan na magpasa-load para lang sagutin ang text ko. Dun ko naranasan na mapahiya kasi palagi nyang sinasabi sa lahat ng makakarinig sa kanya na ako ang nanligaw sa kanya, ako ang patay na patay sa kanya. I've formed some bad habits that I'm still trying to change. Dahil sa relationship na yun, natuto akong matakot at mawalan lalo ng tiwala sa mga lalake.

Friends kami nga halos lahat ng ex ko. Yung isa kong ex na malapit nang maging pari e natatawa at medyo concerned sa'kin. Ang laki daw ng pinagbago ko. Mas malulungkutin na daw ako ngayon. Natatawa sya kasi pag sinasabi nyang, "Titingnan ko," nag-aassume daw ako agad na hinde matutuloy. Natatawa sya kasi 'pag may nagsasabi raw sa'kin na maganda ako or nagiging close sa'kin na lalake, ang una ko daw naiisip e mangungutang, magpapapasa-load o kaya naman magpapahanap ng trabaho. Natatawa sya kasi feeling ko daw lahat kelangang may kapalit.

Ganoon katindi pala ang sakit nang hinde na matutuloy na kasal. Hinde ko actually naisip yung gastos. Dati kasi akong coordinator kaya may mga prenli prens akong coordinator na willing maging supplier ko for free. Yun na daw ang gift nila sa'kin.

Bakit ngayon ko ito isinusulat? Kasi wala akong pinagsabihan ng sakit simula't sapul. Dinaan ko lahat sa patawa at pag-ngiti. Umasa ako na babalik sya kasehodang magmukha akong tanga at sugar mommy.

Kaso...

Nakakapagod din pala minsan ang umasa. Sa mga sandaling ito, hinde na ako umaasa pa na makakahanap ng lalakeng magmamahal sa'kin. Oo, suko na 'ko. Kasi nakakatakot magmahal. Kasi ayaw ko nang masaktan. Meron namang mga taong tumatandang dalaga na masaya e. Mas pipiiliin ko na yun kesa masaktan ako. Bukod sa alam kong may iba na syang mahal, may iba na naman syang pinapaasa.

Kaya ako nagba-blog e. Kaya ako mahilig mag-post nang kung anu-ano. Dito ko kasi nakukuha yung appreciation na hinde ko nakuha sa kanya. Mas gugustuhin ko na'tong ganito kesa saktan ko ang sarili ko. Oo, aminado ako. Minsan ko nang tinry na magpakamatay kaya nga kayang-kaya kon magsulat tungkol sa suicide e. Bakit? Kasi nalaman ko na ako pala ang third party. Ako pala ang kalokohan. Ako pala ang nanggulo.

Hinde ako galit sa pag-ibig. Alam kong makapangyarihan sya. Alam kong nage-exist sya. Siguro hinde lang sya talaga para sa'kin.

Digg!

Buy Me A Mocca Frappucino