Wednesday, June 10, 2009

The Death Of Love

(Uy! 2 posts agad!)

Gusto kong ilabas 'to bago pa man ako tamarin. Alam kong kahapon lang ay nagbabasa ka nung post ko tungkol kay Polaris at Wolverine.

Minsan nakakatawa ang mga taong nagmamahal. Ang tindi ng kapit kahit sa kakarampot na pag-asa. Yung iba tumitingin pa sa signs (Jesus, pag nakapula sya ngayon, ibig sabihin sya na nga ang aking destiny!), yung iba naman, hinde na nga pinapansin ng mahal nila, pinagtatabuyan na nga, ayun, ayaw pa ring tumigil. Harap-harapan na ngang sinabihan na friends lang, umaasa pa rin (malay mo nga naman, mauntog at magbago-isip).

Guilty ako sa ganyan. Sa dinami-dami nang pwede kong magustuhan, yun pang pinaka-hinde pwede ang nagustuhan ko at minahal. Kung tutuusin, compatible daw kami - Virgo sya, Cancer/ Leo ako (cusp sign e), may utak sya, may utak din naman ako. Pati nga mga hilig nya halos hilig ko rin e. Mga ginagawa nya, malamang e gagawin ko din (hinde dahil sa ginagaya ko sya, kundi dahil ganoon din ako). Kung pano sya mag-react, malamang sa hinde e ganoon din ako magre-react. Sa lahat ng angas na pinapakita nya, tanggap ko sya. LAHAT.

Pero hinde pala sapat yun. Hinde pwedeng basta compatible kayo. Hinde pwedeng basta tanggap mo sya. Yan ang complexities ng pag-ibig. Hinde dahil magkahawig kayo or compatible kayo ng zodiac sign e pwede nang maging kayo. Hinde rin dahil sa dinaanan na nya ang pinagdaraanan mo ngayong sakit e matututunan ka na nyang mahalin.

Hinde.

Sa dulo, wala ka ring magagawa. Babae ka. Sa society na may double standard, hinde ka pwedeng manligaw, hinde ka pwedeng magpakita ng motibo, at agresibo ka pag sinabi mo ang nararamdaman mo. Matatakot sa'yo ang mga lalake pag ganoon ka kasi, madalas sa hinde, mas gusto nila ang babaeng mahinhin at pwede nilang pasunuri sa kanila. Hinde ako ganun. Hinde ako pwedeng pasunurin sa ayaw kong gawin. Hinde ako pwedeng magmahinhin dahil pinalaki akong palaban.

Oo, nasasaktan ako ngayon. Paano mo ba patutunayan sa isang tao na mahal mo sya kung ayaw ka nyang bigyan ng pagkakataon? Paano mo papatunayan ang sarili mo kung wala syang pakialam sa'yo?

Madaling sabihin na kalimutan mo na sya. Pero sa totoo lang, sino nga ba talaga ang marunong lumimot? Hinde ba't ang ala-ala ay isa sa mga bagay na ibinigay sa'tin ng Diyos para matuto tayo? Paglimot nga ba talaga ang kasagutan o pagtanggap? Pagtanggap na kahit kailan hinde pwedeng maging kayo?

Pero pa'no mo tatanggapin ang isang bagay kung hanggang ngayon umaasa ka? Kung hanggang nayon mahal mo sya kahit ilang beses ka na nyang tinawag na "kaibigan" at "bossing"?

Kahit ilang beses akong umiyak ng dahil sa kanya, wala yung epekto sa kanya. Hinde naman nya nakikita e. Hinde naman nya nararamdaman yung sakit na nararamdaman ko. Hinde nya nakikita kung ano ang kinakaya ko pansinin nya lang ako. Hinde nya nakikita yung selos, sakit at tuwa. Para sa kanya, lahat ng ito ay bunga lamang ng infatuation.

Infatuation...I beg to disagree.

Infatuation is based on physical attributes. It is usually sexually charged and lacks devotion and commitment. Kung minahal kita dahil sa kabuuan mo, sa kung ano ka at kung anong pwedeng maging ikaw, infatuation mo bang matatawag yun?

Kahit kelan hinde ko nilagay ang kasiyahan ko sa kamay ng ibang tao. Masaya ako dahil gusto kong maging masaya. Pero minsan, hinde maiiwasang maging malungkot ka dahil yung isang bagay na lalog nagpapasaya sa'yo ay sya ring bagay na nagpapaiyak sa'yo.

Hinde ko kailangang sabihin mo sa'kin na mag-move on. Wala ka sa aking sapatos. Gusto ko lang talaga ilabas 'to dahil ito na ang huling araw na isisipin ko sya. Hinde na ako magiging bahagi ng buhay mo kahit kailan at sa kahit na anong paraan.

Digg!

Buy Me A Mocca Frappucino