The other day, I was reading the comments posted at Joycee's entry to my contest. Natawa naman ako sa mga comment nila Sandi and Ax. (Bonggang segue - for those who are interested in joining the contest, please click here. Visit also the blogs/ websites of Joyce, Nika and Vhincent. They are my contest prize sponsors. Contest is open to anyone who has a blog).
Anyways, ayun nga, natawa ako. Sa sobrang ganda ng mga sinabi ni Joycee about me (Joycee, thank you very much!), nagmukha tuloy akong dyosa (bawal kumontra, blog ko 'to! Oo, martial law dito). Napaisip tuloy ako, is there a dark side to rhona/ kikayness?
Yes, there is.
And, in keeping with my love for lists, I'm writing here my top 8 "quirks":
- Mukha akong suplada sa personal. Hinde kasi ako palangiti sa totoong buhay. Bakit? Malabo kasi mata ko. Malay ko ba kung baliw na ang tingin mo sa'kin.
- Kulang ako sa break fluid. Minsan, may mga hirit ako na semplang. (por eksampol: Employee: Ma'am sa inyo po ba maga-out? Rhona: Mukha ba akong bundy clock? Sa maniwala kayo't sa hinde, hinde ako galit nung sabihin ko yan)
- I am a firm believer in commitment and promises. If you say 5:00 pm, make sure you deliver by 5:00 pm. If you can't, inform me beforehand. Ayoko ng last minute change of plans lalo na pag dating sa work. Naha-high blood ako sa ganyan.
- Workaholic ako at demanding. Mataas ang standards ko at mataas rin ang expectations ko. Force of habit. Apat na tao kaming na-train na ganyan mag-isip (dagdag mo pa yung 6 na taon sa college at masteral).
- Hinde ako marunong mag-express ng galit. Plamis! Malalaman mo lang galit na ako 'pag binasa mo blog ko, 'pag pinakinggan mo kung ano yung paulit-ulit kong pinapakinggan sa iPod (Eminem=galit, Linkin Park = nag-uumapaw sa galit, ma kantang pang-headbang na hinde mo na maintindihan ang lyrics dahil panay sigaw lang = World War III). On the other hand, pag nahimasmasan na ako at nailabas ko na galit ko, kakausapin kita at sasabihin ko sa'yo kung bakit ako nagagalit sa'yo (exception to the rule: pag trust issues, may 60% chance hinde na kita kausapin).
- Emo ako. Back-read kayo para makita ang ebidensya.
- I see dead people...literally. Although it's pretty underdeveloped, nakakatakot pa rin. Yung mga nagsasabing hinde totoo ang multo, well, basta ako nakakita na ako.
- At higit sa lahat, morbid ako. There, I've said it. Naka-bookmark sa IE ko ang http://www.findadeath.com/ at ang http://www.crimelibrary.com/. Mahilig akong mag-
search ng pictures ng patay (either natural or violent death). Bago kayo magtakbuhan palayo at umatras sa napipintong EB sa June 12, makinig muna kayo. Eto po ay bunga ng CSI at kakapanood ng horror/ gory movies (horror, hinde suspense-thriller) at mga pelikula tungkol sa giyera. Bunga rin ito ng curiosity about what could have been going on in their minds as they take their last breath. Mapapansin nyo na may isa pa akong blog, The Sementeryo Files. Mahilig kasi akong magpunta sa mga sementeryo at usisain kung sino-sino ang nakahimlay doon. Baka bandang July ko pa sya ma-update dahil ulan ng ulan. Mahilig akong magbasa ng books about murder and murderers, about death and about freaks.
Yan ang aking dark side. Ikaw, ano ang dark side mo?