Dalawa na po ang entries natin for my betdei kontes - Ax's and Joycee's. Bigyan sila ng kalaban! Sumali ka na! Nahihiya ka? O sige, bumoto ka na lang.
At sa mga interested na um-attend ng Hiring Smart: Behavioral Interviewing Methods Workshop at How To Be A Freelance Writer Workshop, email nyo lang ako.
Pasalamatan natin ang mga sponsors sa aking kontes:
- Joyce of http://joyceish.com/
- Vhincent of http://www.chizmosalounge.com/
- Nika Catbagan of http://www.bloggingpinay.com/
- Jerick Mack of http://www.rickspot.com/
AT kelangan ko ng part-time writers. Kung interesado, i-email lang ako
ISA PA:
Sa mga sa sasali sa kontes, paki-post na po ang link kasi may botohan session pa sa senado so baka mahirapan kayo kumuha ng maraming votes kung last minute nyo sya ipo-post.
SPOILER ALERT AT PG-13
Kung hinde mo pa napapanood ang Transformers 2 e wag ka nang masyadong mag-abalanag mag-basa nito. May mga ilang eksena kasing mababanggit.
Maganda sya (yung pelikula). Na-appreciate ko kahit hinde ko napanood yung 1st na Transformers (dahilan kung bakit nagda-dalawang isip akong sumama)...at maganda talaga si Megan Fox. Grabe, nakakatibo sya sa kagandahan. Ang maganda sa Transformers e ma-aksyon sya at the same time nakakatawa. Tamang hirit ba. Hinde rin masyadong required na panoorin mo ang first part para maintindihan ang part 2. Bukod sa walang mga naglalabasang pustiso at langaw! (Oo, masama pa ang loob ko sa Drag Me To Hell) Marami akong natutunan sa panonood ng Transformers tulad ng:
- Kung manonood nang sobrang aga, dapat matulog ka the night before nang sobrang aga din para hinde nasasayang ang buong sabado mo kasi antok na antok ka na. (Nyemas! Hinde ako nakapagtrabaho. Walang saysay ang sabado ko dahil pag dating ko ng bahay plakda ako. Nagising ako ng 7:00 pm, nag-comment at natulog ulit. 5:00 am na ako nagising)
- Kung manonood ng Transformers, magsama nang kaibigang babae dahil mao-OP ka pag labas ni Megan Fox. Maririnig mo kasi lahat ng kalalakihang sabay-sabay umuusal ng "Oh shit!" na para bang gusto nilang rape-in yung screen. Dama kong kalahati sa mga lalake na nanood ay lumabas nang sinehan na masakit ang puson. Siguro kung sa normal na screening ako na nood, baka may kung ano nang kababalaghan na ginawa ang iba sa kanila. At least kung may kasama kang babae, pwede kayong humirit nang, "Ay shit! Parang ako lang a!" nyahahaha
- Cute tingnan ang dalawang asong nag-aanuhan pero mas cute pa ring makakita nang maliit na robot na nire-rape ang binti ni Megan Fox.
- Kung mahiluhin at walang kaalam-alam ni katiting tungkol sa Auto-bots at Decepticons, wag nang manood. Maloloka ka lang dahil magakamukha sila (although mas matino palagi mag-transform ang mga auto-bots kesa Decepticon)
- Sa panonood ng Transformers, magdala nang jacket lalo na kung ang katabi mo sa kaliwa ay magka-akap. Kakainggit. Dapat naki-akap ako.
- Pwede palang maging cheesy ang linyang, "Take my parts" at kaya palang mag-induce nang emosyon ang isang robot. Nyemas, muntik na akong maiyak nung mamatay si Optimus Prime. Buti na lang na-realize ko na kalagitnaan pa lang ng pelikula so malamang mabubuhay sya uli. Haller! Si Optimus Prime yun. Halos sa kanya nabubuhay ang story ng Transformers. Bukod sa, madalas akong manood ng cartoon version ng Transformers sa Cartoon Network.
- Ihanda ang sarili sa umaatikabong romantic moments sa pagitan ni Megan Fox at ni Shia LaBeouf pati na rin si Shia at nang isang decepticon (segue: pwede palang mapagkamalang decepticon si Polaris). Lakasan ang loob dahil malamang maiinggit ka na naman. Sa mga ganitong pagkakataon, magandang magdala nang malaking bag para pwede mong akapin
- Kung masyado kang intelektwal, wag panoorin ang Transformers. Haller! Meron ka na bang nakitang gumawa nang film review ng Tom and Jerry? Wala di ba? Enjoyin na lamang ang pelikula (although hinde ko rin maintindihan bakit nila sinasabing isa lamang ang piece na natira kay All Spark. Di ba dalawa? )
Okay, matutulog na ulit ako.
PS:
Madami rin palang nakahalata na hinde nadumihan yung pants ni Megan Fox kahit na nasa kalagitnaan sila ng disyerto.