Monday, June 1, 2009

Kung Ikaw Ay Masaya Pumalakpak Ka

Umuulan na naman. Malamang sa hinde e emo mode na naman ako. Ay wait....hinde pala ako pwede masyadong mag-emo dahil madami pa akong articles na iche-check...hmmm....what to do...what to do...dooobidooobidooo

Maraming tao ang nagtataka bakit madali akong mag-emo. Maraming dahilan akshuli:
  1. May cancer ako este cancerian ako (sa totoo lang, nalulungkot ako pag nababanggit ang salitang cancer)
  2. Mga recent na nangyari sa buhay ko na hanggang ngayon e hinde ko pa nakakalimutan.

(dami 'no? More than 1 e)

Yung dulo ang pinakamalungkot. Siguro yun din ang dahilan kung bakit ang mga simpleng pasaring minsan e nagpapalungkot sa'kin (oo na Lio, sorry na, nakalimutan kong balahura ka lang talaga at hinde dapat sineseryoso maxado. Bati na tau pren). Ikaw ba naman ang magtiis ng 2 taon na pinaparinggan ng mga tao, pag hinde ka naturete, ewan ko na lang. Nung time na yun ay hinde ako pwede basta basta lumaban. Kelangan kong alagaan ang position ko (eto minsan ang hirap pag nasa HR ka. Hinde ka pwedeng basta basta maglabas ng sama ng loob). Ang mahirap lang, si bespren at si then-boypren, e walang suporta. Tinalikuran ako at naniwala sa mga sabi-sabi. Masakit para sa'kin yun, yung wala kang suporta mula dun sa mga taong sobrang mahal mo. Oo matapang ako pero syempre, iba pa rin pag alam mong may kakampi ka. Buti na lang hinde ako pinabayaan ng family ko, ng mga boss ko at ng hinde sinasadyang bagong bespren ko - Dr. Philip Budiongan (uy, may suplays ako sau sa betdei mo). Sobrang traumatic yung eksenang yun ng aking buhay (gano ka-traumatic? Iniiyakan ko ang CSI at Totally Spies...ganun ka-traumatic).

Yan ang dahilan kung bakit sensitib ako...Tina-try kong controlin pero syempre minsan mahirap. Minsan nakakalimutan ko na may mga taong ma-jowk lang talaga at balahura gaya ni Lio (sige na, bati na tau!). Yan din ang dahilan kung bakit pag sinabi kong thankful ako, naguumapaw na thankful ang ginagawa ko.

Sabi nila,pag malungkot ka daw, count your blessings, so I'm counting them today:

  1. Kay friendship Lio (hoy, ang tindi na nang hits na nakukuha mo sa post na'to kaya please, bati na tayo) kasi hinde nya maxadong pinapatulan ang emo moments ko
  2. Kay friendship Winkie, Joycee at Lovely dahil kahit hinde ko sila nakikita pa ng personal, bonggang bongga ang support nila sa mga kagagahan ko
  3. Kay friendship Doc Mike, Deejay at Maldito kasi, kahit gano ako ka-emo, nawawala pag binabasa ko na ang post nila (oo, kayo ang aking clowns nyahahahaha although minsan mas matindi pang mag-emo sa'kin si Maldito na sa tinagal-tagal ng panahon ay hinde ko alam ang tunay na pangalan)
  4. Kay friendship Mon na unang nagpa-blush sa'kin dahil sya ang unang nagnominate sa'kin sa Top 10 Influential chever. Sasalubungin talaga kita sa airport ng bonggang bongga
  5. Sa mga mabubuting kalooban na nag-nominate sa'kin sa Top 10 Influential Blogs na naging sanhi nang pagkalagay ko sa Top 7!!!!!!! (halatang excited e no?) Imaginine mo, kahilera ko ang mga magagaling na bloggers na sina Ax, Sandi at Flamindevil! (Sa mga hinde pa bumoboto, BOTO 'NYO AKO!! nyahahahaha)
  6. May pumatol na sa kontes ko! Visit Joycee's blog to vote for her entry. Sa mga gustong sumali, open pa po ang kontes ko. You can visit the guidelines here. May pa-kontes din si Joycee, so daan kayo dito if interested kayo. To Joycee, thank you so much sa write-up. Na-touched ako, sobra.
  7. For the first time after 9 years, ngaun ko lang ulit narinig Papa ko magsabing "Love you, anak". Hinde kasi showy ang parents ko. Allergic din sila sa showy. Minsa sinabihan ko mama ko ng I love you, ayun, nasampal ako. Nagulat daw kasi siya. Nyahahha...adeeeek!
  8. Si friendship Doc Philip na kahit kailan ay hinde ako pinabayaan. Kung meron mang isang tao na kayang i-predict ang gagawin ko or sasabihin ko or mararamdaman ko, sya yun. Feeling ko nga magkakambal talaga kami e.
  9. Talent Shout. Kahit gano ako kapagod, pag nakikita ko yung growth ng Talent Shout, nawawala lahat yun. Workaholic na kung workaholic pero pag sarili mo na kasing business ang usapan, lahat ibibigay mo e (parang lablayp lang)
  10. Matitinong staff. Hinde ko madalas nasasabi 'to sa kanila pero sana nararamdaman nila. Sobrang thankful ako kina John Villanueva, Myla Bantog at Jenny Aguilar. Sila ang core writers ko na sobra naman talagang maaasahan. Kundi dahil sa kanila, baka patay na ako sa tambak ng articles. Lalong lalo na kay John na talagang hinde nahihiyang i-share ang kanyang experiences sa pagsusulat. Nagpapasalamat din ako kay Joel Baluyot na bonggang bongga ang pag-ganap bilang Sales and Marketing Manager ko. Mabuhay kayo!
  11. Mga friendships ko sa Teleperformance at TREC Global na hanggang ngayon e friendships ko pa rin. Miss ko na kayo. Mga friendships ko sa Hyundai, miss ko na rin kayo. Kelan tayo gagala ulit?
Malamang sa hinde ay may nakalimutan ako. Pasenxa, may alzheimer's. Pero deep in my heart, thankful akong nag-krus ang landas natin.

Digg!
Buy Me A Mocca Frappucino

16 comments:

  1. Hi.. wala akong masabi sa sobrang saya mo ngayon ms. kikay..
    isang karangalan na makasama kayo sa Top 10 M.I.B, nahawa lang ako sa inyong galing magsulat..sa totoo lang :)

    Kongratssss!

    p.s.
    wala bang libreng Berger?

    ReplyDelete
  2. huwaaaa may comment na ko eh nawala pa hehe di kasi ko naka log in hehe..:)
    anyway my pleasure ate..
    at saka hindi ko lang kayo kaibigan nila ate winkie,ate joycee kayo pa ang mga ate ko hehe..:)
    bat kahapon lang..ok di nako hihingi ng paliwanag naintindihan ko naman po heheh..
    see u on june 12..
    hugs...

    ReplyDelete
  3. (commercial muna - 'pag itong blogger e hinde nagtino, magaalsa balutan na talaga ako patungong wordpress)

    @sandi - sureness! pero yung Php20.00 lang ha? jowk...pag nanalo ako, lahat ng opisyal tambay dito ay ililibre ko talagang berger

    @ lovely - alin ang kahapon lang (sorry lost)? excitement na rin ako sa June 12...magtu-two piece ako (t-shirt at shorts hehehehe)

    ReplyDelete
  4. buy one take one na berger okey na yun :)

    ReplyDelete
  5. kamusta naman yun, second ako sa billing... at next to LIO!!! may gaz!!! hehehe! i feel so flattered at kasama ko sa "count your blessings" drama mo. tenchu tenchu friendship, ikaw rin kasama ng mga ibang bloggers eh kasama sa blessings ko.

    i will pray na manalo ka sa 10 MIB. oist, pa-berjer ka ah! di ako katulad ni sandi... ayoko ng buy 1 take 1, whehehe!

    woi, ano yang 2pc sa june 12? tuloy na ba ang EB sa chateau??? sama kong lima jan ha! 2pc din ako... dalawang hikaw lang! hahahaha!

    ReplyDelete
  6. Awww, I'm happy for you, Ate! Kita mo, andame-dame mong blessing, God is really good.

    Thank you thank you dahil na-appreciate mo ang presensya ko wehehehe.

    June 12, it is! Di ako magtwo-two piece, omaygawd laki na tyan ko noh!

    PS
    Sana nektaym kasama na ko jan sa staff na papasalamatan mo wehehehe. :)

    ReplyDelete
  7. ang ganda ng title nitong post na 'to.. :)

    @winkie- may masarap naman na berger na buy 1 take 1.. sulit pa yung 20 pesos mo, dalwang berger eh..

    ReplyDelete
  8. nakow, oo nga umuulan na naman! nung isang araw pa yata to! tsk. basa na naman ang lupa. parang ayoko ng pumasok! hehe. daming pangalan ni joycee dyan ah! dalawa! hehe.

    nakow ulit, wala lang yung influential bloggers na yan. di ko nga alam bakit ako napasama dyan! hekhek!

    ReplyDelete
  9. @ sandi - cge sandi, sa Scott's burger sa may UN avenue tayo magde-date (buhay pa ba yun?)

    @winkie - 2 hikaw lang ang isusuot mo?!? hinde naman kaya dumugin tayo ng mga boyz nyan (yep, EB sa chateau un)

    @joycee - 2 pc ka na rin tulad nung sakin: t-shirt at shorts nyahahahaha

    @Ax - naku Ax, sa totoo lang, isang karangalan para sa'kin ang malinya sa isang katulad mo :)

    ReplyDelete
  10. tama yan count your blessings and never mind the misfortunes hehe...

    ey Rhona, maraming salamat sa billing! hehe
    inggit ako kay Lio ah, 3x na-mention. LOL..
    joke ang! i know naman, kumbaga ibang level na talaga yang labteam nyo. waheheh

    ReplyDelete
  11. nyahahahahaha....lab team talaga e noh! naku, baka habulin ako nung may mga krasness sa kanya...

    cge sa susunod ikaw naman babanggitin ko ng 3 times

    ReplyDelete
  12. at tlagang magkapangaln na tyo eh mgka zodiac sign pa tyo...ang saya saya!

    ReplyDelete
  13. @ikay - talaga?! uy..dis must be lab este uyyy...hinde kaya kambal sa uma taung dalawa?

    ReplyDelete
  14. uyy bka nga kambal sa uma tau...hehehe!

    ReplyDelete
  15. @ikay - yipeee! i found my long lost twin sister! at dahil jan, blogroll link na kita

    ReplyDelete
  16. ngayon lang ako napadaan ito.

    magbabasa-basa muna.

    btw, salamat sa pag mention ha. :p

    ReplyDelete