Bago ang lahat isa munang commercial:
Updated na po ang list ng mga prizes sa aking mini contest. Maraming salamt kay Nika!
(Note: Dapat kanina pa 'to naka-post kaso lang ang hirap mag-isip ng taytol. Sa mga manunulat, ang taytol ay kasing halaga ng laman ng isusulat nyo. Pag pangit ang taytol, kokonti lang ang magaabalang basahin ang laman ng iyong obra. Isipin mo na lang, babasahin mo pa ang isang pocketbook o kaya's obra na ang title ay, "Paano Gumawa Ng Bata" unless naghahanap ka ng ways kung pa'no magkaron ng baby? Hinde ba't mas maganda ang "Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?" Oha! Back to regular programming)
Para sa maraming tao ang mga letrang HR ay kahindik-hindik. Nakakatakot ba (saglit, bakit ba ang lalim ng Pilipino ko?). Para sa karamihan kasi, ang HR ay synonymous sa memo, disciplinary action, kulang na sweldo, maling computation ng sweldo, pagpapahirap sa mga empleyado, striktong policies and procedures. Sa totoo lang, marunong din naman kaming tumawa. At sa totoo lang, magkahalong mahirap at masayang maging isang HR. Por eksampol (at totoo itong nangyari):
(Ang mga susunod na eksena ay tunay na makabagbag damdamin kaya't magdala ng maraming tisyu dahil sure akong maiiyak ka sa kakatawa. Uyyy....napangiti na sya! Pansinin, pag sinabihan mo ang kausap mo ng, "may ikukwento ako sayong sobrang funny," ngingiti na sya kahit di ka pa nagsisimula)
Si HR pinatawag si Agent A, B and C para sa random drug test. Dahil random sya at hinde dapat malaman agad na sasailalim sila ng drug test (baka kasi makapag-prepare sila at uminom ng balde-baldeng buko juice o kaya ay Nido), walang kaalam-alam sina agents kung bakit sila pinatawag. Isa-isa silang pinapasok sa silid at:
HR: As you know, we are currently enforcing a Drug-Free Program. Part of that program is the random drug testing. You were randomly chosen to be part of this testing. I would need you to fill out this form and then fill this cup with your urine. Nurse Blah-Blah will assist you in collecting your urine.
Agent A: hinimatay sa takot
Agent B: (habang umiiyak) wala po akong alam dyan. Hinde ko naman po alam na nagda-drugs si (name ng kasama sa team) (ayun, huli!)
Agent C: Takot po ako sa karayom (kahit ako matatakot ako kung karayom ang gagamitin sa pagkuha ng urine sample)
Eksena 2:
Recruitment Officer: So how did you find out about (name ng Company)?
Applicant: Oh, I took the bus going to Edsa from Baclaran and then I got off at Shangri-La
(nag-tumbling si Recruitment Officer)
Eksena 3:
Recruitment Officer: What do you know about Dell?
Applicant: It's a fabric softener. It's a direct competitor of Downy.
(di lang tumbling ang ginawa ni Recruitment Officer. Naghara-kiri na rin)
Eksena 4:
Training Offier: (habang nagmi-mystery caller, kunwari irate caller) I need to talk to your supervisor. Where is she?!
Customer Service Staff: I'm sorry Sir but she's on top.
Eksena 5:
Training Officer: (irate na mystery caller ulit) Give me the name of your immediate superior!
Customer Service Staff: Wala po kasi dito si Ms. (name of supervisor). Naaksidente po kasi sya nung October 10, bandang 8 am habang papasok po sya ng office. Nakasakay po kasi sya sa motorsiklo kaso biglang pumeron yung jeep sa harap nila kaya sumalpok sila. Nabali po yung buto nya sa kanang paa kaya ngayon, nasa Chinese General sya. Since wala po sya, ang temporary boss po namin is si Mr. (name ng department manager) kaso naka-break po sya ngayon. Kakaalis lang nya mga 10 minutes ago. Mga 1:30 pa po sya makakabalik. So, ngayon, ang pwede nyo pong kausapin is yung senior staff po namin dito.
(binaba na lang ni Training Officer yung telepono)
Eksena 6:
Phone Interviewer na kano: Spell out your name for me please
Applicant: It's A as in Alpha, N as in November, T as in....as in...Tatay...you know, Father...
(nag-nosebleed si interviewer)
Eksena 7:
Employee: Yeah, where can I get the form for BIR loan?
Eksena 8:
Agent: It's like, you know, I'm kinda like looking for, you know, this thing about SSS. I need like, some, you know, information about, you know, SSS. I was hoping you can like, you know, look for that information in, you know, like the Philhealth and stuff, you know. Like where I can get my BIR, you know.
HR Specialist: Manong, tagalugin mo na kasi sumasakit na ulo ko
Agent: Pa'no po ba kumuha ng SSS number?
Eksena 9:
Recruitment Officer: So, if you were to choose, which schedule do you prefer? We have mid-shift, day shift and graveyard shift
Applicant: Oh, I like to work in the graveyard
(dinial agan ni Recruitment Officer ang number ng La Loma Cemetery)
Eksena 10:
Training Officer during orientation: Okay, if you are need to go on leave, you just need to fill out the leave application form. You can get copies of this from your team leader. Remember though that you would need to provide a good alibi for it to be approved.
(hala! HR na din si Ping?)
Disclaimer: Wala akong galit sa mga call center agents. Mataas ang tingin ko sa karamihan sa kanila dahil mahirap mamura sa mga bagay-bagay na hinde mo naman kasalanan.
Ang sayang maging HR! Tanungin nyo pa si Joycee hehehehe. May pa-kontes nga pala sya. Sa mga interested, dayo na sa kanyang blog. Sumali din sya sa aking maliit na kowntes. Para mabasa nyo ang entry nya, click here.
Ciao!
Buy Me A Mocca Frappucino
ayun oh tawa ako ng tawa dun sa drug test eh hehe,,hang kulet eh pwede ring uminom ng suka para di mag positive sa drug haha ..
ReplyDeleteako kaya pwede maging HR hehe parang enjoy eh hehehe
hay naku! enjoy maging HR...kaya lang dapat handi kang mag-sacrifice ng maraming bagay
ReplyDeletenapadaan mula sa ebahay ni ka-joycee...
ReplyDeletedi ko mapigilan ang sarili ko na matawa dun sa 1st scenerio..lalo na dun sa takot sa karayom..naisip ko tuloi panu nga kaya kung karayom ang gamit sa urine test.ahahay
Hi Bloociadow!
ReplyDeletepamatay talaga yan....at ayoko na rin imaginin kung saan ituturok yung injection...waaaaaa
Balik ka :)
at katangahan ko....ikaw pala c azul...hi azul!
ReplyDeletehehe.. napa tambling ako sa post na 'to ah!
ReplyDeleteay katambling-tambling talaga yan sandi hehehehe
ReplyDeletewhahaha! kaya naman kelangan talaga psychology grads ang nasa HR eh! ang kulit nung BIR loan! whehehe!
ReplyDeleteparang nakarelate ako sa number 6... ako ung tanga-tanga sa phonetics. when asked for the spelling of my name, eto ang sinabi ko: F as in Flower, R as in Robe, A as in Accessory, N as in Nails... blah blah blah! Francia kasi real name ko, hehehe!
nyahahaha...natawa naman ako dun...boplaks din ako sa ganyan e kaya pag pina-spell, iniispell ko na lang as is, wala nang phonetics phonetics kyemedu
ReplyDeleteholy shit this is funny! lol.
ReplyDeletepanalo yung naghahanap ng form para sa BIR Loan. Wahahahahah
ay oo naman..kahit ako hinde ko malaman pano ko sya sasagutin e
ReplyDeletenakita ko na ang nameblog mo as one of the ten influential blog 2009....pero ngayon lang kita nabisita....galing ako kay joyce.....
ReplyDeletewow at daming info about u!....naks ha...kakatuwa ng post mo ngayon..
di kasi ako familiar sa call center world....
hmmmm...kaya parang intro ito in a hilarious way....hahahahahahaha....salamat!
uy blurosebluguy...hmmmm...haba...blu na lang....
ReplyDeleteuy blu (ayan!) salamat sa pagdaan...salamat sa pagtawa....at salamat sa pageport sa comment portion...sali ka rin sa kowntes
Waahhahahha sorry nemen ngayon ko lang to nabasa, medeme akong mga ganyang moments pero di ako makapagisip ngayon, tutulog muna!! Hihi..
ReplyDeleteNaloka ako sa Dell sows!
Masaya talaga maging HR weee!
ayun azul nga po..hehe
ReplyDeleteambilis bumalik ako agad kahit wala pang bagong entry..ahehe
ahmmmm add ko po yung links mo sa akin huh...mamats.dami dami apaw apaw! :wink:
surelili...update ko rin maya-mya yung blogroll ko...chalamat
ReplyDelete@joycee - tara, compile na'tin tapos gawin nating book tapos pagkakitaan natin nyehehehehe
ReplyDeleteLOL! ngayon lang ako nakadalaw ulit kasi madaming pasyente sa clinic ko!
ReplyDeletenapatawa ako dun sa pag-spell out ng name kasi minsan pinaspell out sa akin name ko habang nagbobook ng ticket. sabi ko:
M - milo
I - innocent
K - kite
E - egg
:D
@ Doc Mike - pansin ko nga hehehehe...wag kang mag-alala, hinde ka nag-iisa...pang-asar talaga yang military phonetics achuchu na yan
ReplyDeletehahaha. this is sooo funny. i have experiences like these din lalo na when i was practicing HR (general) pa. madami din ako funny stories lalo na sa training, mejo mainitin kase ulo ko kapag shungaks ang kausap ko. hehee.
ReplyDeletekaya eto, i let go of my HR career. right now im into Recruitment na lang, specifically Technical Recruitment. ayun, ganun pa din.. madami pa din funny na pangyayari. hindi naman sa minamaliit ko ang mga teknikal na tao, pero karamihan sa kanila di masyado magaling magsalita kase sobrang galing nila sa hands on at mga makina at computer na lagi ang kausap nila. so ayun.. minsan nasa valenzuela iniisip ko, yung intindi nya pala eh alabang. hehee. parang ganun. :) pero madami din naman magaling magsalita. ayun ang jackpot! hehehehe! :)
@ AC - naku kakaaliw talaga pag sa HR ka...lalo na sa Recruitment. Sa recruitment kasi pabibo mga tao e...minsan hinde ko mapigilang hinde rin matawa pag nag-iinterview
ReplyDelete