Sunday, June 21, 2009

HFD At Pahabol na HMD

Sa totoo lang, kaya kong mag-blog tungkol sa aking lablayp, tungkol sa aking galit at tungkol sa mga wa-wents na bagay. Nguni't subali't datapwa, minsan minsan ko lang mabanggit ang Mama ko much more ang Papa ko.

Kaso na-intriga ako sa post ni Lovely at ni Winkie.

Hinde ko alam kung pano ko ide-describe ang mga magulang ko. Don't get me wrong, mahal na mahal ko sila at ilalaban ko sila ng patayan kahit anong oras. Kaya lang, masyado silang isfeysyal na hinde ko alam kung pano ko sila idedescribe.

Baliw ang mga magulang ko. Kung mami-meet mo sila, aakalain mo e nasa mental ka (obyus naman di ba? Baliw ang anak, san pa magmamana?). Pero pareho sila ng problema - kelan daw ako mag-aasawa.




Si Papa, marami na syang pinagdaanan pag dating sa'ming magkakapatid. Nandyang maglinis ng taxi kasi isa sa'min ay nagkalat doon, nandyang bumili ng napkin, kasi isa sa'min e nagkaron, andyang hiritan ang mga jowaers namin kasi nakita nya kaming umiyak. Matapang si Papa (at baliw, halata naman sa pic hinde ba?). Wala syang pakialam kung Pinoy o Arabo o Indian o British ang kausap nya. Pag binastos ang pamilya nya (at pag panget ang customer service), aabot kayo hanggang sa presinto. Si Papa ang nagturo sa'kin bumasa ng relo (pero madalas late pa rin ako nyahahaha). Si Papa ang nagturo sa'kin na kung may gusto ko, work for it. Si Papa ang nagturo sa'kin kung pa'no mag-Igorot dance (hinde po sya Igorot pero sa tigas ng katawan nya,para syang nagi-Igorot dance pag sinasayaw ng Ice Ice Baby. May lahing kapampangan, intsik at kakawate si Papa nyahahaha) at kumain ng nakakamay (yum!) nyahahaha. Si Papa ang dahilan kung bakit ako palaban, kung bakit hinde ako basta-basta natatakot. Siya ang dahilan kung bakit medyo nabawasan ang pagiging mahiyan ko (kaso nadagdagan ang taray factor ko). Hinihikayat nya kaming magkakapatid na sundin kung anuman ang pangarap namin (except paggi-GRO, ayaw nya, hinde ko alam bakit. Yun pa man din ang panagarap ko. Jowkness!). Nung maisipan kong mag-business, todo suporta sya. Nung maisipan kong mag-MA, todo suporta sya (kamtutinkopit, sya nga pala ang nangungulit na mag-MA ako). Nung maisipan ko ulit mag-business, sinuportahan ulit nya ako. Nung mag-resign ako sa last na trabaho ko dahil sa sama ng loob, sinuportahan din nya ako. Pinalakas din nya ang loob ko para di ako ma-depress. Kulang na nga lang e puntahan nya mga opis meyts ko at isa-isang awayin e. Sa lahat sinuportahan nya ako...except sa biik <---kung anuman ang ibig sabihin nito e, think lablayp! Si Papa ang dahilan kung bakit memorized ko halos lahat ng lyrics sa kanta ni Cliff Richard (na malamang ay hinde nyo kilala), Jose Mari Chan at Air Supply.

Hinde kumpleto ang tag team kung hinde ko babanggitin si Mama. Si Mama ang dahilan kung bakit mahilig ako magbasa (okay, partly si Papa din kasi mahilig sya sa hirit na, "Go ask Mr. Webster").Nung time na coloring books ang kinahihiligan ng mga bata, dictionary ang pinapabasa sa'kin ni Mama. Nung time na ABAKADA na booklet ang binabasa sa school, Physics book ang pinapabasa sa'kin ni Mama. Nung Grade 6 ako, sangkaktutak ang aming encyclopedia sa bahay at medical books. Gusto nya kasi ako maging doktor kaso na-realize nya na ang tagal pala bago maging doktor. Laging advance ang mga pinapabasa nya sa'min. Binilan din nya ako ng The Life of Mary (para 'ata maging banal ako) na hangang ngayon e nasa akin pa. Hinde ko ikinahihiya na hinde nakatapos si Mama ng college kasi ang lama ng utak nya e higit pa sa nakatapos ng college. San ka nama nakakita ng hinde Accountancy grad pero alam nya kung pano ko iha-handle ang libro ng Talent Shout?! Si Mama ang nagtyagang magturo sa'min nung elementary kami. High school hinde na masyado kasi kelangan na daw namin matutong mag-aral mag-isa (bukod sa nosebleed naman kasi ang mga subjects namin noon). Si Mama ang taga-gawa namin ng project, taga-takbo sa Bureau of Plants. Hinde naka-graduate si Mama pero kilala nya si Allium Cepa, Cucurbita Maxima at si Hibisuc Rosa Sinensis. Yan ay dahil sa'kin hehehehe. Si Mama rin ang dahilan kung bakit alam ko ang lyrics ng Il Mondo (na malamang ay hinde mo na naman alam).

Silang dalawa ang dahilan kung bakit kami ganito. Walang tulak-kabigin. Tinuruan nila kami kung pano abutin ang aming mga pangarap nang hinde nakakalimutan kung san kami nanggaling. Oo, dumating din kami sa point na walang wala (hinde totoo na pag nasa ibang bansa ang peyrents mo e nakahiga ka sa pera). Naranasan namin ang mag-recycle ng notebook at magtinda ng choco-choco at pompoms (yung chichirya) sa klase. Naranasan naming kumain ng bagoong lang na isinawasa sa kare-kare (adik!). Naranasan namin ang hinde sumama sa gala ng mga kaklase kasi kapos kami sa pera. Lumaki kaming hinde maluho (ngayon na lang kami nagluluho) at kuntento sa mga simpleng bagay. Hanggang ngayon, masaya kami pag kumakain ng sardinas, isang malaking bagay sa'min ang pagkain sa McDo at naghahanap pa rin kami ng magandang t-shirt na 3 Php 100.00. Mahilig pa rin kami sa second hand na libro, sa dirty ice cream at sa kalamares sa kanto.


Ma, Pa, alam ko hinde makabagbag-damdamin ito. Wala kasi akong makabagbag-damdamin na memories na mase-share e, lahat masasaya kahi pa palagi na lang tayo kinaiingitan ng mga walang kwenta nating kamag-anak na akala mo kung sino e wala naman palang binatbat, leche kayo! ibang tao (mahirap maging maganda nyahahaha). Salamat sa suporta at sa walang hanggang pagmamahal. Yung betdei gip ko Papa, don't porget ehehehehe.


Basta peyrents, alam nyo naman na lab ko kayo e (wak alala, ubos na mefenamic. Wala balak pakamatay)

Commercialization:

Dalawa na po ang entries natin for my betdei kontes - Ax's and Joycee's. Bigyan sila ng kalaban! Sumali ka na! Nahihiya ka? O sige, bumoto ka na lang.

At sa mga interested na um-attend ng Hiring Smart: Behavioral Interviewing Methods Workshop at How To Be A Freelance Writer Workshop, email nyo lang ako.

Pasalamatan natin ang mga sponsors:

AT kelangan ko ng part-time writers. Kung interesado, i-email lang ako


Digg!


Buy Me A Mocca Frappucino

10 comments:

  1. uyy kafatid base ba?!

    ReplyDelete
  2. bwahahaha!! beys nga!
    heneweys kafatid ang saya nman ngkaampon syo..jokeness...jejeje

    pero siryusli swerte rin nman sila kc hindi cla nabigo sa pagpapalaki syo na yung mga ituniro nila syo eh hindi mo binalewala...tignan mo nman at lumaki kng mabuti at matalinong nilalang.
    yun nga may pagka krung krung pagna inlab...bwahahaha!

    happy father's day kay PAPA mo!
    muawhugs*

    ReplyDelete
  3. @ikay - yes twin sis beys ka!

    ay oo, mbait ang naka-ampon sa'kin nyahahahaha

    wala e, hinde rin nila maalis yung pagiging krung krung ko pag inlab mwahahahaha

    woist, HFD din sa iyong ama at sa lahat ng ama at asawang magigiting sa buong mundo

    mwahugness din!

    ReplyDelete
  4. nakakatuwa tong post na to. mula pagkabata ang istorya, pwedeng gamitin sa contest! hehe!

    happy father's day! puro ako tawa sa post na'to!

    ReplyDelete
  5. @Ax - tawa rin ng tawa mga magulang ko nung mabasa nila yan...sa sobrang tuwa nila, wala na daw akong betdei gip huhuhuhu nyahahaha

    ReplyDelete
  6. katuwa naman ang post mo, rhons! kahit na hindi mala-MMK or senti galore ang entry mo eh surely matutuwa talaga sila dito. you have one heck of a happy family!

    happy father's day sa papa mo (yung biological father, not the papa that you dream of ah!). tsaka, tuparin mo na ang wish nila... MAG-ASAWA KA NA!!! hehehe!

    ReplyDelete
  7. @ winkie - e wala naman kasing gustong magbigay sa'kin ng number ni john lloyd e para maligawan ko na sya nyahahaha

    ReplyDelete
  8. after child stories, pag aasawa pala yung next entry! hehe.

    ReplyDelete
  9. Hihi nakakatuwa naman 'to. Ansaya ng pamili niyo, kaya ka naman pala ganyan hehe.

    Happy beleyted father's day sa kanya.. Hinde ako nakagawa ng post about this special day, lamu na kung baket hahaaay :(

    ReplyDelete