Tuesday, June 9, 2009

A Love Story (An Emo Post)

Naniniwala ka ba sa lab at pers sayt? Ako hinde. Naniniwala akong pwede kang ma-in lab kahit hinde mo pa nasa-sayt. Although may porsyento ng pagmamahal ay nakabase sa hitsura, ang tunay na pagmamahal ay nakabase sa kung gano mo tanggap ang ugali at kabuuan nang isang tao.

Itago natin sila sa pangalang Wolverine, Polaris at Jean Grey (kung bakit sila ang napili ko, walang kelamanan). Isa lamang sila sa mga milyon-milyong nilalang na kasama sa eternal circle ng mahal mo ko-mahal ko sya-wala syang pakialam (hmmm, hinde pala circle yun...isang straight line lang)

BABALA: Sa makakaintindi ng kwento, wak muna kayo ingay dito, wokey?

(Cue Music: Kissing A Fool--> bakit? e peyborit ko 'to e)

Si Polaris ay isang simpleng babae. Baby lang na nakahubad ang mas simple sa kanya. Lately lang sya naging myembro ng X-men. Dati rati kasi ay lost sya sa mundo ng Brotherhood of Mutants. Nang si Polaris ay mawili sa pagiging X-men, nakilala nya si Wolverine. Noong una ay hi-hello lang sila ni Wolverine. Hinde kasi sila magka-level. Si Wolverine kasi kung umasta, parang sa kanya lang umiikot ang mundo. Alam ni Polaris na panakip lamang ito ni Wolverine sa lahat ng mga sakit na dinanas nya nung sya ay hinde pa member ng X-men.

Now, isang beses, dahil walang makausap si Polaris habang nagta-trabaho, pinili nyang tumambay sa salas ng bahay nilang mga mutant (a.k.a. Xavier's School For The Gifted Youngsters). Madaling araw kaya akala nya walang tao. Sumalosep! Nandun pala si Wolverine. E dahil lam nyang maangas ito, konti hi and hello lang ang ginawa nya. Sa likod pala ng kaangasan ni Wolverine ay isang napa-seksing bahagi ng kanyang katawan which starts with a letter B...Brain! (ano ang iniisip mo?!) At doon nagsimula ang madalas nilang batuhan ng mga sweet nothings ideya at opinion. In shorts short, naging close sila.

Ang problema!

Si Polaris pala ay umiibig (oo Winkie, inaamin na nya) na kay Wolverine. Hinde naman sadya...basta lang umusbong. Hinde rin naman ginusto ni Polaris dahil galit-galitan pa sya sa mga lalake dahil sa ginawa ni Havok (yung ex nya). Nguni't, subali't, datapwa, sa bawat araw, lumalalim ang pagmamahal ni Polaris kay Wolverine.

Ang problema #2!

Kaibigan lang ang tingin ni Wolverine kay Polaris dahil hinde pa sya nakakarecover kay Jean Grey (kung anuman ang istorya nila ni Jean Grey ay hinde ko alam). Bukod dun, samu't saring X-...uhm....X-gels ang may gusto kay Wolverine.

(Cue Music: If Your Heart's Not In It)

Dahil sa mga pangyayari (at dahil na rin sa mga naungkat ni Polaris ukol kay Wolverine gamit ang mahiwagan cerebro), eto ang meseydz nya kay Wolverine:



Hinde ko kayang pantayan ang ginagawa nung ibang mga nagkakandarapa sa'yo....at
hinde ko rin balak gawin 'yon. Sapat na sa akin na alam mo kung ano nararamdaman
ko. Hinde ko hinihiling na ibalik mo. Alam kong nasaktan ka na dati at alam kong
mahal mo pa rin si Jean Grey. Kung ano yung naramdaman mo noon sa kanya, yun din
ang nararadaman ko ngayon. Hinde ako masokista (sadista, pwede pa) kaya ngayon
pa lang, ako na ang lalayo. Ako na ang magpapaubaya sa mga nahuhumaling sa'yo.
Alam kong wa ka care pero mula sa araw na ito, hinde na kita iisipin.
Kakalimutan ko na rin kung anuman ang pagmamahal na meron ako para sa'yo dahil
ayokong maging isa lamang istatistika para sa'yo.

(Cue Music: That's All)

Isa lang ang hinihiling ko....(may ekspayreyshun date naman 'to)...antayin kita
hanggang sa pibetdei ko after nun wala ka na maririnig from me
<--- inspired by Never Been Kissed
Ang Tanong! (Get wan port sheet)
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Palagay nyo, pwede na ba ako script writer?

PS (Pahabol na Salita):

Talent Shout Business Consultancy is holding a seminar entitled, "How To Be A Freelance Writer," on July 25, 2009 at ProAccess in Makati. The fee is Php 1,500.00. Those who are interested can email trainings@talent-shout.com.

Also, we have updated the guidelines for my blog contest. You can click here to view the updated guidelines (nandyan na rin pati mga prizes). Nais ko nga palang pasalamatan ang mga mababait kong sponsors na sina Joycee, Nika, Vhincent and Jerick Mac.

Sa mga gusto pang mag-sponsor ng prizes, send lang kayo ng email (wala na pong open for the ad spots). Joycee has already submitted her entry. You can check it here. Sa mga nasa HR or Recruitment, Talent Shout would be having its 4th run of the Hiring Smart: Behavioral Interviewing Methods on July 4, 2009 at ProAccess. Those who are interested can email trainings@talent-shout.com

Naghahanap nga rin po pala ako ng magigiting na writers. Kung sa tingin nyo ay kaya nyong daigin ang english ng writer na'to, email nyo ako with a sample of your work.

At number 10 po ako sa Most Influential Emerging Blogs...Iboto nyo ako!


Digg!

Buy Me A Mocca Frappucino

16 comments:

  1. Megaknown na post script? hihihi!

    Hay naku kikay, pakisabihan si Polaris na di naman nya kelangang umalis at kalimutan ang pagmamahal nya kay Wolverine despite the fact na may nararamdaman pa din siya kay Jean Grey. Sabihin mo din kay Polaris na andyan naman si Papa Cyclops eh. :)

    Hay parang walang kwenta ang comment ko. hehe

    ReplyDelete
  2. @ Doc Mike - hmmm....actually sensible sya...hamo't sasabihin ko si Polaris

    ReplyDelete
  3. Okay na sana, nagddrama na din ako dito biglang may commercial sa dulo.

    Awww so give-up na pala si Polaris, but weyt, may deadline. Abangan natin ang susunod na kabanata.

    Pero seryoso nalungkot ako dito. Nakita ko ang sarili ko waiting for someone na hinde mo sure kung may inaantay ka talaga.

    *sigh*

    Sige wala nang batukan moments sa Friday, pramis :)

    ReplyDelete
  4. @joycee - give up na daw talaga si Polaris kahit malayo pa pibetdei nya...

    ....sure na daw sya. Walang gusto sa kanya si Wolverine....nalulungkot din sya ngaun at gustong umiyak ng bonggang bongga

    ....kwento ko sanyo sa Biyernes

    ReplyDelete
  5. hays ..napa search pa ko nung kanta na kissing a fool ba yun hehe..gusto ko lang marinig hehe..natawa lang ako at parang ewan na nikilig (naiihi pala ako hehe jokeness)
    anyway..si wolberine talaga ang gwapo hehe..wak ka lang sana tusutusukin ng kanyang kuko hehe..tama ba ko..
    hmm..polaris, hindi ako naka relate na nasali pala sa X-Men un di xe ko nanood hehe..
    pero alam ko kikay si polaris at..love ko sya kahit hindi sya love ni wolverine hehe..

    ReplyDelete
  6. @lovely - awwww....aym so tats! plamis....

    ReplyDelete
  7. dear polaris,

    okei sige lumayo ka.pero ang tanong saan mapupunta ang love na pinagsesentimyento mo ngayon?

    nag aalala,
    azul


    wala lang..hehe

    ahmmmm clinick ko yung link nagulat ako kasi patungo pla yun sa lumang bahay ni lio

    ReplyDelete
  8. dear azul,

    itatago ko na lang sya sa aking puso kung saan wala nang makakakita pa ng kanyang sugat

    salamat sa pakikinig,

    Polaris

    ay oo umeekstra syang karpintero este writer sa'kin e

    ReplyDelete
  9. pakisabi nga kay polaris na..

    maganda ang love story niya, kaso kelangan pa niyang maglabas ng cleavage. joke lang! hehe.

    ReplyDelete
  10. @Ax - pinapasabi ni Polaris - tseh! (wala daw kasi syang cleavage)

    ReplyDelete
  11. seriously hindi ko pa kilala si Polaris. Parang interesting character ah! all the while i thought i'm an x-men fanatic marami pa pala akong di kilalang characters! Pakisabi kay Polaris layuan na yan si Wolverine. hehe

    ReplyDelete
  12. kasi nangangalmot yan. lol

    be happy kikay! stay cool!

    ReplyDelete
  13. si polaris kase, parang si rogue yan! hindi sila naglalabas ng cleavage sa x-men! hehe. buti pa si mystique! revealing.. hehe!

    kaso wala yatang lovelife si mystique! hehe.

    ReplyDelete
  14. @ Mon - si Polaris ay anak ni Magneto, jowaers sya ni Havok and ni Iceman...masakit nga mangalmot si Wolverine hehehehe

    @Ax - e kasi halos lahat sila galit kay Mystique...

    ReplyDelete
  15. Sila ba yung bida sa "The incredibles" ang galing kasi nila.. okey yung powers nila ;)

    Bakit kaagad sumuko si Polaris? Bakit hindi niya ipaglagban ang kanyang nararamdaman tutal binata naman si wolverine at walang gf.. medyo maghihintay lang ng konting panahon siguro.

    Sa kabilang banda: bakit hindi gamitin ni Polaris ang kanyang kakaibang powers..ipakita niya ang kanyang bangis ;)

    parang ang gulo yata ng comment ko :)

    ReplyDelete
  16. @Sandi - actually, distant relatives nila ng The Incredibles. X-men sila....ayaw na ni Polaris nang dagdag sakit sa puso e...

    ...isa ka pa! magulong comment na may foynt!

    ReplyDelete