Sa pamilya namin (at sa halos lahat ng galing sa Bohol), ang tatay ay tumutukoy sa Lolo. Wala na si Tatay. September 2, 2008 nang bumalik na sya kay Bro. 97 years old na sya nun. 98 na dapat sya nung Sept. 18. Sa edad nyang yan, hinde sya naging makakalimutin. Hanggang sa huling hininga nya, sinisingil nya yung 100 na kulang ko sa kanya.
Hinde ko yun makakalimutan kasi papasok na dapat ako sa office nun. Tahimik nya kaming iniwan. Sumalisi ba. Sa totoo lang, hanggang ngayon umiiyak pa rin ako pag naaalala ko sya. 28 years din namin syang nakasama. Swerte nga ng pamankin ko kasi naabutan pa nya Lolo nya sa tuhod. Close silang dalawa. Madaming tinuro si Tatay sa pamangkin ko. Kahit sa'ming magkakapatid marami din.
Maliit pa lang ako, si Tatay na ang nagbabantay sa'min. Si Papa kasi nasa ibang bansa. Si Mama kelangan ayusin ang bahay at kumita sa sideline nyang atchara, sapatos at kung ano-ano pa. Si Nanay naman kung wala sa Malaysia para asikasuhin yung isa pa nyang anak e nasa Saudi para magtrabaho bilang mananahi. Tinatakasan ko palagi si Tatay para pumunta sa aming kapitbahay na mga kapatid ni Nanay. Dun ako nakikilafang kasi palaging madaming pagkain dun (oo, hampaslupa at PG moments ako noon). Makulit ako nung bata ako (hanggang ngayon). Matigas ang ulo ko (hanggang ngayon). At higit sa lahat, mapang-asar ako (hanggang ngayon pa rin...nyemas! No progress!). Isang beses, inasar ko si Tatay. Pinaupo kasi nya ako sa harap nya. E si Rhona alam na malabo ang mata ng lolo nya, inasar ko. I made faces, thousands of them...ayun sapul sa kilay ko yung tsinelas nya na singkapal ng mukha ko. Pumutok ang noo ko. Hinde pala ganoon kalabo ang mata nya. Noon ko na-realize na pwede palang baseball pitcher si Tatay.
Nung prep ako, si Tatay ang naghahatid sa'min sa school. Walking distance lang naman. Pag dating sa classroom kailangan kawayan namin sya para alam nyang nakarating na kami sa classroom (baka nga naman may kidnapper sa hagdan). Dahil Kastilaloy si Tatay, strikto sya. Pag naglalakad, hinde pwedeng sobrang bilis, hinde pwedeng nakayuko. Pag pauwi na at naka-jeep kami (na nangyari lang nung lumipat na kami sa Parañaque), bawal matulog sa jeep kundi kakalawitin nya ng payong ang leeg mo.
Mataas ang standards ni Tatay. Hinde pwedeng magusot ang uniform (good luck naman sa'kin e mahilig akong makipaghabulan), hinde pwedeng umuwi ng pawisan, hinde pwedeng kumain nang nakataas ang paa (may naka-ready syang martilyo dahil makulit din ang mga kapatid ko), hinde pwedeng ngumuya ng maingay, hinde pwedeng sakalin ang kutsara't tinidor
- Pagkanta nya ng Quiere Me Mucho at Quizas, Quizas, Quizas (requirement sa'min na matutunan itong mga kantang ito)
- Pagta-translate nya ng mga words/ sentences/ paragraphs into Spanish para lang maintindihan namin at matuto kami
- Pangungulit nyang hanapin ko sa limewire ang Rose Tattoo (op kors! updated si tatay!)
- Pagtuturo nya (kasama si Mama) kung pano ang tamang pagkanta (ngayon, pamangkin kong 4 years old ang voice coach ko)
- Pangungulit nyang mag-asawa na ako kasi daw matanda na ako
- Paghahanap nya sa mga "boarders" (term nya sa jowa!) 'pag napapansin nyang matagal nang hinde nadaan sa bahay (at pagtawa nya pag sinasabi kong nilibing na)
- Kakulitan nya sa telepono (por eksampol: Caller: Hello, pwede po kay Rhona? Tatay: Ay tulog na. Matulog ka na rin o kaya Caller: Hello, pwede po kay Eve Tatay: Kasama ni Adan, umalis)
- Pagka-jokester nya (por eksampol: Rhona, may galit ka ba sa Papa mo? [syempre kinabahan naman ako]. Bakit ba kumuha ka ng mahaba ang baba e alam mo namang walang baba ang Papa mo? Bakit mo ginaganyan ang Papa mo?<----seryoso sya habang sinasabi yan habang ako e mamatay-matay na sa kakatawa)
- Pagiging childish nya (matampuhin yan pag wala syang regalo)
- Pag sayaw nya ng waltz (Tatay: wag kang kumandirit!)
Ang dami kong namimiss sa kanya, hinde ko na mabilang. Pag nakikita ko picture nya parang naririnig ko pa ang tawa nya, ang tunog ng nguya nya (matakaw lolo ko), ang pagsigaw nya pag nagagalit, ang mala-John Lloyd na ngiti nya pag may nagawa kaming kamangha-mangha. Namimiss ko ang kakampi ko pag may umaaway sa'kin na classmate ko. Nami-miss ko yung kakampi ko pag may Bible Quiz Bee (sya ang taga-senyas kung tama yung sagot ko). Nami-miss ko yung isa sa mga kokonting tao na paulit-ulit (as in!) na kinukwento kung gano sya ka-proud na kaming magkakapatid ay pumasa sa Manila Science, na pumasa sa PLM at UP, at palaging may honor.
Eto ang lolo ko:
Sya ang dahilan kung bakit nahilig akong magsulat. Sya ang dahilan kung bakit pinursige kong maging magaling sa English (ok, kasama na din ang takot ko kay Mrs. Banta na principal namin nung high school). Eto ang isinulat nya halos 5 taon bago sya pumanaw:
Sobrang nami-miss ko sya - Cayetano Quezon Miñoza.
awwww!nakakatats aman ito..lalo na yung tulang ginawa nia..inpernes nakakaiyak cia talaga...
ReplyDeletehaaaay!
nakakaiyak talaga yang poem na yan...kahit ako, everytime na mababasa ko yan, naiiyak ako :(
ReplyDeletehuwaaa hindi ko mabasa ung poem na ginawa ni lolo,prob na nga talaga mata ko..
ReplyDeleteang di ko lang nkilala na lolo ung sa side ni tatay ko kasi wala pa ako nun sinundo na rin sya ni bro sayang nga...
pero i miss my lola on my mother side..kapag naka uwi ako try ko mag pa drawing sknya ng pag mumukha ko hehe..
talagang hindi maiiwasan ang pagiging makulet ng matatanda parang tayo rin hehe..
peor nakakamiss...hays..
hi tokayo!
ReplyDeleteako wala akong moments sa mga lolo ko...bata pa akc ako nung sumama na siya ky BRO. at sa province sila nakatira noon kya wla akong masyadong moments sa knila...pero meron plng isa na natatandaan ko laging merong pasalubong na prutas lolo ko para sa aming mgpipinsan sa tuwing galing sya ng bukid.
na sad ako ng konti kc sa totoo lng hindi ko talaga na experience yung sinasabi ng iba na LOVE ng mga grandparents.
@lovely - pasensya, pati kasi frame sinama nung ini-scan hehehehe medyo marupok na kasi yung papel e
ReplyDelete@ikay - hi tokayo! iba nga daw talaga ang love ng grandparents sa love ng parents...ganunpaman...love pa rin yun (eng! parang wala akong sense n0?)
sad naman to..hirap talaga pag close kau ng grandparents mo..
ReplyDeletekumatok lng po sa bahay mo..daan ako ulit dito..
@bluishcraze - tnx for dropping by..daan lang ulit :D
ReplyDeletetouch ako sa mga sinabi mo tungkol kay Tatay.
ReplyDeleteMaswerte kayong magkakapatid at matagal nyong siyang nakasama since birth hanggang sa paglaki nyo. Di biro ang twenty eight years di ba? Si Tatay malaki ang pusong handang umunawa at magmahal sana alam iyan ng mga kapati ko. Strict siya pero nasa lugar. To you Tatay Happy Fathers Day. We miss and love you very much.
huwaw, nakakatouch naman itong post mo! im sure, kung buhay si tatay at nabasa nya ito, matutuwa cya ng lubusan sayo.
ReplyDeletekalurkey si tatay, alam ang limewire! so very in ah!
ei rhona, sino ang taga-PLM? ikaw o kapatid mo?
@winkie - ahhehehe...nahiya naman ako bgla...sister ko ang UP (UP Manila) ako PLM (malayo kasi Diliman e pero okay lang. ayos din naman ang turo)
ReplyDeleteganda ng blog mo te kaso............gumradweyt sa PLM at UP lagi na lang ako itsapwera........HUHUHUH..........
ReplyDeleteay bakit ka naman mahihiya??? taga PLM din ako noh?! :)
ReplyDeletebuti ng a ikaw nakilala mo nakasama mo lolo mo. ako kasi maaga silang namatay both sides. yung isa he died when i was 5 yung isa naman when i was 8.
ReplyDeleteby the way, humihingi ka rin ng dried mangoes at danggot? hehe magdadala ako ng marami. bebentahan ko kayo. haha
@brother - hinde ka itsapwera....iba nga lang ang reason ni Tatay kung bakit sya proud sau hehehehe...aylabyu
ReplyDelete@winkie - e kasi lagi ako nako-compare sa kapatid ko pag dating sa school e
@mon - woist! wag mo na ako bentahan...sasalubunganin naman kita sa airport e
itsh owkey may dir sester............aneweys........ako lang naman sating tatlo ang nakainuman ni tatay...........bwahahahahaha.....kayo hind...........bwahahahaha
ReplyDeletepaano nyo nabasa yung poem? hindi ko kasi mabasa eh... senyales na ba 'to?
ReplyDelete@sandi - may kilala akong magaling na pagawaan ng salamin nyahahahahaha...medyo mahirap basahin...hirap din si lovely basahin e...at dahil jan, saludo na ako kay azul dahil nabasa nya
ReplyDelete@brother - hmp! madaya! (nagtampo?!)
ReplyDeletekudos to your dad and to your tatay! although sad to hear the last few paragraphs about your tatay. for sure okay siya nasaan man siya!
ReplyDelete@Ax - yeah. A few days after nyang mamatay, nag-paalam sya formally (may ganun?!) sa'min lahat. Napanaginipan namin sya, nag-paalam sya tapos lumabas na ng bahay namin. Napapanaginipan pa rin namin xa once in a while
ReplyDeleteapo ka nga rhona...malayo kayo ng ugali eh hehehe joke
ReplyDeleteoh well we all wish we reach the same degree of wisdom that our elders had...ego integrity ang lolo mo! ikaw kaya? hehehe
Ang galing! Bumilib ako kay Tatay! Biruin mo at alam ang Limewire, at naloko ako sa "kwentong baba" wehehehe.
ReplyDeleteI'm sure kung nasan man sya ngayon, masaya sya at proud sya sa kung anu ma ang narating mo.
Sorry late hehe.. :)
@Jay - everyone at some point reaches integrity. I don't subscribe to Erik Erikson's stages of development :)
ReplyDelete@Joycee - ay naku! pag na-meet mo buong pamilya namin, iisipin mong nasa mental ka hehehehe