(ganda ng entrada no?)
Kasi naman, hinde naman po ako Bangko Sentral. Tipid-tipid din ako. Ramdam ko rin po ang financial crisis. Hinde sa lahat ng pagkakataon e kaya kong magpahiram ng pera kahit pa sabihin mo sa'king malapit ka nang mamatay sa ulcer. (Ipagdarasal na lang kita) Masyado pa akong bata para maging Mama San/ Matrona/ Sugar Mommy. So bakit ako ang trip na trip mong utangan?! Utang na loob, hampaslupa din ako minsan! Uutang ka na gusto mo ako pa gumawa ng way para makarating sa'yo ang pera AT gusto mo mag-send pa ako ng KFC bucket meal. Anuber?! Sang kamay ng Diyos naman ako kukuha ng pibti tawsan pesosesoses?!
Hayy....masaya pa naman sana ako kasi kakatapos lang namin mag-usap nang isa sa mga prenli prens ko. Ang topic - syempre ang tumataginting na non-existent lablayp ko. Isa syang
Syempre pa, kung gano ka-sure tayo na si Ellen Degeneres ay sasayaw sa intro ng show nya at si Horatio Caine ng CSI Miami ay uulitin ang last line nya, ganun din ka-sure na isang tumataginting na listahan na naman ang gagawin ko (kebs mo, blog ko 'to):
Ang Tipo Kong Lalake
- Lalake sa lahat ng aspeto. Ayaw ko nang may mga tendencies na sumali sa federacion.
- Hinde importante sa'kin ang itsura basta't nasa tamang lumagar at gumagana lahat ng partes. (sabunin natin ang utak mo pag nalagyan mo yan ng double meaning, daliiii!!!!!) On sekan tot (hinde magandang pakinggan), ayoko pala ng pawisin ang palad. Gusto ko presentable at mabango lalo na ang kili-kili. Sorry, fetish. Mahilig akong suminghot ng kili-kili hehehehe
- Mas nanaisin ko ang middle class na hard/ smartworker kesa sa ipinanganak na mayaman. Bakit? Dahil ang hard and smartworker pwedeng yumaman pero ang ipinanganak na mayaman na hinde nakatikim ng hirap ay hinde alam ang gagawin pag nawala lahat ng kayamanan nya.
- Mature at seryoso sa buhay. Yun tipo bang gustong magka-gf dahil yun na ang nakikita nyang pakakasalan nya at makakasama sa habambuhay. Ayaw ko ng player. May panget akong ugali na pag sinaktan mo ako ng todo-todo, ibabalik ko sa'yo yung ginawa mo (I know, I know. Panget talaga syang ugali. Twice ko palang sya nagawa at yung isa ay pinagsisisihan ko kais muntik na masira ang prenship namin. Kaya nga minsan, pag galit na ako, tumatahimik na lang ako at nagba-blog kasi baka may masabi ako or magawa na hinde maganda)
- Okay din sa'kin ang medyo seloso (keyword: MEDYO). Masarap ang feeling ng may takot na mawala ka. Kung hinde ka takot na mawala ako, nameyn! Bakit ka pa nasa relationship na'to?! Pero ayaw ko naman ng selosong barumbado. Yung selosong pa-cute lang.
- Kaya kong tanggapin at mahalin ng buong buo. Alam kong mahirap ito kaya nga pag may nanliligaw sa'kin inuunahan ko na. Sinasabi ko na lahat ng kapintasan ko. Minsan mahirap akong ispilengin. May pagka-dominante ako. Moody rin ako at may pagka-childish pero pag sinabi kong mahal kita, itaga mo sa bato, ten years bago kita makalimutan.
- Kelangan marunong kumontra sa'kin at marunong din makinig. Ayoko ng oo nga lang ng oo nga (ano ka, baka?!). At pag kumontra ka, gusto ko yung may sense naman. Yung mapapag-isip mo ako. Trip ko talaga kasi yung whole day kayong nagdedebate (hinde nag-aaway ha!) ukol sa maliliit na bagay tulad ng difference ng zero sa one. O di ba?!
- Ayoko ng gwapo. Ilang beses ko nang sinabi 'to. Ayaw ko kasi ng sakit sa ulo. Ayaw ko nang may nang-aaway sa'kin kasi nga hinde ako magandang magalit. Iiyak ka pag inaway mo ako dahil mare-realize mo kung ano ka kawalang kwentang tao. Ganun ako magalit. Doncha wori, tulad ng sabi ko kanina, matagal bago mangyari yun kasi mapag-timpi ako. Peace-loving person ako ahehehehe
- Hinde ko kailangan nang sobrang talino o yung mga tipong may sariling kumpanya at kung ano pang ka-ekekan. Gusto ko kasi simpleng buhay lang. Basta may utak ka na may laman (IQ=140 hehehehe), okay na sa'kin yun. Kelangan lang naman e masabayan mo ang takbo ng utak ko kundi magno-nosebleed ka nyahahaha
- Ayoko sa may kotse. Plamis! Hinde kasi ako makakatulog at required akong kausapin ka habang nagda-drive. Ayaw ko kasi nang kinakausap ako pag nasa sasakyan. Yun kasi ang moment ko para magmasid, huminga ng malalim at mag-emo.
- Ayoko nang madaling gumib-ap! Nameyn! Sabi nga ng papa ko, if you want to succeed, you have to be a bitch. Kung madali kang susuko, san ka nameyn pupulutin?!
Ang Tipo Kong Date
Maniwala kayo sa hinde, okay na sa'kin ang mag-ikot sa mall at kumain sa Tokyo-Tokyo o kaya sa Karate Kid o kaya sa Sbarro's o kaya sa Italianni's at...saglit, nagugutom na ako. Masaya na akong mag-videoke sa Karaoke Hub sa SM Manila o kaya sa Time Zone. Pwede rin tayong mag-Daytona racing na lang hehehehe. Swak din sa'kin ang paglalakad sa Intramuros o sa kung saan pa man....na may sementeryo ahehehehe (hinde halatang mahilig ako maglakad).
Kung bibigyan mo ako ng gift, wag ka nang mag-aksaya sa kwintas, bracelet at kung anik-anik. Hinde ako mahilig sa ganyan. Bigyan mo na lang ako libro, crossword puzzle, angel cake o kaya chocolates (yung madaming madami hehehehe). Kung manonood tayong sine, siguraduhin mong horror yan (at wag kang mag-antay na yakapin kita sa takot, owkey? Kasi hinde mangyayari yun).
So ano, maga-apply ka pa ba? (tonong nanakot...ay natakot nga! okey, next applicant!)
PS:
Ang kontes, don't forget. Ayun sa bandang itaas ang mechanics pati na rin ang mga pumatol. Galeng galeng naman ni Ax at ni Joycee. Sali ka na rin kahit di pa tayo masyadong close :)
Isa pang PS:
Sa naghahanap nung listahan ng libro na dating anjan sa tabi-tabi, pasensya tinanggal ko na. Tagal kasi mag-load ng page pag nakahara sya.
Buy Me A Mocca Frappucino
hmmm.. binigay na ang mga kiliti..haha.. sino kaya mapalad na lalaki? ;)
ReplyDelete@sandi - pwede kaya 'tong entry sa LLM?
ReplyDeletewushuuuu..
ReplyDeletehehe..
may konting kaalaman na ko para mabuo ko ang entry ko sa blog contest ni ate hehe..
@ lovely - sige lang, go lang ng go
ReplyDeletekafatid at mukang seneryoso mo na talaga yung sinabi ni ate winkie sa mga may gustong mag apply syo...at binigyan mo na sila ng clue...hehehe
ReplyDelete5,6 & 7...yan din ang mga tipo ko.
^_^
O hanu balita may nag-apply na b? May referral bonus ek-ek ka ba? Wahahahaha.
ReplyDeleteParehas tayo pag may nanliligaw saken inuunahan kona, sinasabi ko nalahat ng kapangitan ko. Para di na sya madisappoint diba wahahah, para kung ayaw alis agad at di na mainlab.
Gudlak sa elimination nyahahha. :)
@ikay - twin sister, kelangan nang seryosohin e...gusto ko nang magkalablayp (may ganun?!)
ReplyDelete@joycee - WALA PA buhuhuhuhuhu waaaaaaaaa singhot sniff singhot
akshuli may referal bonus yan AT may sign-in bonus pa!
whahahaha! all i can say is THIS IS ONE HECK OF A DRASTIC MOVE, SISTAH! hehehe!
ReplyDeletebonggang-bonga ang list. and not to mention, uber detailed. eh di kaya natakot na ang lahat ng gustong mag-apply syo nyan? hehehe!
sabi mo, ayaw mo sa guapo... sayang naman, ibibigay ko pa naman sana sayo si yummie blue-eyes ko. kaso baka i-basted mo lang. heheh1e
@winkie - applicable for brown eyes lang yan...pag blue eyes, case-to-case basis nyahahahaha...jowkness
ReplyDeletenaku po. BAGSAK NA BAGSAK ako sa standards mo. HAHAHA.
ReplyDeletepumapatol ka ba sa 18 yrs old ate? HEHE
@youthanasia - at natawa naman ako sa comment mo...masasagot ko yang tanong mo kung masasagot mo ito:
ReplyDelete1. bakit ka naman bagsak?
2. pumapatol ka ba sa 29 yrs old?
3. pano mo idedescribe ang color blue sa bulag?
bagsak yata ako sa standards mo Rhona. hehe
ReplyDeletebabaan mo naman standards mo kasi tatanda kang dalaga nyan.
bagsak yata ako sa number 8 kasi marami nagsabi g_a_o saw ako. LOL. marami talaga lasi more than one. mom ko, lola ko, tita ko at yung ex ko. lol
anyway, gud luck sa mga aplikante. hehe
nahiya pa daw akong sabihin yung salita. sige na nga sabihin ko na, Gwapo daw ako sabi nila! LOL
ReplyDeletepumapatol ka ba sa mama's boy? haha
kasi....
yung kaibigan ko mama's boy! LOL
@ Mon - tumatanggap ako ng Mama's boy basta yung hinde nman maxadong dala-dala sa date namin c Mommy Dearest...
ReplyDelete....at dahil kaibigan kita, naniniwala akong gwapo ka so idagdag mo na ako sa listahan
kagabi ko pa to nabasa kaso di makapag-comment sa opis. di ko matapos tapos yung entry ko sa pakontes mo. basta before june ends, matatapos ko din yun. haha
ReplyDeletesabi ng kaibigan ko, separate daw yung date nila ng mom niya once a month, mabait naman yung mom nya.. manood lang ng sine once a month solb na daw. peru yung kaibigan ko he's a little not over his ex-gf yet...
@ Mon - cge, matagal pa naman deadline e...dami pa ring gustong humabol...
ReplyDeleteaba...aba...aba....pwede na yan...sandali, pasok ba sya sa #9? woist, allergic ako sa wawsabaw ang utak ha?
magkano ba ang sweldo dyan?
ReplyDelete@Ax - wala....buong pagmamahal ko lang
ReplyDelete(eeee.....ang cheesy!)
cool ka lang, easy, para mawala ang init ng ulo mo, pautangin mo ako please
ReplyDelete@Marlon - ahehehehe
ReplyDeletethe telephone number you dialed is under repair. Please try your call later
nyahahahaha...welkam to my eHaus
ayaw mo sa gwapo? eh bat ka nahumaling sakin? huhlolz! nyahahahaha! jokeness.
ReplyDeletehmmkeibye.
hiatus mode ule.
p.s. at 29 yrs old ka na pala. ala lang. ahahaha!
@Lio - uy nabuhay ang patay! este nabuhay ang nagha-hiatus ek ek
ReplyDelete*hithit ng hininga* ako, nahumaling sa'yo? woist, wag kang ganyan...baka sugurin ako ng mga may krassnes sau noh!
ps magtu-29 pa lang sa betdei ko....alam ko, wala sa hitsura...bebe fez ako e nyahahahahaha
psychological age = 18
bawal kumontra, blog ko 'to
@Rhona: hello! HAHAHA.
ReplyDelete1) naku bagsak ako sa number 8 eh :( hahay matagal ko ng problema to eh.. HAHAHA jokes
2) eh eyds doesnt matter naman eh. NAKS. haha
3) hmm. pwede red nalang? para naman sabihin ko sa kanya.. "ang red ay ang kulay ng puso ko na inaalay ko sayo" bwahahaha
xa nga pala. CRUXRIFTER ito. sa wordpress. hehe
@youthanasia aka cruxie (at naki-cruxie ako e noh?!)
ReplyDelete- patay tau jan, pinakamahalaga yung #8 e...papanget ka muna hehehehehe
- asus! talaga lang ha?!
- waaaaahhhhh....ang cheesy! e pano kung lalake din yung bulag?!
@rhona aka rhonie?! HAHA
ReplyDelete1)naku pooooooo.
2) uu nman :)
3) haayz.. ok lang bagsak din naman ako sa #1 eh! AHAHAHA
@rhona aka rhonie?! HAHA
ReplyDelete1)naku pooooooo.
2) uu nman :)
3) haayz.. ok lang bagsak din naman ako sa #1 eh! AHAHAHA
@youthanasia aka cruxie aka edz del rosario
ReplyDelete- anuber?! sa dami ng aliases mo, nahilo na aketch!
1 and 3 - dahil bagsak ka sa #1, hinde mo na kelangan magpapanget..tutulungan na lang kita humanap ng lablayp
2 - kebs, baby fez ako e so ok lang, hinde ako mukhang 28/ 29 e...sinisingil pa nga ako ng kundoktor ng student fare e nyahahahaha
may-i-add moment:
ReplyDeletewak mo ko tatawaging rhonie...allergic ako sa name na yun e....long story
hahahahaa! ako mas bata naging sugar mommy. nag-aaral pa lang naging sugar mommy na ko. wahahhaa.
ReplyDelete@ Ac - waaaaahhhhhh....ako lately lang...hinde kasi ako pansinin noon kais makunat pa ako sa inuyat nyahahaha
ReplyDelete