Dalawa na po ang entries natin for my betdei kontes - Ax's and Joycee's. Bigyan sila ng kalaban! Sumali ka na! Nahihiya ka? O sige, bumoto ka na lang.
At sa mga interested na um-attend ng Hiring Smart: Behavioral Interviewing Methods Workshop at How To Be A Freelance Writer Workshop, email nyo lang ako.
Pasalamatan natin ang mga sponsors:
- Joyce of http://joyceish.com/
- Vhincent of http://www.chizmosalounge.com/
- Nika Catbagan of http://www.bloggingpinay.com/
- Jerick Mack of http://www.rickspot.com/
AT kelangan ko ng part-time writers. Kung interesado, i-email lang ako
ISA PA:
Sa mga sa sasali sa kontes, paki-post na po ang link kasi may botohan session pa sa senado so baka mahirapan kayo kumuha ng maraming votes kung last minute nyo sya ipo-post.
Hola! Chika!
Wag kang mag-alala, hinde ito emo post. Inspired lang by AC's post about love songs (worst love songs akshuli. I super love this girl na [think: Winkie, Lovely, Joycee, Azul and Star level] kasi napaka-direct to the point and fresh nyang mag-sulat. Walang arte, walang SMS-like drama. Alam mong strong sya na nasa lugar. Ayaw ko kasi sa mga blog at tao na kung magsalita e para bang napapa-cute na ang sarap tadyakan. Mapapansin nyo, lahat nang dinadaanan kong blog ay gawa ng mga taong may topak pero hinde maarte. Yun tipo bang makakausap mo nang matino at hinde parang text message lang ang post. Isang buong keyboard na ang nasa harap mo. Walang saysay kung paiiksiin mo pa lahat. Hinde ka sisingilin kung pahahabain mo yan....ay saglit, iba pala ang topic ko). Sabi kasi nya, walang wrong place, pwede pa wrong time when it comes to love (may asawa, may jowa).
Strike anywhere - yan din ang mantra ko. Hinde ako naniniwala sa pakipot. Promise! Why? Maraming tao ang tumatanda na may regrets at marami ring tao ang nagkakasakit sa puso kasi hinde nila nilalabas kagad ang nararamdaman nila. So if you like someone, I say, tell that person. What's the worst thing that could happen to you? I-reject ka? Layuan ka? O e di maganda! At least, maaga pa lang alam mo na, na wala kang aasahan. Then, work on letting go (take note, I did not use the word forget. In reality, the more painful something is, the more likely you are to remember EXCEPT if sobrang traumatic nang nangyari at hinde kaya ng consciousness mo. 'Pag ganun, most likely, your mind would have selective amnesia to protect itself).
Lagi kong sinasabi na 2 lang ang forte ko sa Psych - Abnormal at Sex Therapy. Akshuli, magaling din ako pag dating sa love (magaling mag-advice pero palpak sa personal application). Here's my own school of thought:
The Main Theories Of My Psychology Of Love
- It is okay to cry but you have to stop at a certain point. Kung kelan man yun, ikaw lang ang nakaka-alam.
- How fast one person recovers is different from how fast another will.
- Unconditional love is possible. When you can no longer find a reason to love someone and yet you still love that person, that's unconditional love.
- It's possible to fall in love with someone without really seeing them (Blogger Love Principle, naks!)
- You cannot recover from a heartache if you haven't gone through the stages of grief - denial, anger, bargaining, depression, acceptance. These are the same stages one needs to go through when a love one dies. So bakit kelangan mo rin daanan 'to? Kasi, getting your heart broken is like dying also. A part of you dies.
- It is possible to love two persons at the same time but it is not possible to have the same amount of love for both (woist, naka-based sa Bible 'to. You can't serve two masters at te same time)
- Kung gano kasakit ang ma-heartbroken, ganun din ang sakit sa pagpipigil sa nararamdaman mong pagmamahal sa isang tao kaya sabihin mo na yan.
- It doesn't matter who makes the first move. At the end of the day, pag isa sa'nyo e walang pinakitang motibo, walang mangyayari. Girls, okay lang magpakita ng motibo pero sa tamang tao. Boys, mag-ingat sa pagiinterpret sa motibo. Meron ding mga girls na sira ulo.
- The thinking, "baka may mas okay pa" usually leads to heartache. Kung mahal mo, mahal mo. Wag ka nang maghanap nang mas okay pa kasi baka yung nasa harap mo na ang pinaka-okay for you. God knows better. Kung hinde mo naman mahal, wag paglaruan. Digital ang karma at times two pa.
- It is possible to truly fall in love with someone even if you have just gotten past a relationship. Tulad nga ng sabi ko kanina, how fast one recovers from a failed relationship/ heartbreak could vary. May mga taong sadyang mabilis maka-recover.
Self-validation because I'm having an inferiority complex attack----> Polaris is awesome! Polaris is beautiful! Polaris is loved by so many people...and the next Wolverine who would make her fall in love is one helluva lucky guy :)

Buy Me A Mocca Frappucino