*Spoiler Alert*
Isipin mo na lang, matutuwa ka bang makakita ng matandang babae na pilit na nginangasab ang baba ng mas batang babae? Hinde ko rin maintindihan kung bakit kelangang i-feature ang pustiso ng matanda. At pano sya naging Lamia?! Hinde ba't ang Lamia ay isang mythical creature na lumalafang ng bata?! At ano ba ang meron sa bibig ng bida? Pinasukan ng panyo, kamay at langaw...at ano ang significance ng langaw?
Dahil dyan, imbes na katatakutan ang ipo-post ko, nagblog-hop na lang ako ng magandang maipo-post. Natalisod ako sa post ni Winkie na 10 things, kaya eto ang version ko, dinamihan ko nga lang:
(At dahil alam kong nagsasawa ka na sa listahan, may pa-consuelo ito. $2.50 para sa makakahula ng tamang sagot. Ang PayPal Account, ihanda):
Sa 15 na bagay na ito, 10 ang totoo, 2 ang 50-50, 3 ang purong kalokohan. Ang tamang sagot ibubunyag sa
- Mahilig akong mangolekta ng Pugad Baboy Comic Book. In fact, kumpleto ko ang Pugad Baboy 1-21. At hinde ko yun pinapahiram kahit kanino. Naka-lock din yun kasi sobrang precious nya sa'kin. Ang wala lang ako is yung Ink and Politics ni Pol Medina, Jr.
- Mahilig akong mang-kiss and mang-yakap ng crush. (landi!) Minsa pala kahit hinde ko crush, yung tipo bang inaasar ako lang lalo na pag dine-dare ako hehehehe. Nung nasa HMI pa ako, laging kawawa dito si Roex atsaka si Jay. Biktima din pala sina Karl (at syempre hinde nyo sila kilala)
- Tatlo ang cellphone ko. Isang Treo 680, isang Nokia E65 at ang aking precious 6510. Isa para sa smart, isa para sa globe at isa para sa sun.
- Takot ako sa bridge over troubled waters. Hinde mo ako mapapatawid sa tulay na may tubig sa ilalim (por eksampol, tulay papuntang Sta. Cruz Church pag daling kang Taft)
- Mahilig akong mag-multi-task. Por eksampol, naggagawa ako ng article habang nagte-text, habang nagbabasa ng libro habang nanonood ng CSI.
- Naging schoolmate ko si Tuesday Vargas, si Katya at si Jackie Forster. Oha! Pero sila lang ang sikat, ako feeling sikat hehehehe
- Peyborit month ko ang December. Iba kasi talag ang feelin ng Pasko. Yun lang ata yung time na hinde mo ako makikitang mag-emo.
- Lalake ang bespren ko. Isa po syang doktor sa mata at the same time ay Flight Steward sa Philippine Airlines. Hi Felipe!
- Gumraduate po akong Summa cum Laude nung college sa kursong
PanghuhulaBS Psychology mula sa Pamantasan ng Lungsod ngMagagandaMaynila. Dapat sana UP Diliman ako kaso masyadong malayo sa bahay namin. - Ilang beses na akong nagmuntik-muntikanang ma-deads. Una nung ako ay pinanganak (blood poisoning), pangalawa nung bata pa ako (nahulog ako mula sa tuktok ng hagdan na may 15 steps), sumunod nung ako'y college (naipit sa naguunahang bus ng Tas Trans) at pang-apat nung nagwo-work na (nabangga ng bonggang bongga yung sinasakyan namin na jeep). Hinde pa kasama yung nasapak ako ni Pacquiao habang pauwi.
- Nabasa ko nang buo ang Lord of The Rings at na-enjoy ko yung book ng sobra. Higit pa sa pagka-enjoy ko kay Harry Potter
- Kaladkarin akong babae (sabunin natin ang utak mo kung iba ang naisip mo). Kahit pa nasa bahay na ako, i-text mo lang ako, go agad ako. Maasahan ako sa mga biglaang gimik lalo na kung libre hekhek
- Nangangati ang ilong ko pag nakakakain ako ng sobrang maalat. Nakakainis kasi nagmumukha akong Rudolph. Buti na lang hinde ko pa na-experience na magsugat ang ilong sa kakakamot.
- Favorite expression ko pag nagugulat - Ay pakshet! (lalo na pag galit na)
- Hinde ako maaasahan pag dating sa sale sa damit, sapatos at kung ano pang girly stuff. Mas naglalaway ako sa sale ng gadgets and books.
Oha! Nakumpleto ko na ang 15. Inuulit ko, bago humirit, siguraduhing may PayPal account. Thursday morning nyo malalaman ang katotohanan.
Commercialization:
Dalawa na po ang entries natin for my betdei kontes - Ax's and Joycee's. Bigyan sila ng kalaban! Sumali ka na! Nahihiya ka? O sige, bumoto ka na lang.
At sa mga interested na um-attend ng Hiring Smart: Behavioral Interviewing Methods Workshop at How To Be A Freelance Writer Workshop, email nyo lang ako.
Pasalamatan natin ang mga sponsors:
- Joyce of http://joyceish.com/
- Vhincent of http://www.chizmosalounge.com/
- Nika Catbagan of http://www.bloggingpinay.com/
- Jerick Mack of http://www.rickspot.com/
AT kelangan ko ng part-time writers. Kung interesado, i-email lang ako
Buy Me A Mocca Frappucino
paano yan ate wala akong paypal..
ReplyDeleteok lang di ba love mo naman ako heeh..
no.6
at no.5..
hehe hula talaga as in..
ang hirap din ha hehe..
hahaha...teka hindi ko pa tapos basahin pero can't help my self na magcomment na agad...ibang klase ka talaga my twin sis at tlagang mayprize pa itong pahulaan mo ha!...bwahahaha!
ReplyDeleteok tuloy ko na ang pagbabasa...^_^
joshkoness naman sa sobrang heksyekted kong mgcomment eh mali pa ang nasabi ko...bwahahaha..ok erase...erase yung una kong comment dun..ahihi
ReplyDeleteang ibig ko plng sabihin dun eh can't help myself na hindi mgcomment kaagad...yun! yun..bwahaha.
pero my twin sister sa movie ka nga ba hindi natuwa or yung fact na hindi ka man lang ngkaron ng chance na mapayakap sa katabi mo??bwahahaha!
at talagang kambal nga tyo..nangangati rin ang ilong ko kpag nasobrahan ako ng kain ng maalat..^_^
patry nga! nakakahiya naman. baka puro mali ang sagot ko!
ReplyDeleteTrue: the rest
50/50: 4, 10
False: 6, 7, 14
kakakaba. parang may mali! ayoko bumalik sa training room! hehe.
yay. pwede ba palitan yung 4 ko ng 5! hehe.
ReplyDelete@ lovely - neng, kelangan kumpleto...alin yung 50-50 at aling yung 100% kalokohan
ReplyDelete@ twin sis ikay - hayaan mo, nek taym aakapin ko na sya ng todo mwahahahahaah
@Ax - cge, hanggang thursday pa pwede magpalit ng sagot
uy, extra na naman ako sa billing! yehey! whehehe!
ReplyDeleteso pinatulan mo din pala itong 10 things chuvaness na ito ah! di na ako manghuhula... la akong paypal eh. penpal, meron! whehehe!
#5 - ibang level ang talent mo, day!!! don't tell me tumutulay ka din sa alambre habang nagboblog na habang nagtetext na habang nagbabasa ng libro na habang nanood ng CSI with merienda on the side ah! hehehe!
#12 - sorry naman, iba talaga ang naisip ko. kaya pwede mo akong sabunutan pag nagkita tayo uli. pls lang, dahan dahan sa sabunot ah! hehehe!
@ winkie - ahehehe... hinde pa naman...pero na-try ko nang mag-meryenda habang nagla-lunch habang nagbabasa ng book habang nanonood ng TV habang may ka-text habang may ka-chat
ReplyDeleteeh twin sis eh hindi ba si wolverine ang kasama mo d2??? at kaya ka hindi natuwa sa movie kc hindi ka man lang nagulat or natakot para atleast may chance kang mapayakap sa kanya???bwahahaha!
ReplyDelete@twin sis - plamis sa movie ako hinde natuwa...plamis talaga..yun ang totoo...hinde talaga maganda yung movie....hinde talaga...hinde talaga...hinde talaga ako binigyan ng chance na mayakap sya nyahahahaha
ReplyDeleteTsk nadisappoint ako kala ko nagkwento about sa ginawa habang nanonood ng movie hehe.
ReplyDelete50-50
7,12
Kalokohan!
2 & 5
sana manalo!
ate rhona ang hirap naman :(
ReplyDelete50-50:
number 8 : kasi sabi mo diba ang bestfriend mo ay lalaki.. sa tingin ko 50-50 na lalaki, kumbaga kafederacion.. kaya 50-50 xa. HAHAHA
number 10 : hindi nga nahulog si bulilit sa camella homes na hagdan eh kaw pa..
kalokohan:
2, 6, 13
ang 50-50..
ReplyDelete2 & 3
ang kalokohan: 6& 7
hehe ayan po medjo may pagbabago hehe..
@ joycee - nyahahha...baka sakalin ako e hehehehe
ReplyDelete@ cruxie - nyehehehe...ppahirapan mo rin ako dun sa tag mo e
@ lovely - meron ka pa hanggang maya para baguhin yan
ALL - 2 ang 50-50....3 ang 100% kalokohan
Hula ko..
ReplyDeleteFalse yung: 2, 10, 15
#2 parang wala sa itsura mo ang maglandi CF.. hehe
#10 Pakyaw talaga ha LOL
#15 lahat ata ng kilala kong babe nagkakandarapa pag dating sa sale sa damit, sapatos at kung ano pang girly stuff.
5 and 6 yung pepty-pepty! hehe
LOL @ Drag Me to Hell
ReplyDeleteMedyo disappointed din ako sa ending!
ang kalokohan..
ReplyDelete2,6,10..haha ntatawa kasi ako dito hehe..
50-50..3 at 12..
ayiii salamat ate sa chance na baguhin ko pa yan hehe..
@ Mon - ay sinabi mo pa....kainis
ReplyDelete@ Lovely - meron pa naman hanggang mayang 12 midnight e
@ALL:
ReplyDeleteso far, wala pang nakakakuha ng tamang set ng sagot
parang ayoko na magbago ng sagot. pero wala pang nakakakuha ng tamang sagot. hm. hm. hm.
ReplyDelete@ Ax - backread ka para makakuha ka ng idea kung ano tamang sagot...
ReplyDelete...set ang pinag-uusapan ha? pwedeng may isa or 2 kang tama pero mali yung iba
haha bait talaga ni ate..
ReplyDeletepinagbibigyan ako kahit walang paypal hehe..
eto na:
50-50
ang no.2 at no.8
at ang kalokohan
5.6,10...
hehe...gud luck na lang sakin