Sunday, June 7, 2009

Hayskul Layp!

Bago ako mag-emo, commercial muna.

Talent Shout Business Consultancy is holding a seminar entitled, "How To Be A Freelance Writer," on July 25, 2009 at ProAccess in Makati. The fee is Php 1,500.00. Those who are interested can email
trainings@talent-shout.com.

Also, we have updated the guidelines for my blog contest. You can
click here to view the updated guidelines (nandyan na rin pati mga prizes). Nais ko nga palang pasalamatan ang mga mababait kong sponsors na sina Joycee, Nika, Vhincent and Jerick Mac. Sa mga gusto pang mag-sponsor ng prizes, send lang kayo ng email. Joycee has already submitted her entry. You can check it here.

Sa mga nasa HR or Recruitment, Talent Shout would be having its 4th run of the Hiring Smart: Behavioral Interviewing Methods on July 4, 2009 at ProAccess. Those who are interested can email
trainings@talent-shout.com

Okay, on to the post (dapat 'ata ang title nito e, Commercialism hehehehe):

Pagpasensyahan na, uber busy this past few weeks plus writer's block. Gusto ko sanang sundin ang payo ni friendship Winkie sa kung anong ipo-post ko kaya lang too much disclosure is sometimes bad so sa June 12 na chikahan na lang yung dapat na ipo-post ko.

Malungkot na naman ako ngayon. Hinde dahil sa ulan. Dahil ang mga close blog friends ko ay unti-unting nagha-hiatus or uber busy at hinde na sila makapag-blog (o ayan deejay, hinde ko sinabing "runnng out of jokes"). Blogging at blog-hopping kasi ang pang-alis ko nang stress. Dahil sa sobra kong lungkot, napalinis ako ng cabinet ng wala sa oras (hanep sa segue!) at nahalungkat ko ang mga pix ko nung high school.


Kahit sino ang tanungin mo, iba talaga ang high school.

Actually, marami akong bagay na nami-miss sa MaSci:

  1. Sabayang Bigkas at Choric Interpretation - ay! kinakarir namin 'to. The gory-er (?!), the better. Andyang sampalan to the max with matching sabunutan. Andyang naka-paa habang nagpe-present kahit na ang init ng lupa (tuloy, sobrang makatotohanan ang luha)
  2. Carolfest - isang patunay na lahat ng Filipino ay marunong kumanta (kahit na Dum-dum-dum lang na background). Personal favorite ko ang Kumukuti-kutitap at Carols of The Bells (oo, yung nakakapanindig-balahibo na Christmas Song)
  3. Kit-Kat at Jungle Juice - mga pamatid-uhaw at pang-alis ng antok sa mga boring na guro. Isa ring reason para masulyapan mo ang crush mo o kaya naman ay magpapansin sa crush mo.
  4. Oven-hot na notebook - although hinde ako nage-express notebook, malamang sa hinde e nasa hiraman ang notebook ko. Madalas syang mahiram ng mga nage-express notebook. Dito ko napatunayan na kahit ang pinakamatalino sa Math e pwede ring mag-hiram ng notebook sa isang gaya ko (pwede ring krasness lang nya ako nyahahahaha) (at syempre, hinde Math notebook ang hinihiram nya dahil malamang magno-nosebleed sya)


  5. Mga Krasness at Lablayp - hinde ko alam kung may mali sa pagpapalaki sa'kin pero karamihan ng crush ko ay isinusuka ng mga kabarkada ko. Sa MaSci una kong natutunan ang masakit na katotohanan - Men are visual creatures. Mas magandang "hinaharap", mas type nila. Sa 2 nagkalakas ng loob na nanligaw sa'kin, pareho silang nahumaling sa isang "kapus-palad" (Sorry, R-18 ang topic)
  6. There is such thing as multiple intelligence. Imaginin mo, galing na nga sa Math, ang galing pa sa English! At marunong pang kumanta! Alien ang mga kaklase ko, pramis!
  7. Mga kalokohan - sa MaSci ako natuto nang iba't ibang style ng kalokohan. Kung anuman yun, secret muna. Baka gayahin ng mga bata :P
  8. Pagpapalit ng PE uniform kahit na nasa gitna ka ng hallway (may technique yan!)
  9. No Mercy! - sa CAT yan! yan ang pinaka-masayang sandali ng buhay namin heheheeh. Bakit? Dahil sasalubungin namin yung squad ng kabilang section. Kahit magkabanggaan kailangan, walang pakialam. At syempre pa, saktong makakasalubong ko si ultimate krasness...Ayun, kulang na lang ay yakapin ko sya mwahahahahaah

Pinakamasaya kong year sa MaSci ay 3rd year. Dun ko naramdaman ang ibig sabihin ng tunay na kaibigan at ng "walang iwanan" (minsan na kaming napagalitan dahil sa leakage. Hanggang ngayon, hinde alam ng teacher namin kung sino ang may pakana ng leakage dahil nung tanungin nya kami kung sino ang promotor, buong klase ang tumayo). Noon ko na-realize na kaya ko palang magtimpi 'pag galit. Doon ko na-realize ang value ng hardwork. Doon ko na-realize na basta ma-grasp mo ang konsepto ng isang bagay, kahit hinde mo memorized ang formula, at kahit pagbali-baliktarin ang tanong, kaya mong sagutin. At doon ko na-realize na minsan, face value lang yan nyahahahaha.

Bakit?

There was a time na nagtest kami sa Physics. Dahil sa hinde ako nakapag-aral, nagtanong ako ng formula sa bespren ko (required kami na memorize-in ang mga formula). Nahuli kami ng teacher namin na nag-uusap. Ayun, dahil kilalang bully ang bespren ko, sya ang napagalitan nyahahahaha.

Hayyyy...kaka-miss ang high school. Sa ngayon, may kani-kaniya na silang buhay. Karamihan, may asawa na, a small percentage may anak na, pero an even smaller percentage ay single pa (waaaaaaaaahhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!)
Ikaw, ano ang kwentong hayskul mo?

14 comments:

  1. soul mate kita ate hehe..ang 3rd year high school din ang pinaka da best sakin hehe..madaming nangyari madaming kalokohan pero sama-samang hinarap..isama ko na ang 2nd at 4rth da best talaga ang high school life..namimiss ko na rin sila..sama ako sa lungkot mo ate,hindi dahil sa ulan at wala akong payong hehe..

    ReplyDelete
  2. hay naku! hinde ka nag-iisa *double sighs*

    ReplyDelete
  3. may sabayang bigkas din kami nung high school. at meron kaming mga jingle contest. hay, hayskul layp nakakamiss nga yan! Manila Science ka pala, galing naman.

    actually ako rin, partly hiatus. marami ring inaasikaso!

    ReplyDelete
  4. If u actually look back at pictures way back then [highskul], una napapansin ko hairstyles.. sa generation ko ha[im only 29 lol] and natatawa ko, na carry ko ba tong hair-do sa ulo ko haha! that was the funniest thing when in reminiscing mode.

    ReplyDelete
  5. @Ax - huwat?! anuber, dami nyo namang naka-hiatus/ partly hiatus mode!

    I'm not sure sa private schools pero sa publis schools uber uso ang sabayang bigkas, choric interpretation, jingles at kung anik-anik pang kalandian

    ReplyDelete
  6. @tsiremo - ay oo, evolution of the hair nga! dati kulot ako, ngayon straight na...at mahilig ako sa sangkatutak na ipit sa buhok noon kaya nasita ako dati ng principal namin hehehehe

    welkam sa aking eHaus (oha!)

    ReplyDelete
  7. ang mga naging kaibigan ko nung hayskul.. hanggang ngayon magkakasama pa rin kami.. di pa kasi kami gumagradweyt..joke ;)

    sa facebook..sa biking.. sa iba pang activities ngayon magkakasama pa rin kami.

    ReplyDelete
  8. ako din na miss ko yong high school days ko.. pati bespren ko.. grabe naman yon sampalan at sabunutan.. Lol

    ReplyDelete
  9. @sandi - kami, nagkikita kita na lang kami pag reunion o kaya may ikakasal..bukod doon, text text at FB na lang

    @philmor - ahehehe...sabi sau kinakarir namin ang sabayang bigkas e...kaya pag sinabing "inapi ng mga Kastila", kita mo talagang inapi..oha

    ReplyDelete
  10. Totoo yan na the best ang highschool, nito lang Saturday nagkita-kita kame at ganun pa din, wala pa ding nagbago sa friendship namen.

    Ewan ko pero pinakamasaya ko din ang 3rd year wehehehe. Paapir nga!

    Sa friday na weee!

    ReplyDelete
  11. Woah. MaSci. Yan ang astig at isa sa mga best na school sa Manila at buong Pilipinas.

    ReplyDelete
  12. hmmmm mas masaya ang college life ko pero madami din akong di makakalimutan na sandali nung hiskul ako lalo nung 3rd yr dahil dun nagsimulang tumubo ang sungay ko..ahehe

    sakto naman ang posting na ito nung linggo lang nakasama ko yung dalawang babaeng kasma ko sa lahat ng kalokohan nung 3rd yr ako.ahehe

    ReplyDelete
  13. (Commercial muna: Nyemas! Napaka-choosy nitong blogspot! Pati ako hinde maka-sagot ng matino sa commentarization! grrrrrrr)

    @ Joycee - wee!! hexcited na din aku!!!!!

    @Joffred - halu! halu! welcome sa aking eHaus

    @Azul - 3rd yr nga 'ata ang pag-usbong ng sungay...pasaway din ako nung 3rd yr e

    ReplyDelete