Friday, June 26, 2009

Ang Tangi Kong Pag-Ibig

First, a word from our sponsors:

Dalawa na po ang entries natin for my betdei kontes - Ax's and Joycee's. Bigyan sila ng kalaban! Sumali ka na! Nahihiya ka? O sige, bumoto ka na lang.

At sa mga interested na um-attend ng Hiring Smart: Behavioral Interviewing Methods Workshop at How To Be A Freelance Writer Workshop, email nyo lang ako.

Pasalamatan natin ang mga sponsors:

- Joyce of http://joyceish.com/
- Vhincent of http://www.chizmosalounge.com/
- Nika Catbagan of http://www.bloggingpinay.com/
- Jerick Mack of http://www.rickspot.com/

AT kelangan ko ng part-time writers. Kung interesado, i-email lang ako

ISA PA:

Sa mga sa sasali sa kontes, paki-post na po ang link kasi may botohan session pa sa senado so baka mahirapan kayo kumuha ng maraming votes kung last minute nyo sya ipo-post.

Post na!

As usual, isa na namang inspirasyon muna sa mga blog na madalas kong daanan. Thank you kay AC wan mor taym!

(at talagang Constantly ng MYMP ang tumutugtog sa iPod ko ngayon. Mapagbiro talaga si Bro)

Hinde ako normal na babae (ang hihirit ng "Abnormal" ay sasargohin ko sa mukha ng bonggang bongga). Iba ang mga hilig ko. Sa payat kong 'to, bully ako nung bata ako. Laman ako ng guidance at isinusuka nang teacher. Hanggang sa paglaki ko, nadala ko yung lakas ng loob.

Pero sa nilakas ng loob ko, isang bagay ang hinde ko kinaya - Love (awww! emo post na naman?! Oo, may angal ka?). Flashback tayo (haba ng intro no?!):

Original Wolverine

Itago natin siya sa pangalang "Original Wolverine" (nyemas! mas mahaba pa ang code name kesa sa tunay na name). Puppy Love sya (hinde sya tuta at hinde rin sya mukhang tuta). Kaklase ko sya nung high school na..ehem...minahal ko (wag sana 'tong makita ni Mama). Typical Virgo - perfectionist, mayabang at may ipagyayabang. Na-in lab ako dahil sya ay sweet, matalino, perfectionist, mayabang at may utak...bukod sa...ehem...maganda ang kanyang lips at mata...nakakatunaw. Reason for "break-up" (kasi nga puppy love lang): religion at isang lalakeng itago natin sa pangalang "Havok" (hinde halata na fan ako ng X-men)

Havok

Kaklase ko rin nung 1st year. Hinde ko sya pwede i-describe kasi medyo may pagka-celebrity ang lolo mo. Kung meron mang award sa kagandahan, sya ang aking award. Bakit? Nameyn, sa estado nya, sa'kin sya nagka-crush. Yun nga lang, nyemas! Torpe ang lolo mo. Hinde makaporma. Ilang beses nag-attempt kaso palaging palpak ang attempt. Nakakatuwa kasi ang daming nagpapa-cute sa kanya pero sa'kin sya nagpapa-cute nyahahahaha. Type kasi ng lolo nyo ang simple...uber simple. Hinde rin pwede maging kami dahil iba rin ang religion nya.

Iceman

Kaklase ko sya nang 4th year high school. Nanligaw. 2 weeks bago ko sya sagutin (kasunduan kasi namin e pag ka-graduate), ayun, nahumaling sa may malaking boobs.

Lanugo

Ahead sya sa'kin nang isng taon nung college. Nanligaw kaso bumalik ang dati nyang nililigawan nya at medyo nilandi. Nagpalandi ang loko. Patay na naman ang lablayp ni Polaris.

Mooncake

First opisyal boyplen. Opismeyt. Tumagal nang 9 months. Reason for break-up: Masyado pa raw akong bata para mag-asawa. Enjoyin ko daw muna ang buhay ko. Sana naisip nya yun bago sya nanligaw no? Sarap dagukan e. Pero friends pa rin kami ngayon. May asawa na sya although..ehem...kakahiwalay lang nila (karma! mwaahahahahaah! ahek!).

Niyog

Kung bakit yan ang code name nya, mahabang istorya kaya wag nang ungkatin. Nanligaw. Okay sana kasi pasado kay Mama. Bigyan ba naman sya ng 2 dosenang bulaklak, pansit at kung anik-anik pa. Nakisuyo ang mama ko na ihatid kami sa Binangonan para dalawin sina Tatay at Nanay. Nag-disappearing act. Nagpaparamdam paminsan-minsan pero iba na ang pakay nya...at ayoko ng pakay nya. Nyemas! Ano tingin mo sa'kin?! Lecheng 'to...ay saglit, hinde pala sya nagbabasa nito.

Mahal #12

Ahek! Yan kasi ang tawag nya sa'kin. Yung 12 e yun yung araw na nagtapat sya. Walang future. Bakit? May asawa...nyemas! Sayang! Kasi maalaga sya. May pagka-seloso pero ma-effort. Patay pa rin ang lablayp ni Polaris.

Mahal#10

Nakasabay ni Mahal #12 sa panliligaw. Syempre, sya ang sinagot ko. Hinde gwapo, mukhang sandok pero bow ako. Sobra-sobra ang pagmamahal sa'kin ng mokong. Sya ang pamantayan ko ng tunay na lalake (bukod sa Papa ko tsaka Lolo ko). Madami akong natutunan sa kanya. Reason for break-up: Nag-inarte si Polaris. (Sayang! Huhuhuhuhu! Sobrang sayang!)

Mahal #10.b

Mahilig akong matapat sa magkaibigang sabay nanliligaw. Bespren ni Mahal #10. Nag-give way pero nanligaw din ulit after 2 years. Kaso may jowa pala sya nung time na yun. Inaway-away ako ng girl at pinagmumura ako ng bonggang bongga. Dahil mabait akong bata, pina-blotter ko sya. Mwahahahahaa....May anak na sila ngayon.

Frater

Tinawag ni Lord (pero buhay pa) kaya ako iniwan. Jowkness! Hinde lang talaga kami meant to be. We bring out the worst in each other pag kami. Hanggang prens lang talaga. Sya ang aking spiritual guide.

Kalbo

Nyemas! liligaw-ligaw e may asawa na pala! Tapos kung ano-ano pa pinagkalat tungkol sa'kin?! Sargohin ko kaya mukha mo noh?! Wag mo nang pagpilitang i-add ako sa FS. Naka-block ka na kahit sa YM. Wag ka nang mag-text at mamumura lang kita sampu nang asawa mo at nanay ng asawa mo.

Mangga

Tama na, wag na natin syang pag-usapan. Masyado na sya famous sa blog na'to. Reason for break-up: Ako ang third party!

Haaayyyy...san ba nakakabili ng spark?!


Digg!

Buy Me A Mocca Frappucino

21 comments:

  1. wow ang daming lalake pala nyan ate hehe..
    sayang nga si mahal#10..tsk tsk..

    ikaw kasi eh sinisi daw haha..jokeness,,

    si wolverine jr. kung pwede lang tuktukan ko na yan ngayon tutuktukan ko talaga,..manhid manhid..hmp..

    spark meron kaya nun sa mercury drug ate hehe...

    ReplyDelete
  2. haha! ate salamat sa special mention, kaya lang mali naman yung link dun sa entry mo. haha. nakalagay "http://awefull.com", ang tama po eto: http://awefullworld.com hahahah sori nangealam pa ko. hihi. :P

    btw, para saan po yung part time writers mo? hmmm... hekhek! :D

    matanong ko lang po: ano ba religion mo at parang wala yata uubra sayo? hahaha.. magpakaermitanyo ka na lang kaya o agnostic para lahat ubra? wahhaha.. joke lang. :P

    napakadami mo naman boys! kinabog mo ko! wahahahahha!

    ReplyDelete
  3. hmmm... hi CF!

    malapit ko na i-post yung entry ko para sa pakontest mo. baka mamya nang hapon ah! hehe

    sa lahat ng nilista mo, san jan si ako este si Jet!? LOL

    ReplyDelete
  4. ayan ba ang listahan ng hindi papapasukin sa langit?

    ReplyDelete
  5. typical virgo - mayabang, perfcectioninst, matalino, at may ipagyayabang.

    hindi kaya ako si original wolverine? huhulolz!

    malamang nga hindi. kasi hindi naman tayo naging magkaklase nung hayskul. wahehehehe!

    ReplyDelete
  6. twin sis ang dami mo nman plang naging boylet..ahihi ^_^

    ay nakuh sis dapat ganito nlng motto mo ngayon... "kung ayaw mo, wag mo". wag sayangin ang kagandahan sa taong duling nman ang paningin...nyahahaha! :p

    ReplyDelete
  7. @lovely - oo na, mali n ako...huhuhu....dami nang gustong bumatok sa'kin dahil jan...mas babatukan mo pa ako pag nalaman mo buong istorya

    nagtanong na ako sa mercury, wla daw sila nun

    ReplyDelete
  8. @AC - ayyy! churi po churi po....nipalitan ko na...pasenxa na, kulang sa tulog kaya malabnaw pa utak ko nung ginawa ko yan

    kelangan ko ng part-time writers for my biz...naggagawa kasi kmi ng articles for American companies

    akshuli, Katoliko po ako....sadyang lapitin lang ako ng ibang religion...feeling ata nila walang direksyon ang kaluluwa ko ehek!

    ahehehe...hinde naman....sinama ko lang kasi pati yung mga nanligaw lang

    ReplyDelete
  9. @ Mon - hi CF! cge antayin ko yan

    Naku CF, wala dyan si Jet. Iba storya nun e...prenli prens na naging crush (lang!) na prenli prens pa rin hanggang ngaun

    ReplyDelete
  10. @ Ax - ay hinde naman Ax....mejo mainstay lang sila sa purgatoryo nyahahahahaha

    ReplyDelete
  11. uunahin ko na'to

    @ikay - akshuli meron na akong pinagdedeydikeytan nyang "kung ayaw mo, wag mo"

    well, what can i say, maganda ang lahi natin nyahahahaha

    ReplyDelete
  12. ngayon ko lang napansin, kulang ang listahan ko...hinde ko naisama si Boy Utang

    ReplyDelete
  13. wehehehe dame boylets!!! boy utang?? syempre obvious na kung anu sya hehe.

    o basta sabi ko nga sayu wag maggive up diba, good things come to those who patiently wait :)

    talaga bang gusto mo na layuan si wolverine jr? lols

    ReplyDelete
  14. joycee

    ang nakakatuwa ay yung story ni Boy Utang...pwedeng pang-MMK...may nalalaman pa syang laslas drama dahil binasted ko sya

    layuan?!nameyn, para sa ikatitino nang puso at utak ko oo...kaso, spell mahirap :(

    ReplyDelete
  15. syet!bakit ba ngayon ko lang nabasa to..ahuhu


    may reserba akong spark plug gusto mo ba?ahehehe

    ReplyDelete
  16. @ azul-

    pahiram nga...may pagsasaksakan lang ako

    ReplyDelete
  17. OMAYGAD. PANALONG PANALO ANG POST MO!!!!!! Kinilig ako. Nang konti. Sayang, walang pics para makita ko kung may kamukha ka. Alam mo ba yun, me tendency ako na pag kinompare ko yung face ng magsyota or not-magsyota, makikita ko na... ay, meant for each other to.

    Parang yung isang post mo about your BFF (OOOPS!) Wag mo akong batuhin ng traktora ah

    ReplyDelete
  18. Neil

    *binato pa rin traktora*

    iba nga laman ng puso ko...wag kang mag-alala, pag nakita mo sila, sasabihin mo "Dios ko, bulag ang babaeng 'to" nyahahaha

    ReplyDelete
  19. ```kilig````

    huli ako sa balita! tsk tsk tsk.

    may john lloyd at sarah na pala sa blogosphere.bwahaha!

    ReplyDelete
  20. @ Reesie :

    asus!

    talagang c lloydie ang naisip mo ha?

    ReplyDelete