Sunday, June 28, 2009

Ang Panonood Ng Transformers

Mga pagkakakitaan muna:

Dalawa na po ang entries natin for my betdei kontes - Ax's and Joycee's. Bigyan sila ng kalaban! Sumali ka na! Nahihiya ka? O sige, bumoto ka na lang.

At sa mga interested na um-attend ng Hiring Smart: Behavioral Interviewing Methods Workshop at How To Be A Freelance Writer Workshop, email nyo lang ako.

Pasalamatan natin ang mga sponsors sa aking kontes:

- Joyce of http://joyceish.com/
- Vhincent of http://www.chizmosalounge.com/
- Nika Catbagan of http://www.bloggingpinay.com/
- Jerick Mack of http://www.rickspot.com/

AT kelangan ko ng part-time writers. Kung interesado, i-email lang ako

ISA PA:

Sa mga sa sasali sa kontes, paki-post na po ang link kasi may botohan session pa sa senado so baka mahirapan kayo kumuha ng maraming votes kung last minute nyo sya ipo-post.

SPOILER ALERT AT PG-13

Kung hinde mo pa napapanood ang Transformers 2 e wag ka nang masyadong mag-abalanag mag-basa nito. May mga ilang eksena kasing mababanggit.

Maganda sya (yung pelikula). Na-appreciate ko kahit hinde ko napanood yung 1st na Transformers (dahilan kung bakit nagda-dalawang isip akong sumama)...at maganda talaga si Megan Fox. Grabe, nakakatibo sya sa kagandahan. Ang maganda sa Transformers e ma-aksyon sya at the same time nakakatawa. Tamang hirit ba. Hinde rin masyadong required na panoorin mo ang first part para maintindihan ang part 2. Bukod sa walang mga naglalabasang pustiso at langaw! (Oo, masama pa ang loob ko sa Drag Me To Hell) Marami akong natutunan sa panonood ng Transformers tulad ng:
  1. Kung manonood nang sobrang aga, dapat matulog ka the night before nang sobrang aga din para hinde nasasayang ang buong sabado mo kasi antok na antok ka na. (Nyemas! Hinde ako nakapagtrabaho. Walang saysay ang sabado ko dahil pag dating ko ng bahay plakda ako. Nagising ako ng 7:00 pm, nag-comment at natulog ulit. 5:00 am na ako nagising)
  2. Kung manonood ng Transformers, magsama nang kaibigang babae dahil mao-OP ka pag labas ni Megan Fox. Maririnig mo kasi lahat ng kalalakihang sabay-sabay umuusal ng "Oh shit!" na para bang gusto nilang rape-in yung screen. Dama kong kalahati sa mga lalake na nanood ay lumabas nang sinehan na masakit ang puson. Siguro kung sa normal na screening ako na nood, baka may kung ano nang kababalaghan na ginawa ang iba sa kanila. At least kung may kasama kang babae, pwede kayong humirit nang, "Ay shit! Parang ako lang a!" nyahahaha
  3. Cute tingnan ang dalawang asong nag-aanuhan pero mas cute pa ring makakita nang maliit na robot na nire-rape ang binti ni Megan Fox.
  4. Kung mahiluhin at walang kaalam-alam ni katiting tungkol sa Auto-bots at Decepticons, wag nang manood. Maloloka ka lang dahil magakamukha sila (although mas matino palagi mag-transform ang mga auto-bots kesa Decepticon)
  5. Sa panonood ng Transformers, magdala nang jacket lalo na kung ang katabi mo sa kaliwa ay magka-akap. Kakainggit. Dapat naki-akap ako.
  6. Pwede palang maging cheesy ang linyang, "Take my parts" at kaya palang mag-induce nang emosyon ang isang robot. Nyemas, muntik na akong maiyak nung mamatay si Optimus Prime. Buti na lang na-realize ko na kalagitnaan pa lang ng pelikula so malamang mabubuhay sya uli. Haller! Si Optimus Prime yun. Halos sa kanya nabubuhay ang story ng Transformers. Bukod sa, madalas akong manood ng cartoon version ng Transformers sa Cartoon Network.
  7. Ihanda ang sarili sa umaatikabong romantic moments sa pagitan ni Megan Fox at ni Shia LaBeouf pati na rin si Shia at nang isang decepticon (segue: pwede palang mapagkamalang decepticon si Polaris). Lakasan ang loob dahil malamang maiinggit ka na naman. Sa mga ganitong pagkakataon, magandang magdala nang malaking bag para pwede mong akapin
  8. Kung masyado kang intelektwal, wag panoorin ang Transformers. Haller! Meron ka na bang nakitang gumawa nang film review ng Tom and Jerry? Wala di ba? Enjoyin na lamang ang pelikula (although hinde ko rin maintindihan bakit nila sinasabing isa lamang ang piece na natira kay All Spark. Di ba dalawa? )

Okay, matutulog na ulit ako.

PS:

Madami rin palang nakahalata na hinde nadumihan yung pants ni Megan Fox kahit na nasa kalagitnaan sila ng disyerto.


Digg!

Buy Me A Mocca Frappucino

20 comments:

  1. Nyahahah! andamo kong natutunan dito ah!

    Unang-una, parang may galit ka sa gelpren kong si Megan Fox, kasi parang sinasadya mong iba-ibahin ang pangalan niya. hahah, at confirmed na na crush na crush mo si Lio Loco este Wolverine Jr! LOL

    Happy Sunday CF! LOL

    ReplyDelete
  2. kahapon kayo nanonood no?! nakita namin kayo sa glorietta!

    joke lang! hehe.

    ReplyDelete
  3. ay nako naman talagang kras na kras ko si megan fox! pero di ako tibo ha. hehe. actually, nawiwirdohan talaga ko sa mga ganyang pelikula, bukod sa di nadumihan ang pants ni megan ay HINDI KAYA SILA NAGUGUTOM? NAWIWIWI? NAJEJEBS? nyahaha. joke lang. di ba nakakapanghina pag gutom ka tapos panay aksyon? tapos lagapak ka na ng bonggang-bongga kung saan pero buhay ka pa din? wahehehe.

    naiyak din ako nung namatay si optimus.. nandun sa entry ko. hehehe.

    ReplyDelete
  4. haha tawa naman ako ng tawa dun sa gusto mo ng yakapin ung nasa kaliwa mo hehe..

    hmm naiisip ko na nga kung manood kaya kami ng sine, kaso nahihiya naman akong ako ang mag aya, hehe at dahil may usapan kami haha..

    palagi akong may dalang bag, at jacket kapag nanonood,dahil na try kong manood sa eastwood takte halos gusto ko ng tapusin ang palabas maka wiwi lang dahil sa lamig hehe,..nung wala akong jacket at wala rin akong kayakap dahil sa sabit lang ako haha..
    sana kasi ate nisama mo ko ng nasabi mong parang ikaw lang si megan hehe..

    ReplyDelete
  5. @ Mon - ay sori naman...kakagising ko lang nung ginawa ko yan...wak ka alala, ni-edit ko na...maayong buntag CF (limited ang alam kong bisaya, pasenxa)

    ReplyDelete
  6. @Ax - obyus naman na hinde mo kami nakita e...wala kami sa glorietta...greenbelt kami...hinde mo man lang ako sinama...sau naman ako tampo, bati na kami ng hamster e

    ReplyDelete
  7. @ Lovely - nyak! ayain mo na sya, ano ka ba?! ang pagiging dalagang pilipina e applicable lang sa pagsuko ng "Bataan"...pareho kaung nagkakahiyaan (dagukan ko kau e) kaya pwede ba, ikaw na magsabi sa kanya na nood kau ng Transformers

    ReplyDelete
  8. hmmm...twin sis atleast nkapers beys ka na kay wolverine, jr..nyahahaha...nakadate mo na sya sa sinehan...malapit na yan...hahaha! ^_^

    at malamang sa pirated DVD ko na lang mapapanood yang movie na yan dahil sa sobrang mahal ng sine d2..at buti sna eh kung makakatabi mo yung boylet na kasama mo..dahil my gus abelgas! hiwalay ang boylet at ang gurlash d2 sa loob ng sinehan...hmp!

    ReplyDelete
  9. AC - oo nga e...hinde man lang sila kumain o nagjebs....pro questionable pa yung pag-ihi...malay mo, habang tumatakbo sila e naihi sila hehehe....nabasa ko nga yung post mo, ako pa papahuli e hinde pa ako tapos sa pagba-backread sa blog mo nyahahahaha

    nagwa-wonder nga rin ako kung may super powers yung mga tao sa Transformer kasi nakakayanan nilang lumagapak mula 10 to 12 feet nang wala man lang nangyayari sa buto-buto nila

    ReplyDelete
  10. hmmm... parang gusto kong malaman kung sino ang kasama mong nanuod ng T2. dami kasing nabanggit abt watching it a krasness eh! hehehe!

    well, since di naman ako intelektwal, na-enjoy ko ang film. kasi fan ako ng transformers kahit nung cartoons pa cya :) nakakataka lang, pati pala tao kaya na i-transform ng decepticons. hehehe!

    sobrang kinuha nung white pants ni megan fox ung attention ko. in fairness, ang galing nya magmaintain ng white pants kahit na si shia eh lasuglasug na yung itsura. hehehe!

    ReplyDelete
  11. @winkie

    may mga times na what you don't know won't harm you...sa kaso mo, what you don't know won't harm me...hehehehe...baka batukan mo ako pag nalaman mo na si Lio ang kasama ko...

    wan mor taym, hinde sya date...ang date ay para sa taong may gusto sa isa't isa...sa kaso ko, one way lang nyemas!

    oo nga, pwede palang maging tao ang decepticons...wla sa cartoons nun....

    Tide ata ang gamit nya kaya hinde nadudumihan...impernes, nagkandahulog pa sya mula sa bubong at ilang beses din syang nasabugan

    akshuli, di ko rin sya agad napansin..si Lio ang nakapansin...nakatingin kasi ako sa boobs nya ahek!

    ReplyDelete
  12. Ewan ko ba pero tawa ko ng tawa sa post na 'to, kahit late ako nagreact sa text mo, kinilig talaga ko pramis, konting tyaga pa bibigaydin yan wehehhee.

    Di ko pa napapanood transformers wala naman nagiimbayt sken :(

    ReplyDelete
  13. @ joycee -

    hayyy...ang tagal bumigay...ahek!

    nakupo, ikaw na mag-imbayt *turo sa advice kay lovely*

    maganda naman yung movie impernes kaya lang gusto ko talagang upakan yung nasa kanan ko...wa-care ahuhuhuhuhu

    ReplyDelete
  14. Panalo talaga si Megan Fox! At take note, sa dinami-rami ng adventures nila na halos ikamatay si Shia, wala siya ni isang galos. At di man lang narumihan ang white, tight-fitting, sexy pants niya. Haay... ang ganda talaga niya...

    Yung kapiraso ng AllSpark ni Shia, ginamit nila para buhayin si Jetfire, yung matandang robot (Take my parts).

    Oo nga, bawal mag-isip habang nanonood ng TF-ROTF. Hindi ka bibigyan ni Micheal Bay ng pagkakataon.

    ReplyDelete
  15. @shattershards

    nyak! oo nga no?, hinde ko naalala yung kay Jetfire...o well, edited na ang entry

    ...korek korek korek...kelangan talaga enjoyin mo lang sya...wag mag-critical analysis

    ReplyDelete
  16. di ako makarelate kasi naman di ko pa napapanood at wala din akong planong panoorin..wala lang ahaha

    at anu yan huh?kala ko ba?

    okie i shut up now!

    ReplyDelete
  17. @azul

    oo nga e, nyemas! nag-drama pa man din ako tapos eto rin ang ending....anuber?! kahirap mag-move sa kahit na anong direksyon

    ReplyDelete
  18. curious din ako kung sinong kasama mo? crushness mo sa opis nyo pala? kakakilig!!!

    ReplyDelete
  19. @ Reesie

    nyahahaha...sikwet...backread ka tsaka upread (nice! may bago na naman akong term bukod sa backanswer)

    ReplyDelete
  20. @ twin sis ikay -

    i know how you feel...genyen din ang sinehan sa Oman kaya hinde ako makapanood ng sine doon...panay pirated lang din ang ginagawa ko nung nasa Oman ako...hayaan mo, pag dating mo dito samahan kita manood nang bonggang bongga

    ReplyDelete