Kaya naman sa iilang kaibigan na meron ako, palaging thankful ako. Alam ko kasing hinde ako ang pinakamadaling maging kaibigan. Medyo may katigasan ang ulo ko at masarap akong batukan pag umandar na ang topak ko.
Isa sa mga sobrang mahal na mahal kong kaibigan ay magbebetdei na bukas. Ito ang regalo ko sa kanya (Pasenya na Felipe, tag-hirap. Treat na lang kita sa birthday ko). Sino ba si Felipe?
Si Felipe ay si Dr. Philip Richard B. Budiongan. Madalas ko sya mabanggit din dito. Isa syang optometrist at the same time e Flight Steward. Sabay kaming nangarap noon nung pareho pa kaming nasa Plastilens. Siya, maging isang steward...ako, maging isang writer.
Bakit sya special sa'kin? Nameyn! Nakita na nya akong lasing, bangenge, masaya, mukhang dugyot, hampaslupa, maganda, panget...lahat na! Wala akong tinatago sa kanya (except yung mga bagay-bagay na kelangang itago). Alam nya halos lahat ng sikreto ko - kung ano nakakapagpasaya sa'kin, kung ano ang pwedeng magpaiyak sa'kin, kung hanggang saan ang kaya ko.
Pareho kami ng hilig sa halos lahat ng bagay. Pareho kaming mahilig kumanta, kumain, mag-trip. Feel na feel naming bumirit sa kanta ni Rachel Ann Go at Christian Bautista na You and Me (We Had It All). Feel na feel ko rin syang ka-duet sa The Prayer although gusto nya ako batukan kasi nagpa-flat ako pag dating dun sa mataas na part hehehehe. Suki din kami ng mga videoke bars kasi ayaw namin paawat pagdating sa kantahan.
Mahilig kaming mag-food trip (halata naman sa picture di ba?) kaya naman kilala na kami ng halos lahat ng kainan sa Quiapo at SM Manila (well, bukod sa gwaping kasi sya so ang mga kababaihan ay naglalaway sa kanya).
Nakakatawa kasi kahit kelan hinde ko sya naging crush. Simula pa lang, friend na talaga ang dating nya sa'kin. Pero kilala nya lahat ng crush ko at boylets ko.
Mahal ko sya dahil kahit kelan hinde na pinaramdam sa'kin na hinde kami magka-level. Pag mali ako, pinapagalitan nya ako, pag tama ako, nire-reinforce nya ang paniniwala ko. Pag malungkot ako, hinahayaan nya akong magsumiksik sa kili kili nya para umiyak (sorry Doc). At patay na patay ako sa amoy ng kili-kili nya..sarap singhutin (saglit, parang addict ang dating ko dito a) ahehehehe...Hinde kami pareho ng opinyon sa lahat ng pagkakataon pero hinde namin pinag-aawayan yun. Respeto.
Alam din nya pag may ginagawa akong kababalaghan (kung anuman yun, sa'min na lang). Kaya nyang i-predict kung ano magiging reaction ko kaya naman todo tiwala ako sa kanya. Gano kami ka-close? Tinginan lang sa mata alam na namin ang iniisip ng isa't isa.
Hinde perpekto ang prenship namin. May mga times na nagkakainisan din kami. Pero sa 2 1/2 years na magkaibigan kami, never pa kaming umabot sa point na nagkalimutan na, hinde na nagpansinan.
Siguro pareho kasi kaming Cancer. Siguro sya yung lalakeng version ko. Siguro sadyang kelangan ko lang ng makakaintindi sa topak ko. Siguro alam ni Papa Jesus na hinde ko kaya lahat at minsan kelangan ko nang matinong masasandalan.
To Doc Philip - alam mo kung gano ako ka-thankful sa prenship natin. Alam mo kung gano ka kaimportante sa'kin pero uulitin ko pa rin:
Commercial:
Dalawa na po ang entries natin for my betdei kontes - Ax's and Joycee's. Bigyan sila ng kalaban! Sumali ka na! Nahihiya ka? O sige, bumoto ka na lang.
At sa mga interested na um-attend ng Hiring Smart: Behavioral Interviewing Methods Workshop at How To Be A Freelance Writer Workshop, email nyo lang ako. Kung tambay ka sa blog ko, pwede kang um-attend for free sa Hiring Smart!
Pasalamatan natin ang mga sponsors sa aking kontes:
- Joyce of http://joyceish.com/
- Vhincent of http://www.chizmosalounge.com/
- Nika Catbagan of http://www.bloggingpinay.com/
- Jerick Mack of http://www.rickspot.com/
AT kelangan ko ng part-time writers. Kung interesado, i-email lang ako
ISA PA:Sa mga sa sasali sa kontes, paki-post na po ang link kasi may botohan session pa sa senado so baka mahirapan kayo kumuha ng maraming votes kung last minute nyo sya ipo-post
Buy Me A Mocca Frappucino