Friday, December 3, 2010
Sinungaling
Gusto ko magmura sa mga sandaling ito kaso naalala ko hinde nga pala ako marunong magmura...taragis na yan!
Grabe! ang init talaga ng ulo ko. Halata naman di ba? Kelangan kong magpaalis ng galit. Sino gusto uminom? Kahit hinde ako umiinom, iinom ako matanggal lang ang galit ko.
Mga lalake talaga! Mas okay pa bading sa'nyo a! At least ang bading sinasabi nila kung ano sa loob nila hinde tulad nyo magsisinungaling pa kayo. Tamaan sana kayo ng kidlat. Grrrrr!
Tuesday, November 30, 2010
Buying A Form-Fitting Swimwear Online
Typically, a lot of women will look and purchase swimwear online just because it is an eye candy and looks good on the model. However, this must not be the case of getting a swimsuit since you will be the one wearing it on the beach, not the model. So, you must pick out one that would look best on you and flatter your body type.
Wednesday, November 24, 2010
Tama Na!
Ay saglit...sorry na-bading si kikayness. Babae nga pala si ako! bakit nga ba ako nag-post ngayon?
- May lagnat ako?
- May kinaiinisan na naman ako?
- May pinaparinggan ako?
- Nag-away na naman kami ng ex ko?
Enggg! Wrong answer!
Kaya active-active-an (may ganung term?!) na naman si Kikay ay dahil pangalawa sa huling ber na - November! Syempre, tulad ng nakagawian, panaho n naman ng Christmas Wish List. Aagahan ko na ngayon kasi walang pumatol last time. Baka ngayon, may maantig ang damdamin lalo na't ni langaw e walang nalabas sa pitaka ko. So here goes my wish list (maantig ka...ay wait, wala na palang nagbabasa sa blog ko!):
- iPhone 4. Sa mga hinde pa nakakaalam, namaalam na si iPhone 3Gs kaya balik ako kay Tres. I miss Iffy :(
- iPad or iPod Touch. Oo, balak kong maging endorser o kaya stock holder ng Apple
- Diablo 3 na hinde pa ata nailalabas hanggang ngayon dito sa 'Pinas.
- One day na pahinga (ako lang ata ang pwedeng magbigay nito sa sarili ko)
- Pig out ulit sa Dad's (paging Renan, please proceed to Makati)
- Pugad Baboy, latest edition. Sa sobrang tagal ko nang hinde nakakatungtong ng National Bookstore, hinde ko na alam kung nasa anong number na ang Pugad Baboy
Hayyyy.....nasa may citiland po yung box na pwede nyong paglagyan ng regalo nyo sa'kin. (Oo, hiniram ko pa ito kay Jollibee...hinde mo na-gets? Nebermayn!)
Tuesday, November 23, 2010
Choose Fashion Swimwear That Will Flatter Your Body
The thing is, they do not just have to fit, they also need to be fashionable and make us look good at any angle because onlookers are everywhere. However, we cannot really look good at any angle unless we have paid thousands for cosmetic surgery. The truth is, no one is really perfect, but we can enhance our assets and hide our imperfections just the same. This can be done by choosing the right fashion swimwear that we will don once summer kicks in.
For girls who think that they are too thin wearing swimsuits, bold, bigger prints in bright colors is the answer; while smaller prints with darker colors work for women who are bigger. Prints are very powerful because they can play tricks on the onlooker's eyes, so just know the right combination of prints and colors that will work for your body type.
Larger women are advisable to wear one piece fashion swimwear especially if they have love handles they need to hide in the tummy area. Likewise, girls who have hourglass figure also look good in one piece because it accentuates their body. For women who have larger breasts, swimsuits that have bigger support on the bikini top will work so they won't look like they step out from Playboy's pages. The good thing is that Jellous, a swimsuit company, offers a vast collection of fashion swimwear that they choose from depending on their body type.
Finally, do not just opt for a swimwear company that you have heard of. Aside from malls, online shops like Jellous also have swimwear that will best fit your body. They are more affordable so you can have more than one swimwear as you please. Just remember that the most fashionable thing during summer aside from having swimwear is that you feel confident and hot on your bikini and it will really transcend into high fashion.
Thursday, November 11, 2010
Horse Weathervane Gallops in Popularity
Today, we can find weathervanes everywhere. They do not just serve as weather instruments, they also take the form of decorations that give more depth and tradition to a home. They can be normally found atop cupolas, as centerpiece in gardens, and as tabletops that give personality to your interior.
Weathervanes are not just the rooster weathervanes we see on top of our roofs. They can be of other designs such as pigs, arrows, and baseball players. Horse weathervane can also be found in different forms, sizes, and materials. The most popular, however is the prancing or running horse.
The silhouettes of horse weathervane were copied from race horses with their own running styles. The Blackhawk horse weathervane is one of the most popular weathervanes in the market today. There are also other weathervane manufacturers that make their own horse weathervane variations like the horse through hoops, leaping, running, and leaping horse.
Reasons vary why this type of weathervane is popular. The most popular reason though is that there are lots of horse lovers out there; and if they will purchase weathervanes, then they will get them with horses on top. As horse lovers, it would be something that is an addition to their collection.
Apart from using them as weathervanes, you can also use them as a finishing touch to your wall. They also go well as lamp fixtures.
If you want to have one of these horse weathervanes, you can check out Prairie Rose Country. They make the best handcrafted horse weathervane that will look perfectly on any location that you wish to put it. They also make 3D weathervanes that look better than 2D.
Monday, November 8, 2010
A Pagoda-top, Victorian, or a Traditional American?
Your cupola has a “personality”, as cupolas are deeply steeped with tradition and history throughout their forms and styles. Cupolas can be anything, such as a pagoda-top cupola from the Far East, a Victorian cupola from The Isles, or a countryside cupola from the Continent. Such styles could be a great complement for your rooftop, which could be catwalks, belvederes, domes, or even miniature lighthouses or belfries mounted on the top of you house. Material to be used for building a cupola on your roof can vary on the style of the cupola that you plan to construct.
It was in the early part of the eighth century when the first cupolas are stipulated as an architectural structure and design. Islam incorporated cupolas on mosques and other religious buildings, adorning the top of the towers. As Islam reaches Europe, churches soon integrated cupolas into their architectural designs. A striking example is the Saint Basil’s Cathedral at the Red Square in Moscow, Russia. When the cupolas were adopted by the Englishmen, it was soon shipped out to the Americas and was later attributed to the country life.
Even though the cupola appears to be mostly ornamental, it does not limit itself on being a decorative structure on the rooftop and at the garden. It also provide practical uses, such as it can offer additional ventilation for house that allows excess heat to escape, natural source of lighting to reduce power consumption, and if possible, it can be used as an additional room or storage space.
In order to find the right style of cupola for you, first, you have to determine the overall motif of your house. This will set the style for your cupola to be put on your roof top. If you live in an English-style house, a Victorian cupola will fit best on your rooftop; if you have a traditional American home, then country cupola would be ideal; or if you own a Chinese-inspired residence, a pagoda-top cupola is perfect to adorn your roof.
Then, settle on the materials that you will use for the structure, depending on the style of the cupola you have in mind. But mostly, each Victorian, American, or pagoda-top cupola uses a common material, which is wood. Thus, you will automatically have wood in your shopping list.
Lastly, if you look forward for your cupola to be installed properly, you could opt for Prairie Rose Country to have your Victorian, American, or pagoda-top cupola well-built and mounted on your rooftop or on your gazebo. This will give you a home makeover with a much more than satisfactory result.
Thursday, September 9, 2010
Selos
Unang kamalasan: wala akong pera. As in said, simu't sarap na wala. Bakit? Dahil ang daming luho nung lugar namin sa Makati. Kelangang bumili ng kung anik anik na gamit sa office.
Ikalawang kamalasan: tambak sa trabahong hinde matapos tapos. Oo, malas sya kasi malapit na ako gilitan ng leeg ng kliyente. Naawa lang sila dahil mukha na nga akong pindangga, sasakalin pa nila ako.
Ikatlong kamalasan: PUN_E__A! Yung nilalablay ko ay may lablayp na. Akala ko okay na ako. Akala ko hinde ako mapektuhan. Pwes! Mali ako. Hinde ko pa pala kaya. Masakit pa rin pala. Pero dahil mahal ko sya, nawa'y magtagal sila. Nawa'y maging masaya sila sa isa't isa. At nawa'y matanggap ko na talagang wala akong kapartner sa pagharap sa buhay (naks! drama ever!)
Haaayyyy...yun lang ang masasabi ko dahil kelangan ko matapos ang artikols!
Saturday, July 31, 2010
A Plateful of Changes
Friday, July 23, 2010
Nuffnang and HEAVEN Ice Cream Invite You to A Special Screening of ‘SALT’
Friday, June 18, 2010
Monday, June 14, 2010
Kontes Taym!
- one year domain name c/o Talent Shout Business Consultancy (not convertible to cash)
- six months hosting c/o Talent Shout Business Consultancy (not convertible to cash)
- US$10.00 via PayPal c/o moi!
- Php 100.00 load (not convertible to cash)
So pano ang kalakaran ng kontes na ito? Simple lang...i-copy-paste mo ang picture na nasa ibaba, lagyan mo nga makatanggal-pustiso at maka-kabag-producing na caption sa ilalim (kelangan matawa rin ako ha?!) at manghakot ka ng magsasabing natawa sila sa post mo. Ang may pinakamaraming comment at may pinakanakakatawang caption ang panalo.
So, eto ang picture:
so ano pang ni-aantay nyo? Hanggang July 21 lang yan!
Saturday, June 12, 2010
Addict Ka!
Kikay's Nakakainis na Lablayp Moments:
- Dineadma ka ng SS (special someone, duh!) mo kahit na kasama ka nya dahil sa nakita nya yung crush nya.
- Ayaw kang isama ng SS mo na kitain yung dati nyong kaibigan dahil ayaw nyang ma-ugnay sa'yo. Bababa kasi ang market value nya pag nalaman ng madlang pipol na nagkakausap at nagkikita pa kayo.
- Wala pa ring ipinagbago, mas excited pa rin yung SS mo na mkita ang ibang tao kesa sa'yo kahit na mas matagal ka nang hinde nakikita nung SS mo.
- Makikita mo ang saya sa mga mata ng SS mo nung makita nya yung crush nya. Something na huling ginawa nya sa'yo noong January 2007.
- Pag dating sa'yo palaging "no comment" ang SS mo e kaya naman ay "past is past" o kaya naman e ayaw lang nyang talagang pag-usapan, pero pag ibang tao na ang topic, kaya nyang sabihin na, "Si (insert name of crush here), maganda sya/sexy sya/maporma/smart/masarap kausap/mapagkakatiwalaan/okay na kaibigan/etc. x 100"
- Pag ibang tao nag-text sa SS mo, todo sagot agad sya. Pero pag ikaw ang nag-text, hintay ka kung kelan nya feel sumagot (IF feel nyang sumagot). Otherwise, sorry na lang. Magpasa ka man ng load, deadma ka. Sino ka ba naman sa buhay nya di ba?
Ang resulta, sirang-sira ang buong linggo ni Kikay (at naiiyak sya habang nagta-type). Mas sira pa kesa dun sa linggong nakipag-away sya sa PLDT dahil 1 buwan na e hinde pa rin nakakabit telepono at internet sa opisina tapos malalaman nya na hinde rin pala nai-correct yung records kaya aabutin pa ng another 1 month para makabitan sya ng telepono at internet. Kaya eto, gusto na naman ni Kikay mantusok ng mata ng lahat ng mga lalaki at sakalin ng bonggang bongga lahat ng babae. E ikaw ba naman, sa listahan ng sampung importante sa puso ng SS mo, ilagay ka sa #100 katabi ng dagat ng basura, ano ang mararamdaman mo considering na dating kayo?
Oo, bitter-bitteran si Kikay.
Wednesday, May 5, 2010
Jejemons
Ekshuli, naisipan kong mag-election piece. Wag kang mag-alala, hinde kita kukumbinsihing iboto si Gordon o si Villar (pasensya, taga-Las Piñas ako kaya may libre siyang...errr...blog space). Sasabihin ko lamang na a a-diyes, tutal wala namang pasok, e, por Dios por Santo, bumoto ka!!!
Alam nyo, may mga ilang bagay lang akong ikinakainis sa politika dito sa Pinas:
- Traffic!!!! Ang init na nga, traffic pa. Alam nyo kung bakit? May mga sinto-sinto na kandidato na mahilig magpa-ikot sa speed na mas mabagal pa sa takbo ng suso (snail! ano yang iniisip mo?!) ng mga "singing" cars and/ or jeeps habang pinoproklama na iboto sila sa darating na eleksyon.
- Mga text ng text ng resulta ng serbey. Pwede ba, wala akong pakialam kung sino nangunguna at kung bakit hinde ko dapat iboto yung isang kandidato dyan sa Quezon! Una sa lahat, nasa Las Piñas ako. Wala akong say sa kung sino namumuno sa Quezon. Pangalawa, wala akong tiwala sa serbey.
- Mga email ng email ng kung anik-anik tungkol sa kalokohan ng mga kandidato at ng kanilang mga pakners in layp kahit na 100x mo nang sinabi sa kanila na "utang na loob, tanggalin nyo ako sa mailing list nyo!". Hinde ba nila alam na bawal yun?! Please lang, halata namang naninira lang kayo e. (Segue: bakit ba hinde magawa dito sa Pinas na mag-debate to death na lang yung mga kandidato kesa magsiraan?!)
- Mga posters na kung saan-saan lang nakadikit. Patin na yung obvious naman na lagpas-lagpas sa sukat na in-allow ng COMELEC.
- COMELEC! Nameyn, bigyan nyo naman kami ng sapat na assurance na walang failure of election na mangyayari. Bakit ba ayaw nyo ng manual voting?
Ayun lang...tago na ulit ako sa lungga ko.
Saturday, April 24, 2010
Sunday, April 4, 2010
Pagninilay-nilay Ni Kikay (Mahaba-habang Rhona-isms)
Happy Easter sa lahat ng naniniwala sa Easter!
Kamusta naman ang iyong semana santa? Nakapagnilay-nilay ka ba o nag-swimming ka lang
Noon: pag semana santa, madaming palabas about the Bible.
Ngayon: Black Saturday na e wala pa akong mahanap na palabas tulad ng 10 Commandments (although nakapanood daw kapatid) at Passion of Christ pero naka-ilang re-run na ang Zorro, Back to the Future 3 at Jawbreaker
Noon: Bawal magsaya pag semana santa
Ngayon: Puno ang beach pag semana santa (masarap kasing magnilay-nilay dun)...pero in ferness, yung kapitbahay namin e nakasimangot habang nagiinuman sila para nga naman hinde masaya
Noon: kelangan pitong simbahan ang pupuntahan mo bilang bisita iglesia
Ngayon: pitong beses ka papasok sa isang simbahan. Pwede na yun
Noon: Kelangan mong mag-effort talaga na mag-fasting at abstinence kasi panay karne ang pagkain sa labas
Ngayon: okay lang kumain ng marami sa Mcdo, may tuna sandwich at fish fillet naman e
Noon: pasyon ang ginagawa ng mga magkakakapit-bahay
Ngayon: ayun, nag-ala Diomedes Maturan na naman ang kapitbahay namin
Thursday, March 25, 2010
I Feel The Earth Move
Why the sudden change?
Meyn, nakakatakot ang napapadalas na lindol. Ayokong ipatawag ni Bro ng hinde handa ang aking shining, shimmering soul.
Seryosong usapan. Kayo ba e handa saksa-sakaling may tumamang 7.0 pataas na earthquake sa ating bansang sinilangan? Hinde? Pwes, makinig!
- Magandang lumabas ng bahay nyo kung sigurado kayong walang poste ng meralco na maaring bumagsak sa'nyo o kawad ng kuryenteng makaka-electrocute sa'nyo.
- Humanap ng matibay na table or kama na pwede nyong pagtaguan ang ilalim saksa-sakaling may magbagsakan na bagay sa'nyo. Kung wala, mag-crouching position sa corner ng inyong bahay or building.
- Jusme! Wag ka ng mag-elevator! At pwede ba, lumayo sa glass windows at mga bagay na pwedeng mabasag o mabagsak sa'nyo.
- Kung may matibay na doorway sa'nyong tahanan o building, stay there.
- Kung nasa loob ng sasakyan, stay there until the shaking stops. Wag mong patakbuhin yan in the hopes na makauwi ka bago pa magiba ang dinadaanan mo.
- Kung ma-trap ka man, wag kang basta-basta magbubukas ng lighter o posporo dahil baka may na-damage na tangke ng gas. Katukin ang pader para ipaalam na nasa ilalim ka. Sumigaw lamang as a last resort dahil maaari mong malanghap yung alikabok (maaari kang ma-suffocate dun). Takpan ng panyo ang bibig.
- WAG MAGPA-PANIC!
Sunday, March 7, 2010
Lessons From The Kapitbahay ni Kikayness
- Di baleng walang almusal basta makakanta. Ang tawag dyan "Passion". In Filipino, "Pasyon". Nakakaiyan talaga.
- Pwede palang kantahin ni Diomedes Maturan ang "Looking Through The Eyes Of Love". Hinde mo kilala si Diomedes Maturan? Pwes, itanong mo sa lola mo kung sino sya.
- May rap version pala ang "Perhaps Love". Maganda syang pakinggan kung nasa tamang beat nga lang ang aming kapitbahay.
- At kung ang Perhaps Love e may rap version, ang "Bad Romance" naman ay may slow version, yung tipo bang naririnig mo na si Kenny G. na nagsa-saxophone sa background sa sobrang bagal.
- Maganda ang rotating brownout - nakakapagpahinga ang tenga ko.
- Marunong mag-German ang kapitbahay namin at alam nya ang German version ng "Alone". Partida, falsetto pa pag kinanta nya. Dapat 'to sumali sa Talentadong Pinoy e.
Malaki din ang pasasalamat ko sa kapitbahay namin. Kung hinde dahil sa kanya, baka late na naman ako nagigising. Nakagawian ko na kasing patayin yung alarm clock pag tumunog e. At least, ngayon, pag kumanta na sya, wala akong choice kung hinde ang bumangon kasi lahat ng aso sa buong subdivision namin e nakiki-alulong.
Friday, February 26, 2010
Top 10 Kainit Ng Ulo Moments Sa Cel
- Syempre uunahin ko na yung damuhong mga text ng text sa'kin ng kung sino nangunguna sa serbey ng mga presidentiables at kung sino ang mas bano kay Villar at Noy-Noy. (Mabilisang segue: Pwede ba?! Lalo lang nawawalan ng gana sa'nyo ang karamihan ng boboto kung ang plataporma nyo ay naka-base sa kung gano kapanget ang present administration at kung gano kapanget ang plataporma ng isa't isa. Kelangan ba talagang i-down nyo ang isa't isa para ma-convince ang mga botante?!)
- Yung walang patumanggang text ng text sa'kin para sabihing iyon na ang bago nyang roaming number at pasahan ko daw sya ng load para makatawag sya. Dude, mag-research ka muna bago ka mag-text ng ganyan para naman hinde masayang ang pagod mo at ang load mo.
- Mga hinde sumasagot sa text lalo na't importante text mo. Nameyn! Nag-effort ako na mag-text sana naman mag-reply. Hinde naman ako magtatanong kung hinde importanteng malaman ko yung sagot di ba? Syempre exception sa number na ito e yung mga taong wala talagang load...kaso, kung gusto maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan di ba? (bato-bato sa langit, ang tamaan guilty nyahahahahaha)
- Mga nangungulit na kunin ko na yung free HMO coverage ko. Jusme! Yun lang ang masasabi ko, jusme wanmortaym!
- Syempre kung may nag-aalok ng libreng HMO coverage, meron din naman na nagsasabi na nanalo ako ng pibtitawsan pesosesoses at kelangan kong tawag si Atty. Manimanaog. Jusme agen! Sarap sakalin!
- Missed call na pag hinuyu (who you, gets?) mo e aawayin ka at sasabihing kliyente daw sila at ayaw na raw nilang makipag-transact sa'yo dahil panget daw customer service mo pero nung tinawagan mo e ibang kumpanya pala ang hinahanap nila. Tsk! Kung pwede ko lang ibagsak selpown ko, ginawa ko na. Tingnan kasing maige kung tama yung dina-dial na number!
- Mga nangangamusta na ayaw magpakilala. Anong sense nung pangungumusta mo kung ayaw mo naman pakilala? May crush ka sa'kin noh?!
- Mga humihingi ng pabor matapos magtago ng ilang buwan tapos hinde man lang makuhang kumustahin ka. Hinde naman masyadong kapalmuks kayo noh?! Matapos nyo akong paiyakin?! Tadtarin ko kaya kayo ng pinong-pino?
- Chain text. Mami-meet ko daw ang lalaking makakasama ko habambuhay pag sinend ko sa 10 tao yung text na 'yon. Pwes, hinde sya totoo.
- Forwarded text na hinde man lang in-edit. Hinde ako si "Mahal", ako po si "honey", nagkakaintindihan ba tayo?
Yun lang, balik na ulit ako sa pagmomongha...
Saturday, February 20, 2010
Rhonaisms # 6 (Kung tama ang pagkaka-alala ko)
Sunday, February 14, 2010
Happy Single Awareness Day!
Ako? Isang malaking HINDE muhahahahaha. Hinde na kasi ako naniniwala sa Araw ng mga Puso. Paraan lang yan ng mga kapitalista para kumita...ay wait! Isa nga rin pala akong kapitalista...hmmm....never mind, pwede pa naman akong maging realista (ang mag-sabing corny ang portion na ito ay papakainin ko ng tuyot na bulaklak ng katuray)
Umaga pa lang uminit na ulo ko kasi naman may isang tao dyan sa tabi-tabi na bigla na lang nag-backout ng last minute sa pamimigay ng flyers sa B.E.S.T. Workshop. Bad trip talaga.
Eto na lang, ano na lang ang natutunan ko mula sa araw na ito?
- Hinde lahat ng walang lablayp ay malungkot pag Valentine's Day. May iba na masaya dahil nakatulog sila ng buong araw (nyemas! natambakan na naman tuloy ako ng trabaho)
- May mga taong sadyang walang pagpapahalaga sa effort ng ibang tao. May iba naman na sadyang hinde lang marunong magpakita ng appreciation pero sa kaibuturan (naks!) ng kanilang puso, sobrang naappreciate nila ang mga ginagawa mo. At syempre, may mga tao naman na pati ang pag-utot mo ay na-aappreciate muhehehehehe
- Kadalasan, ang mga mahilig sa chismis at pang-aasar ay nasosopla ng dalawang letra - "So?"
- Hinde totoo ang kasabihang mahalin mo muna ang sarili mo bago ka mahalin ng iba. Mas madalas, chambahan lang yan. Maraming magaganda at matatalino at successful na babae akong kakilala na walang jowa kahit na konti na lang ay perpekto na sila. May mga lalake rin kasi na takot sa babaeng mas confident kesa sa kanila (oi! bitter si kikay!)
...yun lang at magde-date na kami ng laptop at iphone ko nyahahahah
.....HAPPY VALENTINE'S DAY ALL YOU MOTHERFATHER! AHIHIHIHIHI
Wednesday, February 10, 2010
Go Tibo!
So ano naman ngayon ang reason ko sa aking semi-hiatus mode? E kasi naman andami kong articles na kelangang i-edit. Ang ganda ko kasi, nagtayo ako ng article submission site. Ayun, kinakain nya tuloy ang oras ko kasi kelangan kong i-check if yung mga articles ba na nasa-submit e matino. Tapos meron pa kaming event sa Feb 28 (punta kayo ha sa B.E.S.T. Workshop ha?). Hinde ako busy noh?!
Kaya pasensya na muna at paminsan-minsan lang ako nakakapagparamdam, okay?
Dyan na muna kayo at babalik na ako sa pagte-text para manalo si Tibo hehehehe
Tuesday, February 2, 2010
Idol!
Dahil sa tambay ako sa
At dahil dyan,
- Syempre mawawala ba ang malapit nang mawalang Santino ng May Bukas Pa? Nyemas na batang yan, naluluha pa lang sya ngumangawngaw na ako e. Alam mo ba kung anong mas nakakatuwa? E kasi naman kung tambay ka ng GTM, alam mong may pagkakahawig yung interviewhan portion ni Ryan Agoncillo a.k.a. Paolo sa post na ginawa ni deejay about Santino. Mas makabagbag-damdamin nga lang yung sa Channel 2.
- Isa rin sa mga idol ko sa May Bukas Pa ay si Hepe. Yes, lab ko na sya. Ang kulit nung character na yun. Mula pa nung tinutulungan nya si Mario laban kay Mayor. (Hinde naman masyadong halata na sinusubaybayan ko talaga ang May Bukas Pa noh?)
- Nung malapit nang matapos yung May Isang Ikaw, bow din ako sa acting ni John Estrada lalo na nung namatay na si Red. Grabe! Pati ako napaluha todo-todo to the max (hmm...kaso iyakin nga pala talaga ako)
- Syempre hanga din ako kay Jericho Rosales dahil sa loob lamang ng 2 to 3 weeks e gumaling sya from a "vegetative state" to "Flanax state". Oha?! G'leng-g'leng di ba?! Feeling ko pinag-pray over yun ni Santino hinde na lang pinakita e.
- Hinde talaga matatawaran ang tambalang Melay at Jason pero mas bow ako sa pagiging totoong tao nila. Akalain mo yun, si Jason dineretso si Paul Jake na minsan nasasaktan na sya sa mga biro nung huli?!? Sige nga, kaw ba kaya mong gawin yun sa isang taong kakakilala mo lang lalo na't mas malaki ang katawan sa'yo, mas mayaman at mas mataas ang naabot na edukasyon?! Kung kaya mo rin yun e labs na rin kita ahihihihi.
- Hanga din naman ako kay Paul Jake kasi ang tindi nung sakripisyong ginawa nya for Mariel. Konting tao lang ang kilala ko na willing na mag-sakripisyo for their friend. Sakit kaya sa katawan nung ginawa nya.
Oha? Hinde naman halata kung ano pinapanood ko sa Channel 2 noh?!
Monday, January 25, 2010
Isang Linggong Aral
- May mga tao talagang iba ang pakahulugan sa salitang "kaibigan". Kaibigan = (1) loading station, (2) dept. of labor and employment, (3) cebuana lhuiller, (4) sugar mommy. Kaya ang motto ko ngayong taon na' to - Nek nek mo! KKB tayo!
- Hinde porke't dati kayong mag-bestfriend e babatiin ka nya pag nagkasalubong kayo ng landas. May mga tao talagang sadyang mas malaki ang tiwala sa iba kesa sa sarili nilang bestfriend o girlfriend.
- Minsan masarap mambasag ng trip kesa mabasag ang eardrums mo. Segue: Bait ng kapitbahay namin. Kay ganda ng kanyang tinig na pati mga patay sa North Cemetery ay nagbangunan at nagalsa-balutan. Nais ko sanang pasamahin na sya dun sa mga nagalsa-balutang zombies kaso inayawan din sya e.
- Mas maganda pa rin ang normal na sinehan kesa sa IMax. Bakit? Dahil pag ihing-ihi ka na, madali kang makakalabas ng walang naaapakang paa, nauuntog na tuhod, nauupang hita dahil na-off balance ka at nahahawakang hinde dapat mahawakan. Yuck! Bukod sa buong araw akong hilo dahil masyadong makatotohanan ang Avatar sa 3D.
- Iba talaga ang kapatid at mga magulang. Ibang klaseng magtanggol, ibang klaseng magmahal.
- Marunong pala akong magluto kahit walang kaharap na recipe! Yehey!
Side note:
Medyo nalungkot naman ako. Hinde ko pa napapanood hanggang ngayon ang Sherlock Holmes. Yung inaasahan kong sasama sa'kin e busy-busyhan. Tapos, eto pa. Katatawag lang ng Nuff Nang. Nag-co-confirm if sasama daw ba ako sa event nila this Saturday. Aguy! Naisin ko mang sumama e may nauna na akong natanguan. Sadness!
Ikaw, may natutunan ka ba last week bukod sa na-evict na si Hermes sa PBB? (kelan kaya mae-evict si Johann?!)
Saturday, January 16, 2010
Aheyt Gubay!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
...at dahil dyan, pwede na naman akong gumimik ng wantusawa! Yahoo! Let's get the party started! I got a feelin hoo-hoo that tonight's gonna be a good night, that tonight's gonna be a good, good night! Yebah!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Joke! Sa totoo lang, miss ko na sila kahit na ilang araw pa lang ang nakakalipas. Biglang tahimik kasi dito sa bahay. Pamangkin ko lang ang maingay. Hayyy....tagal ng December!
Thursday, January 7, 2010
Humahabol Pa!
- Side-read: eto ang ginagawa ng mga bloggers na nais makasagap ng latest sa pamamagitan ng pagbabasa ng lahat ng nakasulat sa chatbox. Kapatid nito si backread at pinsan naman si up read at down read. Si Reesie ang naka-diskubre ng mag-anak na ito hehehehehe
- EB Babes: sorry, hinde sila yung nakikita nyo sa Eat Bulaga. Mas magaganda sila (ehem!) kesa dun sa nasa Eat Bulaga. Kasama dyan si ako (syempre!), si Winkie, si Azul, si Star, si Lovely at si Joycee. Honorary member ang sioPau ni Azul.
- Shekisfrens: bigkasin ng mabagal para ma-gets. Kung sino-sino sila, sikreting malupit
- Mini Kontes: Pauso ni Kikay (ako nga yun sabi e) na maiikising kontes na hinde tataas sa US$2.50 ang premyo. Buti pa sa major contests may nanalo, sa mini kontes wala.
- Hattonized: resulta nang pagiging maganda ni Kikay (so very me). Nasapak kasi ayaw magbigay ng 5 pesos dun sa pulubi na mas malaki pa katawan sa kanya na hinde na nahiya, wala na ngang trabaho nanuntok pa ng babae kala mo kung sinong gwapo e ang panget panget naman ang lakas pa ng loob na sabihing magkapatid kami e di hamak na mas maputi pa ako sa kanya kahit na pagtabihin pa ang mga kili-kili namin (puso mo!)...grrrrrr
- Acorn/Wolverine Jr/Polaris/ Mangga: mga nicknames para sa mga lablayp na hinde naman pala lablayp...in short, landimu!
- GTMers: mga taong haling na haling (naks!) sa Good Times Manila (na na-hacks daw ni Marian). Nga pala, pano na ang GEB ngayong January? Paging Diego and Jose, please proceed to the lobby
- Rhona-isms: Kung ang eheads ay may Fill Her, si Kikay ay may rhona-isms - mga one-liner na talaga namang mapapaisip ka (kund hinde ka napa-isip, isa lang ang ibig sabihin nyan)
PS:
Kakaiba talaga ang Pinoy TV series. Akalain mo yun, ilang ikot lang ng kamera, kaya na agad ni Jerico Rosales iangat ang kanyang ulo at sumagot ng mabilis gayong kahapon lang e hinde pa nya ma-control movements nya.
Isa pang PS:
Buti na lang hinde naging tao talaga si Ben 10 kundi ang baho nya pati na si Gwen at si Kevin. Imaginin mo, hinde sila nagpapalit ng damit.
Saturday, January 2, 2010
New Year's Resolution
Wag nang patagalin pa, heto na ang listahan:
- Hinde na ako masyadong magiging emo ngayong taon na'to. Tama nang emo na ang mga taong 2008 at 2009. Taon na ni Mr. Smiley ang 2010.
- Mas hahabaan ko ang pagtulog ko ngayong 2010. Mahirap na, baka mag-walk out pati yung natitira kong isang kutsaritang red blood cells.
- Mas dadalasan ko ang pagba-blog dahil sayang naman ang aking pagiging dotkomista (at kung naghahanap ka ng mas murang dotkom plus hosting service, email mo ako)
- Hinde na ako masyadong magiging magastos at babawasan ko na ang mga credit cards ko. (Lord, kayanin ko sana ito). Okay, mas mukha syang wishful thinking.
- Mas dadalasan ko ang paglabas ng bahay (kahit papuntang kanto lang) ng hinde ako masyadong nabuburyong at nade-depress.
- Babawasan ko na ang pagkahilig ko sa mga instant noodles. Waahhhh....iniisip ko pa lang naiiyak na ako.
- Babawasan ko na ang pagiging selosa ko. Mahirap magng selosa lalo't wala ka namang lablayp nyahahahahaha
- Babawasan ko na rin ang pagiging makulit ko. Plamis!
So ikaw, ano ang New Year's Resolution mo?