- Syempre uunahin ko na yung damuhong mga text ng text sa'kin ng kung sino nangunguna sa serbey ng mga presidentiables at kung sino ang mas bano kay Villar at Noy-Noy. (Mabilisang segue: Pwede ba?! Lalo lang nawawalan ng gana sa'nyo ang karamihan ng boboto kung ang plataporma nyo ay naka-base sa kung gano kapanget ang present administration at kung gano kapanget ang plataporma ng isa't isa. Kelangan ba talagang i-down nyo ang isa't isa para ma-convince ang mga botante?!)
- Yung walang patumanggang text ng text sa'kin para sabihing iyon na ang bago nyang roaming number at pasahan ko daw sya ng load para makatawag sya. Dude, mag-research ka muna bago ka mag-text ng ganyan para naman hinde masayang ang pagod mo at ang load mo.
- Mga hinde sumasagot sa text lalo na't importante text mo. Nameyn! Nag-effort ako na mag-text sana naman mag-reply. Hinde naman ako magtatanong kung hinde importanteng malaman ko yung sagot di ba? Syempre exception sa number na ito e yung mga taong wala talagang load...kaso, kung gusto maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan di ba? (bato-bato sa langit, ang tamaan guilty nyahahahahaha)
- Mga nangungulit na kunin ko na yung free HMO coverage ko. Jusme! Yun lang ang masasabi ko, jusme wanmortaym!
- Syempre kung may nag-aalok ng libreng HMO coverage, meron din naman na nagsasabi na nanalo ako ng pibtitawsan pesosesoses at kelangan kong tawag si Atty. Manimanaog. Jusme agen! Sarap sakalin!
- Missed call na pag hinuyu (who you, gets?) mo e aawayin ka at sasabihing kliyente daw sila at ayaw na raw nilang makipag-transact sa'yo dahil panget daw customer service mo pero nung tinawagan mo e ibang kumpanya pala ang hinahanap nila. Tsk! Kung pwede ko lang ibagsak selpown ko, ginawa ko na. Tingnan kasing maige kung tama yung dina-dial na number!
- Mga nangangamusta na ayaw magpakilala. Anong sense nung pangungumusta mo kung ayaw mo naman pakilala? May crush ka sa'kin noh?!
- Mga humihingi ng pabor matapos magtago ng ilang buwan tapos hinde man lang makuhang kumustahin ka. Hinde naman masyadong kapalmuks kayo noh?! Matapos nyo akong paiyakin?! Tadtarin ko kaya kayo ng pinong-pino?
- Chain text. Mami-meet ko daw ang lalaking makakasama ko habambuhay pag sinend ko sa 10 tao yung text na 'yon. Pwes, hinde sya totoo.
- Forwarded text na hinde man lang in-edit. Hinde ako si "Mahal", ako po si "honey", nagkakaintindihan ba tayo?
Yun lang, balik na ulit ako sa pagmomongha...