Wednesday, November 24, 2010

Tama Na!

Si kikayness ay sobrang pagod na these past few weeks. Waley na nga lablayp, waley pa sosyal layp, waley pa seks layp! Ang chaka ng buhay ko!

Ay saglit...sorry na-bading si kikayness. Babae nga pala si ako! bakit nga ba ako nag-post ngayon?
  • May lagnat ako?
  • May kinaiinisan na naman ako?
  • May pinaparinggan ako?
  • Nag-away na naman kami ng ex ko?

Enggg! Wrong answer!

Kaya active-active-an (may ganung term?!) na naman si Kikay ay dahil pangalawa sa huling ber na - November! Syempre, tulad ng nakagawian, panaho n naman ng Christmas Wish List. Aagahan ko na ngayon kasi walang pumatol last time. Baka ngayon, may maantig ang damdamin lalo na't ni langaw e walang nalabas sa pitaka ko. So here goes my wish list (maantig ka...ay wait, wala na palang nagbabasa sa blog ko!):

  1. iPhone 4. Sa mga hinde pa nakakaalam, namaalam na si iPhone 3Gs kaya balik ako kay Tres. I miss Iffy :(
  2. iPad or iPod Touch. Oo, balak kong maging endorser o kaya stock holder ng Apple
  3. Diablo 3 na hinde pa ata nailalabas hanggang ngayon dito sa 'Pinas.
  4. One day na pahinga (ako lang ata ang pwedeng magbigay nito sa sarili ko)
  5. Pig out ulit sa Dad's (paging Renan, please proceed to Makati)
  6. Pugad Baboy, latest edition. Sa sobrang tagal ko nang hinde nakakatungtong ng National Bookstore, hinde ko na alam kung nasa anong number na ang Pugad Baboy

Hayyyy.....nasa may citiland po yung box na pwede nyong paglagyan ng regalo nyo sa'kin. (Oo, hiniram ko pa ito kay Jollibee...hinde mo na-gets? Nebermayn!)