Thursday, September 9, 2010

Selos

Hinde ko alam kung ano meron ang buwan ng Shit-yembre pero punung puno ako ng kamalasan. As in, major major balat sa pwet ang inabot ko itong buwan na'to. Konti na lang maglalaslas na ako ng pa-vertical.

Unang kamalasan: wala akong pera. As in said, simu't sarap na wala. Bakit? Dahil ang daming luho nung lugar namin sa Makati. Kelangang bumili ng kung anik anik na gamit sa office.

Ikalawang kamalasan: tambak sa trabahong hinde matapos tapos. Oo, malas sya kasi malapit na ako gilitan ng leeg ng kliyente. Naawa lang sila dahil mukha na nga akong pindangga, sasakalin pa nila ako.

Ikatlong kamalasan: PUN_E__A! Yung nilalablay ko ay may lablayp na. Akala ko okay na ako. Akala ko hinde ako mapektuhan. Pwes! Mali ako. Hinde ko pa pala kaya. Masakit pa rin pala. Pero dahil mahal ko sya, nawa'y magtagal sila. Nawa'y maging masaya sila sa isa't isa. At nawa'y matanggap ko na talagang wala akong kapartner sa pagharap sa buhay (naks! drama ever!)

Haaayyyy...yun lang ang masasabi ko dahil kelangan ko matapos ang artikols!