Saturday, January 2, 2010

New Year's Resolution

Oo, matagal kong pinag-isipan ang post na 'to kaya ngayon ko lang nailagay. Hinde naman kasi talaga ako gumagawa ng New Year's Resolution dahil perpekto na ako, ano pa bang babaguhin ko, di ba? dahil hinde ako naniniwalang twing katapusan at simula lang ng taon dapat magbago. Gets? Hinde? Okay lang, kahit ako nahilo sa eksplaneyshun ko.

Wag nang patagalin pa, heto na ang listahan:
  1. Hinde na ako masyadong magiging emo ngayong taon na'to. Tama nang emo na ang mga taong 2008 at 2009. Taon na ni Mr. Smiley ang 2010.
  2. Mas hahabaan ko ang pagtulog ko ngayong 2010. Mahirap na, baka mag-walk out pati yung natitira kong isang kutsaritang red blood cells.
  3. Mas dadalasan ko ang pagba-blog dahil sayang naman ang aking pagiging dotkomista (at kung naghahanap ka ng mas murang dotkom plus hosting service, email mo ako)
  4. Hinde na ako masyadong magiging magastos at babawasan ko na ang mga credit cards ko. (Lord, kayanin ko sana ito). Okay, mas mukha syang wishful thinking.
  5. Mas dadalasan ko ang paglabas ng bahay (kahit papuntang kanto lang) ng hinde ako masyadong nabuburyong at nade-depress.
  6. Babawasan ko na ang pagkahilig ko sa mga instant noodles. Waahhhh....iniisip ko pa lang naiiyak na ako.
  7. Babawasan ko na ang pagiging selosa ko. Mahirap magng selosa lalo't wala ka namang lablayp nyahahahahaha
  8. Babawasan ko na rin ang pagiging makulit ko. Plamis!

So ikaw, ano ang New Year's Resolution mo?