Sunday, April 4, 2010

Pagninilay-nilay Ni Kikay (Mahaba-habang Rhona-isms)

Tugs tugs tugs tugs...(sori naa-addict talaga ako dun sa latest commercial ng Cornetto)

Happy Easter sa lahat ng naniniwala sa Easter!

Kamusta naman ang iyong semana santa? Nakapagnilay-nilay ka ba o nag-swimming ka lang sa dagat ng basura? Ako, kahit pa'no, nakapagnilay-nilay at napagtanto ang mga sumusunod:

Noon: pag semana santa, madaming palabas about the Bible.

Ngayon: Black Saturday na e wala pa akong mahanap na palabas tulad ng 10 Commandments (although nakapanood daw kapatid) at Passion of Christ pero naka-ilang re-run na ang Zorro, Back to the Future 3 at Jawbreaker

Noon: Bawal magsaya pag semana santa

Ngayon: Puno ang beach pag semana santa (masarap kasing magnilay-nilay dun)...pero in ferness, yung kapitbahay namin e nakasimangot habang nagiinuman sila para nga naman hinde masaya

Noon: kelangan pitong simbahan ang pupuntahan mo bilang bisita iglesia

Ngayon: pitong beses ka papasok sa isang simbahan. Pwede na yun

Noon: Kelangan mong mag-effort talaga na mag-fasting at abstinence kasi panay karne ang pagkain sa labas

Ngayon: okay lang kumain ng marami sa Mcdo, may tuna sandwich at fish fillet naman e

Noon: pasyon ang ginagawa ng mga magkakakapit-bahay

Ngayon: ayun, nag-ala Diomedes Maturan na naman ang kapitbahay namin