Monday, January 25, 2010

Isang Linggong Aral

Yehey! Sa wakas, nakapag-blog ulit ako. Parang once a week na lang ako nakakapag-blog a...huhuhuhu. At dahil nais kong mag-blog pero wala akong topic, buburyungin ko na lang kayo sa mga natutunan ko nitong linggong ito:
  1. May mga tao talagang iba ang pakahulugan sa salitang "kaibigan". Kaibigan = (1) loading station, (2) dept. of labor and employment, (3) cebuana lhuiller, (4) sugar mommy. Kaya ang motto ko ngayong taon na' to - Nek nek mo! KKB tayo!
  2. Hinde porke't dati kayong mag-bestfriend e babatiin ka nya pag nagkasalubong kayo ng landas. May mga tao talagang sadyang mas malaki ang tiwala sa iba kesa sa sarili nilang bestfriend o girlfriend.
  3. Minsan masarap mambasag ng trip kesa mabasag ang eardrums mo. Segue: Bait ng kapitbahay namin. Kay ganda ng kanyang tinig na pati mga patay sa North Cemetery ay nagbangunan at nagalsa-balutan. Nais ko sanang pasamahin na sya dun sa mga nagalsa-balutang zombies kaso inayawan din sya e.
  4. Mas maganda pa rin ang normal na sinehan kesa sa IMax. Bakit? Dahil pag ihing-ihi ka na, madali kang makakalabas ng walang naaapakang paa, nauuntog na tuhod, nauupang hita dahil na-off balance ka at nahahawakang hinde dapat mahawakan. Yuck! Bukod sa buong araw akong hilo dahil masyadong makatotohanan ang Avatar sa 3D.
  5. Iba talaga ang kapatid at mga magulang. Ibang klaseng magtanggol, ibang klaseng magmahal.
  6. Marunong pala akong magluto kahit walang kaharap na recipe! Yehey!

Side note:

Medyo nalungkot naman ako. Hinde ko pa napapanood hanggang ngayon ang Sherlock Holmes. Yung inaasahan kong sasama sa'kin e busy-busyhan. Tapos, eto pa. Katatawag lang ng Nuff Nang. Nag-co-confirm if sasama daw ba ako sa event nila this Saturday. Aguy! Naisin ko mang sumama e may nauna na akong natanguan. Sadness!

Ikaw, may natutunan ka ba last week bukod sa na-evict na si Hermes sa PBB? (kelan kaya mae-evict si Johann?!)