- Di baleng walang almusal basta makakanta. Ang tawag dyan "Passion". In Filipino, "Pasyon". Nakakaiyan talaga.
- Pwede palang kantahin ni Diomedes Maturan ang "Looking Through The Eyes Of Love". Hinde mo kilala si Diomedes Maturan? Pwes, itanong mo sa lola mo kung sino sya.
- May rap version pala ang "Perhaps Love". Maganda syang pakinggan kung nasa tamang beat nga lang ang aming kapitbahay.
- At kung ang Perhaps Love e may rap version, ang "Bad Romance" naman ay may slow version, yung tipo bang naririnig mo na si Kenny G. na nagsa-saxophone sa background sa sobrang bagal.
- Maganda ang rotating brownout - nakakapagpahinga ang tenga ko.
- Marunong mag-German ang kapitbahay namin at alam nya ang German version ng "Alone". Partida, falsetto pa pag kinanta nya. Dapat 'to sumali sa Talentadong Pinoy e.
Malaki din ang pasasalamat ko sa kapitbahay namin. Kung hinde dahil sa kanya, baka late na naman ako nagigising. Nakagawian ko na kasing patayin yung alarm clock pag tumunog e. At least, ngayon, pag kumanta na sya, wala akong choice kung hinde ang bumangon kasi lahat ng aso sa buong subdivision namin e nakiki-alulong.