Thursday, January 7, 2010

Humahabol Pa!

Ayun o, hinde makapag-let go si 2009! Kaya naman naisipan ni Kikay (ako yun) na maglista (dahil ako 'to) ng mga bagay-bagay na natutunan ko noong 2009:
  • Side-read: eto ang ginagawa ng mga bloggers na nais makasagap ng latest sa pamamagitan ng pagbabasa ng lahat ng nakasulat sa chatbox. Kapatid nito si backread at pinsan naman si up read at down read. Si Reesie ang naka-diskubre ng mag-anak na ito hehehehehe
  • EB Babes: sorry, hinde sila yung nakikita nyo sa Eat Bulaga. Mas magaganda sila (ehem!) kesa dun sa nasa Eat Bulaga. Kasama dyan si ako (syempre!), si Winkie, si Azul, si Star, si Lovely at si Joycee. Honorary member ang sioPau ni Azul.
  • Shekisfrens: bigkasin ng mabagal para ma-gets. Kung sino-sino sila, sikreting malupit
  • Mini Kontes: Pauso ni Kikay (ako nga yun sabi e) na maiikising kontes na hinde tataas sa US$2.50 ang premyo. Buti pa sa major contests may nanalo, sa mini kontes wala.
  • Hattonized: resulta nang pagiging maganda ni Kikay (so very me). Nasapak kasi ayaw magbigay ng 5 pesos dun sa pulubi na mas malaki pa katawan sa kanya na hinde na nahiya, wala na ngang trabaho nanuntok pa ng babae kala mo kung sinong gwapo e ang panget panget naman ang lakas pa ng loob na sabihing magkapatid kami e di hamak na mas maputi pa ako sa kanya kahit na pagtabihin pa ang mga kili-kili namin (puso mo!)...grrrrrr
  • Acorn/Wolverine Jr/Polaris/ Mangga: mga nicknames para sa mga lablayp na hinde naman pala lablayp...in short, landimu!
  • GTMers: mga taong haling na haling (naks!) sa Good Times Manila (na na-hacks daw ni Marian). Nga pala, pano na ang GEB ngayong January? Paging Diego and Jose, please proceed to the lobby
  • Rhona-isms: Kung ang eheads ay may Fill Her, si Kikay ay may rhona-isms - mga one-liner na talaga namang mapapaisip ka (kund hinde ka napa-isip, isa lang ang ibig sabihin nyan)

PS:

Kakaiba talaga ang Pinoy TV series. Akalain mo yun, ilang ikot lang ng kamera, kaya na agad ni Jerico Rosales iangat ang kanyang ulo at sumagot ng mabilis gayong kahapon lang e hinde pa nya ma-control movements nya.

Isa pang PS:

Buti na lang hinde naging tao talaga si Ben 10 kundi ang baho nya pati na si Gwen at si Kevin. Imaginin mo, hinde sila nagpapalit ng damit.