Saturday, June 12, 2010

Addict Ka!

Minsan ko nang sinabi na mahirap mag-blog lalo na't masaya ka at in love. Mas madaling mag-blog pag panay rants ang gusto mong isulat. Hinde ka agree? Walang basagan ng trip, blog ko 'to. Dati ko na ring sinabi na hinde na ako magbo-blog tungkol sa non-existent kong lablayp. Kaso, anak ng patola, malapit nang umupo ang bagong presidente ng Pilipinas pero wala pa ring ipinagbago ang estado ng lablayp ko. So, no choice (at para magkalaman din blog ko), balik ako sa paghuhuramentado tungkol sa lahat ng mga taong nagpaiyak at nakasakit sa aking damdamin.

Kikay's Nakakainis na Lablayp Moments:

  1. Dineadma ka ng SS (special someone, duh!) mo kahit na kasama ka nya dahil sa nakita nya yung crush nya.
  2. Ayaw kang isama ng SS mo na kitain yung dati nyong kaibigan dahil ayaw nyang ma-ugnay sa'yo. Bababa kasi ang market value nya pag nalaman ng madlang pipol na nagkakausap at nagkikita pa kayo.
  3. Wala pa ring ipinagbago, mas excited pa rin yung SS mo na mkita ang ibang tao kesa sa'yo kahit na mas matagal ka nang hinde nakikita nung SS mo.
  4. Makikita mo ang saya sa mga mata ng SS mo nung makita nya yung crush nya. Something na huling ginawa nya sa'yo noong January 2007.
  5. Pag dating sa'yo palaging "no comment" ang SS mo e kaya naman ay "past is past" o kaya naman e ayaw lang nyang talagang pag-usapan, pero pag ibang tao na ang topic, kaya nyang sabihin na, "Si (insert name of crush here), maganda sya/sexy sya/maporma/smart/masarap kausap/mapagkakatiwalaan/okay na kaibigan/etc. x 100"
  6. Pag ibang tao nag-text sa SS mo, todo sagot agad sya. Pero pag ikaw ang nag-text, hintay ka kung kelan nya feel sumagot (IF feel nyang sumagot). Otherwise, sorry na lang. Magpasa ka man ng load, deadma ka. Sino ka ba naman sa buhay nya di ba?

Ang resulta, sirang-sira ang buong linggo ni Kikay (at naiiyak sya habang nagta-type). Mas sira pa kesa dun sa linggong nakipag-away sya sa PLDT dahil 1 buwan na e hinde pa rin nakakabit telepono at internet sa opisina tapos malalaman nya na hinde rin pala nai-correct yung records kaya aabutin pa ng another 1 month para makabitan sya ng telepono at internet. Kaya eto, gusto na naman ni Kikay mantusok ng mata ng lahat ng mga lalaki at sakalin ng bonggang bongga lahat ng babae. E ikaw ba naman, sa listahan ng sampung importante sa puso ng SS mo, ilagay ka sa #100 katabi ng dagat ng basura, ano ang mararamdaman mo considering na dating kayo?

Oo, bitter-bitteran si Kikay.